Chapter 11 – Resemblance

2627 Words
LUMIPAS ang mga araw ngunit hindi ko nakitaan si Adrian ng pagsisisi sa pakikipaghiwalay niya sa akin. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magduda kung may epekto ba talaga ang mga payo sa akin ni Altair. Pumayag ako na magkasama kami sa corporate event tutal ay nasa iisang Department naman kmi. Ang totoo ay hindi ko na masyadong inaasahan na magkakabalikan pa kami ni Adrian, lalo na kung may babae na siya. Truthfully, I feel upset because my self-esteem was crushed, not because I still want him back. Sobrang pangit ko ba? Kaya ba ako ipinagpalit ni Adrian? Gusto kong malaman kung sino ang bagong minamahal niya ngunit pinigil ko ang sarili na magtanong. Wala nang dahilan para alamin ko. Wala na ring magbabago sa sitwasyon namin. Sinunod ko na lang ang payo ni Altair. I acted as if I didn’t care. Inabala ko ang sarili sa trabaho. Tinulongan ko din si Ayeesha sa paparating niyang pool party. “And…done!” bulalas ni Jade matapos akong lagyan ng make up. I'm not sure if she's exaggerating, but she gasped in excitement after gazing at me. “Ang ganda mo, Jane!” Napatitig ako sa kaharap. Kung ganda lang ang pag-uusapan, higit na maganda siya. Katunayan, nang ipakilala siya sa akin ni Altair ay inisip kong siya ang kasintahan nito. Mukhang malapit sila sa isa’t-isa ngunit aniya ay magkaibigan lang sila. Masayahin si Jade at madalas niyang asarin si Altair. Akala niya yata ay may relasyon kami ng lalaki. She clearly misunderstood our relationship. Pinihit niya ang upuan ko paharap sa salamin at ako man ay nanlaki ang mga mata sa nakitang repleksyon ko sa salamin. “Ayaw mo maniwala? Look how lovely you are!” nasisiyahang sabi niya. A-Ako ba talaga ito? Tumaas ang mga kamay ko para haplusin ang pisngi. Baka nananaginip lang ako! How did Miss Jade manage to transform me into this beautiful woman? Nasa skin clinic niya kami habang si Altair naman ay nagpaalam na magbibihis. “T-Thank you, M-Miss Jade. N-Nagawa mo akong p-pagandahin ngayon,” nahihiyang sabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa hitsura ko. “Jade na lang,” nakangiti niyang sabi. “At isa pa, sadya kang maganda. Huwag kang maniwala sa mga sinasabi ng Altair na ‘yon. Maganda ka!” aniya. Batid kong pinalalakas lang niya ang loob ko dahil kanina ay halos laitin na naman ako ni Altair sa harap niya. Nag-aalangan man ay nagtanong pa rin ako, “M-Magkano po? I mean…itong make up at gown.” “Nah! Okay na ‘yon! You don’t have to pay,” aniyang ikinumpas ang kamay. “Pero—” “Si Altair na lang ang sisingilin ko,” nakangisi niyang sabi. “Ha? Huwag! Medyo m-madami na akong utang sa kaniya.” “Don’t worry, ako din. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. This is the first time that he has asked me a favor. Kaya hindi ko na talaga siya sisingilin,” paliwanag niya. “N-Nakakahiya man pero m-maraming salamat,” naiilang na sambit ko. Noon bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa noon si Altair. Hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagbilis ng pintig ng puso ko. “Altair!” masayang salubong ni Jade sa kaniya. “Look at her! Ang ganda ‘di ba?” Altair glanced at me. He froze for a split second. Maybe my eyes were deceiving me, because I thought I saw his eyes sparkle with admiration. It was only a split second because, the next instant, he was back to his normal self. “Are you ready? Let’s go,” aniya. “O-Okay.” Tumayo ako at kinuha ang bag. Sinulyapan ko si Altair. He was effortlessly stunning! It was so unfair. “Wait!” pigil ni Jade sa amin. Ang mga mata niya ay nakatuon kay Altair. “Ganoon lang ‘yon? Wala ka man lang sasabihin kay Jane?” “Anong sasabihin ko sa kaniya?” kunot-noo na tanong ni