Chapter 2 - What's up with this woman?

1864 Words
Altair’s POV LOUD music fills the air, and the lights sway to the rhythm of the crowd's wild dancing. “I need this,” bulong ko sa sarili.F*uck! Dad will be furious at me. I've been with that company for two weeks, and all I've done is party away to console myself. Pumikit ako ngunit ang mukha pa rin ni Cielo ang nakikita ko. I've been thinking about her constantly for the past few days. Dinampot ko ang isang bote ng alak at tinungga ang laman niyon. Habang umiinom ay naramdaman ko ang malambot na kamay ng babae sa tabi ko. Humaplos iyon buhat sa dibdib ko pababa sa aking binti. Then I felt her soft lips trailing kisses on my jaw. Agad akong nakaramdam ng iritasyon. I am not in the mood for this. I glance at the woman, whose name I can't even recall. “F*uck off!” malamig na sambit ko dahilan upang gulat na mapatingin sa akin ang mga kasama ko. Maging ang mga babaeng katabi nila ay takot na sinulyapan ako. “Whoa! Bro? Relax! You’re scaring her!” saway agad ni Miles sa akin. “Oo nga naman pare! Kaya nga tayo nandito sa bar para mag-relax!” segunda ni Ethan. “Hindi na nga dumating si Roy ngayon pagkatapos ay mainit din ang ulo mo. Mabuti na lang nandito si Miles.” I snarled at them. Sinulyapan ko ang babaeng katabi ko. Her bright red lips, fake blonde hair, and seductive outfit leave little room for the imagination. Mabilis kong inalis ang tingin sa kaniya. Di sinasadyang napatuon ang mga mata ko sa entrance ng bar. Awtomatikong napakunot ang noo ko nang makilala ang lalaking dumating at ang mga kasama nito. Adrian. That b*astard from the Accounting Department. “What’s your problem ba? Maybe I can do something about it,” untag sa akin ng babaeng katabi ko ngunit wala na ang atensyon ko sa kaniya. Kumuha siya ng sigarilyo at iniabot sa akin. Sa halip na tanggapin iyon ay tinalikuran ko siya. “I don’t smoke,” I said dismissively. I can see the disappointment on her face. Sinulyapan kong muli si Adrian at ang mga kasama nito. At sino na naman kaya ang babaeng kasama niya? Tss! I don't have any business dealing with them, though. I have a lot of problems, too. Una ay hindi ko alam kung paano ko patutunayan kay Dad na kaya ko nang humawak ng mga negosyo kung sa pipitsuging department niya ako inilagay. And then theres Cielo…D*amn! It has been over a year, but I am still hurting. Then a few days ago, I heard the news of her engagement with that sc*umbag... “Come on Altair, you’re so lame. Kanina ka pa hindi ka nagsasalita d’yan!” untag sa akin ni Miles. “May iniisip lang ako.” “Tss! Si Cielo na naman ba?” umiiling na tanong ni Ethan. Hindi ako umimik. Sa halip ay tumayo ako para magtungo sa comfort room at para na rin makaiwas sa babaeng katabi ko. Nadaanan ko sa pwesto nila si Adrian at ang mga kaibigan niya. Maingay ang ilan sa mga kasama niya tanda na marami na silang nainom. Napasulyap ako kay Adrian. He was at that table, making out with another woman. He doesn't seem to care if anyone sees him. Pinagmasdan ko ang babaeng kasama niya. I think I’ve seen her before… Wala sa loob na naikuyom ko ang kamao. Adrian reminds me of someone…Someone I despise the most. Pagbalik ko sa pwesto ay napataas ang kilay ko pagkakita kina Miles at Ethan. The two of them are engrossed in making out with the girls on their laps. Napailing ako. Mabuti na lang at hindi sumama si Roy ngayon. Ano na lang ang sasabihin niya sa mga kaibigan namin? Sinulyapan ko ang relo. It’s fifteen minutes to midnight. “Uuwi na ako. Maaga pa ako bukas sa…trabaho,” paalam ko sa kanila. Even just bringing this up makes me feel terrible about myself. I was meant to be the boss, but Dad ruined everything. Unlike Miles and Ethan, who are both CEOs of respective megacorporations, I became a regular employee whose attendance is monitored by the Human Resources Department. Walang pumansin sa akin kina Miles at Ethan kaya nagsumula na akong maglakad patungo sa exit ng bar. “Hey! Altair! Saan ka pupunta?” habol sa akin ng babaeng katabi ko kanina. Inis na nilingon ko siya. “Where do you think I’m going? Of course, I’m going home.” “Hindi mo ba ako isasama—” “No!” mabilis na putol ko sa sasabihin niya. “But—” Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na magprotesta. Mabilis ko siyang tinalikuran. The bar is overcrowded and rowdy. There's a bunch of individuals dancing and bouncing to the music; some are making out, while others are simply having fun. Nakahinga lang ako ng maluwag nang sa wakas ay marating ko ang labas ng bar. Inayos ko ang nagulong damit saka naglakad patungo sa aking sasakyan. “A-Adrian!” Malakas na sigaw ng babae dahilan para matigil ako sa paghakbang. The voice seemed familiar to me. Curiosity struck me. Pasimple akong sumilip sa pinagmulan niyon. Namataan ko ang babae at lalaki na nagtatalo. Agad kong nakilala si Jane. That n*aive colleague of mine. What is she doing here? She's not the type to be in this kind of place. Oh, I almost forgot…siya nga pala ang girlfriend ni Adrian. Did she come here to confront him? Sa wakas ba ay matatauhan na siya at malalaman na niyang niloloko siya ng magaling niyang kasintahan? “I know what you’re doing Jane! Nakakahiya!” singhal sa kaniya ni Adrian. Mukhang ito pa ang galit ngayon. “Pinuntahan mo ako dito kasi iniisip mo na naman may babae ako! So, ano? May nahuli ka ba? Wala ‘di ba? Sinabi ko naman sa ‘yo pulos ka-Department ko lang ang mga kasama ko!” Wala man lang sa kanilang nakapansin sa presensya ko. At sa puntong ito ay parang gusto kong sugurin si Adrian ng suntok. Kanina lang ay kitang-kita ko siyang may kahalikang babae. “I’m sorry, Adrian! H-Hindi ako nagpunta dito p-para makipagtalo sa ‘yo. H-Hindi ka kasi sumasagot sa mga tawag at messages ko. Nag-aalala lang naman ako,” mahinang sambit ni Jane. Puno ng takot at pakikiusap ang mga mata niya. Nanginginig pa ang kaniyang mga labi. Nakaramdam ako ng inis sa hitsura niya. I dislike these kinds of girls…so naive and ignorant! Hanggang kailan siya magpapaloko kay Adrian? Somehow, she reminds me of Cielo… “You know what, Jane? Tigilan na natin ito! Sawang-sawa na ako sa mga pagseselos mo. Sa mga pagdududa mo sa akin!!” “A-Anong ibig mong sabihin?” Jane's voice is filled with panic. She nearly choked as she spoke. “Jane, ayaw ko na. Mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo!” hamon ni Adrian. “A-Ano?! Adrian…a-ano bang sinasabi mo? Hindi…Hindi tayo maghihiwalay! Hindi kita pinagdududahan.” Pinagmasdan ko si Jane. Nagsimulang umagos ang kaniyang mga luha. “Hindi lang ang mga pagseselos mo ang problema ko, Jane. We’ve been together for a year. Tayo na lang palagi ang magkasama. Hindi ka ba nagsasawa?” Gulat na napatitig si Jane sa lalaki. “B-Bakit naman ako magsasawa? M-Mahal kita k-kaya siyempre…ikaw ang gusto kong kasama. B-Bakit? Ayaw mo na ba akong makasama para magsawa ka?” “Paano kung sabihin ko sa ‘yong oo?! Oo, nagsasawa na ako!” I saw Jane's innocent eyes fill with pain. What she did next caught me off guard. Niyakap niya ng mahigpit si Adrian habang nakikiusap. “Adrian! Please! Naguguluhan ka lang. Bawiin mo ang sinabi mo. Hindi tayo maghihiwalay. I’m sorry, okay? Sorry kung nagpunta ako dito…p-promise hindi na kita—” “Jane! Hindi mo naiintindihan. Wala na! Ayaw ko na!” Pilit na inalis ni Adrian ang pagkakayakap ni Jane sa kaniya. What I was seeing in front of me was irritating. Jane clung desperately to him, while he eagerly wanted to be free of her grip. Nanlaki ang mga mata ko nang buong pwersang itinulak ni Adrian si Jane at halos mawalang ito ng balanse. “Jane ano ba?! Sinabi ko nang ayaw ko na eh! Ano bang hindi mo maintindihan d’on?” singhal nito saka mabilis na tumalikod. Noon ako nagdesisyon na lumapit at magpakita sa kanila sa takot na baka mauwi sa pisikalan ang pag-uusap nila. Napansin ko ang pagkagulat ni Adrian nang makita ako gayunpaman ay hindi siya nagsalita. Sino nga ba ako sa paningin niya? I am a new employee, while he is the company's brilliant accountant. Narinig ko pang malapit na siyang ma-promote. Nilampasan niya lang ako habang nakasunod pa rin sa kaniya si Jane. Akmang lalampasan din ako ni Jane kaya mahigpit ko siyang hinawakan sa braso at pinigil. Gulat na sinulyapan niya ako. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa akin nang makilala ako. Of course, she will be shocked. Ni hindi ko siya kinakausap kahit sa iisang Department kami naka-assign. “B-Bakit—A-Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin sabay sulyap sa braso niyang mahigpit kong hawak. Sinubukan niya iyong hilahin pero hindi ko siya pinakawalan. Muli niyang itinuon ang mga mata kay Adrian na tuloy pa rin sa paglalakad at ni hindi man lang siya nilingon. “Adrian! Adrian wait! Mag-usap tayo!” tawag niya sa lalaki ngunit diretso na itong naglakad patungo sa sasakyan nito. “Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!” inis na niyang baling sa akin. Napansin kong basa na ng luha ang pisngi niya. “What an eyesore,” bulong ko. “A-Anong sabi mo?” “Oh, please, just stop pleading with that jerk!” Hindi ko naitago ang iritasyon sa boses. To be honest, I'm not sure why I am doing this. I don't give a damn about this woman. Ni hindi ko siya napapansin sa opisina. Labis lang nakakairita ang nakikita kong pagmamakaawa niya sa manloloko niyang kasintahan. “Bakit ka ba nakikialam?” mahina ngunit halata ang inis na tanong niya. Mas lalong nangilid ang luha niya nang may humarurot na sasakyan papalayo at nang sulyapan iyon ay nakita niyang lulan niyon si Adrian. Binitiwan ko siya at tila nanghihinang napaupo siya. Nakatungo siya at natatakluban ng magulo niyang buhok ang mukha niya. How pathetic! I could hear her sobbing, which made me uncomfortable and annoyed. “Why? Do you enjoy his d**k so much that you'll beg him?” Galit na tiningnan niya ako. Tumayo siya at tumaas ang kanang kamay niya para sampalin ako ngunit mabilis ko iyong nasalo. Lalong bumalong ang luha niya marahil dahil sa inis. It left me feeling guilty. “Fine! I'll help you. Would you like me to teach him a lesson? She stared at me as if I were the most strange man she'd ever seen. I myself do not understand what I am saying. What's up with this woman? Bakit gusto ko siyang tulongan ngayon? Perhaps Adrian irritated me so much that I wanted him to suffer the consequences of his own actions.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD