PANAY ang sulyap ko kay Altair na noon ay abala sa laptop niya at hindi ako napapansin. Over the past few days, he has been acting strangely. His mood was clearly off. Isang linggo na buhat noong bumisita si Mr. Silang dito at naging maayos naman ang lahat. Kaya sigurado akong may iba siyang problema.
“Okay ka lang ba?” Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na siya.
“Huh?” gulat na tanong niya. Pinagmasdan ko siya sa malapitan. It seems like he was worn out and sleep-deprived. "Yeah, I’m fine. Why? Is there anything else you need for the community project?” His tone was really formal, and I find that bothersome.
“Wala naman. Lunch time na. Sabay na tayong kumain sa canteen?” lakas-loob na aya ko sa kaniya. Batid kong nag-aapoy ang tingin sa akin ni Nina pero ipinagwalang-bahala ko na lang iyon. Saka ko na lang poproblemahin ang sasabihin nila sa akin.
“Mauna ka na, Jane. Hindi pa ako nagugutom,” tanggi niya. Alam kong itinataboy lang niya ako. Humila ako ng upuan at naupo malapit sa kaniya. Maging si Ayeesha ay nagtatakang napatingin sa akin.
“Jane? Lunch?” aya niya sa akin.
“M-Mauna ka na, Yeesha. Hintayin ko lang si Altair.”
Nanunuway ang tinging ipinukol niya sa akin pero sa huli ay tumango siya. Nang makalabas na ng opisina ang mga kasamahan namin ay saka ako binalingan ni Altair.
“Jane, hindi pa ako kakain ng lunch—”
“Alam kong may problema ka,” putol ko sa sasabihin niya. He stared at me with a serious expression. “Ano ba ‘yon? Gusto din kitang tulongan.”
Napabuntong-hininga siya. He stared at nothing, as if his thoughts had slipped away. Akala ko ay hindi na siya magsasalita.
“Altair—”
“It’s about someone…important.”
Natigilan ako sa narinig. Someone important? Kunot-noong tinitigan ko siya. Once again, his expression was unbearably sad. Katulad noong nasa bar kami at umiinom. Hindi kaya…?
The idea that popped into my head made me gasp. I hadn't considered it. I hadn't thought of it…
I-Is he inlove with someone else?
Parang bumigat ang pakiramdam ko sa naisip. Gayunpaman ay pinilit kong ngumiti. Wala naman siyang nababanggit sa akin tungkol sa babae. Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan.
“Sinong—”
“Her name is Cielo. She’s getting married next month.” I could hear the sadness in his voice. I was taken aback. Hindi ako nakaimik agad.
So, b-babae nga ang problema niya?
Maybe it's the sorrow in his eyes or something else, but I can feel my heart breaking too.
“M-Mahal mo pa siya?” Nagawa kong itanong kahit pa nga kaylakas ng kalabog ng dibdib ko at tila lalong nanunuyo ang lalamunan ko. Kahit pa nga alam ko na ang sagot sa tanong na iyon.
“Yeah…I still have feelings for her.” Malungkot siyang ngumiti. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga palad. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.
This man. I'm not sure how to feel about him anymore. I want to be grateful to him for his help, but I also want to regret getting involved with him. I'm beginning to feel like a fool. How did I allow this to happen to me? His healing of my wounds simply served to inflict new ones.
Muli ko siyang pinagmasdan. He appeared to be in complete control of his life. Who would have thought that a woman would break this man's heart?
“I know what you’re thinking. You’re right! Magaling lang akong magpayo pero hindi ko magawa sa sarili ko. Hindi din ako maka-move on kay Cielo. I find it difficult.”
Alam kong mali pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inggit. Napakawerte naman ng Cielo na ‘yon! Minahal siya ng isang tulad ni Altair. Pero bakit? Bakit magpapakasal siya sa iba? Mabilis akong tumungo sa takot na mabasa ni Altair sa mga mata ko tunay kong nararamdaman sa ngayon.
Ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya?
“Altair, alam ko ang nararamdaman mo, p-pero alam kong sa tamang panahon ay matututunan—"
“Tss! Sa tamang panahon?” bulong niya na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.
“Oo. Wala naman tayong magagawa kundi maghintay hanggang sa mawala na ang sakit. Ikakasal na—"
“I won't allow her, Jane. I'll do everything I can to stop her.”
Gulat na sinulyapan ko siya. Tama ba ang narinig ko? Hindi ba at siya ang nagsabi sa akin na huwag magmakaawa kay Adrian? Na huwag ipilit ang sarili sa taong ayaw na sa ‘yo!
“Altair, n-naririnig mo ba ang sarili mo? You told me not to beg someone who no longer loves me.”
Altair stared at me. He seemed perplexed and hesitant to say more.
“Iba ang sitwasyon namin, Jane. We did not break up because we no longer loved each other. Alam kong mahal pa niya ako! It's just that…nabuntis siya ng ibang lalaki.”
Napanganga ako sa narinig. I stared at him for a few seconds, unable to process what he had just told me.
Kung ganoon, m-mahal pa nila ang isa’t-isa? Makailang beses akong napalunok bago magsalita.
“Mahal mo pa nga siya. A-Anong plano mo? Handa ka bang panagutan siya at ang…ang magiging anak niya?”
“Jane, isang taon na ‘yong bata.”
“Isang taon na?” bulalas ko.
Ano ba ang dapat kong isipin? Mukhang mahal na mahal nga niya ang Cielo na ‘yon. Sa loob ng isang taon, hindi man lang nawala ang pagmamahal niya dito. At hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na magkakaayos sila. Kaya pala…kaya pala may mga pagkakataong nakikita ko siyang malungkot. Hanggang ngayon ay handa pa rin niyang ipaglaban ang babae.
Mukhang wala akong panama kung sino man ang Cielo na ‘yon!
Teka, ano bang iniisip ko? When did I start hoping for Altair's affection? Nakakahiya!
He has no idea what's going through my head and heart right now. Ano ba itong pinasok ko?
Sinulyapan ko si Altair na noon ay nagtatakang pinagmamasdan ako. “I’m sorry. Does what I said bother you?” tanong niya. Napansin niya yata ang naging reaksyon ko.
“Hindi! Hindi naman!” mabilis na tanggi ko. “H-Hindi lang ako makapaniwala sa sitwasyon mo ngayon.” Wala sa sariling inayos ko ang buhok at damit saka pilit na ngumiti sa kaniya. Ayaw kong isipin niya na masyado akong apektado.
Biglang tumunog ang cellphone na hawak ko. Nakilala ko agad ang unregistered number na tumatawag sa akin. Alam ko nang si Adrian iyon. I tapped the button to end the call. Nang tingnan ko si Altair ay nakataas ang kilay niya habang nakamasid sa akin.
“Sino ‘yon?” curious na tanong niya.
Nakagat ko ang labi. “Ah…s-si Adrian.”
“Ah! So, he’s chasing you now,” nangingiti niyang sabi.
“Oo, nagkausap na kami.” Paano ko ba sasabihin sa kaniya na hindi na ako interesadong makipagbalikan kay Adrian?
“Anong sabi niya? Jane, he will do and say anything to get you to give him another chance. Don't believe anything he—”
“Sinabi ko sa kaniya na hindi pa ako handang harapin siya. Sa totoo lang, wala na akong pakialam kung magkakabalikan pa kami o hindi,” sambit ko habang nakatitig sa kaniya. Halata ang pagkagulat niya. Kasunod niyon ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
“What happened? I thought you loved him so much.”
Akala ko rin…
"Siguro dahil naka-move on na ako.” Tiningnan ko ang magiging reaction niya. Malawak siyang ngumiti. Para bang ang saya niya sa sinabi ko.
“I'm glad to hear that. Noong nangako akong tutulongan ka kay Adrian, I was hoping that this would be the result.”
“Ano? Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi ko talaga gustong magkabalikan kayo, Jane. I was hoping you'd realize he didn't deserve you…na hindi mo na gugustuhin pang balikan pa ang Adrian na ‘yon.”
Maang na napatitig ako sa kaniya. I know it's wrong, and what he said probably means nothing to him, but I can't help but wish it meant something more. However, the next words he said completely shattered my hopes...
"I wish Cielo was like you. If only I could talk some sense into her. She'll realize she doesn't deserve to be with that j*erk."