Chapter 10 - I'm starting to rely on you

1914 Words
KUMAKAIN kami nila Ayeesha at Diane sa canteen kinabukasan nang magdesisyon akong aminin sa kanila ang tungkol sa deal namin ni Altair. Nanlalaki ang mga mata nila pareho habang nakikinig sa akin. Ipinaalam ko na sa kanila ang lahat pati ang alok ni Altair na samahan ako sa company event. “Baka naman type ka ni Altair?” tanong ni Diane. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming tatlo. Tila nag-iisip sila ng malalim pagkuway halos magkasabay din silang nagsalita. “Malabo. Parang ‘di ka papatulan n’on,” ani Diane. “Oo nga...malabo,” segunda ni Ayeesha. Napasimangot ako sa kanila kahit pa alam ko namang nagsasabi lang sila ng totoo. Malabo naman talaga akong patulan ni Altair! Pero bakit parang apektado ako? “A-Ano ba kayo? Hindi naman si Altair ang usapan natin dito! Tinutulongan nga niya ako para magkabalikan kami ni Adrian eh!” pagdidiin ko. “Ewan ko lang ha! Hindi ko na gusto si Adrian para sa ‘yo,” nakasimangot na sagot ni Ayeesha. “Bakit gugustohin mo pa ang lalaking ayaw na sa ‘yo?” “Pero ano ngang reason niya at nakipaghiwalay siya? Dahil matagal na kayong magkasama?” sabat ni Diane. Parang kinukurot ang puso ko sa mga komento nila pero binalewala ko iyon. Ako man ay nagtatanong kung bakit bigla na lang akong iniwan ni Adrian. “H-Hindi ko alam. Ayaw niyang magpaliwanag eh,” sagot ko. Noong una ay malaki ang tiwala kong maaayos namin ni Adrian ang problema naming ito, ngunit ngayon ay unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. “Bahala ka, Jane. Mas mabuti pang magsimula ka nang mag-move on,” paalala sa akin ni Diane. Matapos kumain ng tanghalian ay kani-kaniya na kami ng balik sa aming Department. Magkasabay kami ni Ayeesha habang humiwalay na sa amin si Diane. Habang nagtatrabaho ay kusang humahayon ang mga mata ko sa puwesto ni Altair. Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita. Nasaan kaya siya? May iniutos na naman ba si Miss Annie sa kaniya? Seryoso ba siya sa sinabi niya kagabi? Hanggang sa dumating ang uwian ay hindi ko nakita ni anino ni Altair. “Tara na, Jane,” aya sa akin ni Ayeesha. Nilikom ko ang mga gamit at magkasabay na kaming naglakad palabas ng opisina. “Ah! Magiging busy na ako, Jane. Malapit na ang pool party namin ni Johan,” nakangising sabi ni Ayeesha. She recently got engaged to her long-time partner, Johan. As unconventional as it seems, they chose a pool party for their engagement announcement. Sabi kasi nila ay sa pool party ng pamangkin ni Johan sila unang nagkakilala. “Kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako ha!” “Sure! Marami akong ia-assign sa ‘yo,” natatawa niyang sabi. “Ayeesha!” Tawag sa kaniya ni Andrea na staff sa HR Department. “Dala ko na ‘yong watch na ipinabili mo kay Tita sa US.” Napasinghap si Ayeesha sa tuwa. Kumikinang din sa excitement sa kaniyang mga mata. “Oh, gosh! Patingin nga!” Patakbo siyang lumapit kay Andrea. “Nandoon pa sa office eh! Kukunin mo na? Hindi kasi kita nakita kaninang lunch eh.” “Yes! Noong isang araw ko pa dinadasal na sana dumating na!” Nilingon ako ni Ayeesha saka sinenyasan na mauna na akong bumaba. Tumango lang ako saka naglakad patungo sa hagdan. Nasa tapat na ako ng conference room nang biglang bumukas ang pinto niyon. Kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang nang makita ang lalaking nasa pintuan. Adrian… Kaybilis ng tib0k ng puso ko. Maging siya man ay halata ang pagkagulat nang makita ako. It feels like a long time since I saw him. Kahit kagabi lang ay nakaharap ko siya. Pinagmasdan ko siyang mabuti. He seemed to be doing really well. Mukhang hindi man lang siya naapektuhan ng paghihiwalay namin. There were no black bags under his eyes or disheveled hair. Unlike me… “A-Adrian,” mahinang tawag ko sa kaniya. Sa halip na sumagot ay mabilis niya akong tinalikuran. Naglakad siya patungo sa hagdan papuntang third floor pero mabilis ko siyang sinundan. Bahala na kung maiwan ako ng company service. “Adrian!” tawag ko sa kaniya ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Wala na akong pakialam kung marinig kami ng ibang empleyado. “Adrian, sandali lang!” Sa puno ng hagdan kabilang dulo ng pasilyo ko na siya naabutan. “Jane, could you lower your voice, please?” mariin niyang bulong nang lingunin ako. Alisto niyang inilibot ang mga mata sa paligid. Sinisiguro niyang walang ibang nakakakita sa amin. “B-Bakit mo ako tinatawagan kagabi?” diretsang tanong ko. “Wala. Nagkamali lang ako ng dial. Ano bang kailangan mo?” ganting tanong niya. “Adrian…h-hindi mo na ako kailangang iwasan. I won’t bother you anymore.” Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko. Tinitigan niya ako at hindi ako nag-abalang basahin kung ano man ang emosyong nakalatag sa mga mata niya. Humugot muna ako ng hininga saka nagpatuloy. “Tanggap ko nang hiwalay na tayo. Gusto ko lang naman marinig ang paliwanag mo kung bakit ka nakipaghiwalay.” “Y-You don’t need to know,” ani Adrian. Unti-unti na naman akong nasasaktan sa reaction niya. Kunot na kunot ang noo niya. Mariin din niyang hinilot ang sintido. “Bakit? Siguro naman may karapatan akong malaman,” halos pabulong na lang na tanong ko. Naramdaman ko na agad ang pag-iinit ng mga mata. No! Nangako akong hindi iiyak sa harap niya! Why? Why has this man, who told me he loved me a month ago, suddenly lost all of his feelings? “Adrian ano bang hindi ko—” “I am inlove with someone else, Jane!” Nabitin sa ere ang tanong ko. Ang sinabi niya ay parang bomba na sumabog sa mukha ko. The explosion was so loud that I couldn't understand what he was saying. Ang alam ko lang ay masakit. My whole body is shaking, and I'm struggling to breathe. “A-Anong…sabi…mo?” tanong ko. May mahal na siyang iba? Kailan pa? Bakit hindi niya sinabi agad? Pero ang sabi ni Maam Amor…wala siyang ibang babae! Gusto kong umiyak pero ayaw pumatak ng mga luha ko na lalong nagpahirap sa nararamdaman ko. I feel like a fool. I was stupid to believe he loved me. Unti-unti ang pag-ahon ng galit ko. Malinaw na niloko niya ako! Nahulog siya sa ibang babae habang kasintahan ko pa siya. “Walanghiya ka!” sigaw ko. Sinugod ko siya at isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya. Batid kong hindi inaasahan ni Adrian iyon dahil ni hindi niya nagawang umiwas. Kailanman ay hindi ako naging bayolenteng tao. Ito pa lang ang unang pagkakataon… “What the f*uck, Jane!” singhal ni Adrian sa akin nang makabawi sa pagkabigla. Halata ang pinipigil niyang galit pero wala akong pakialam. “Anong kasalanan ko sa ‘yo ha? Ha?! Bakit mo ako ginag*go? Bakit? Bakit?” Parang hinahalukay ang tiyan ko sa labis na sama ng loob. Pakiramdam ko anumang oras ay lalabas lahat ng kinain ko. Ang gusto ko lang ay makaganti sa sakit na idinulot niya sa akin. “Kaya ayaw kong makipag-usap sa ‘yo dahil alam kong ganito ang mangyayari!” inis na sagot ni Adrian. “No! Ayaw mo makipag-usap dahil duwag ka! Sino ha? Sino ang babae mo?” Tuloyan nang nawala sa isip ko kung nasaan kami. Sinakop na ako ng emosyon at wala na akong pakialam sa maaaring kahinatnan ng kumprontasyon ko sa kaniya. “Jane! Please? Let’s not talk about it—” “Hindi Adrian! Pag-usapan natin dito! Pag-usapan natin kung paano mo ako niloko!” ubod lakas na sigaw ko. Pagkasabi ko noon ay natigilan si Adrian. Sa halip na sumagot ay bigla siyang natahimik. Narinig kong may tumikhim sa bandang likod ko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay parang namanhid ang buo kong katawan. Nakatayo sa likuran ko si VP RA. Batid kong paborito niya si AdrianI'm not sure how he will process what he just saw. Magbabago ba ang pagtingin niya kay Adrian? O ako ang malalagay sa alanganin? Hindi nagsalita si VP RA. Sa halip ay mataman niya kaming pinagmasdan. Matapos iyon ay nagtuloy na siya sa third floor. Nakasunod sa kaniya ang ilan pa sa company executives. Gusto ko nang lamunin ng lupa sa labis na kahihiyan. “Nakita mo na?! Kapag hindi ko nakuha ang promotion, hindi kita mapapatawad!” mahina pero madiing sambit ni Adrian. Lalo akong nanlumo. Kanina lang ay galit na galit ako sa kaniya pero ngayon ay nais kong humingi ng tawad sa kaniya. Akmang susundan ko siya pero naalala ko ang sinabi sa akin ni Altair. Sa halip ay naglakad ako pabalik sa opisina namin. Doon ay wala nang tao. Walang makakakita sa akin kahit pa gaano karami ang iluha ko. Gayunpaman ay pinigil ko ang umiyak. Nangako akong hindi na ako iiyak! Gulat na napatingin ako kay Altair na namataan kong papasok sa opisina namin. Saan ba siya galing? Bakit ngayon lang siya papasok sa opisina? Siya man ay natigil sa paghakbang nang mapansin ako. Agad na kumunot ang noo niya. Malamang napansin niya ang pagkabalisa ko. Nakakahiya! Siya na naman ang nakakita sa akin. Mabilis akong tumalikod. Mas mabuti pang umiwas sa isa na namang kahihiyan… Hindi pa man ako nakakahakbang ay naramdaman ko ang kamay niya na pumigil sa braso ko. ”Are you crying?” tanong niya sabay sulyap sa gawing likuran ko. Pakiramdam ko ay may kasamang galit at pagbabanta ang tono niya. Na para bang handa niya akong iganti sa kung sino man ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Mabilis akong umiling. “What are you? An idiot who will cry without a reason?” inis na niyang tanong. “Hindi naman ako umiiyak!” tanggi ko pa rin. Agad na tumalas ang mga mata niya sa akin. Batid kong hindi siya naniniwala. “Oo na! Nakausap ko si Adrian.” “Di ba sabi ko sa ‘yo, iwasan mo na siya?” halata ang iritasyon niya. “He s-said...he is inlove with s-someone else,” sabi ko na hindi pinansin ang huli niyang sinabi. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang lahat pero nakita ko din ang pagkuyom ng kamao niya. Hindi siya nagkomento. Namataan ko na lang ang panyo na iniabot niya sa akin. “H-Hindi nga ako umiiyak!” tanggi ko pa rin. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hinarap niya ako at wala sa loob na napalunok ako nang mapagmasdan ang nakangiti niyang mukha. Pagkuway seryoso niya akong tinitigan. “Don't worry. I will deal with him properly when the time comes.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “A-Ano?” “Wala,” maiksi niyang sagot. “Sumama ka na lang sa akin. Kanina pa nakaalis ang company bus at naiwan ka na.” Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. I watched Altair walk with his back on me. Why is his presence so comforting? As if everything will be fine as long as he is around. Worst of all, I'm starting to rely on him. Katulad ngayon, masakit ang ginawa ni Adrian pero di ko na iyon alintana…dahil kasama ko na si Altair. Napahawak ako sa dibdib. N-No! Para kay Altair ay deal lang ito. Siya na rin ang nagsabi…this is just a deal, were not friends. Tinapik ko ang magkabilang pisngi. Ano bang nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD