Chapter 4 - His influence on me

2304 Words
NATAHIMIK lahat ng mga kasamahan ko sa Department. Animoy abala ang bawat isa sa kani-kaniyang ginagawa. Nangilid ang luha ko sa pagkapahiya. Pasimple kong pinagmasdan paligid at napansin ko sila Nancy at Nina. Panay ang sulyap nila sa akin habang sinusupil ang mangiti. Halatang nasisiyahan sila na pinapagalitan ako ni Miss Annie. Kung sana lang ay mauunawaan nila ang nararamdaman ko ngayon. Pero puwede ba ‘yon? Puwede ko bang sabihin kay Miss Annie na na-late ako ngayon dahil nakipaghiwalay sa akin ang boyfriend ko at nasasaktan ako ng sobra? “Sorry po Maam. S-Sumama po ang pakiramdam ko da—” “Ah! Sumama ang pakiramdam! Bakit? Sa tingin mo ba ako hindi sumasama ang pakiramdam? Ha? Pero nag-absent ba ako lalo na sa mga importanteng araw na dapat nandito ako?!” Napatitig ako sa boss ko. Halos mapatid ang litid niya sa leeg sa pagsigaw. Honestly, hindi ko alam kung sumasama din ba ang pakiramdam niya? Hindi ko nga alam kung may pakiramdam pa siya eh. “S-Sorry po Miss Annie,” sa halip ay sambit ko. “Mabuti na lang nandito si Altair at sumalo sa dapat sana ay trabaho mo! Palpak ka talaga!” “Pero idea ko naman po ‘yon Miss Annie eh!” Pagkasambit ko noon ay agad akong nagsisi dahil lalong nanlaki ang mga mata niya sa akin. “That was your idea…okay! But you are not here to present it yesterday!” Dinuro pa niya ako sa inis. Hindi na ako nakaimik. Sinulyapan ko si Altair na prenteng nakaupo sa pwesto niya at nakamasid na sa amin. Hindi rin tama na sisihin ko siya. Ginawa lang niya ang sana ay trabaho ko kahapon. “S-Sorry po Miss Annie. Hindi na po mauulit.” Wala na ring rason para mangatwiran ako sa boss kong ito unless gusto ko ng memo. Isa pa ay mali talaga ako. “Talagang hindi na dapat maulit kung ayaw mong mawalan ng trabaho!” hinihingal niyang sigaw. Saglit siyang tumigil para hamigin ang sarili. “Makipag-coordinate ka kay Altair. Kayong dalawa ang ia-assign ko sa project natin dahil nagustuhan ‘yon ni VP RA!” aniya na ang tinutukoy na VP RA ay ang vice president ng kompanya na si Mr. Reuben Anders. “Siguraduhin mong hindi ka papalpak Jane ha! Isa pa, may problema ang company na kailangan mong solusyonan. May nagrereklamo sa company natin sa social media. Nawawala umano si Jenny, isa sa mga empleyado natin. Her family is blaming our company and ranting on social media. Ang sabi nila ay baka na-aksidente dito at itinatago natin. Kausapin nyo sila! Kayo ni Altair ang gusto kong gumawa ng paraan para maayos ang problema na ‘yon.” “Ho?” gulat na tanong ko. Pasimple kong sinulyapan si Altair na noon ay kalmadong nakatingin sa amin. He was cool and composed as usual, yet he still exudes an unsettling presence. “Uulitin ko pa ang sinabi ko Jane?” mataray na tanong ni Miss Annie. “Ah, o-opo. I mean hindi na po, naintindihan ko na po,” nagkandautal na sagot ko. Hindi na ulit nagsalita si Miss Annie. Tiningnan lang niya ako saka nagmartsa papasok sa kaniyang opisina. Pagkasarang pagkasara niya ng pinto ng opisina ay lumapit agad sa akin si Ayeesha. “Ayan girl! Bakit kasi absent ka kahapon? Niratrat ka tuloy ni Madam! Wala ka man lang pasabi na di ka papasok. Binigla mo talaga kaming lahat. Alam mo naman na meeting ni Miss Annie kay VP RA. Kahit si Adrian ay hindi masabi kung bakit ka absent.” Muli na namang nilukob ng lungkot ang buo kong sistema pagkaalala kay Adrian. Bakit pakiramdam ko ay iniwan niya ako sa ere? Iisang araw pa lang buhat noong maghiwalay kami pero parang nagulo na ang buhay ko. “Hoy Jane!” Napapitlag pa ako sa boses ni Ayeesha. “Ha? Ano ‘yon?” “Kanina pa ako nagsasalita hindi ka naman pala nakikinig.” “S-Sorry. May iniisip lang ako.” “Hmm…May chika ako sayo para naman sumaya ka,” nakangising sabi niya. “Ano naman ‘yon?” walang buhay na tanong ko. Mukhang wala pa siyang alam sa nangyari sa amin ni Adrian. “Binola ko kahapon si Papa Fernan.” “Oh?” Si Fernan ay isa sa mga assistant ng President ng company. Lahat ng tsismis ay sa kaniya namin nasasagap. “Sabi ko ibulong na sa ’kin kung sinong mga mapo-promote kasi ang alam ko ay kahapon na rin ‘yon pinag-usapan ng mga Department Heads eh! You know what? Si Adrian ang magiging bagong accounting supervisor! Bongga mo girl!” masayang balita ni Ayeesha. Imbes na matuwa ay parang kinurot ang puso ko. Sa wakas matutupad na ni Adrian ang pangarap niya. Matagal na niyang hinihintay ang promotion na ‘yon. Masakit nga lang na hindi na niya ako kasama na mag-celebrate. Pilit na ngumiti ako kahit naramdaman ko ang pagtutubig ng aking mga mata. “Huwag kang maingay ha! Sayo ko lang sina---Oh? Anong nangyayari sayo? Bakit parang hindi ka masaya?” gulat na tanong ni Ayeesha. “Ayeesha, ang totoo…n-nakipaghiwalay na sakin si Adrian noong isang araw kaya absent ako kahapon. H-Hindi ba sinabi ni Diane sa ‘yo?” “Ano?!” napalakas na tanong niya dahilan para mapalingon sa amin ang ilang katrabaho. Napipilitang pumunta kami sa pwesto at nagsimulang magtrabaho. Mainit ang ulo ni Miss Annie at delikado kami kapag napansin niyang hindi pa kami nagsisimula sa trabaho. “Walang sinabi si Diane. Mamaya kwento mo sakin yan Jane ha!” bulong pa sa akin ni Ayeesha at napipilitang tumango na lang ako. Pagdating ng lunch break saka ko nakwento kay Ayeesha ang nangyari sa amin ni Adrian. Kasama din namin si Diane na kumakain sa canteen. “Grabe ha! Hindi ko mapaniwalaan. Parang ang babaw naman. Sigurado ka bang walang babae ‘yon?” tanong ni Ayeesha. Lalo akong nasaktan sa tanong niya. Ayaw ko man pero hindi ko mapigilang mapatanong sa sarili. May iba na bang babae si Adrian? The thought crushed my heart. Parang gusto ko siyang puntahan at tanungin. “Wala naman siguro,” mahinang tugon ko. “T-Tama na. Huwag na nating pag-usapan. Naiiyak lang ako lalo. Nakakahiya sa mga katrabaho natin.” Nagbuntong-hininga siya saka hinawakan ang kamay ko. “Jane, nandito lang kami ni Diane kung kailangan mo ng kausap.” Tipid na ngumiti lang ako at saka tumango. Mabilis kong pinunas ang mga luhang namuo sa mata at saka ipinagpatuloy ang pagkain. PILIT akong umaktong normal sa trabaho kahit pa madalas ay sumasagi sa isip ko si Adrian. Buong lunch break ay hindi ko man lang siya nakita sa canteen. Bukod kina Diane, Ayeesha at Altair, mukhang wala pang ibang may alam sa mga katrabaho namin na naghiwalay na kami ni Adrian. Wala ako sa huwesyo magtrabaho. Kanina pa ako nakatitig lang sa computer ko. Dinampot ko ang cellphone sa mesa ko at nagtipa ng mensahe para kay Adrian. Gusto kong mag-usap kami. I was typing a long message to Adrian when someone suddenly snatched my cellphone. Gulat na tiningnan ko kung sino iyon. My mouth dropped open when I saw Altair standing in front of me. Makailang beses akong napakurap. Ito ang unang pagkakataon na nilapitan niya ako dito sa trabaho. “A-Altair,” nauutal na sambit ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga tingin nila Nancy at Nina sa akin. “Is our business travel request ready?” he asked in a serious tone. Nakaiilang din ang tingin niya sa akin. Oo nga pala at ako ang umako na magre-request ng OB travel namin para bukas! “H-Hindi pa—” “Jane, bukas na ang travel natin. It’s almost five o’clock in the afternoon,” halata ang inis na sabi niya. “S-Sorry. G-Gagawin ko—” "First, you were absent during the presentation, and now you have forgotten the OB request. What an incompetent employee,” he murmured, making sure no one heard him. “B-Bakit kung makautos ka, daig mo pa ang boss? S-Sino ka ba?” sinubukan kong tapangan kahit pa napapahiya ako sa direkta niyang pagpuna sa mga sablay ko sa trabaho. “Are you asking me who I am?” naghahamon ang tono niya. I'm not sure why the way he stares at me chills me to the bone. I held my breath as he leaned his hands on both sides of the swivel chair's armrest, effectively imprisoning me. Kaylapit na rin ng mukha niya sa akin. Our position could qualify as a Hollywood romance scene if he weren't so irritated with me right now. Napalunok ako nang matitigan ko ang napakagwapo niyang mukha. I had never thought that someone could have an angelic appearance while exuding a devilish atmosphere. I admit he was the most handsome man I'd ever seen. “Jane!” he called me, snapping me out of my thoughts. Ano ba itong naiisip ko? “Y-Yes?” I hate that I look like a total idiot right now! “Puwede bang gawin mo ang trabaho mo? Prepare our OB request,” utos niya. Pagkasabi niyon ay tumayo siya at naglakad pabalik sa pwesto niya. Wala akong nagawa kundi sundan lang siya ng tingin. Napansin ko ang pag-irap ni Nina sa akin at napailing na lang ako. Mukhang gusto niya si Altair at binigyan na naman niya ng malisya ang nakita. I can't believe I let someone—a new employee—order me around. At heto naman ako at nagkukumahog sumunod sa kaniya. Kung bakit naman siya pa ang naging katulong ko sa project? Kumuha ako ng form para mag-request ng travel namin bukas. Pagdating ng alas singko ay mabilis kong kinalap ang mga gamit ko para umuwi. Naglalakad na ako palabas ng building nang makita ko si Adrian na papasok naman. Kasabay niya si Amor, kasamahan niya sa Department na agad ngumiti pagkakita sa akin. Napatingin din sa akin si Adrian. Saglit na nagtama ang mga mata namin at siya ang naunang nagbawi ng tingin. “A-Adrian,” mahinang tawag ko pero hindi niya ako pinansin. Akmang lalampasan na niya ako nang tawagin ko siya ulit. “Adrian, mag-usap naman tayo.” Nagtatakang napalingon sa akin maging si Amor. Nabasa ko ang pagkagulat at pagtataka sa mga mata niya. Mukhang wala din siyang ideya sa paghihiwalay namin ni Adrian. Si Adrian naman ay napipilitang hinarap