Altair. “Hmp! Hindi mo man lang ba papansinin kung gaano siya kaganda ngayon?!” Sinulyapan ako ni Altair at parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan. His reaction was blank. “At least she looked decent. Thank you, Jade,” sabi niya. Binalingan niya ako, “Let’s go. I don’t want to be late.” Napipilitang sumunod ako sa kaniya. Nagpaalam ako kay Miss Jade na nakasimangot habang nakasunod ng tingin kay Altair. Ayaw ko man aminin pero ako man ay dismayado sa naging sagot nito. Am I really ugly in his eyes? Kunsabagay, wala namang nabago sa akin. Hindi kayang takpan ng make up ang pananaw niya sa akin… Tahimik kami pareho habang nasa biyahe patungo sa venue. Kaming dalawa ang pumili ng lugar habang ang Human Resource Department na ang bahala sa program at setup. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang masulyapan ko ang ilan sa mga katrabaho namin na bihis na bihis. Naroon din ang ilang executives at department head. My insecurity washed over me like waves. Hindi ako sanay sa ganitong event. Noong nakaraang taon ay nasa tabi ko si Adrian kung kaya kahit papaano ay kumportable ako. However, Altair is with me now, which makes me feel even more nervous. Kung tutuusin, mas kinakabahan pa nga ako ngayon dahil siya ang kasama ko. The hotel covers a large area and consists of three buildings. Situated in the center of the buildings is the swimming pool. Tumigil ang sasakyan namin sa entrance ng isa sa mga gusali. This building serves exclusively as a function hall, in contrast to the two others that contain hotel rooms and multiple amenities. “Hintayin mo ako dito. Magpa-park lang ako,” bilin sa akin ni Altair. “O-Okay,” sagot ko. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad patungo sa lobby kung saan naroon ang ilan naming mga katrabaho. Habang naghihintay kay Altair ay panay ang ayos ko ng buhok at gown. The anxiety I'm experiencing is making my throat feel dry. “I am so excited to see you receive the award…at siyempre ang iyong promotion!” Naulinigan ko ang boses ni Maam Amor. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Nahuhulaan ko na kung sino ang kausap niya. At hindi nga ako nagkamali! Nang lingunin ko siya ay nakita kong kasabay niya si Adrian na naglalakad papasok ng event hall. Hindi nila ako agad napansin. Marahil dahil kakaiba ang ayos at suot ko ngayon. Tinitigan ko si Maam Amor na bakas ang kasiyahan sa mga mata habang nagkukwento kay Adrian. They're just walking together. They aren't even holding hands, yet for some reason, I get the feeling that something is wrong. Why do I sense…a deeper connection between them? Oh gosh! Naitakip ko ang isang kamay sa bibig. I nearly lost my balance when an unexpected realization hit me… S-Si Maam Amor? S-Siya ba? Siya ba ang babae ni Adrian? Muli ko silang pinagmasdan. The longer I gaze at them, the more convinced I am that they are romantically involved. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata. The sting of betrayal hit me. Noon biglang nagawi ang tingin sa akin ni Adrian. Natigil siya sa paghakbang at muli akong pinakatitigan. Halata ang pagkagulat niya pagkakita sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Kahit na hindi dapat ay ako ang nakaramdam ng panliliit sa sarili. Gusto kong mainis sa sarili. Sila dapat itong mahiya! Hindi ako…pero bakit ako pa ang nakararamdam ng ganito? “Jane!” My heart jumped when I heard Altair's voice. He is, once again, prepared to save me like a brave knight. He walked confidently toward me, ignoring Adrian and Amor. He extended his hand to me, which I accepted. Napansin kong gumawi ang mga mata ni Adrian sa akin. He appeared completely annoyed. “J-Jane? Si Jane ba ‘yon?” narinig kong tanong ni Maam Amor sa kaniya. Hindi ko na nagawang mapakinggan ang sagot ni Adrian dahil iginiya na ako ni Altair papasok sa loob. Batid ko ang mga mata ng mga katrabaho namin na nakasunod ng tingin sa amin ni Altair. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa guwapong katabi ko? The girls are looking at me with envy. “Jane! Oh, gosh! Ikaw ba ‘yan? Napakaganda mo naman!” bulalas ni Miss Annie pagkakita sa akin. Sa lakas ng boses niya ay napalingon din sa akin ang mga kasama niya. “Thank you, Miss Annie,” nahihiyang sagot ko. Hindi ako sanay sa mga papuri lalo na sa harap ng maraming tao. “Jane!” salubong sa akin ni Ayeesha. Kumislap ang mga mata niya sa kasiyahan pagkakita sa akin. “Grabe! Ikaw ba talaga si Jane?” nasisiyahang turan niya. “Ikaw talaga,” saway ko sa kaniya. Napansin ko sila Nina at Nancy na nakatingin din sa akin. Agad na nabura ang ngiti ko pagkakita sa reaction nila. Sinuyod ako ni Nina ng tingin mula ulo hanggang paa, pagkuway tumaas ang kilay niya. Hindi siya nagkomento pero sapat na ang mga tingin niya para maunawaan kong hindi siya nasisiyahan. Napakaganda ni Nina sa suot niyang gown. It was well-suited to her slim figure. I can't stop feeling guilty right now. If something was actually going on between her and Altair, I probably disrupted it. Siguro ay panahon na para bawiin ko na kay Altair ang deal na iyon. Mula ngayon ay hindi na niya ako kailangang tulongan. Naramdaman ko ang kamay na humawak sa siko ko, dahilan para maputol ang pag-iisip ko. Nalingunan ko si Altair na siyang umalalay sa akin hanggang makaupo ako sa bakanteng upuan. Ramdam ko ang tinginan sa amin ng mga tao. Maging mga kasamahan namin sa mesa ay makahulogan ang tingin sa aming dalawa. Hindi ako magtataka kung bukas ay ako ang maging laman ng mga bulong-bulongan sa opisina. Everyone knew Adrian and I recently broke up. Pagkatapos ngayon ay kasama ko si Altair. Kahit wala akong sabihin ay pihadong may mga haka-haka na sila sa posibleng relasyon namin. Naupo si Altair sa tabi ko. He was so close that I could smell his masculine fragrance. Naramdaman kong may nagmamasid sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nahuli ko si Adrian na nakatitig sa akin. He holds my gaze. He was looking at me intently. His eyes are questioning me. Mabilis kong iniwas ang tingin. “Altair,” mahinang tawag ko kay Altair. “Hmn?” He leaned in closer. Closer than it should be. “Ahh, p-pinagtitinginan tayo ng mga tao.” "So? You know I can't do anything about it. I'm sure everyone is wondering how you managed to look decent tonight.” I instantly regretted telling him about my discomfort. Kung alam lang ng mga kasamahan namin kung paano ako kausapin ng lalaking ito! “Altair!” tawag ni Nina sa kaniya. “Excuse me, puwedeng palit tayo?” baling niya sa isa naming katrabaho na nakaupo sa tabi ni Altair. She deliberately asked him to change seats so she could be by Altair’s side. Hindi naman tumutol si Altair nang maupo si Nina sa tabi nito. Agad na ipinatong ni Nina ang isang kamay sa balikat ni Altair. “Have you forgotten? Nangako ka na susunduin mo ako sa apartment at ikaw ang kasabay ko papunta dito.” She pouted her luscious red lips. “Is that what I said?” maang na tanong ni Altair. “Oo! Nalimutan mo nga!” ani Nina. “I’m sorry,” hinging paumanhin ni Altair. “Hmn…Ihatid mo na lang ako mamaya pauwi para makabawi ka.” Saglit na natigilan si Altair. Ako man ay gustong tumutol sa suhestiyon ni Nina, pero sino ba naman ako para makialam? “Pero ihahatid ko pa si Ja—” “Jane, puwede ka naman sumabay kay Diane ‘di ba? Nasa iisang apartment naman kayo?” baling ni Nina sa akin. Awtomatikong hinanap ng mga mata ko si Diane. Namataan ko naman ito sa table di kalayuan sa amin. Saktong nilingon niya ako at tulad ni Ayeesha ay agad lumawak ang pagkakangiti niya sa akin. Nag-thumbs up pa siya sa akin. Alam niya ang dahilan kung bakit si Altair ang kasama ko ngayon. “Jane!” untag sa akin ni Nina. “Ha? Ahh, oo! O-Okay lang. K-Kay Diane na lang ako sasabay. Altair, ihatid mo na lang si Ni—” Natigil ako pagsasalita pagkakita ko sa paraan ng pagkakatingin ni Altair sa akin. He shot me a murderous glare. Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan sa takot. Sinulyapan ko si Nina na noon ay nagbabanta din ang tingin sa akin. A-Ano bang nangyayari sa dalawang ito? Sino ba sa kanila ang susundin ko? Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Narinig mo naman siya, Altair. May kasabay naman siya. Sabay na tayo mamaya ha!” nakangising sabi ni Nina. Hindi si Altair sumagot bagamat hindi din siya tumutol. Naputol ang pag-uusap namin nang magsalita ang emcee. Tinawag din niya si VP RA para magbigay ng mensahe. He paused in the middle of his speech as he noticed a group of people entering at the hall's entrance. "Well, I guess we're quite lucky today. Let us recognize the presence of our CEO and President, Mr. Walter Werner.” Natuon ang mga mata ko sa entrance ng hall. In there, I noticed a tall, dominant, and extremely attractive man. With a slight grin on his face, he approaches the stage. Behind him are his staff members and security personnel. His aura exudes power. I looked at him in astonishment. No. Everyone in the hall stared at him in amazement. Siya pala si Mr. Werner?! Bakit kaya naisipan niyang dumalo ngayon? Kailan man ay hindi siya dumalo sa mga event ng kompanya! Madalas ay assistant lang niya ang dumadalo para ibigay ang mensahe niya. “Here.” Nagulat ako nang makita ang isang baso ng tubig sa harapan ko. Sobrang lapit niyon sa mukha ko kaya naman hindi ko nakita ang pagdaan ni Mr. Werner sa puwesto namin. Napakunot ang noo ko. Sinulyapan ko si Altair na iniaabot sa akin ang baso ng tubig. “A-Ano ‘yan?” nalilitong tanong ko. “I thought you wanted something to drink. Kanina ka pa nakanganga d’yan,” iritadong sambit niya. Nagtatakang pinagmasdan ko siya. Iniwasan naman niya akong tingnan. Itinuon niya ang mata kay Mr. Werner at kitang-kita ko nang dumaan sa mga mata niya ang inis. Huh? Anong problema niya? Nagpatuloy ang programa at nagsimula nang ibigay ang ilang awards para sa mga empleyado. I could feel Altair's unease and annoyance growing. Lalo na nang magsalita si Mr. Werner. “This company's accomplishments over the years have brought me immense pride. The efforts and hard work of thousands of employees made all of this possible. I am optimistic that this company will continue to thrive in the next few years. You can trust that I will never fail to fulfill my obligations as your leader. We consistently strive for excellence, ensuring that only capable individuals will lead this organization. I will never allow this organization to be in the hands of leaders who are incapable and ineffective.” “Tss!” Altair scowled. Then he muttered something, obviously annoyed. Hindi ko iyon naintindihan dahil sa malakas na palakpakan ng mga kasamahan namin. Sinulyapan ko siya at napamaang ako sa nakitang reaction niya. Everyone here in the hall seemed happy with Mr. Werner’s message—except him. What’s going on? Pinakatitigan ko siya. Pagkuway itinuon ko ang mga mata kay President Werner. Bigla ay may napansin ako sa kanilang dalawa. “A-Altair,” tawag ko sa kaniya. “Ano ‘yon?” inis pa rin na tanong niya. “I-Ikaw at si M-Mr. Werner…” Bigla siyang natigilan. Seryoso niya akong tinitigan. “B-Bakit parang m-magkamukha kayo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD