Chapter 6 - The ambitious guy that he is!

2199 Words
Jane’s POV ANG ISIP ko at puso ko ay nagtatalo sa ginawa kong pagpayag sa alok ni Altair. Hindi ako sigurado kung dapat ko nga ba siyang pagtiwalaan, but right now I'm so desperate that it's distorting my thoughts. Lalaki din siya. He knows how men think. Wala naman sigurong masamang sumubok lalo pa at wala din namang masama sa hinihingi niyang kapalit. I desperately want Adrian back. Ilang gabi na akong hindi makatulog sa kaiisip sa kaniya. Sinulyapan ko si Altair na nagsisimula nang maghanda dahil ilang minuto na lang at uwian na. Tumayo ako at nagtungo sa comfort room para mag-ayos muna. Ang sabi ni Altair ay hihintayin niya ako sa parking. Kaya naman nagpaalam na ako kay Diane na hindi ako sasabay sa kaniya ngayon na umuwi. “Hmn. How are you coping, Jane?” bigla ay may nagtanong sa akin habang sinisipat ko ang sarili sa salamin. Nalingunan ko sila Nina at Nancy. Hindi ko namalayan ang pagpasok nila. Agad bumilis ang tahip ng dibdib ko nang makita ko si Nancy na ini-lock ang pinto. Tumabi sila sa akin at naipit ako sa pagitan nila. Then they gave me a challenging stare. I can tell something is wrong just by looking at their expression. “Coping? Saan?” nag-aalangan na tanong ko. “We heard that Adrian broke up with you,” ani Nina. Her face was devoid of concern. Instead, it was filled with mockery. “Aww! It’s a shame he broke up with you,” kunway malungkot sabi ni Nancy. Mas lumapit pa siya sa akin at kunway inayos ang buhok ko. Napapitlag ako sa ginawi niya. Alam na din pala nilang naghiwalay kami ni Adrian…pero ano bang kailangan nila sa akin? “Anong kailangan nyo—” “Dahil ba wala na kayo ni Adrian kaya si Altair naman ang next target mo? Ang bilis mo naman maka-move on!” walang kangiti-ngiti na tanong ni Nina. It took me a while to comprehend what she had just said. Ako? Kay Altair? Gulat na tinitigan ko siya. “H-Hindi ah! Mali ang iniisip n’yo!” mabilis na tanggi ko. Mukhang mapapahamak pa ako dahil sa lalaking ‘yon! Sa loob ng isang taon na nagtatrabaho ako sa kompanyang ito, iniwasan kong maging sentro ng atensyon. Tahimik lang akong ginagampanan ang trabaho ko. Ayaw kong madawit sa ano mang gulo o tsismis. I am careful not to offend anyone, especially Nina and Nancy, because I know they are war freaks. Ramdam ko na noon na may nabago sa pakikitungo nila sa akin buhat nang ligawan ako ni Adrian. Wala lang silang magawa para awayin ako dahil sa position ni Adrian. Everyone knows that he is the top management's favorite. “Jane, payo ko lang sa ‘yo, alamin mo kung saan ka lulugar! Nakikita mo naman sigurong panay ang lapit ni Altair dito sa kaibigan ko,” segunda ni Nancy. I am not used to this kind of confrontation. Parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba at takot. Hindi man nila direktang sabihin ay nauunawaan ko na kung anong gusto nilang iparating. “H-Hindi. Hindi ko naman gagawin sa ‘yo ‘yon Nina.” Nanginginig ang boses ko maging ang mga tuhod ko. Kahit pa malinis ang kunsensya ko. “Talaga lang! Huwag mong subukan, Jane!” mataray na sabi ni Nina. Mahina niya akong itinulak dahilan para mapasandal ako sa wall. “Take this as a warning, Jane! Don't ever upset me again,” puno ng pagbabanta ang boses niya. Gusto ko sanang tanungin kung girlfriend ba siya ni Altair pero pinigil ko ang sarili. Si Altair na lang siguro ang kakausapin ko. Akmang may sasabihin pa si Nina pero napigil iyon ng malalakas na katok sa pinto. “Hello! May tao ba d’yan?!” sigaw ng babae sa labas habang walang humpay sa pagkatok. “Tsk!” napipilitang binuksan ni Nancy ang pinto. Bumungad sa amin si Maam Amor. Maging ito ay tila nagulat pagkakita sa akin at kina Nina. Dahil kasamahan siya ni Adrian sa Department ay alam rin niyang hindi ako malapit sa dalawa. Puno agad ng pagdududa ang tinging ipinukol niya sa dalawa kong kasama. “A-Anong--? Anong nangyayari dito?” tanong niya. “None of your business, b*tch! Let’s go Nancy!” mataray na sagot ni Nina. Hindi nila pinansin si Maam Amor. Nagmartsa na ang mga ito palabas ng comfort room. “Bastos ng mga bangus na ‘yon ah! Okay ka lang?” tanong ni Maam Amor sa akin. She has been with this company for more than ten years. In other words, she's our senior. Hindi ako makapaniwala na binastos lang siya nila Nina. Mas nauna pa si Maam Amor kaysa kay Adrian na ma-hire. I even wondered how she would feel now that Adrian would receive the promotion instead of her. “Jane, okay ka lang?” tanong niyang muli nang hindi ako sumagot. “Ah, oo. O-Okay lang ako,” sagot ko saka pilit na ngumiti. Dahil doon ay hindi na niya ako pinilit na magkuwento. “Nagre-renovate ng CR malapit sa office namin kaya napilitan pa akong pumunta dito,” reklamo niya saka pumasok sa isa sa mga cubicles. Ang balak ko ay aalis na ngunit naisipan kong magtanong sa kaniya. Sa kaniya man lang ay makumusta ko si Adrian. Halata ang pagkagulat niya paglabas sa cubicle nang makitang naghihintay ako sa kaniya. Lumapit siya sa tabi ko at naghugas ng mga kamay. “Maam Amor, k-kumusta si Adrian?” simula ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya saka ako tinitigan. “Honestly, Jane, I don’t know. Wala siyang sinasabi sa amin. Tahimik lang siya na nagtatrabaho. Mukha ngang malungkot eh.” “Hindi siya nagkukwento? Wala siyang sinasabi na naghiwalay na kami?” ulit na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit may mumunting pag-asa na sumibol sa puso ko. Hindi kaya maging si Adrian ay nag-aalangan sa pakikipaghiwalay niya? Maybe, just maybe, it was just a matter of days before he realized he didn't want the breakup. “Wala siyang sinasabi,” ani Amor saka tipid na ngumiti sa akin. “I believe Adrian will come to his senses in the coming days. Babalik din s’ya sa ‘yo. Kapag nangyari ‘yon, pahirapan mo muna!” Napangiti ako sa sinabi niya. Sa tono ng pananalita niya ay para bang isang tampuhan lang ang naganap sa amin ni Adrian. Iyong ilang araw lang at babalik ulit kami sa dati. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. “Bakit nga pala naka-lock kayo nila Nina at Nancy dito kanina?” Naalala niyang itanong. “Ahh, kasi Maam…nagseselos si Nina d-dahil kay Altair,” paliwanag ko. “Hmn…the new guy in your department? I can't blame them. He is absolutely gorgeous. I'm hoping Altair won't disappoint me. Hindi siya bagay sa mga bangus na ‘yon,” aniya habang nagtutuyo ng mga kamay. Natawa ako dahil sa tuwina ay tinatawag niyang bangus ang dalawa kong katrabaho. “Tara na?” aya niya sa akin at magkasabay na kaming naglakad pabalik sa aming kani-kaniyang opisina. “Maam A-Amor,” tawag ko sa kaniyang muli bago kami tuloyang maghiwalay. Hindi ko alam kung paano itatanong sa kaniya ang bagay na matagal nang bumabagabag sa aking isipan. Tumigil ako sa paglakad at ganoon din siya. Nagtatanong ang mga mata niya nang sulyapan ako. “S-Sa tingin mo…m-may iba na ba siya? M-May babae kaya si Adrian?” lakas loob na tanong ko. Kaylakas ng kalabog ng dibdib ko habang naghihintay sa sagot niya. Halata ang pagkagulat niya sa tanong ko ngunit agad din siyang nakabawi. Saglit siyang nag-isip bago nagsalita. “Wala. Wala, Jane. Wala naman akong napapansin. Kung meron man akong mapansin, sasabihin ko agad sa ‘yo.” Sa sinabi niya ay nabalot ng saya ang aking puso. Kahit papaano ay may pag-asa pa! “Jane, lahat ng magkasintahan ay dumadaan sa ganiyang pagsubok. I hope maayos n’yo ni Adrian ang sa inyo,” sabi niya saka nagpaalam. Magaan ang loob ko nang bumalik sa opisina dahil sa pag-uusap namin ni Maam Amor. Wala na akong ibang dinatnan kundi si Ayeesha na nakahanda na rin sa pag-alis. Ang bilis naman nakaalis ni Altair? “Sabay na tayo?” aya ni Ayeesha sa akin. “Ah…m-mauna ka na. May pupuntahan pa kasi ako,” tanggi ko. Tinitigan niya ako. Batid kong nag-aalala siya sa akin. “Don’t worry. May lakad lang talaga ako ngayon,” pagtitiyak ko sa kaniya. “O-Okay. Ingat ka ha? Bye! Baka kung saan ka naman mapunta ha!” bilin niya bago lumabas ng opisina. Ilang minuto matapos niyang lumabas ng opisina ay nagtungo na rin ako sa parking. Panay ang lingon ko sa paligid habang naglalakad. Ipinagpapasalamat ko na rin na hindi ko kasabay si Altair. Ayaw kong makita pa kami nila Nina. Pagdating sa parking ay panay na ang pag-alis ng mga sasakyan lulan ang mga katrabaho ko. Ilang saglit pa at ilan na lang ang natitirang empleyado sa lugar. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Asan na ba si Altair? Hindi kaya pinagti-trip-an lang niya ako? Hinanap ko iyong dala niyang sasakyan noon sa bar pero hindi ko iyon makita. Naagaw ang atensyon ko ng isang sasakyan na noon ko lang nakita. Natatangi iyon sa lahat ng sasakyan sa lugar. It was a black, darkly tinted sports car. Its headlights were turned on, like it was daring for a race. Hindi ko maiwasang humanga sa ganda niyon. Akmang lalampas na ako sa sasakyan nang biglang bumukas ang pinto ng driver’s side niyon at bumaba buhat doon si Altair. Mahigpit niya akong hinawakan sa braso. Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Pakiramdam ko din ay nakuryente ako nang magdikit ang aming balat. “A-Altair?! Paanong—” “Sshh. Get in!” kalmado ngunit may diin na utos niya sa akin. Lumigid ako sa passenger’s seat at siya naman ay muling naupo sa driver’s seat. Pagbukas ko ng pinto ay bigla akong nag-alangan nang masulyapan ko ang loob ng sasakyan. Nakangingimi. Nakahihilo. Ang linis ng interior at ang bango! Wala sa loob na napatingin ako sa sandals na suot ko. Paano kung madumihan ko— “Sasakay ka ba o hindi?” iritado nang tanong ni Altair. “B-bakit kasi—? Paano mo—” hindi ko maisip kung anong itatanong sa kaniya. Paano siya nagkaroon ng ganitong sasakyan? “Baka makita tayo ng mga katrabaho natin,” naiinip na sabi niya. Napipilitang sumakay ako sa sasakyan. Yakap ko ang sarili at halos hindi ako humihinga habang nasa loob. Halos ayaw kong madikitan ng balat ko ang sasakyan dahil baka madumihan ko iyon. Napansin kong panay ang sulyap sa akin ni Altair pagkuway napailing siya. “Nilalamig ka ba?” “Nilalamig? H-Hindi naman. Kinakabahan lang ako. Baka madumihan ko itong sasakyan,” paliwanag ko. “Teka, sa ‘yo ba ‘to?” Hindi ko na naiwasang itanong. “Hindi,” maiksing sagot niya. Right! Imposible namang sasakyan niya ito? Kahit yata magtrabaho siya habambuhay ay hindi mabibili ng sweldo niya ang ganitong klase ng sasakyan! Tinitigan ko siya habang nagmamaneho. He was very serious while driving, yet it didn't make him any less attractive. My eyes shifted to his powerful arms on the steering wheel. The way he drives this car…bakit bagay na bagay sa kaniya? Hindi ko namalayang nakatulala na ako sa kaniya. “Please stop staring at me like you've been fantasizing about me. I don’t own this car,” malamig niyang turan dahilan para bumalik ako sa katinuan. Ah, I’m so stupid! “Eh b-bakit ikaw ang m-may dala nitong sasakyan?” nagkandautal na tanong ko para pagtakpan ang pagkapahiya. “Sa kaibigan ko ito. He requested that I bring this to Casa for maintenance the other day. Of course, he’ll pay me,” paliwanag niya habang nakatutok pa rin ang atensyon sa pagmamaneho. “May mayaman kang kaibigan?” maang na tanong ko. His brows arched, and his lips curled into a confident smile. "I was able to acquire a full scholarship at a prestigious university. All of my former classmates are now millionaires." “Talaga? B-bakit hindi ka magpatulong sa kanila na matanggap sa trabaho?” “You think I didn’t do that? Kaya nga ako nandito. We agreed that I would have to prove myself first. I need to prove that I am capable of managing projects. That's why I need your help. Umaasa ako na magtitino ka na kapag natulungan na kitang bumalik sa ‘yo si Adrian,” sagot niya. Huh? So may backer siya sa kompanya? Kaya naman pala! Tutulungan niya ako na magkabalikan kami ni Adrian kapalit nang matagumpay na project. Hah! This man is undoubtedly ambitious! Just like Adrian... Mukhang malayo ang mararating sa buhay ni Altair. Alam ko nga ngayon kung bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa kaniya. Sanay siyang makisalamuha sa mga mayayaman. That is why he was able to express himself clearly, firmly, and with authority. “We’re here,” untag niya sa akin. Nagulat pa ako nang makita ang tinigilan namin. Ito ang bar kung saan nakipaghiwalay sa akin si Adrian ah? Bakit dito niya ako dinala? Anong gagawin namin dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD