Chapter 15 - While his gaze teases, my heart aches

2549 Words
TINABIHAN ako ni Diane sa sofa. Puno ng pag-aalinlangan ang mga mata niya habang nakamasid sa akin. “Ahm..J-Jane, ang totoo ay kinausap ako ni Adrian. Hanggang kanina tinatanong niya sa akin kung nasaan ka.” Gulat na tinitigan ko siya. “Bakit daw? Anong kailangan niya?” “Gusto ka daw niyang makausap. Umiiwas na nga rin ako sa kaniya ako ang palagi niyang kinukulit! A-Ano kaya kung kausapin mo na s’ya? ‘Yon lang naman ang hinihiling niya eh.” “Diane, niloko niya ako!” madiin ang pagkakasabi ko. Hindi ko nagugustuhan ang ideya ng pakikipag-usap kay Adrian. “Siya na rin ang nagsabi na may mahal na siyang iba. Bakit kailangan pa naming mag-usap?” Diane stared at me hesitantly. She chewed her lip, as if she was hesitant about what she was going to say. “J-Jane, ayaw mo na ba kay Adrian? Paano kung gusto niyang ayusin at magkabalikan kayo?” Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko inaasahan ang tanong niya at hindi ko rin napag-iisipan pa ang sagot doon. Ano nga ba ang gusto kong mangyari ngayon? These are the questions I’ve been trying to avoid. “Diane…hindi ko alam. Basta ayaw ko munang makausap si Adrian. Hindi pa ako handa. Nagugulohan ako.” “Bakit ka ba nagugulohan? May iba bang nagpapagulo ng isip mo?” Makahulogan ang tinging ipinukol niya sa akin. Hindi ko magawang tumanggi. Para bang kahit wala akong sabihin ay nahuhulaan niya ang laman ng isip ko. Hanggang sa ako na ang nagbawi ng tingin. “Jane, mahirap ‘yan! Kagagaling mo lang sa hiwalayan! Tapos ayan ka na nama—” “Diane, please?” pakiusap ko sa kaniya. I would rather not deal with my emotions right now. I'm too exhausted and scared. “Okay, fine! Pero ayusin mo ‘yan Jane. I am warning you. Hindi ko nagugustuhan ang sitwasyon mo ngayon.” Pagkasabi niyon ay tumayo na siya at nagtungo sa kaniyang kwarto. Pakiramdam ko ay mas lalo akong napagod. Nalilito na talaga ako sa sitwasyon ko. KINABUKASAN ay maaga ako sa opisina. Ngayon ang meeting namin sa napili naming supplier ng panels at iba pang gagamitin sa project. May nakausap na rin kaming contractor na mag-i-install niyon pero hindi kasama ang materyales sa naging usapan namin. Hanggat maaari ay gusto naming makatipid sa project. Alas otso pa lang at kadarating pa lang ng mga kasamahan ko sa opisina nang kunin ni Miss Annie ang atensyon naming lahat. “Morning! Can I get everyone's attention?” Nakatayo siya sa pinakagitna ng aming opisina. “Let’s hold a meeting. I promise it’ll be quick. Sa conference room tayong lahat.” Maang na nagkatinginan kami ni Ayeesha. Napansin ko din si Altair na agad tumayo at sumunod kay Miss Annie patungo sa maliit na conference room ng aming Department. Naabutan namin si Miss Annie na nakatalikod sa amin at nakatunghay sa bintana. Para bang kaylalim ng iniisip niya. Nang makapwesto na kaming lahat ay saka niya kami hinarap. "My doctor advised that I take bed rest," she said seriously. Lahat kami ay nagulat sa narinig. Kasunod niyon ay mga bulongan ng mga kasamahan namin. Ako man ay nagulat sa biglaan niyang pagpapaalam. “A-Are you okay Miss Annie?” tanong ni Ayeesha sa kaniya. “Yes. I am fine, but I need to follow my doctor's advice. Actually, the department is what I'm concerned about. Who will manage this office while I am on leave?” Biglang natigil ang mga bulongan at naging napakatahimik ng buong Department. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. “Jane!” pagkuway tawag ni Miss Annie sa akin. Bigla akong napatuwid ng upo kasabay niyon ang mabilis na pagtib0k ng puso ko. “Ikaw sana ang plano kong gawing kapalit ko pansamantala habang wala ako. However, I understand you are really busy right now with the community project. I don't want to overwhelm you with so many responsibilities.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kung ako ang tatanungin ay hindi ko inaasam ang maging kapalit ni Miss Annie kahit panandalian lang. I don’t think I have what it takes to lead this department. Lalo pa at sina Nina at Nancy ang empleyado. Sinuyod ni Miss Annie ng tingin ang dalawa at pareho silang nagbaba ng tingin. Walang may gustong salubongin ang tingin ng boss namin. “Fine! It’ll be you, Altair.” Lahat kami ay gulat na napatingin kay Miss Annie. Maging si Altair ay halatang hindi inaasahan ang desisyon ng boss namin. “You have been here for quite some time. Based on my observations, I know you are capable of serving as my temporary replacement in this position.” “Miss Annie, I feel it is inappropriate. Marami ditong mas nauna pa sa akin. I believe you should choose them instead of me.” “I understand. You, however, have the skills I need.” “Pumayag na kayo! Wala namang ibang puwedeng pumalit kay Miss Annie eh!” ani Nina saka matamis na ngumiti kay Altair. “Oo nga naman. Si Altair na lang. Ikaw ba, Jane? Baka masama ang loob mo?” tanong pa ni Nancy sa akin. “Siyempre hindi! Ayos lang sa akin…tutal busy talaga kami sa community project.” Sinulyapan ako ni Altair. “But I am busy too—” “Kaya na ni Jane ang project. Starting tomorrow, your primary duty is to provide her with assistance. I'll prepare my endorsement.” Iyon lang at tinapos na ni Miss Annie ang meeting. Nakangiti kong binalingan si Altair ngunit nanatili siyang seryoso. “Bakit ang seryoso mo naman?” Hinarap niya ako. “Jane, hindi na kita masasamahan masyado sa isla para tapusin ang project.” For a brief moment, I thought I noticed a look of concern on his face. “Okay lang. Mas mahirap naman ang magiging role mo. Kaya ko na ‘yong project. May contractor naman na gagawa niyon.” “Alright! Tara na sa taas. Hinihintay na tayo doon. Dumating na daw ‘yong supplier,” aya niya sa akin. Gusto ko sanang sabihin na hindi na niya ako kailangang samahan tulad ng sabi ni Miss Annie pero hindi ko magawa. Nasa iisang opisina lang ang Purchasing at Accounting Department at sa totoo ay hindi ko kayang pumunta doon na mag-isa. Kung ako ang masusunod ay ayaw ko sanang magtungo doon. Batid kong pulos kaibigan ni Adrian ang nasa Purchasing Department. Sila iyong malimit na kasama nito tuwing lumalabas sila at nagtutungo sa mga bar. “Hi! Good morning!” bati ni Altair kay Lian, ang clerk ng purchasing department. Tila na-estatwa ang babae at makailang beses kumurap bago nagawang sumagot. “G-Good morning!” ganting bati niya saka malawak na ngumiti sa amin. Namataan ko si Maam Amor at maging sila Adrian sa loob ng opisina. Pareho silang nakatingin sa amin. Pakiramdam ko lahat sila ay natigil sa ginagawa dahil sa pagdating namin. Wala sa loob na nagtago ako sa likod ni Altair. Nagbabanta naman ang tinging ipinukol niya sa akin. It seemed like he didn't like it when I hid behind his back. “We have a meeting with the supplier today,” baling ni Altair kay Lian. “Ah! Oo and’yan na sila. They are waiting for you.” Lumingon ang babae sa gawi ni Adrian. “Adrian, puwede na kayong magsimula sa meeting.” Si Adrian? Bakit siya? Anong kinalaman niya sa meeting namin? Tumayo si Adrian at sinulyapan kami. Isinenyas niyang magtungo kami sa maliit na conference room sa loob ng opisina nila. Bigla ang lalo pang pagbilis ng pintig ng puso ko sa kaba. Ito ang unang beses na makakaharap ko siyang muli. Habang naglalakad ay napadaan ako sa puwesto ni Maam Amor. Para bang hinihintay lang niyang tingnan ko siya. At nang gawin ko iyon ay malawak siyang ngumiti sa akin. May panunudyo pa ang tingin niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng guilt. I began to question whether she is Adrian's new girlfriend. Otherwise, she wouldn't be smiling so brightly at me. Pagdating sa loob ng conference room ay namataan ko ang dalawang lalaki na naghihintay sa amin. Parehas silang nakasuot ng damit na may tatak ng brand ng product nila. Iyong matangkad na lalaki na may sakbit na laptop bag ang naunang bumati sa amin. Maputi, malinis tingnan at napaka-friendly ng ngiti niya. Ang isa naman ay moreno at tipid na nakangiti lang sa amin. “Hello I’m Tim! Napakaganda naman pala ng client namin!” Malawak ang ngiti na salubong niya sa akin. Iniabot niya ang kamay at tinanggap ko naman iyon. Nagulat pa ako nang bahagya niyang pisilin ang kamay ko. “H-Hindi mo kailangang mambola,” nahihiyang sabi ko saka pasimpleng hinila ang kamay. To my surprise, he refused to release my hand. “I’m Adrian. Soon to be the company's chief accountant,” pakilala ni Adrian saka inilahad ang kamay sa lalaki. Gusto kong mairita sa pagpapakilala niya sa sarili. Pero nang sulyapan ko siya ay nakita kong napaka-seryoso niya. Napansin kong matalim niyang tinitigan ang kamay kong hawak pa rin ni Tim. “Ah! You are the accountant who wants to review our company's profile and requirements. Sir, this is Mon, kasamahan ko siya. Siya ang magbibigay sa iyo ng files na kailangan mo.” Binitiwan niya ang kamay ko at sinenyasan iyong kasama na lumapit sa amin. “Hello! Sir Adrian,” magalang na pakilala noong kasama niya. “And who is this handsome man?” ani Tim na binalingan si Altair. “I’m Altair.” “Wow! Pati boses ang ganda sir ah! Parang pang-CEO ng company!” puri ni Tim sa kaniya. Sinulyapan ko si Altair na tipid lang na ngumiti. Ako man ay napangiti sa komento ni Tim. Pagtingin ko kay Adrian ay kunot ang noo na nakatitig siya sa akin. Agad na nabura ang ngiti ko. “Could you please start the presentation?” Halata ang iritasyon sa boses ni Adrian. “Oh. Sure! Sure!” ani Tim saka binuksan ang laptop. He connected his laptop to the TV and began his product presentation. To be honest, I already know everything he says in the presentation because I read their proposal beforehand. This presentation is only for formalities. May ilan lang bagay ang nais kong itanong sa kaniya. “Paano kung may defective pala sa mga unit pagdating sa isla? Covered pa rin ba ‘yon ng warranty?” “Yes! If the unit doesn't sustain any physical damage, it is acceptable,” sagot ni Tim saka malawak na ngumiti sa akin. His gaze is intriguing. Kung tumingin siya ay para bang ako ang pinakamagandang babae na nakita niya. Was this part of his marketing strategy to increase product sales? "I can also assist you with your claim. Just give me a call, and I will definitely entertain you," dagdag pa ni Tim. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi. I feel uncomfortable. Sa halip na sumagot ay tumungo na lang ako. “We are here to help you with anything you need. We can guarantee it,” pahabol ni Tim. Habang nakatitig sa akin ay iniabot niya sa akin ang brochure. Just as I was going to take the brochure, Altair snatched it. His brows furrow, and his lips are pressed into a thin line. “What do you think mga Maam and Sir? I’ll give you another discount—” “Your price is five percent higher than the other suppliers. So I don't think we'll be able to close this deal,” sangat ni Adrian sa usapan. Gulat na napalingon ako sa kaniya. Anong sinasabi niya? This would mean several more days of delay for the project! Nangako ako sa mga tao doon na mapapabilis ang electrification sa lugar! Maging si Altair man ay gulat na napatingin sa kaniya. “What?!” nagulantang na tanong ni Tim. “But sir…anong problema? Because this is an international brand, our prices are slightly higher. We can ensure that our devices are safe and of high quality. Proven and tested!” “Excuse me, Tim, Mon. Mag-uusap lang kaming tatlo,” utos ni Altair sa dalawa. Disappointment crossed Tim’s face. Gayunpaman ay wala silang nagawa kundi lumabas ng conference room at hayaan kaming tatlo na mag-usap. “What’s the problem, Adrian? I thought we had already agreed that they would be our supplier,” tanong ni Altair kay Adrian. Matagal muna siyang tinitigan ni Adrian. Bakit parang maging kay Altair ay nagagalit ang Adrian na ito? “Adrian! Tinatanong ka namin! Bakit bigla ka na lang umayaw sa supplier?” ulit na tanong ko. “Binabastos ka na nga noong tao gusto mo pa ring kunin?” Sa halip ay singhal niya sa akin. Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ko siya. Ngayon ay parang sa akin naman siya naiinis. “What?! Anong problema mo? Binabastos?” “Bakit? Hindi mo alam? O nagpi-pretend ka lang na hindi mo alam? What happened to you Jane? Bakit pumapayag ka na sa mga lalaking tulad noon!” Habang sinasabi iyon ay matalim ang tinging ipinukol niya kay Altair. “Bakit napunta sa akin ang usapan?” ganting tanong ko. Bigla ay parang hindi ko kilala ang Adrian na kaharap ko ngayon. “I don’t trust that Tim!” sigaw ni Adrian. “This isn’t about him! Kailangan namin ang mga products niya! Adrian! Made-delay kami—" “So what? Kung ‘yon lang ang problema mo, magpapahanap ako ng bagong supplier! Yong mas professional kumilos! “Kung mayroon mang hindi professional dito, ikaw ‘yon!” Hindi na ako nakapagpigil. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. “Bakit ka ba nakikialam dito? Hindi ka naman dapat kasali—” “Jane! Calm down,” saway sa akin ni Altair. Nanunuway ang tingin niya sa akin kaya mabilis kong itinikom ang bibig. Hinila niya ako palapit sa kaniya dahilan para lalong tumalas ang tingin sa kaniya ni Adrian. “Tulad ng sinabi ko, their price is five percent higher…and I don’t like his presentation.” Nagmamatigas na sabi nito. “Fine. Then help us find another supplier,” kalmadong sambit ni Altair. Iyon lang at hinila na niya ako palabas ng conference room. Ramdam ko ang mga mata sa akin ni Adrian ngunit iniwasan ko siyang tingnan. Base sa pananalita niya, parang lumabalas pa na ako ang masama sa paningin niya. Na ako ang nagbago! Pagkalabas pa lang namin sa opisina ay sunod-sunod agad ang reklamo ko kay Altair. “Bakit ka pumayag? Basta ka na lang sumunod sa gusto ng Adrian na ‘yon! Made-delay ang project! May deadline tayo!” “I know. Wala naman tayong magagawa dahil siya pa rin ang mag-a-approve noon,” casual na sambit niya. Napahilot ako sa noo. Hindi pa rin humuhupa ang inis ko kay Adrian. “I think he is just jealous.” “Ha?” tanong ko. “Si Adrian. You should be happy. Mukhang nagseselos siya,” nangingiti niyang sabi. “Siya naman ang maghahabol sa ‘yo ngayon. Number five on the list, continue to ignore him.” I look at him, puzzled. While his gaze teases, my heart aches. Parang hindi ko gusto na natutuwa siya para sa amin ni Adrian ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD