ALTAIR glared at me. He gave me a look that implied I was the craziest person he had ever met. At the same time, he appeared extremely guilty. I've known men like him. He is quite ambitious. And ambitious men, like him, are highly competitive.
“What are you trying to say?” kunot na kunot ang noo na tanong niya.
“Hmn. Napansin ko lang…gusto mong maging katulad ni President Werner ‘no? Siguro idol mo siya!” malawak ang ngiti na sabi ko.
“What?!” nagulat na tanong niya. His expression contorted with dismay.
“Huwag ka nang tumanggi. Akala mo hindi ko napansin. The way he dressed and spoke…pati hawi ng buhok n’yo eh pareho! Ginagaya mo siya ‘no?!”
Mariin siyang pumikit at hinilot ang sintido. “Ah, you're so stupid! Maybe I should avoid talking to you!” he said as he parted his hair to modify his style. Tila ba nadidiri siya sa sinabi ko. His reaction made me giggle. Ngayon ko lang siya nakitang naapektuhan sa simpleng biro ko. Gusto ko tuloy isipin na tinamaan siya.
Tumatawa pa rin ako nang magsimulang i-anunsyo ng HR Manager namin ang mga empleyado na may mga awards na matatanggap. Napawi ang ngiti ko nang tawagin si Adrian. Napuno ang hall ng palakpakan lalo na buhat sa mga kaibigan at kasamahan niya sa Department. Pinagmasdan ko ang lalaki habang papaakyat sa entablado. He's been looking forward to this day for a long time. He has always been open about his personal ambitions and career goals. Akala ko ay sapat na ako para maging kuntento siya. Akala ko kapag sinuportahan ko siya at natupad na ang mga plano niya ay magiging masaya kami…pero hindi ganoon ang nangyari. Adrian proudly accepted his award and posed for a picture. Ramdam ko ang pasimpleng pagsulyap sa akin ng ilan sa mga katrabaho namin. Marahil iniisip nila kung anong nararamdaman ko ngayon.
“Excuse me, pupunta lang ako sa ladies room,” paalam ko sa mga kasamahan namin sa table. Tumango lang si Altair na noon ay muli nang kinakausap ni Nina.
Pagpasok sa comfort room ay saka ko lang pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pala pinipigil. Ang totoo ay hindi ko naman balak magtungo dito. Sadya lang nakaiilang ang tinginan sa akin ng mga kasamahan namin sa trabaho. Sa halip na magtagal sa CR ay nagtungo na lang ako sa labas ng gusali.
My eyes widened in admiration as I spotted the view in front of me. The pool's water was incredibly calm and peaceful. Its blue color mirrored the tall skyscrapers while the carefully arranged lights on the bushes created a magical atmosphere. Tila nakalimutan ko nang may event sa loob. I felt drawn to the view in front of me. Napansin ko ang ilan din sa mga katrabaho ko na nakatambay sa lugar. Naupo ako sa isa sa mga bench sa gilid ng pool. Kanina pa masakit ang paa ko dahil hindi ako sanay sa mataas sandals na ipinasuot sa akin ni Jade. This shoe's heel is so high that every vein in my leg hurts. Kanina habang naglalakad kami ni Altair ay muntik na akong mawalan ng balanse. Mabuti na lang at nakaalalay siya sa akin. I still remember the glance he gave me before shifting his gaze to the shoes I was wearing. He said nothing, but his expression was menacing.
“Yan! Ilagay mo ang kamay mo sa baywang mo!” naulinigan ko ang katrabaho ko na abala sa pagkuha ng litrato sa kaniyang kasama. Sila iyong mga nasa production line kaya hindi ko sila masyadong kilala. “Oh, ayan ha! Ang ganda ng kuha ko sa ‘yo! Ako naman!”
Napangiti lang ako sa kanila. Sana pala ay inaya ko din sila Diane at Ayeesha dito sa labas.
“Tara na ulit sa loob. Baka mabasa pa ang gown natin.” Magkakasabay na silang naglakad pabalik sa hall at naiwan akong mag-isa sa pwesto ko.
Natahimik ang paligid nang makalayo na sila. I was starting to enjoy my alone time when someone spoke up behind me.
“What are you doing here?” Napapitlag ako sa gulat. Nalingunan ko si Altair na nakapamulsa at pinagmamasdan ako.
“Ano ba! N-Nakakagulat ka naman!”
Tumayo ako para sana lapitan siya pero di sinasadyang natapakan ko ang dulo ng gown ko. I instantly lost my balance. My hands instinctively looked for something to hold, but all they found was a rush of wind. I saw the panic that spread across Altair's face.
"Jane!" His voice is filled with genuine concern this time. I am also terrified because the pool is right behind me. I attempted to take a step, but my high heels got stuck at the hem of my gown. Lalo akong nawalan ng balanse. Mabilis si Altair humakbang palapit sa akin para sana tulungan ako…pero huli na ang lahat.
No!
The next thing I heard was a splash of water. I closed my eyes tightly. Napasigaw ako dahilan para mapasok ng tubig ang bibig ko. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko habang nasa ilalim ng tubig. Mabilis kong itinikom ang bibig at iminulat ang mga mata. I still can't get my shoe out of my dress's hem. Hindi na nga ako marunong lumangoy, mas lalo pa akong pinahirapan ng sitwasyon. I am typically a calm person, but being calm is incredibly difficult for me right now. Kahit na anong gawin kong pagkampay ay mas lalo akong lumulubog pailalim ng pool. Ngayon ko higit na pinagsisisihan na nagtungo pa ako dito sa pool!
Suddenly, I felt a man's hand grab my arms and pull me out of the water. Sinulyapan ko ang lalaki at agad kong namukhaan si Altair. He looked really serious. His hand moved to my shoulder, and he kicked off hard to accelerate from the bottom. Sinubukan ko ding kumampay ngunit pakiramdam ko ay lalo ko lang siyang pinahihirapan.
“Stop wriggling, you idiot!” singhal niya nang makaangat na kami buhat sa ilalim ng tubig. Halata ang inis sa boses niya.
Lagot na naman ako!
Pareho kaming habol ang hininga nang makarating sa gilid ng pool. His hand is now gripping my waist tightly. Sinulyapan ko siya na noon ay mariing nakapikit. His broad chest rises and falls as he breathes heavily. His wet hair is dripping with water, making him appear hot and seductive. Nang magmulat siya ay nagtama ang aming mga mata. He glared at me, clearly annoyed. Habang ako naman ay parang tinamaan ng kidlat. May kung ano na nagpabilis ng t*bok ng aking puso. Dahil ba napakalapit namin sa isa’t-isa ngayon? Dagli kong hinamig ang sarili.
"Jane, you're such a pain! I probably should avoid you!" aniya saka tumayo.
“S-Sorry,” nahihiyang hingi ko ng tawad. Agad akong tumungo dahil hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. Wala siyang kaalam-alam na kaybilis ng tib0k ng puso ko ngayon dahil kanina lang ay kaylapit namin sa isa’t-isa.
“Don’t you know how to swim?” tanong niya. Tumango lang ako. Hindi na ako nagtangkang tingnan siya.
“P-Pasensya na…n-nadamay ka pa,” mahinang sambit ko. Iniabot niya ang kamay sa akin. Gulat na tinitigan ko iyon.
“Let’s go!” aya niya sa akin. Sinulyapan ko siya. His expression had softened for some reason.
Nahihiyang inabot ko ang kamay niya. Tinulongan niya akong makatayo at magkasabay kaming naglakad patungo sa hall. Nasa loob pa ang bag ko at ganoon din ang gamit niya.
Puno ng pagtataka ang tingin sa amin ng mga nakakasalubong namin. Sino ba naman ang hindi magugulat? Pareho kaming basa. Ano na lang ang iisipin sa amin ng mga katrabaho namin kung may makakita sa amin?
“Wait for me here. Ako na ang kukuha ng gamit natin,” ani Altair. Hindi pa man lang kami nakakalapit sa entrance ng hall.
“Pero basang-basa ka at—”
“So? Hihintayin ko pa bang matuyo ang mga damit natin?” aniya saka tinalikuran ako.
I know this is not the right moment, but I admire his courage and logic, as he has always acted in a bold and reasonable manner. I realize he is a man who knows exactly what he wants and how to get it done. Nakita kong kausap na niya ang isa sa mga staff ng hotel. Siguro ay pinakiusapan niya ang mga ito na kuhanin ang mga gamit namin.
Niyakap ko ang sarili dahil unti-unti na akong nilalamig. Paano kaya kami uuwi? Siguradong mababasa ang sasakyan ni Altair! Hindi na ako magtataka kung simula ngayon ay iwasan na niya ako dahil sa kamalasang dala ko sa buhay niya. Sinulyapan ko ang gawi ni Altair ngunit sa halip ay si Adrian ang tumambad sa harapan ko. Mataman niya akong pinagmamasdan. Napatuwid ako ng tayo.
Kanina pa ba siya dito?
“Jane, what happened to you?” Unlike before, his voice is filled with concern. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin ngayong kinakausap niya ako ng matino. Just as I opened my mouth to respond, Altair came in. Maang na napatitig ako sa kaniya pagkakitang may hawak siyang key card.
“Let’s go, Jane. Our room is ready.”
“H-Ha?” gulat na tanong ko. Room? Kumuha siya ng room sa hotel na ito? Ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha. Sinulyapan ko si Adrian at sigurado akong narinig niya ang sinabi ni Altair. His eyes started to darken with rage. He shot Altair a furious glance, but Altair paid him no attention. In fact, he did not recognize his presence at all.
Iniabot sa akin ni Altair ang towel pagkatapos ay inaya na niya ako patungo sa kabilang building. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. Habang naglalakad ay pasimple kong nilingon si Adrian na noon ay nakasunod pa rin ng tingin sa amin…