HINDI ako mapakali habang pasimpleng pinagmamasdan si Altair sa tabi ko. The bar is starting to get crowded. To be honest, what makes me uneasy are women's glances in our direction. Nakakailang ang mga tingin nila sa akin. Perhaps they are curious as to how I manage to be with such a handsome man. Tiningnan ko si Altair na busy sa pag-order ng inumin.
“What do you want to order?” nilingon niya ako at huling-huli niya akong nakatitig. Agad na kumunot ang noo niya.
“Ahm..w-wala, hindi na ako—”
"Piña Colada for her," he told the mixologist. Hindi na niya pinansin ang pagtanggi ko.
Wala akong nagawa kundi pagmasdan ang bartender na nagsimulang ihanda ang mga order ni Altair. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “A-Altair, bakit ba tayo nandito?”
Tinitigan niya ako ng matagal. Then his gaze scanned my attire. His lips twitched, and a look of disappointment appeared on his attractive face. Awtomatiko akong nailang dahil doon. Pasimple kong tinakpan ng dalang bag ang suot kong damit.
“Let's discuss our deal. So, I will help you with Adrian, and you will commit to ensuring our project's success. Gusto ko lang din linawin, this is just a deal, we are not friends.”
Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ilang segundo bago ko nahanap ang boses. “Oo…okay.”
Bumuga muna siya ng hangin bago muling nagsalita. “First of all, I want to ask you, are you sure you want Adrian back?”
Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Of course! Kaya nga ako pumayag na sumama dito dahil gusto kong tulongan niya akong magkabalikan kami ni Adrian. Bago pa ako makasagot ay muli siyang nagsalita.
“Kaya dito kita dinala, Jane. Look around you, Jane, marami pang lalaki sa mundo. Gusto kong makita mo na hindi lang si Adrian ang mundo mo. There are many men out there who are far better than him.”
Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Oo nga at maraming lalaki dito, pero matitino ba sila? Pinakiramdaman ko ang sarili. It’s clear that my thoughts and feelings for Adrian have not yet faded. Siya at siya pa rin ang gusto ko. Sinulyapan ko si Altair at bahagya akong nagulat nang magtama ang aming mga mata. Seryoso niya akong pinagmamasdan. Para bang binabasa niya kung ano ang iniisip ko.
“K-Kahit pa maraming lalaki dito, si Adrian pa rin ang gusto ko.”
Altair seemed dissatisfied with my answer. “After what he’s done to you?”
“Bakit? Ano bang ginawa niya sa akin? Altair, nalilito lang si Adrian. Baka na-stress lang siya nitong mga nakaraang araw. Hindi madali para sa akin ang kalimutan ang pinagsamahan namin.”
Ano bang gusto niyang isagot ko? Hindi naman yata niya ako matutulungan, baka nagsasayang lang ako ng oras ko dito!
He opened his mouth as if he remembered something he wanted to tell me, but then he hesitated. Mataman niya akong pinagmasdan. Muli niyang itinikom ang bibig at sa halip ay nag-isip. “How long have you been in a relationship?"
“Isang taon na.”
“Tss! Isang taon lang naman pala,” bulong niya.
“Mahalaga sa akin ang isang taon na ‘yon!” katwiran ko. “Siya pa rin ang gusto ko kahit iharap mo sa akin lahat ng lalaki dito! Hindi naman ako sa pisikal tumitingin.”
“Hah! Paano kung niloloko ka na niya? Gusto mo pa rin siya?” nanghahamon na tanong niya.
“Hindi niya gagawin sa ‘kin ‘yon! Mabait si Adrian! Isa pa masipag siya sa trabaho. Ginagawa niya--”
“Okay! Okay!” putol niya sa mga nais ko pang sabihin. “Mahal ka ba niya?”
Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ako agad nakapagsalita at ramdam ko ang kurot sa puso ko.
“Kung magpapakatotoo ka sa sarili mo, alam mong hindi ka na sigurado,” bulong ng isang bahagi ng utak ko.
Altair may have sensed my uneasiness. “We'll do everything it takes to win his love back," he promised "Pero kailangan ay susundin mo lahat ng sasabihin ko.”
I feel weird talking to him about this stuff. Kumuha siya ng maliit na papel at sinulatan iyon. Pinagmasdan ko siya habang nakatungo. The light from the dance floor would occasionally hit his face, accentuating his stunning features. Why is everything about this man perfect? His sharp nose, striking eyes, long lashes, and jaw melded to create a masterpiece. What drew my attention the most were his rosy lips.
“I’ve written a checklist here,” aniya saka sumulyap sa akin. Agad kong hinamig ang sarili sa takot na baka mahuli na naman niya akong nakatitig. Binasa niya ang sinulat niya pagkuway napailing siya. Marahil maging siya ay hindi makapaniwala sa ginagawa. “I’ll give you three things to do for now. You must follow them obediently.”
Inabot ko ang papel at binasa ang mga nakasulat doon. Maang na napatitig ako sa kaniya nang mabasa ang kaunahan sa listahan niya.
“Gawin mo lahat ng nasa list na ‘yan,” aniya saka humalukipkip.
Napalunok ako. Number one on the list states I should stop chasing and begging Adrian.
“Hindi ko naman hinahabol si Adrian! Gusto ko lang siyang makausap para sana—”
Itinaas niya ang kamay para patigilin ako sa pagsasalita. “If you talk to him now, there’s a high chance you’ll beg him again. Kaya iwasan mong makipag-usap sa kaniya.”
“Paanong iwasan? Paano kami magkakaayos kung hindi kami mag-uusap? Paano niya mauunawaan—”
“Jane! Makinig ka sa akin! He broke up with you, right? Siya ang umayaw. He dumped you.”
Ang sakit naman! Kailangan pa ba niyang ipagsigawan?
“In the back of his mind, he knew... He knew you'd beg him to stay. All it takes is one phone call from him to make you rush back to him. That gives him a sense of comfort. He wants you out of his life, so give him what he wants. Disappear from his life. Make him recognize the consequences of his decision. Make him realize that he doesn't own you anymore.”
“I don’t understand,” sambit ko. This is not what I wanted. Why would I let him go? Paano kung makahanap siya ng iba sa mga panahon na hinahayaan ko lang siya? Nagulat ako nang hawakan ni Altair ang kamay ko. His gaze is comforting.
“Trust me, Jane.”
How come his eyes are so mesmerizing?
I forced myself to look away from him and focus on something else. Makailang beses akong tumikhim.
“S-Sigurado ka ba dito?”
“Yes.”
Binasa ko ang ikalawa sa listahan niya. “B-Block his number?”
“Yes. Block his number. Block him on any social media platforms,” walang gatol na sagot niya.
Napanganga ako sa narinig. Why do I have to do all of these?
“Believe me, Jane. Kahit na anong sabihin mo sa kaniya ngayon ay hindi niya pakikinggan. Alam niyang sasabihin mo lahat para bumalik lang siya sa ‘yo.”
Hindi ako nakaimik. Alam kong may punto siya. Ilang messages na ba ang ipinadala ko kay Adrian pero ni isa man ay wala siyang pinansin. Wala sa loob na dinampot ko ang baso ng alak na nasa harapan ko at ininom ang laman niyon. Gumuhit ang init mula sa lalamunan ko hanggang sa aking tiyan. Muntik ko nang maibuga iyon.
“Ano ba ito? M-Mapait pa ‘to sa buhay ko eh!” bulong ko. Nang sulyapan ko si Altair ay napansin kong pinipigil niya ang mapangiti. Marahil narinig niya ang sinabi ko.
“That's my whiskey,” pagbibigay-alam niya sa akin.
Tiningnan ko ang hawak na baso at nakita kong alak nga niya ang nadampot ko. “S-Sorry.”
“It’s fine. Here,” aniya saka inilapit sa akin ang inumin ko. I noticed his long, slender fingers. As time passes on, I find him more and more attractive.
Sh*it! Ito na ba ‘yong sinasabi nila na marupok ang babae kapag brokenhearted?
Itinuon ko na lang ang mga mata muli sa papel na sinulat niya. Binasa ko ang ika-tatlo doon. Pakiramdam ko ay unti-unting lumalabo ang mga letra sa papel.
“Number three…Hmmnn..use this time to reflect and enjoy?” kunot noong tiningnan ko si Altair.
“Mag-enjoy ka. Don't let Adrian see your misery. It will only fuel his ego. He'll think he's right to leave you.” Nagkibit-balikat siya at saglit na nag-isip bago muling nagsalita. “Maybe find a new hobby? You may discover new things about yourself.”
Ngumiti siya. Nakakaloko ang klase ng pagkakangiti niya, gayunpaman ay hindi nabawasan ang kagwapuhan niya.
Sh*it! He's much more charming when he smiles. Dahil na ba ito sa alak na nainom ko?
“No one wanted an old rag for a girlfriend. Maybe you should start with a makeover.”
Ako? An old rag?! What a jerk!
Nang pagmasdan ko si Altair ay hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili. Aminado akong hindi ako mahilig mag-ayos. Face powder at lipstick lang ang ini-apply ko sa mukha. I don’t do my eyebrows. Ang pilik-mata ko naman ay natural na mahaba at malantik. Sa pananamit naman, madalas ay pinipili ko lang kung alin ang kumportable para sa akin. Wala din akong hilig bumili ng bag. Hindi ako nagpapalit ng ginagamit na bag hanggat hindi pa nasisira ang kasalukuyan kong gamit.
“A-Anong gagawin ko?” Pinigil ko ang maluha kahit pa nga masakit para sa akin ang tahasan niyang pagsasabi na p*angit ako.
“I know someone who can help you.”
Napatango na lang ako para itago ang pagkapahiya. Sobrang pangit ba ng tingin niya sa akin? Ganoon din ba ang tingin ni Adrian sa akin? Kaya ba nakipaghiwalay siya sa akin?
Ano bang meron sa lalaking ito? Dinampot niya ang alak. He raised his glass, offering me a toast. “Let’s celebrate your freedom.” Nakakaloko niyang sabi.
Wala sa loob na itinaas ko din ang baso ng alak na hawak. Bakit ba nagpapadala ako sa bawat sabihin ng lalaking ito? Pakiramdam ko ay gusto ko ngang magsaya ngayon at tanggapin na wala na talaga kami ni Adrian. Masakit pero ayaw ko nang umiyak. Sa halip ay pilit akong ngumiti. Pakiramdam ko din ay lumakas ang loob ko.
At this point, I do not want to rely on my own ideas. Ginawa ko na lahat ng alam ko para lang makausap si Adrian pero siya itong umaayaw. Ipapaubaya ko na lang kay Altair ang lahat.