Chapter 9 – I’ll do it

2020 Words
PARANG puputok ang ulo ko habang naglalakad papasok sa opisina. Panay ang hilot ko sa sintido. “I swear! I swear I will not drink again!” bulong ko. Bukod sa marami akong nainom kagabi, hindi rin ako halos nakatulog kaiiyak. Mabuti na lang at nagmagandang-loob si Altair na ihatid ako sa apartment kahit pa marami din siyang nainom. Katakot-takot na sermon ang inabot ko kay Diane pagkauwi ko. Kakaiba ang tingin sa akin ni Ayeesha pagpasok ko sa opisina. Malamang naikwento na sa kaniya ni Diane lahat at pihadong sermon din ang aabutin ko sa kaniya. Awtomatikong dumako ang tingin ko sa pwesto ni Altair. He was casually talking to Nina. Mukhang hindi man lang siya nalasing sa ininom niya kagabi. He chuckled, as if enjoying the attention Nina was giving him. Kunsabagay, maganda at sexy manamit si Nina. I couldn't help but gaze at his hands, which moved from her arms to her waist. Hindi ko mapigilang mapasimangot sa eksena nila. “Would you like to come to my apartment tonight?” mahinang tanong ni Nina pero sapat iyon para marinig ko. Awtomatiko akong napairap, bagay na hindi ko ginagawa noon. Gusto ko sanang pakinggan ang sagot ni Altair ngunit bigla akong sinita ni Ayeesha na nasa tabi ko. “Ang sabi mo sa akin kahapon ay may lakad ka. ‘Yon pala ay pumunta ka na naman sa bar na ‘yon! Ano bang naisipan mo? At sinong kasama mo?” “W-Wala,” kaila ko ngunit puno ng pagdududa ang tinging ipinukol niya sa akin. “Wala? Ano ‘yon, uminom kang mag-isa?” “Saka ko na sasabihin,” sagot ko na lang. Hindi ako sigurado kung mauunawaan nila kapag sinabi kong kasama ko si Altair. Pihadong katakot-takot na sermon at mga tanong ang aabutin ko. Iniiwasan ko ding makarating kay Nina iyon. “Jane ha! Huwag mo nang uulitin ang ginawa mo! Ano ka ba? Ipinapahamak mo ang sarili mo dahil kay Adrian!” “Hindi na talaga! I promise! Hindi naman si Adrian ang ipinunta ko doon eh!” Natawa si Ayeesha sa sinabi ko. “Eh ano? Gusto mo lang talagang mag-inom mag-isa? Paano kung napahamak ka?” May kinuha siya na tabletas sa bag at iniabot sa akin. “Inumin mo yan kapag di mo na kaya ang sakit ng ulo.” “Salamat,” sambit ko. Binuhay ko na ang computer para magsimulang magtrabaho. Napaawang ang bibig ko nang biglang bumungad si Altair sa harapan ko. He smells wonderful. His hair is nicely styled, and his clothes have been perfectly ironed. Paano niya nagagawa ‘yon gayong halos umaga na kami umuwi? I couldn't help but think about how awful I looked in his eyes compared to how lovely he seemed in mine. Ano na naman kayang kailangan ng lalaking ito? Kabadong nilingon ko si Nina na noon nga ay nakamasid sa amin. “Did you block him?” untag ni Altair sa akin. “H-Ha?” He sighed irritably. "I am asking if you already blocked Adrian." Batid kong narinig ni Ayeesha ang usapan namin. “H-Hindi pa.” Napataas ang kilay ni Altair sa sagot ko. “You're still hoping he'll call you again huh!” “Hindi ah!” tanggi ko. “Liar.” “H-Hindi nga!” Nakapanliliit ang tinging ipinukol niya sa akin. Pakiramdam ko din ay lalong lumamig sa loob ng opisina namin. Natawag ang atensyon namin sa biglang pagbukas ng pinto ng opisina at nanlaki ang mga mata ko pagkakitang si Miss Annie ang dumating. Despite being pregnant, she looked incredibly stylish and sophisticated in her clothing. “Good morning, Maam!” magkakasabay na bati namin sa kaniya. Seryosong sinulyapan ako ni Miss Annie pagkuway natuon ang mga mata niya kay Altair. Agad siyang ngumiti pagkakita sa lalaki. “Already brainstorming about your upcoming projects?” nasisiyahang tanong niya sa amin. Mukhang pagdating kay Altair ay maganda ang mood niya. “Yes, I am helping Jane. We're making a checklist here of what we need to do.” Sinulyapan ako ni Altair. A mischievous grin spread across his face. It amazed me how he was able to talk to Miss Annie in such a casual way. And Miss Annie did not seem to mind. In fact, she seemed really impressed with him. “Great! Hey, Jane! Please don't make any mistakes this time. You should cooperate with Altair,” bilin pa ni Miss Annie. Naglakad na siya papasok sa opisina ngunit bigla niya kaming nilingon muli. “Oh, I almost forgot! I have an extra assignment for you,” nakangiting sabi niya kay altair. Gulat na napatitig ako sa aming boss. Mukhang malaki na agad ang tiwala niya sa lalaki. “Kailangan ng HRD ng tulong natin. They are in charge of organizing the upcoming corporate night, but they are understaffed today. They request that we find a venue for the celebration. Also, the supplier of plaques and tokens has finished the sample. I'd like you to check the sample. Can you do it??” “Of course,” maiksing sagot ni Altair. “Uhm, excuse me, Miss Annie!” Sangat ni Nina sa usapan namin. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. “Mukhang madami ng responsibilities si Altair ngayon.” Maging si Altair ay napakunot ang noo sa kaniya. “Uhm, I…I can help him. Puwede ko siyang samahan sa paghanap ng venue at pag-check ng samples sa suppliers.” Saglit na nag-isip si Miss Annie pagkuway natuon sa akin ang mga mata niya. Dumagundong ang dibdib ko sa kaba dahil parang nahuhulaan ko na ang iniisip niya. “No. I need this task done meticulously by someone, kaya ikaw na Jane ang tumulong kay Altair. Tutal kayo na ang magkasama sa project. Nina, Nancy, may paparating tayong bisita from universities today. Kayo ang mag-tour sa kanila.” Kitang-kita ko kung paanong tumalas ang tingin ni Nina sa gawi ko. Anong gagawin ko? Hindi naman ako puwedeng tumanggi kay Miss Annie! Kung ako ang masusunod ay ayaw ko sanang samahan si Altair. “Let's start by looking for a suitable venue on the internet. Once we have our options, let's decide which one we're going to visit,” suhestyon ni Altair. “O-Okay,” sang-ayon ko. Iniwasan ko nang tingnan si Nina sa takot na makita ang nagbabagang niyang mga mata. BAGO sumapit ang ala una ay nakapag-request na ako ng business travel para sa amin ni Altair. Matapos mananghalian ay nagtungo na kami sa venue na napili namin. Tahimik lang kami pareho habang sakay sa company service. Seryoso si Altair na nakatutok sa kung ano man ang binabasa niya sa cellphone niya. “A-Altair,” tawag ko sa kaniya. Mula sa binabasa sa cellphone ay nalipat ang atensyon niya sa akin. “M-May number four ba pa sa list?” He narrowed his gaze on me. "You still want him back?" hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi ako nakasagot. “Hmn. Hindi ko sasabihin sa ‘yo hanggat hindi mo iniiwasan si Adrian.” “H-Hindi ko na siya kinukulit!” Napataas ang boses ko kaya agad kong tinakpan ang bibig. Kilala ng company driver namin si Adrian at malamang na kumalat sa opisina ang usapan namin ni Altair. Nang lingunin ko si Altair ay nakatingin din siya sa driver namin. “Simula kailan? Kagabi? Did you block him?” tanong niya. Hindi ako nakasagot. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa akin na gawin ang inuutos niya. Labis ang galit ko sa ginawa ni Adrian pero isang bahagi ng isip ko ay nagnanais na makausap siya. Gusto ko lang naman marinig ang paliwanag niya. Altair looked annoyed. I'll do it. "Give me your phone," utos niya na para bang empleyado niya ako at siya ang boss ko. “T-Teka! Ako na—” “I don’t believe you. Forget about our deal. You’re a hopeless case.” Bigla akong nag-panic. “Paano ang project?” “I can accomplish it without your help.” May pananakot na sabi niya. Bigla akong kinabahan. Mukhang totoo ang sinabi niya. Kaya niyang tapusin ang project kahit wala ang tulong ko. Napipilitang iniabot ko sa kaniya ang cellphone ko. Halata naman ang pagkagulat niya sa ginawa ko. “Are you sure?” nakangisi na niyang tanong matapos tanggapin ang cellphone ko. Pakiramdam ko tuloy ay pinagti-trip-an niya na lang ako. “Ano ba? Tinutulongan mo ba ako o pinagti-trip-an mo lang ako? H-Huwag na kaya—” Akmang babawiin ko ang cellphone sa mga kamay niya pero iniwas niya iyon. Sinubukan ko muli abutin iyon ngunit itinaas niya ang kamay. Kahit nakaupo kami ay hindi ko iyon magawang agawin buhat sa kaniya. Malawak at mapang-asar ang ngiti niya. Habang ako naman ay unti-unti nang naiinis. “Ano—” Biglang nagpreno ang driver namin. Hindi ako nakahanda. I didn't have time to scream, even if I wanted to. My eyes widened, and I reached for something to clutch for support. Itinuon ko ang mga kamay sa upuan sa unahan para hindi ako tumilapon pauna. But momentum was so strong. Suddenly, I felt a strong hand grab my arms and pull me closer. It was Altair. He grabbed me tightly, and I landed on his chest. Then I noticed his arms wrapped around me in a protective embrace. Makailang beses akong kumurap. “Maam, Sir, pasensya na. T*rantado itong isang bus! Nag-cut sa daan eh!” paliwanag ng driver namin. Matapos ang ilang segundo ay saka lang ako natauhan sa pwesto namin ni Altair. Tila ako napaso at agad akong kumalas sa kaniya. Napansin kong napataas ang kilay niya sa akin. “What? Shouldn't you be thanking me for helping you?” Yumuko siya at balewalang dinampot ang cellphone ko na marahil ay nabitiwan niya kanina. Ni hindi niya napapansin ang pagkatulala ko sa kaniya. Kaylakas ng tib0k ng puso ko pero malakas ang kutob kong hindi iyon dahil sa biglaang pagpreno ng sinasakyan namin. Sinulyapan ako ni Altair at agad kong hinamig ang sarili. “Relax. Hindi naman nasira. Here.” Iniabot niya sa akin ang cellphone ko. “Okay na. Iba-block ko na si Adrian,” sambit ko. “Are you sure?” “Oo.” “Okay. Do it,” hamon niya saka nagkibit-balikat. I inhaled deeply. Hinanap ko ang pangalan ni Adrian sa contacts ko. Then I blocked his number. Gusto kong mapahiya nang makita ang napakahabang messages ko kay Adrian. Bawat laman ng mensahe kong iyon ay pinag-isipan kong mabuti. Ibinuhos ko doon ang damdamin ko at lahat na laman ng isip ko. Pero ni isang sagot buhat sa kaniya ay wala akong natanggap. Kung sakali mang maisipan niyang tawagan o mag-message sa akin ay hindi ko na mababasa. Kakatwang kalmado ako ngayon. Akala ko ay magiging masakit sa akin ang gagawin. Hindi kaya napagod na ako sa kakahabol kay Adrian? Sinulyapan ko si Altair at natigilan ako pagkakitang pinagmamasdan pala niya ako, as if analyzing my every reaction. Kasunod akong nag-log in sa social media kung saan kayrami ko ding messages kay Adrian na hindi niya sinagot. “Trust me, Jane,” bulong ni Altair. Pinindot kong muli ang block button. Wala nang mag-uugnay sa amin. Mas higit kong nararamdaman ang paghihiwalay namin ni Adrian dahil sa ginawa ko. Aaminin kong may kirot pa rin sa puso ko. "Good. I'll tell you what number four is on my list now.” Altair seemed unaware of the pain I was experiencing right now. “A-Ano ‘yon?” mahinang tanong ko. “Get back into dating. Bring a date for the upcoming corporate event.” “Ano?!” gulat na tanong ko. Seryoso ba siya? Date? Nababaliw na ba siya? “W-Wala. Wala akong kilala na puwedeng isama,” nahihiyang amin ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Wala naman talaga akong kilala na gugustuhing maging date ko sa corporate night. “I’ll go with you.” My heart almost dropped. Siya? Sasamahan niya ako? N-No! That's another way of declaring war against Nina. But why is it so difficult to say no to his offer?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD