LABIS ang pagkailang ko habang pinagmamasdan ang loob ng hotel room na kinuha ni Altair. It was a luxurious room with two single beds. Pasimple kong sinulyapan si Altair na noon ay naglakad patungo sa comfort room. Akala ko kanina ay nagbibiro lang siya nang sabihin niyang kumuha siya ng kwarto namin.
Pero kailan ba nagbiro ang lalaking ito? Alam ko na ngayon na kapag sinabi niya ay gagawin talaga niya!
Bigla siyang lumingon sa gawi ko dahilan para mapapitlag ako. Agad namang kumunot ang noo niya.
“What’s wrong with you?”
“Eh…k-kasi…iniisip ko kung b-bakit ka pa kumuha ng kwarto. S-Siyempre ano na lang ang…ang—” Nagkandautal ako habang nagpapaliwanag. Lalo na nang humakbang siya papalapit sa akin. Wala sa loob na napaatras ako. He grinned devilishly when he saw my reaction. Tumigil siya sa harapan ko at ipinatong ang hotel towel sa ulo ko. Tumakip iyon sa buong mukha ko. Nagtungo pala siya sa CR para kumuha ng towel.
Inalis ko ang towel at nang sulyapan ko siya ay seryoso na siyang nakamasid sa akin. “I know what you’re thinking,” walang ngiti niyang sabi saka ako sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. My body tensed up. Bakit ako pa ang napapahiya ngayon?
Ano nga bang iniisip ko? I looked at him and noticed he was observing me with a lopsided smile. It seems that he enjoyed making me uncomfortable.
"Don't worry. I won't take advantage of you. I am not interested in you," he said with certainty.
“Alam ko! H-Hindi din naman ako interesado sa ‘yo!”
Tumaas ang kilay niya at nakahalukipkip na pinagmasdan ako. “Really?”
“O-Oo! Oo naman! Si A-Adrian pa rin ang g-gusto ko!” sagot ko.
Bakit ba parang kayhirap nang sambitin kahit pangalan ni Adrian man lang? Mataman akong tinitigan ni Altair pagkuway nagkibit-balikat.
“Okay. That’s good to hear. Mabuti at wala tayong magiging problema.”
Bakit parang may mumunting kirot sa puso ko?
May kumatok sa pinto dahilan para maputol ang usapan namin. Nilampasan ako ni Altair at siya na ang nagbukas ng pinto. Hindi man lang nagsalita ang kung sino man ang dumating. Namataan ko ang unipormadong lalaki pero bago ko pa man ganap na makita ang mukha nito ay mabilis na ni Altair isinarado ang pinto. Pagbalik niya ay bitbit na niya ang isang shopping bag na may tatak ng sikat na mall.
“Here. It has everything you need.” Iniabot niya sa akin ang bag. “Mauna ka nang mag-shower. Sa labas lang ako.”
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong dahil agad din siyang lumabas ng kwarto. Binuklat ko ang bag at napamaang ako pagkakita sa laman niyon. May underwear, bra at dress na halatang bagong bili lahat dahil may tag pa ang mga iyon. Saan ni Altair nakuha ang mga ito? At sino ang inutusan niyang bumili nito?
Gusto ko mang tumutol ay hindi ko magawa. Sa totoo lang ay kanina pa ako nanginginig sa lamig. Nagmamadali akong pumasok sa banyo at nag-shower. Mabilis ang bawat kilos ko dahil iniisip ko si Altair na nasa labas at naghihintay. Isa pa ay atat na akong itanong kung magkaano na ba ang kailangan kong bayaran sa kaniya. Ilang minuto lang ay tapos na ako. Matapos tuyuin ang katawan ay isinuot ko ang damit. Napangiwi ako dahil lahat ng iyon ay maluwang sa akin. Mabilis kong tinuyo ang buhok gamit ang towel pagkuway lumabas ako para hanapin si Altair. Natagpuan ko siya na nakasandal sa balcony sa dulo ng pasilyo. Nakatanaw siya sa pool ngunit parang wala naman doon ang isip niya. Tulad noon ay parang kaylalim na naman ng iniisip niya. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya. Nilingon niya ako at sinuyod ng tingin. Nakakaloko ang naging ngiti niya. Marahil dahil sobrang maluwang ang damit na suot ko.
“Hintayin mo ako. Maliligo lang ako, then ihahatid na kita.”
Napamaang ako sa sinabi niya. Uuwi na rin kami? Kumuha pa siya ng room para lang maligo at magpalit ng damit?!
“Bakit ganiyang ang reaction mo? Would you prefer to spend the night with me here?" He teased, para bang nabasa niya ang iniisip ko.
“Hindi! Hindi sa gan’on! Gustong-gusto ko na ngang umuwi eh!” I said defensively. Mahina siyang tumawa pagkuway nilampasan ako. Napapahiya man ay sumunod ako sa kaniya. Namataan ko ang hair dryer at dinampot ko iyon habang siya naman ay dumiretso sa CR.
Ano ba itong ginagawa ko? Kailanman ay hindi ako sumama sa lalaki sa hotel…kahit pa kay Adrian! Aminado akong ilang beses na niya akong niyaya pero hindi ko magawang pumayag. Natatakot ako na baka ma-iskandalo ako at makarating kay Nanay Ising iyon kahit pa nga napakalayo ng aming probinsya. Pero ngayon ay nandito ako at kasama si Altair! Kung sino pa itong hindi ko pa masyadong kilala!
Natigilan ako nang lumabas si Altair sa banyo. Natigilan ako pagkakita sa suot niya. The cotton black shirt paired with gray pants fits him perfectly, emphasizing his gorgeous figure. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng ganito kasimple, gayunpaman ay di man lang nabawasan ang kaguwapuhan niya.
“You ready?” tanong niya habang isinusuot ang relo.
“Y-Yeah.”
“Good. Let’s go.”
Mabilis kong kinalap ang mga gamit. “M-Magkano na nga pala ang kailangan kong bayaran sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya.
“Huh?” aniya na di yata naintindihan ang sinabi ko.
“Ito. Itong damit na suot ko,” ulit ko sabay turo sa suot kong damit.
“Oh, I got them for free, so you don't have to pay,” walang anuman na sabi niya.
“Ano? P-Paanong naging free ito?” gulat na tanong ko.
“The hotel provided it for free. They don't like complaints.”
Complaints? Anong karapatan naming magreklamo?
“Parang wala naman tayong karapatang magreklamo? A-Ako naman ang may kasalanan.” Hindi naniniwalang sagot ko.
“Tss! Ang dami mong tanong,” reklamo niya. Seeing his annoyance, I decided to keep quiet. Bahala na kung saan man galing ang mga damit na ito. Siguro naman ay hindi siya papayag na ma-agrabyado? Kung may kailangan akong bayaran ay sisingilin niya ako. Lalo na at kakasimula pa lang niya sa trabaho at hindi naman kalakihan ang sweldo namin. Siguro naman may mga bagay din siyang pinag-iipunan.
Matapos ayusin ang mga gamit ay magkasabay na kaming nagtungo sa parking lot. Napansin kong ilan sa mga katrabaho namin ang nagsisimula na ring magsiuwi. Marahil ay tapos na din ang program. Ingat na ingat akong may makakita sa amin. Ayaw ko na ng panibagong iskandalo. Sana lang ay hindi na ni Adrian masamain pa ang nakita niya kanina. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makasakay na ako sa sasakyan ni Altair.
Tahimik lang kami buong biyahe. Pasimple ko siyang pinagmasdan. His hair is still damp, making him even more breathtakingly attractive. He looked so serious. I know he's anxious about something, but I just can't bring myself to ask him what it is. Hindi ko man lang siya kayang tulongan sa kung ano mang problema niya samantalang makailang beses na niya akong tinutulongan sa tuwing nalalagay ako sa alanganin. I'm not sure how I'd feel about this man. His presence is both comforting and frightening. I hate how brutally honest he is when he speaks, and how he seems to be able to read my mind, but I also appreciate him for always saving me. I have the impression that he is hiding something about himself.
What terrifies me the most is the erratic thumping of my heart whenever he is near. What should I do? Alam kong kailangan kong pigilan ang sarili ko!
“We’re here,” aniya na siyang nagpabalik sa lumilipad kong isipan.
“Maraming salamat. P-Pasensya ulit sa nangyari,” sambit ko pero iniwasan ko siyang tingnan. Bumaba ako sa sasakyan at akmang sasarahan ko na ang pinto niyon nang tawagin niya ako.
“Starting next week, we will start the community project. Remember our deal.”
“Oo naman. Huwag kang mag-alala. Okay na ako ulit kaya gagalingan ko sa project na ‘yon,” sagot ko saka pilit na ngumiti. I understand that the community project is his top priority, so I intend to do everything possible to ensure its success. Kahit doon man lang ay makabawi ako sa kaniya.
Tumango siya at bahagyang ngumiti. He waved his hand, then his car began to speed up. Nang mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko ay saka lang ako pumasok sa apartment building.
“Saan ka nanggaling na bruha ka?” salubong sa akin ni Diane.
Gulat na napasulyap ako sa kaniya na naroon na sa unit namin at naghihintay. Buong akala ko ay mauuna pa ako sa kaniyang makauwi.
“Bakit nandito ka?”
“Anong bakit nandito ka? Natural nandito ako dahil apartment natin ito! Kanina ka pa namin ni Ayeesha hinahanap! Alam mo mabuti pa itapon mo na ‘yang cellphone mo. Wala namang silbi! Kanina ka pa namin tinatawagan eh!”
“S-Sorry na! Hindi ko talaga narinig.” Kinuha ko ang cellphone at nakita ko nga na napakarami nang missed call doon. Lima buhat sa kaniya, apat kay Ayeesha at anim sa isa pang unregistered number.
“Bakit bigla ka na lang nawala? Ni hindi man lang tayo nakapagpa-picture. At saka bakit ganiyan ang suot mo?” sunod-sunod na tanong niya.
“Hay! Mahabang kwento eh!” sagot ko saka napapagod na naupo sa sofa. Naupo si Diane sa tabi ko. Napansin kong kakaiba ang tingin niya sa akin. Batid kong may gusto siyang sabihin. “Ano ‘yon?” tanong ko.
“N-Nilapitan ako ni Adrian kanina. Tinatanong ka n’ya sa akin. Nakausap mo ba siya?”
Natigilan ako sa sinabi niya. Si Adrian? Anong kailangan niya sa akin? Kaya ba nilapitan niya ako kanina?
“At bakit naman niya ako hinahanap? Ano naman kayang kailangan niya sa ‘kin?” yamot na tanong ko. Tila naman nabigla si Diane sa reaksyon ko.
“Oh, bakit? Ayaw mo ba? Eh ‘di ba ‘yon naman ang gusto mong mangyari? Malay mo nauntog na siya! Nakapag-isip na! Mukhang effective nga ang mga payo sa ‘yo ni Altair. Mukhang atat si Adrian kanina na makausap ka.”
Ako naman ang natigilan. Oo nga pala! Lahat nga pala ng ginagawa namin ay dahil gusto kong bumalik si Adrian. That’s why I agreed to our deal. Pero bakit hindi ako makaramdam ng kasiyahan?