Hindi na kita mahal. Nagpaulit ulit iyon sa utak ko. Ayokong tanggapin at maniwala sa text niyang iyon dahil gusto mismo sa harap ko niya iyon sabihin. Sinubukan ko siyang itext at tawagan pero blinock na niya ako. Gusto kong magwala. "Aaaaaaaahhhhh" sigaw ko habang umiiyak. Sinabunutan ko ang sarili dahil sa inis at galit. Habang buhay na lang ba ako sasaktan ng mundo at tafhana. "MAHAL AKO NI FRED!" Maga ang mga mata ko. Wala sa tamang pagiisip at hindi maayos ang sarili pero napagpasyahan ko na lumabas at hanapin si Fred. Lahat ng pwedeng puntahan ni Fred ay sinuyod ko. Nagbabakasakali na makita ko siya upang makausap pero wala. Naubos na ang pamashe ko lahat lahat at hindi man lang siya natagpuan kaya heto ako ngayon na naglalakd magisa pauwi sa apartment. Ang pagiisip ko ay bigla

