Madilim na ng makaalis kami ni Dan sa Enchanted Kingdom. Ang ginawang pagsakay namin sa rides ay nakatulong para hindi ko masyadong isipin ang problema. Matapos nun ay kung saan saan pa kami pumunta ni Dan hanggang sa hindi ko namalayan ang oras. Madaling araw na akong naihatid ni Dan sa apartment ko. Hindi ko na siya pinapasok dahil hindi ko siya mai-entertain lalo na't balik na naman ako sa retalid na kung saan ay nasa harap ko na naman ang mga problema. Pagbukas ko ng pintuan ay nagtama aagad ang mga mata namin ni Fred na hindi ko inaasahang nandito siya. Nakakapagtaka nga lang kasi gising pa siya at mukhang hinintay ako. "I miss you Christine." unang sabi ni Fred at lumapit sa akin. Konting imissyou at iloveyou niya ay lumalambot ako. Ganun ako karupok pagdating sa kanya. Na para b

