“Nay?! Anong ibig mong sabihin na hindi ka sinamahan ni Tiya Minda?” halos maiyak ako sa inis pagkarinig sa sinabi ni Nanay sa kabilang linya. Gabi na at magkakasama kami nila Diane at Ayeesha na kumakain. Payday kaya naisipan naming kumain sa labas. Naisipan ko lang tawagan si Nanay para kumustahin siya.
“Eh, ewan ko sa tiya mo. Naroon at…at abala na naman kina Pandong. Panay na naman ang sugal,” sabi ni Nanay. Narinig ko ang pag-ubo niya at mas lalo akong nabalot ng pag-aalala.
“Magkano po ang perang binigay ni Tiya Minda sa ‘yo?” tanong ko.
Sana lang ay mali ako ng hinala.
“Limang daan.”
“Ho?! Limang daan?” napalakas na tanong ko. Maging ang mga kumakain sa kabilang table ay napatingin sa akin. Naramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata dahil sa inis kay Tiya Minda. “Nay…five thousand ang ipinadala ko kay Tiya.”
Tuloyan nang bumagsak ang mga luha ko at nawalan na rin ako ng ganang kumain. Buong akala ko pa naman ay naipa-check up na siya ni Tiya. Balak ko pang dagdagan ang pera na ipinadala ko sakali mang kulang iyon para sa gamot niya.
“Ay g-ganoon ba anak? Five hundred lang ang hawak ko ngayon. Huwag ka mag-alala at siya naman ang bumibili ng mga pagkain dito sa bahay. Baka naman doon napun—”
“Tama lang na bumili siya dahil nakikitira lang siya sa atin d’yan! Baka pera ko pa ‘yong ipinangsusugal niya!” gigil na sabi ko.
“Jane! Ano ba ‘yang lumalabas sa bibig mo? Hindi kita pinalaki ng ganiyan. Tiya mo pa rin si Minda. At saka siya naman ang nakakasama ko dito palagi.”
Mariin akong napapikit. Kung sa kabaitan lang ay labis-labis ang bait ni Nanay. Kaya naman kahit sinasamantala na siya ni Tiya Minda ay wala pa rin siyang ginagawa.
“Huwag kang mag-alala, anak. Magaling na ako! Noong minsan lang sumabay ang sakit ng katawan ko kaya napadaing na ako sa ‘yo. Pero ngayon naman ay maayos na ulit ako. Nakakapaglaba pa nga ako.”
“Nay sinabi ko naman sa ‘yo na hindi mo na kailangang gawin ‘yan eh!” Habang nagsasalita ay panay ang agos ng luha ko. Maging sila Ayeesha at Diane ay naalarma na pagkakitang umiiyak ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano solusyonan ang sitwasyon namin ni Nanay. Makailang beses ko na siyang hinikayat na sumama sa akin pero siya ang may ayaw. Hindi ko naman siya palaging mabisita dahil may kalayuan ang probinsya namin at mahal ang plane ticket.
“Ayos lang naman ako ‘nak. Oh siya! Huwag ka nang mag-alala sa akin. Mai-stress ka lang!”
“Nay naman!” Wala akong maisip na sabihin sa kaniya. Pinunas ko ang luha. “Kakausapin ko si Tiya Minda. And’yan ba siya?”
“Naku huwag na! Mag-aaway na naman kayo eh! Ako lang ang mamomroblema sa inyo!” pigil sa akin ni Nanay.
Wala na rin akong nagawa nang magpaalam siya. Napahilot na lang ako sa ulo.
“Ano? Si Minda bruhilda na naman ba? Ano na namang ginawa kay mother?” tanong sa akin ni Ayeesha.
“Tss! Hindi ko na alam anong gagawin ko kay Nanay eh!” reklamo ko imbes na sagutin ang tanong nila. “Sobra kasing bait eh! Kahit niloloko na eh sige pa rin siya sa pakikisama kay Tiya Minda.”
Makahulogang nagkatinginan sila Ayeesha at Diane. “Ganoon ka din naman ah!” si Diane ang nagsalita. Napasimangot ako sa kaniya habang si Ayeesha naman ay natawa. Hindi ko din naman sila magawang salungatin. Malakas pa rin ang paniniwala nila na may relasyon si Adrian at Maam Amor.
“Mabuti pa ay iwasan mo muna ma-stress, Jane. Nandito tayo para mag-relax kahit papaano. Tapos pulos problema ang iniisip mo!” payo ni Ayeesha.
Nagkuwentuhan kaming tatlo habang kumakain. Mabuti na lang at kasama ko silang dalawa sa trabaho. Kung wala siguro sila sa buhay ko ay hindi ko na alam kung kanino pa maglalabas ng mga problema. Matapos kumain ay nagpaalam na si Ayeesha sa amin. Kami naman ni Diane ay magkasabay nang umuwi sa apartment. Pareho kaming natigilan pagkakita kay Adrian na nakatayo sa tapat ng unit namin at naghihintay sa pagdating namin.
“Jane?” sambit niya habang nakamasid sa akin. “Mag-usap tayo, please?”
“Bakit ba? Ano bang kailangan mo?” tanong ko. Naalala ko na naman ang mga sinabi niya kanina sa meeting namin. Pilit kong pinigil ang pagtaas ng boses para hindi ako makakuha ng atensyon sa mga kapitbahay namin.
“Bakit ni ayaw mo na akong kausapin? Bakit? Dahil ba sa Altair na ‘yon? Boyfriend mo na ba siya?”
Nagpanting ang tainga ko sa mga tanong niya. Inis na pinagmasdan ko siya. Every last bit of my admiration for him had faded.
“Hindi ko alam kung anong sinasabi mo—”
“Paanong hindi? Kitang-kita ko sa mga mata mo Jane sa tuwing tinitingnan mo ang lalaking ‘yon! Naka-move on ka na agad?” aniya na para bang hindi nito matanggap na nakausad na ako.
“Eh ano bang ikinagagalit mo kung naka-move on na nga ako? Hindi ba dapat matuwa ka? Humiling ka ng hiwalayan. Ibinigay ko lang ang gusto mo.”
Hindi siya nakapagsalita. Bigla ay nawala ang inis sa mga mata niya at napalitan iyon ng pagsisisi.
“J-Jane, please…mali ako noong makipaghiwalay ako sa ‘yo.” Sa isang iglap ay puno ng pakikiusap ang mga mata niya. Pinagmasdan ko siya. Hindi ko na maunawaan ang samut-saring emosyon na nagtatalo sa pusot isip ko ngayon. “Please naman oh? Huwag mong itapon ang pinagsamahan natin. Huwag mo akong ipagpalit sa lalaking ‘yon,” dagdag pa ni Adrian. Akmang aabutin niya ang kamay ko pero mabilis akong umiwas. He was surprised to see my reaction.
“Bakit? Asan na ang babae mo? Nalimutan mo na bang ikaw ang nakipaghiwalay? Ibinigay ko lang ang gusto mo!”
“I lied, okay? Wala akong babae!”
Gulat na napatitig ako sa kaniya. I looked directly into his eyes, hoping to find the truth there. Totoo ba? Wala siyang ibang babae? Pero bakit sinabi niya sa akin na gusto na niyang makipaghiwalay dahil may mahal na siyang iba?
“Saka na tayo mag-usap, Adrian. P-Pagod ako at madami pa akong problema.”
“But Jane—” akmang pipigilan niya ako pero hindi na nakatiis si Diane at agad na humarang sa kaniya.
“Narinig mo naman, Adrian. Pagod si Jane. Bumabiyahe pa ‘yan sa isla dahil sa project nila ngayon. Sige na…h-hayaan mo na siyang makapahinga.” Higit na mahinahon ang boses ni Diane. Napabuga na lang si Adrian ng hangin.
“Jane, kapag handa ka na…p-pag-usapan natin ito ng mahinahon,” baling niya sa akin.
Hindi ako sumagot. Bagkus ay pumasok na ako sa loob ng apartment namin. Ni hindi ko alam kung kaya ko pang makipag-usap sa kaniya ng mahinahon.
HINDI ako nakatulog ng maayos. My heart and mind are in turmoil. Strangely, I pretended that Adrian was the one who drained my energy, when in reality, it was someone else. It was Altair. Ito ang gumugulo sa puso ko. And I am completely ashamed of myself.
Mali ito! Maling mali! Hindi dapat ako nahulog kay Altair. Alam ko simula pa lang na wala siyang pagtingin sa akin…
Naihilamos ko ang kamay sa mukha.
“Hoy, Jane! Kanina ka pa nakatulala! Bilisan mo kung ayaw mong ma-late tayo! Darating pa naman ‘yong investors na sinasabi ni VP RA ‘di ba? Wala si Miss Annie at si Altair ang mapapagalitan kapag pahuli-huli ka! Sige ka, magagalit sa ‘yo ‘yon!” sita sa akin ni Diane.
Sa narinig ay agad akong napatuwid ng upo. Oo nga pala at wala si Miss Annie ngayon. At ngayon bibisita sa kompanya iyong si Mr. Silang, ang Pilipinong investor na nililigawan ng kompanya. Mabilis kong inubos ang tinapay at kape saka nagmamadaling pumasok sa banyo para maligo.
PAGDATING sa opisina ay ramdam ko ang tensyon sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang dahilan sa biglaang pagbisita ni Mr. Silang sa kompanya. According to our operations manager and VP RA, we need to impress him. That much is clear to me.
"I have spoken with the canteen personnel, and the breakfast is ready,” naulinigan kong sabi ni Nina kay Altair. She was looking especially charming today. Nina and Nancy may be rude, but in this situation, they knew how to act professionally and do their jobs.
“Thank you, Nina,” sagot ni Altair. He is also dressed exceptionally well today. “By the way, ipinatawag ako ni VP RA sa taas. Kayo lang ang sasalubong kay Mr. Silang at sa mga kasama niya.”
“Don’t worry, sanay na kami,” nakangiting sagot ni Nina.
Bandang alas otso y media nang tumawag ang receptionist at ipaalam na paparating na ang mga bisita. Nagmamadali kaming nagtungo sa lobby. Pumarada sa tapat ng entrance ang itim at magarang sasakyan. Bumaba ang driver niyon at binuksan ang pinto sa backseat. Unang bumaba ang lalaki na sa tantiya ko ay nasa mahigit animnapu na ang edad. Matangkad ito at matikas ang pangangatawan. His eyes darted all over the lobby as if he were going to find something to complain about.
“Siya Mr. Silang,” bulong ni Nina kay Nancy. Agad namang tumango si Nancy at inayos ang suot na damit. Malawak ang ngiti nila. Handang-handang salubongin ang matandang negosyante.
Itinuon kong muli ang atensyon kina Mr. Silang at sa mga staff at security na kasama niya. Napatulala ako sa babaeng kasunod niyang bumaba sa sasakyan. She has long brown curly hair. She's wearing a maxi dress and holding an extravagant bag. She is obviously not dressed appropriately for this place.
“Who is she?” tanong ni Nancy kay Nina. Hindi na nagawa ni Nina sumagot dahil nakalapit na ang dalawa sa pwesto namin.
“Welcome, Mr. Silang!” masayang bati namin sa kanila.
“Hmn. I thought M&F Semicon was only a small manufacturing company; I can say that I was wrong,” magiliw na sambit ni Mr. Silang. He seemed friendly. Habang ang katabi niyang babae ay halatang wala sa mood. Itinaas niya ang sunglasses na suot.
“Daddy, sabi ko naman sa ‘yo ayaw ko sumama dito eh!” nakangusong reklamo niya. So, anak siya ni Mr. Silang? I can tell she's young—about two or three years younger than me.
“Althea! Kailangan mo nang matuto sa negosyo. Walang ibang magmamana ng mga negosyo ko kundi ikaw lang.”
Batid kong nais pang sumagot ng babae pero pinigil ang sarili. Sa halip ay nakasimangot na tiningnan niya kami. Halatang naiinip siya at walang interes sa lakad nilang ito. Kinuha niya ang cellphone at doon na lang itinuon ang atensyon.
“Hello, Mr. Silang. They're waiting for you in the executive meeting room. Let me escort you there,” ani Nina at imunustra ang hagdan patungo sa ikatlong palapag ng gusali.
“Thank you,” sagot ni Mr. Silang. Sinulyapan niya kami pagkatapos ay isa-isa kaming pinagmasdan.
Akmang tatalikod na siya nang muli niya akong lingunin. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Sa naging reaksyon niya ay di ko maiwasan ang kabahan.
“What is your name, hija?”
Batid kong nagulat lahat ng kaharap namin. Maging iyong si Althea ay naalis ang atensyon sa cellphone at sinulyapan ako.
“J-Jane po.” Nanginginig ang boses ko.
Hindi nagsalita si Mr. Silang. Tumango-tango lang siya pero hindi nawala ang kunot ng noo niya. May nagawa ba akong mali?
Hindi na siya nagkomento. Naglakad na ito patungo sa hagdan. Bahagyang nagpaiwan si Althea sa ama at bago ito sumunod dito ay binalingan niya ako.
"Hey you! Stop flirting with my Dad. Hindi magandang magalit ang mommy ko,” may pagbabanta sa boses niya.
I was taken aback. Sila Nancy at Nina naman ay mahinang natawa.
I felt offended. Saan naman nakuha ng Althea na ito ang ideya na nag-flirt ako sa ama niya? She was so childish! Pero ano ba ang magagawa ko sa isang tulad niya? Naiiling na bumalik na lang ako sa opisina. Mabuti na lang at hindi na ako kasama sa inutusan ni Altair na mag-assist sa kanila dahil alam niyang mas abala ako sa community project namin.