ako. “I-I’ll go ahead, Adrian,” paalam ni Amor. Mukhang napansin niya ang kakaibang tension sa pagitan namin ni Adrian kaya mabilis siyang nagpaalam. “What is it this time, Jane?” tanong ni Adrian. Nagtakang tinitigan ko siya. Pilit kong binabasa ang reaction niya. Tama ba ang naririnig ko sa boses niya? He seemed..annoyed? “Adrian, please ayusin natin ito. Huwag mo namang itapon na lang basta ang relasyon natin!” “Jane, sinabi ko naman sa ‘yong hindi na natin maaayos. Buo na ang desisyon ko. Sinubukan ko namang ayusin, pero hindi ko na kaya,” tila nahihirapan ding pahayag ni Adrian. “Let’s fix it together, then. Ngayong alam ko na ang nararamdaman mo—” “No! Wala na. Kahit anong gawin mo ay hindi na magbabago ang desisyon ko,” diretso niyang sagot. Naging mabilis ang pagtibok ng puso ko at para akong sinikmuraan sa sakit. Agad nangilid ang mga luha ko at alam kong naagaw na namin ang atensyon ng ilan sa aming mga katrabaho. Hindi ako magtataka kung bukas ay kalat na sa marami ang paghihiwalay namin. Marahil naramdaman ni Adrian ang tinginan ng mga katrabaho namin, mabilis siyang tumalikod at iniwan ako. “Adrian! Wait!” akmang hahakbang ako para habulin siya nang maramdaman ko ang kamay na pumigil sa braso ko. Napakunot-noo pa ako nang makitang si Altair ulit iyon. “A-Altair, please bitiwan mo ako. K-Kailangan kong makausap--” “Idi0t. Magtira ka naman ng hiya sa sarili mo. Madaming nakakakita sayo,” mahinang bulong niya. “Wala na akong pakialam—" “That’s not attractive, you know,” putol niya sa sasabihin ko. “Wala akong pakialam!” ulit ko. Pilit kong binawi ang braso sa pagkakahawak niya. “Kaya ka absent kahapon? Because he broke up with you?” Hindi ako sumagot. Alam naman niya ang sagot sa tanong niya. Siya ang nakarinig at nakakita kung paano ako iniwan ni Adrian. Ang plano ko ay susundan muli si Adrian pero bago pa ako makahakbang ay nagsalita siyang muli. "I will say it again. You can't get him by begging. I've seen a lot of women and men beg their ex to get back together, and believe me, it doesn't work." “B-Bakit mo alam? How many hearts have you broken?” Nagkibit-balikat siya saka sumagot. “Plenty.” Dahil doon ay tinalikuran ko na lang siya. “Nagmumukha ka lang ta*nga sa ginagawa mo.” Marahas na napalingon ako sa kaniya. Nakapanliliit ang tinging ipinukol niya sa akin. Ang bawat salitang binitiwan niya ay parang humihiwa sa pagkatao ko. Ayaw ko man ay napaisip ako sa tinuran niya. Alam kong nagmumukha na talaga akong tanga. Ilang mensahe na ba ang ipinadala ko kay Adrian na hindi niya sinagot? Bawat mensahe ko ay pulos pakikiusap. Bakit ba ang lakas ng epekto niya sa akin? Bakit ba sa tuwing kaharap ko siya ay nauutal ako? “If you go to him and beg him right now, you'll lose the slim chance of winning him back,” dagdag pa niya. Tinitigan ko siya at ganoon din siya sa akin. Ilang minuto lang kaming nagtantyahan. Nagsusukatan. Hanggang sa ako na ang naunang magbawi ng tingin. Mabilis akong naglakad palayo sa kaniya pero sa pagkakataong ito, ang plano ko ay umuwi na ng apartment. Bakit? Ano bang mayroon sa kaniya at nagagawa niya akong mapaniwala at mapasunod?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD