Altair’s POV
I walked silently towards our office. Tahimik akong nag-obserba sa paligid. Nagmamadali ang kilos ng bawat empleyado lalo na iyong mga nasa production process. I watched them hurry to change into their PPE suits. In my opinion, everything is running well with this company. Hindi lang maiwasan na magkaroon ng ilang issue sa mga empleyado. Nagtungo ako sa ikalawang palapag ng gusali kung saan naroon ang aking opisina. As I pass by other employees, I can feel their gaze on me, but it doesn't bother me.
“Good morning!” bati agad sa akin ni Nina pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina namin.
“Hi!” ganting-bati ko sa kaniya saka nagtungo sa pwesto ko. Naramdaman ko si Nina na sumunod sa akin. Then she put something on my table. Nang sulyapan ko iyon ay nakita ko ang sandwich at pasta iyon na nasa food container.
“Gumawa ako kanina niyan. Naisipan kong dalahan ka na rin,” nakangiting paliwanag ni Nina.
“Uhm, thanks,” sagot ko saka tipid na ngumiti. Nina and Nancy have been extra friendly to me. I'm not stupid enough not to understand what they want. Di sinasadyang napatingin ako sa pwesto ni Jane. Nahuli ko siyang nakamasid sa amin pero nang makita ako ay agad niyang iniwas ang tingin.
Hindi nakaligtas sa akin ang namamaga niyang mga mata. She probably cried herself to sleep again last night. To be honest, I don't really care about her or how she feels. I'm more focused on what I need to accomplish here. Dad told me that I needed to prove myself. I need to prove that I am capable of running a business. As much as I disliked being here in the Public Relations Department, I had no choice but to obey him. Kaya kahit man lang sana sa project na itinalaga sa amin ni Miss Annie ay mapatunayan ko ang sarili ko. I need to excel here and show Dad my potential.
Muli kong sinulyapan si Jane na noon ay nakatalikod na sa akin. This woman continued to slack off at work due to her stupid breakup with our idiot accountant. If she is going to be my project partner, I need to have a serious talk with her.
Alam kong magaling si Jane sa trabaho. Her proposal proves it. It was well-written and thoroughly researched. The objectives she sets are unquestionably in line with the company's vision. Kaya hindi ko matagalan sa tuwing nakikita siyang nagpapakat*anga kay Adrian. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga babae na tulad niya. Hindi man lang ba niya napansin na niloloko siya ni Adrian? Or she noticed the red flags but chose to ignore them.
Kahapon ay magkasama kaming nagtungo sa pamilya ni Jenny para kausapin ang mga ito. Tulad ng mga nagdaang araw ay tila wala na naman sa sarili si Jane. Mabuti na lang at kahapon din mismo ay nagpakita si Jenny sa mga magulang niya. Napag-alaman naming sumama pala ito sa nobyo. Hindi alam ng mga magulang niya na may nobyo siya at dahil masyado umanong mahigpit ang ama kaya nagawa niyang maglihim. Hindi niya akalaing magiging laman siya ng social media. Sa huli ay nagawa namin ang trabaho at pumayag ang pamilya ni Jenny na burahin ang mga mapanirang posts sa social media.
Gayunpaman, hindi ko maiwasang manliit kapag naiisip ko ang trabaho ko ngayon. I can't believe I'm resolving those types of issues at this company. I didn't earn my master's degree abroad just to address issues like those at work!
Ang community project na lang na naka-assign sa amin ni Jane ang pag-asa ko. Kailangan ko ng matinong katulong para masiguradong magiging succesful iyon. At hindi ang Jane na ito ‘yon! Kaya lang ay ano bang magagawa ko? Ideya niya ang community project na gagawin namin. I know she had been working on the concept before I was "hired" here.
I got up from my seat and approached her. Just like before, she ignored me and pretended not to see me. Kung hindi lang sa project ay wala din akong balak kausapin siya. I am aware that Nancy and Nina are looking at us, but I don't care what they think.
“Jane,” tawag ko sa kaniya. Noon niya ako nilingon at agad akong natigilan nang mapagmasdan siya sa malapitan.
What the hell! What a ghostly creature! Her eyes appeared dull and lifeless, with a dark circle surrounding them. She’s extremely pale. It will only be a matter of days, and she'll probably pass for a ghost in horror films. Gayunpaman ay pinigil ko ang sarili na magkomento.
Bago pa man ako makapagsalita ay bumukas ang pinto ng opisina namin at pumasok si Miss Annie. Agad siyang napangiti pagkakita sa amin.
“Jane! Altair! You are so brilliant! Until now, I have received compliments on the community projects you proposed. Everyone loves our new project! Then you have resolved the issue with Jenny! I am so proud of you!” masayang masaya si Miss Annie. Sa tingin ko ay nalimutan na niyang noong isang araw lang ay galit na galit siya kay Jane. I know she trusted Jane more than anybody else in the department. Iyon nga lang at labis ang disappointment niya dito nang mag-absent ito sa araw ng presentation ng proposal nito.
“Thank you,” sagot ko. Ngumiti si Miss Annie at tinapik kami ni Jane pareho sa balikat bago pumasok sa kaniyang opisina. Nang mawala na ito sa paningin namin ay saka ako muling binalingan ni Jane.
“A-Ano ‘yon?” ulit na tanong niya.
Hindi talaga ako mapakali sa hitsura niya. Seriously, she looked awful!
Humugot muna ako ng hininga bago nagsalita.
“Are you available tonight? I'd like to discuss something with you.”
Halata ang pagkagulat niya. Maging si Nina na batid kong nakikinig sa usapan namin ay napasinghap.
F*uck! I think they misunderstood my intention.
“It’s about the…project,” paglilinaw ko.
“Ahh, bakit hindi na lang natin dito pag-usapan?” sa halip ay tanong ni Jane. Di ko mapigilan ang makaramdam ng pagkapahiya. Should I help this woman or not? Tinitigan ko siya at napansin ko agad ang pagkailang niya.
“Do you want me to help you?” pabulong na tanong ko sa kaniya.
“T-Tulong? Para saan?”
"I'll help you get your ex-boyfriend back." Again, I felt uneasy. I felt foolish for interfering with her breakup, but I could not stand how she looked today.
“Ha? S-Seryoso ka ba?” puno ng pagdududa na tanong niya bagamat nababasa ko sa mga mata niya ang pag-ahon ng kuryosidad at pag-asa.
"You see, Jane, I do not interfere with other people's lives. I usually stay out of trouble. This is the first time I've done this. I only want you to promise me one thing in return,” seryosong sabi ko.
She stared at me. I cannot help but note how innocent her eyes are.
Kaya naman niloloko! Bulong ng isipan ko.
“Ano ‘yon? Anong kapalit?” halata ang pag-aalinlangan sa boses niya.
“Promise that you’ll do well on the community project that has been assigned to us. No more lapses. I badly need this project to be a success, Jane.”
“B-Bakit? Kailangang kailangan mo ba ang trabaho? Malaki naman ang chance na ma-regular ka dito—”
“It’s more than that. Saka ko na ipapaliwanag,” putol ko sa sinasabi niya. Paano nga ba niyang mauunawaan? Para sa kaniya ay isa akong bagong empleyado na desididong ma-permanent pagkatapos ng anim na buwan na probationary period. “So, whats your answer?”
Saglit siyang nag-isip. May pag-aalinlangan man, alam kong desperada na rin siya. Sa huli ay pumayag siya sa inaalok ko. “S-Sige.”
“Good. Sa parking tayo magkita mamaya.”
Iyon lang at tinalikuran ko na siya.
I'll help her. I'll only help her because I need her. As for Adrian, I'll teach him a lesson he'll never forget.