Altair’s POV
KANINA pa ako nakatitig sa karamihan ng tao sa bar ngunit ang isip ko ay wala sa kanila. My thoughts kept returning to the same woman, who I'm sure isn't even thinking about me anymore. Nothing, not even the blaring music, could calm my anxious mind.
“Come on man! Tama na ‘yan! Kalimutan mo na lang kasi!” ani Miles sa tabi ko. Alam nila…bukas na libro sa kanila ang sitwasyon ko ngayon.
I am the most miserable of us all. My career did not go in the direction I expected. Most of all, I can't stop the pain in my heart...
“It’s easy for you to say,” sambit ko saka dinampot ang bote ng alak at ininom ang laman niyon.
One month. A month from now, she will be married..
“Alam naman namin na mahirap ang pinagdadaanan mo, but be reasonable! The woman broke up with you. He doesn't even want to be with you now,” segunda ni Ethan. He got a murderous glare from me.
“Whoa! Bro! Sinasabi ko lang ang totoo!” mabilis na depensa niya sa sarili.
“Matalino si Cielo. Kapag nalaman niya ang pinaggagawa ni Harry, sigurado akong matatauhan siya!”
Makahulogang nagkatinginan sila Ethan, Miles at Roy. I am aware that their opinions differed from mine.
“Altair, alam mo naman na kumplikado ang sitwasyon n’yo ni Cielo. Hindi ka na puwedeng makialam sa kaniya! Lalabas lang na ikaw ang masama. Una masyado nang maraming maaapektuhan kapag ipinilit mo ang sarili mo sa kaniya. Ikalawa, nakapili na siya. Matagal na siyang nakapili,” kalmado ngunit may diing sabi ni Roy. Sa aming apat ay siya ang pinaka-kalmado.
“Altair, tama si Roy. Dami namang iba d’yan! Don’t get me wrong, I think Cielo is amazing kaso…wala eh! Hindi na siya puwede!” dagdag ni Miles.
Napabuga ako ng hangin. Sa totoo lang ay hindi nila ako kailangang paulit-ulit na pagsabihan. Alam kong wala na akong lugar sa buhay ni Cielo, ngunit hindi ako makapapayag na mapunta lang siya sa walang kwentang lalaki na ‘yon! Sa lalaki na minsan man ay hindi ko nakitaan ng pagmamahal sa kaniya…
“Oh! F*uck Bro!” malakas na napamura si Ethan habang nakatingin sa entrance ng bar. Nilingon ko ang tinitingnan niya at agad akong natigilan pagkakita sa grupo na dumating. Marami sila ngunit ang mga mata ko ay natuon lang sa isa sa kanila. Hindi ako maaaring magkamali. Despite wearing a denim jacket and a cap, I knew it was him. The man I despise the most. Harry. Naikuyom ko ang kamao. His name alone was enough to make my blood boil! Pinanuod ko siya at ang mga kasamahan niya habang naglalakad patungo sa puwesto sa isang sulok ng bar.
What the f*ck is he doing here at this time? At sino ang babaeng kaakbay niya? Paano si Cielo?
“Altair!” may bahid ng pagbabanta ang boses ni Roy. Batid kong nakita na rin nila ang pagdating ni Harry at alam nila sa mga oras na ito ang nais kong gawin. Tumayo ako para magtungo sa pwesto nito.
“Whoa! Altair! Huwag bro! Huwag ngayon!” pigil din sa akin ni Miles. Maging si Ethan ay tumayo na rin para pigilin ako.
Alam nila kung gaano kalaki ang galit ko kay Harry. Marahil dahil sa epekto ng alak kaya hindi ko pinakinggan ang pagpigil sa akin ng aking mga kaibigan. I am just thinking about one thing right now.
Nagtungo ako sa pwesto ni Harry at ng mga kaibigan niya. Then I caught him in the act. He was at that table, making out with another woman.
Siya? Siya ang lalaking nais pakasalan ni Cielo? I won't let her!
F*uck! I love Cielo! She's the only woman I've ever loved! And I still love her despite everything.
Hindi ko na alam kung gaano ko katagal na pinagmamasdan si Harry habang abala sa pakikipaghalikan sa babaeng kasama niya.
“Bro!” tawag sa akin nila Ethan na sumunod pala sa akin. Noon ako napansin ni Harry. Sa halip na mapahiya ay malawak siyang ngumiti sa akin. It was a fake smile. I know how much he hates me. We have been rivals in everything since high school. I'm not sure why, but he wanted everything that's mine. I never lost against him once—not until Cielo.
“Oh? Bro, nandito rin pala kayo,” nakangisi niyang bati sa amin. Binitiwan niya ang babae at walang anuman na inayos ang nagulong damit. Sinulyapan ko ang mga kasama niya sa table. They are all his j*erk friends.
“Who is she?” seryosong tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko ang babaeng kasama niya na noon ay malawak din ang ngiti sa akin.
“Bro, umuwi na lang—” akmang sasawayin ako ni Miles ngunit naagaw ang atensyon ko sa naging sagot ni Harry.
“Siya? Ahh, meet Aliah. Kaibigan ko,” balewalang pakilala niya sa babae na kanina lang ay maalab niyang kahalikan. Sumandal siya sa upuan. He looked at me with a malicious glint in his eye. Hindi ko naman itinago ang galit sa mga mata.
“You’re getting married yet you’re here making out with this wh*re?!”
Narinig ko ang pagsinghap ng babae at ang tawanan ng mga kasama niya sa mesa. Tumayo si Harry at nilapitan ako. Ramdam ko ang pagtaas ng tensyon sa paligid namin.
“So, you heard the news, huh? Tama ka! Magpapakasal na kami ni Cielo! Nang ex-girlfriend mo! In fact, she was so excited that she cannot return your calls since she is busy with our wedding preparations,” nakakaloko niyang sabi. I tried to look unconcerned, even though my heart is breaking.
Harry smirked at me. “So what if I'm here making out with Aliah? What are you going to do about it?” maangas na tanong niya. Mayabang siya dahil alam niyang wala akong magagawa. Cielo already made her decision a year ago. She chose him.
“Come on Altair! So what if I’m cheating on her? Hindi ba dapat ay matuwa ka pa nga? I'm making her suffer the same pain you've had before. She cheated on you, remember?”
I can feel wrath rising within me. All I wanted to do was crush this man in front of me.
“What am I gonna do about it huh?” Mapait akong ngumiti. Puno naman ng pang-uuyam ang ngiting isinukli niya sa akin.
He was about to say something more insulting to me, but before he could, I landed a blow on his jaw. Patalikod siyang bumagsak sa mesa nila dahilan para mapatili ang babaeng kasama niya. Tumilapon halos lahat ng nakapatong sa table nila. Pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid. Nang sulyapan ko si Harry ay nakita ko ang dugo sa ilong at gilid ng labi niya. Malinaw na hindi niya inaasahang susuntukin ko siya. Akmang susugurin ko pa siya ngunit mabilis akong napigilan nila Miles at Ethan. Nagsitayuan na rin ang mga kaibigan ni Harry para sugurin kami ngunit higit na mabilis ang mga bouncer at security ng bar. Agad pumagitna ang mga ito sa amin. Binalingan nila ako at alam ko na ang nais nilang gawin.
“You don't have to kick me out. I'll leave now,” kalmadong sabi ko sa kanila. Hinila ko ang braso buhat sa pagkakahawak nila Ethan, Miles at Roy saka naglakad papalabas ng bar. Naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin.
“Hanggang ngayon ba naman, pare, sobrang apektado ka pa rin sa kanila ni Cielo?!” tanong ni Miles. Naihilamos niya ang kamay sa mukha. “Pare lampas isang taon na ‘yon! Lumalakad na nga ‘yong bata—” natigilan si Miles sa pagsasalita matapos makita ang nakamamatay kong tingin sa kaniya.
Aside from them, no one knows how much I am still hurting because of Cielo. Walang alam maging ang pamilya ko. They don’t even know I had a relationship with Cielo. I was so ready to introduce her to my family…but sh*it happened. Harry got her pregnant.
Sinulyapan ko ang relo. It was twenty minutes after midnight already, pero pakiramdam ko ay gising na gising pa ang aking diwa. Kulang pa ang ginawa ko kay Harry. Naramdaman ko ang pagtapik ni Roy sa balikat ko.
“The night was ruined. I guess banned na rin tayo sa bar na ‘yon,” natatawa niyang sabi. “Umuwi na lang tayo. But seeing Harry's face covered in blood was incredibly satisfying. Good job, bro!”
Narinig ko ang pagsang-ayon nila Miles at Ethan sa kaniya at nagtawanan sila.
“Sa susunod hindi ka na namin sasamahan kapag nagsimula ka ulit ng away!” umiiling na sabi ni Miles bagamat bakas ang kasiyahan sa mukha niya. “Magrereklamo kaya ‘yon si Harry sa pulis?”
Ethan scoffs. “I don’t think so. Hindi marunong lumaban ng patas ang isang ‘yon!”
Matapos ang saglit na kuwentuhan ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Nagtungo na rin ako sa sasakyan ko. Nahilot ko ang sintido. Hindi man lang nabawasan ni katiting ang sakit na nararamdaman ko. Bakit ba hindi makita ni Cielo ang totoong kulay ni Harry? Why wouldn't she leave him? I don't get it. If only I could convince her to leave that man. I wish I could help her see her worth, just as I did for Jane.