I MADE deliberate efforts to maintain my composure while listening to Altair's presentation. Nasa unahan siya at nagsasalita sa gitna ng maliit na komunidad na napili namin para sa project. This location is far from civilization, although it is still part of the province where the M&F is located. Kinailangan pa naming tumawid ng dagat para marating ang isla. Kasama ang ilan sa mga staff mula sa Environmental Department ay nagtungo kami dito para sa consultation at orientation hinggil sa project. Our community project is quite simple. We plan to install solar panels in the community to provide electricity.
Ilang linggo na ang nakaraan buhat noong corporate event. Nanatili ang inis sa akin nila Nina at Nancy pero hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin. Bawat araw na lumipas ay ginugol ko para sa pagsisimula ng community project namin. Katunayan ay makailang beses na akong nakipag-usap sa Kapitan ng baranggay dito. Mabilis ko naman siyang napapayag sa proyekto. Marahil dahil sa pagiging abala ko kaya halos hindi na sumasagi sa isip ko si Adrian. Hindi ko na rin sinubukang alamin pa kung si Maam Amor nga ba ang bago niya.
Muli kong itinuon ang atensyon kay Altair. I watched him with confused feelings. Hindi maikakaila ang galing niya sa pagsasalita. Para bang sanay na sanay na siya sa gawaing iyon. Halos lahat ng nakikinig sa presentation niya ay hindi maitago ang paghanga sa kaniya…kasama na ako. And this admiration added to the complexities of my emotions. I'm well aware that I should avoid him, pero hindi ko magawa. Who knows what will happen once we are finished with this project?
“Hindi po ba makakaapekto ang mga ikakabit n’yo na ‘yan sa kabuhayan namin?” tanong ng isang lalaki kay Altair.
“No—hindi po. Maaasahan n’yo po ang salita namin. Hindi maaapektuhan ng mga solar panels na ikakabit namin ang kabuhayan n’yo. Ligtas po ito. Ang totoo ay makatutulong pa ito sa araw-araw niyong pamumuhay dito sa isla,” paliwanag niya. Umingay sa lugar at kani-kaniya na ng opinyon ang mga tao.
“Siyempre tinatanong ko kasi baka mamaya eh may masamang epekto pala ‘yan dito sa lugar namin. Baka mamaya umalis ang mga isda dahil d’yan, mawawalan pa kami ng kabuhayan.”
“Hindi po nito maapektuhan ang mga isda sa dagat. Ang nais po namin ay makatulong sa inyo.”
“Eh, bakit gusto n’yo kaming tulongan? Baka may kapalit naman kayong hingin sa amin,” sabat ng isa.
“Hindi po kami hihingi ng anumang kapalit sa proyektong ito,” nakangiting sabi ni Altair. His good looks are undeniably his greatest asset for this task. People are naturally inclined to believe what he says. “Sa katunayan, ito ang paraan namin para magbalik sa inyo. Dahil sa tagumpay ng kompanya kaya nais din naming matulongan ang bawat bayan na nasasakupan ng probinsyang ito. Isa iyon sa mga layunin ng M&F Semicon.”
“Aba! Mabuti naman pala kung ganoon,” tumatangong sabi ng isa.
“Mga ka-baranggay, bilang Kapitan n’yo, ako ang magga-garantiya sa inyong maganda ang maidudulot sa atin ng proyektong ito,” sabat noong kapitan ng barangay. Dahil sa sinabi nito ay unti-unti nang nawala ang agam-agam ng karamihan. Nagpatuloy si Altair sa kaniyang pagpapaliwanag at wala na ni isa man ang tumutol sa proyekto. Panay naman ang kuha ko ng larawan para sa progress report na gagawin namin. Matapos ang presentation ay namigay din kami ng inihanda naming meryenda.
“What do you think?” tanong sa akin ni Altair. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa pwesto ko. Tumabi siya sa akin sa upuang kawayan na nasa lilim ng puno.
“Hmn, mukhang magiging maayos naman ang project na ito. Lahat sila ay mukhang excited na sa gagawin natin. Mabuti at mukhang wala namang magiging aberya,” sagot ko. Kumuha ako ng bottled water sa dala naming cooler at iniabot sa kaniya. Agad naman niya iyong tinanggap at ininom ang laman. Napansin ko agad ang bahagyang pamumula ng pisngi at ilong niya marahil dahil sa sobrang init sa lugar. Mukhang hindi pa yata sanay sa initan ang lalaking ito! Sinulyapan niya ako at nahuli niya akong pinagmamasdan siya.
“Ahh…a-ang init ‘no?” nagkandautal na sabi ko para pagtakpan ang pagkapahiya. Wala sa loob na binuksan ko ang cooler at kunway naghanap din ng maiinom doon.
“Yeah. I can't believe there's still a place as remote as this.”
“Oo nga eh! Ang layo ng lugar na ito, at ang simple ng pamumuhay ng mga tao dito.” Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi naman niya napansin na pinagmamasdan ko siya.
“This is the first time I've been to this type of place. And I can honestly say that this experience opened my eyes. I am starting to see how equally important our role is in the organization.”
“Oh, bakit? Hindi mo ba gusto noong una ang trabaho natin? Hmn, minamaliit mo ba ang trabaho natin? Isusumbong kita kay Miss Annie!” Natatawang sabi ko.
“Noong una, oo. Hindi na ngayon. Nagbago na ang pananaw ko sa trabaho natin,” paliwanag niya. Saglit siyang nag-isip bago muling nagsalita. “It's difficult for me to say, but I still don't like where I am right now,” amin niya. Tinitigan ko siya. He is clearly not happy with his current role. Oo nga pala, sa iilang buwan na nakasama ko siya masasabi kong siya nga iyong tipo na hindi makukuntento sa ganito. Halata naman na angat siya sa amin. The position isn't a good fit for his skills.
“Altair, alam ko naman na iba ka eh! B-Bakit ka nagtitiyaga sa atin? I'm sure you can find better opportunities somewhere.”
Halata ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Mataman niya akong pinagmasdan, as if he is considering whether he will answer my questions or not.
“You already know about my situation. Someone assured me that he would get me a better position once I proved my worth in this role. Who knows? He may present me with a better job.”
He sounded quite ambitious to me, but I understand that he has every right to strive for more. Noong unang beses na sabihin niya sa akin ito ay hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin dahil ang isip ko noon ay okupado ng paghihiwalay namin ni Adrian.
“Ibig ba sabihin ay lilipat ka ng company?”
Nagkibit-balikat lang siya. “I’m not sure. Maybe. Sana hindi.”
Hindi ko maipaliwanag ang lungkot na naramdaman sa naging sagot niya. Parang ang lungkot naman sakaling umalis siya?
“Ineng, maabala ko kayo sa inyong pag-uusap. Sa iyo ba ito?” Tanong sa akin ng matandang babae. Tiningnan ko ang hawak niya at ganoon na lang ang kaba ko pagkakita sa kwintas ko. Wala sa loob na kinapa ko ang leeg at wala nga doon ang kwintas na bigay sa akin ni Nanay.
“Opo! Sa akin po ito.” Agad naman niyang iniabot sa akin ang kwintas na hawak.
“Ikaw na bata ka! Napulot ito noong apo ko doon! Nahulog mo yata,” aniya sabay turo doon sa lugar kung saan nag-present si Altair kanina.
Sinuri ko ang kwintas at nakumpirma kong nasira nga ang lock niyon kaya nahulog.
“Naku! Maraming salamat po sa pagbabalik sa akin nito! Napakahalaga po sa akin nito. Mapapagalitan ako ni Nanay kung mawala ko ito. Maraming salamat po talaga.”
“Walang anuman! Maliit na bagay kumpara sa sinasabi n’yong pagpapailaw dito sa lugar namin. Akala ko’y kamamatayan ko nang walang pailaw dito sa amin sa amin eh!” Nakangiti niyang sabi.
“Huwag po kayong mag-alala. Sisiguraduhin po naming masisimulan namin agad ang paglalagay ng mga pailaw.”
“Maigi naman kung ganoon ineng. Oh siya sige! At akoy may gagawin pa. Ibabiyahe pa namin ang mga isda mamaya. Maiwan na namin kayo d’yan.” Naglakad na ang matanda pabalik sa kaniyang kubo.
“Tss! Mabuti at napabalik sa ‘yo,” komento ni Altair nang makaalis ang matanda.
“Oo nga eh! Ito lang ang nag-iisa kong alahas, muntik pang mawala,” sagot ko habang sinusubukang ayusin ang kwintas.
“Nag-iisang alahas?!” Hindi makapaniwalang tanong niya. Para bang isang malaking kasalanan na isa lang ang alahas ko. Sinulyapan pa niya ang kwintas na hawak ko at animoy kinikilatis iyon.
“Oo. Bigay pa ito ni Nanay. Kabilin-bilinan niyang huwag ko daw iwawala. Oo nga pala! Tatawagan ko pa nga pala siya. Ang kaso wala namang signal dito.”
Naalala kong nagpadala ako kay Nanay ng pera pampa-check up at pambili niya ng gamot. Sumama umano ang pakiramdam nito sabi sa akin ni Tiya Minda kahapon. Kailangan ko siyang tawagan para masigurado na nakapagpatingin na siya sa doctor. May katigasan pa naman ang ulo ni Nanay at ayaw magpagamot. Pinakiusapan lang si Tiya Minda na samahan siya. Aminado akong napabayaan ko kumustahin si Nanay noong mga panahon na naghiwalay kami ni Adrian. Heto nga at may iniinda pala siyang sakit pero hindi makapagsabi dahil alam niyang may pinagdaraanan ako. Lumaki akong si Nanay Ising lang ang meron ako. Siya lang ang mag-isang nagtaguyod sa akin kung kaya lahat ng mayroon ako ngayon ay ibinubuhos ko sa kaniya. Wala akong ideya kung sino ang ama ko at hindi ko sinubukang magtanong dahil ramdam kong ayaw ni Nanay pag-usapan iyon.
“Mabuti pa ay umuwi na tayo para hindi tayo masyadong gabihin,” suhestyon ni Altair. Sinenyasan niya ang mga kasamahan namin. Agad namang kinalap ng mga ito ang mga gamit na dala namin at naghanda na sa pag-uwi.
Matapos muling makipag-usap sa Kapitan ay nagpaalam na rin kami. Inabot na rin kami ng gabi sa daan kung kaya sa apartment na ako nagpahatid sa company service na naghihintay sa amin sa pantalan.
“B-Bye! See you tom na lang,” paalam ko kay Altair bago bumaba sa company service.
“Don't forget that the suppliers will be at the office tomorrow,” paalala niya sa akin.
“Okay.” Hmp! Napaka-istrikto talaga ng Altair na ito pagdating sa trabaho.
Habang papaakyat sa apartment unit namin ay saka ako nakaramdam ng pagod. Kumikirot na rin ang sintido ko marahil dahil sa init kanina. Sa halip na kunin ang susi ay kumatok na lang ako sa pinto dahil sigurado namang nasa loob na si Diane.
“Oh, kumusta ang lakad n’yo?” tanong niya matapos akong pagbuksan ng pinto. Tinulongan din niya akong maipasok ang mga dala kong gamit.
“Okay naman. Ang init d’on,” sagot ko. Humiga ako sa sofa dahil pakiramdam ko ay nanlalambot ako sa pagod.
“Yuck! Magbihis ka kaya muna!” sita niya sa akin.
“Oo na! Wait lang.”
Bago pa man ako makabangon buhat sa pagkakahiga ay tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang numero ng tumatawag. Sino naman kaya ito at naka-limang missed call na pala? Hindi kaya si Tiya Minda na ito?
“Hello? T-Tiya—”
“Jane.”
Bigla ang pagkalabog ng dibdib ko nang makilala ang boses ni Adrian sa kabilang linya. Bigla akong napaayos ng upo sa sofa. Ni hindi ko magawang magsalita.
“Jane?” ulit niya.
“B-Bakit?” Agad na napalingon sa akin si Diane pagkarinig sa tono ko. Marahil ay nahuhulaan na niya kung sino ang kausap ko.
“Kailangan ba talagang gumamit pa ako ng ibang number para lang sagutin mo ang tawag ko? Why did you block my number? And you've blocked me on all social media!” Halata ang sakit at inis sa boses niya.
Huh? Anong nangyayari sa kaniya? Sobrang late naman yata ng reaction niya!
“Adrian,” kalmadong sambit ko. “Hindi ba at ‘yan mismo ang hiniling mo noong makipaghiwalay ka sa akin? Binibigay ko lang ang gusto mo.” Pagkasabi niyon ay pinutol ko na ang tawag. Kaylakas pa rin ng kalabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na sabihin iyon. I ended the call since I wasn't sure what else to say to him. Sa mga nagdaang araw ay iniwasan ko na siya. Hindi ko din alam kung anong pakay niya sa pagtawag. Isa pa, ayaw ko na ring marinig kung ano man ang nais niyang sabihin.
Alam kong nakipag-deal ako kay Altair dahil gusto kong magkabalikan kami ni Adrian...
But do I still want Adrian back?