Lumalim ang gabi at hindi ko na namalayan kung gaano karami ang nainom ko. Ang totoo ay nakadarama na ako ng pagkahilo at pangingimi ng mukha. Sinulyapan ko si Altair na tahimik ding umiinom at parang kaylalim ng iniisip. Matapos ang pag-uusap namin ay hindi na niya ako inimikan. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay napansin ko pa rin ang malungkot niyang mga mata. Kinusot ko ang mga mata saka muli siyang pinagmasdan. Ito yata ang unang beses na nakita ko siyang ganito …
May problema ba siya? Paano ko ba siya aayain na umuwi na? Nakakahiya naman magsa--
“Ubusin ko lang ito at uuwi na tayo,” bigla ay sabi niya na parang nabasa ang iniisip ko.
“H-Ha? Hindi! Hindi naman ako nagmamadali. S-Sige lang,” sagot ko. Iritadong tiningnan niya ako. Para bang hindi siya naniniwala sa akin.
“Liar. How about you try expressing your thoughts? Tell people what you truly want and how you actually feel.” seryosong sabi niya. Muli ay napahiya ako sa tinuran niya. Bakit parang alam niya ang iniisip ko? Bakit parang kayhirap maglihim sa kaniya?
Inubos niya ang alak sa baso pagkuway kumuha ng cash sa wallet niya. Iniabot niya iyon sa bartender at ni hindi na siya kumuha ng sukli. “Let’s go,” aya niya sa akin.
Nanlalaki ang mga matang sinulyapan ko ang bartender. “T-Teka…sukli…’yong sukli—” Hindi na niya pinansin ang sinasabi ko. Nauna na siyang maglakad palabas ng bar kaya napilitan akong sumunod sa kaniya. Kaybilis niyang maglakad kaya nahirapan akong habulin siya. Idagdag pa na puno at siksikan sa loob ng bar.
“Altair!” tawag ko sa kaniya na noon ay malayo na ang distansya sa akin. Nagsimula na akong kabahan dahil hindi ko na siya makita sa karamihan ng tao. “Excuse me! Excuse me!” ani ko sa bawat madaanan ko.
“What the f*uck b*itch!” sigaw sa akin ng isang babae nang mabangga ko siya dahilan para tumapon ang laman ng hawak niyang bote.
“I’m sorry! I’m sorry!” kabadong hingi ko ng dispensa sa kaniya. Tiningnan ko siya kasabay ang panalangin na sana ay hindi na niya palakihin ang gulo. Mukha pa namang marami na siyang nainom.
Muli kong tinanawan si Altair. Natigilan ako nang makita siya na nakatayo na sa tabi ko. Buong akala ko ay iniwan na niya ako. Hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa kaniya. He leaned closer to me, causing me to hold my breath and my heart to thump rapidly.
“What are you? A child? Maglalakad lang palabas, hindi mo pa magawa ng maayos?” iritadong bulong niya sa akin. Hindi niya pinansin iyong babae na nagsisisigaw na bayaran ko umano ang natapon niyang alak. Nagsimula na siya muling maglakad habang mahigpit pa rin ang hawak sa braso ko. This time, he helped me get through the exit, occasionally preventing other men from colliding with me. Pagdating sa labas ng bar ay binalingan niya ako.
“Wait for me here. Kukunin ko lang ang sasakyan.”
Hindi ko magawang sumagot. Kaybilis ng t*bok ng puso ko. Hindi ko malaman kung dahil ba sa pagod o ano. Sinundan ko si Altair ng tingin habang naglalakad sa lugar kung saan naka-park ang kaniyang sasakyan.
Hindi pa ako natatagalang naghihintay nang marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaking nagsasalita malapit sa pwesto ko. Adrian? Lalong bumilis ang tahip ng dibdib ko. Nilingon ko ang pinanggalingan niyon at tumambad sa harapan ko si Adrian kasama ang ilan sa mga katrabaho namin. Kasama rin nila si Maam Amor. Mukhang pauwi na sila at naghihintay din ng masasakyan. Hindi ko sila nakita sa loob ng bar kanina. Marahil ganoon din sila dahil halata ang pagkagulat nila pagkakita sa akin. But what caught my attention was the way Maam Amor clutched Adrian's arms. The way she held him gave off an impression of an unusual familiarity. O dahil ba close na talaga sila masyado sa isa’t-isa?
Napansin ni Maam Amor nakatingin ako sa mga kamay niyang nakahawak kay Adrian kaya mabilis niyang inalis iyon.
“J-Jane, nag-celebrate lang kami. Alam mo naman, may promotion na magaganap. Ahm, hindi ka namin napansin sa loob?” Si Maam Amor ang naunang bumati sa akin. Bago pa man ako makasagot ay nauna nang magtanong si Adrian.
“What are you doing here?” seryosong tanong niya sa akin. Halatang iritado siya. Parang kinurot ang puso ko sa tono ng pananalita niya. Ngayon lang kami magkakausap ulit pero heto at parang galit pa siya.
“May kausap lang—”
“Sinusundan mo ba ako? Para ano? Magagalit ka kung may babae nga ako? Jane, wala na tayo!” pagdidiin niya. Gulat na napatitig ako sa kaniya.
Mukhang tama nga si Altair sa sinabi niya kanina. Sa naisip ay pinigil ko ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa aking mga mata. Hindi ko na hahayaang makita niya akong nasasaktan.
“Adrian!” saway ni Maam Amor kay Adrian. Agad din siyang pumagitna sa amin.
“Pare, huwag naman ganiyan!” saway na rin ng ilang lalaking katrabaho namin pero hindi iyon sapat para mawala ang sakit na nararamdaman ako. Bagkus ay lalo akong napapahiya. Nakapanliliit. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata. Hindi ganito ang Adrian na nakilala ko. Ang Adrian na minahal ko…
“Hindi kita sinusundan, Adrian. M-May kasama ako dito—”
“Hah! Paulit-ulit na lang tayo Jane! Alam ko na sumunod ka na naman dito!” hindi naniniwalang sabi ni Adrian.
“Adrian, hindi! Hindi talaga kita sinusundan!” tanggi ko.
Altair, asan ka na ba?
“Jane!” Sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking tumawag sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang mamataan si Altair na papalapit sa amin. Sinulyapan ko siya at nagtama ang aming mga mata. His expression is filled with concern and worry. Kinagat ko ng mariin ang labi para pigilan ang paghikbi. Pagkalapit niya sa akin ay hinapit niya ako sa baywang dahilan para mapigil ko ang paghinga. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya. “You’re drunk. Let me take you home,” bulong niya sa akin pero sapat iyon para marinig ng mga kasama namin. Binalingan niya si Adrian. “She’s with me.” His voice is cold and indifferent.
Naging matalim ang mga mata ni Adrian. Sinulyapan niya ako pagkuway dumako ang tingin niya sa kamay ni Altair na nakahawak sa baywang ko. Napansin ko kung gaanong nagdilim ang mukha niya pero hindi siya nagsalita. Sa halip ay nagkibit-balikat lang siya.
“Fine. Dalahin mo kung saan mo gusto.” Parang sinaksak ng patalim ang puso ko pero hindi ako nagpahalata. Pagod na ako. Pagod na pagod na akong masaktan at umiyak.
“Adrian! Bawiin mo ang sinabi mo!” sigaw ni Maam Amor sa kaniya. Halata ang pag-aalala niya sa akin. Tuloyan nang nagbagsakan ang mga luha ko.
“Let’s go,” aya ni Altair sa akin. Hindi na ako tumutol nang hilahin niya ako papalayo. Kayhigpit ng hawak niya sa kamay ko kaya sinulyapan ko siya. Maging ako ay di maiwasang kabahan pagkakita sa hitsura niya. Kunot na kunot ang noo niya at halatang nagpipigil lang siya ng galit. Pagdating sa sasakyan niya ay patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
“Stop crying over that j*erk!” he hissed. Kumuha siya ng tissue at iniabot sa akin.
“Last na. Last na iyak ko na ito. Kakalimutan ko na talaga siya! T*rantado siya!” sigaw ko kahit pa duda ako kung magagawa ko nga ba. Paano ba kalimutan ang lalaking una mong minahal?
Umiiyak pa rin ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa pangalan ng tumatawag. Si Adrian.
Sa halip na matuwa ay mas nanaig ang galit at inis ko. Pinutol ko ang tawag at isinilid ang cellphone sa bag. Kaytagal kong hinintay na pansinin niya ako at sagutin niya ang mga messages ko pero hindi niya ginawa. Ngayong sa wakas ay tinawagan niya ako, hindi ko na makapa sa puso ko ang saya.