Inuwi ako ni Dan sa apartment at inasikaso ako. Gusto ko sanang itulog lahat ng sakit ng nararamdmaan ko pero pinilit niya akong palitan ng damit dahil magkakasakit daw ako. Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan niya akong napalitan ng damit. Nagluto din siya ng makakain at pilit rin akong pinakain. "Ayoko." sabay tabig ng pagkain na hawak hawak niya na pilit isinusubo sa akin. "Tin kumain ka lang ng konti para makainom ka ng gamot. Magkakasakit ka niyan." saad ni Dan. Napatingin ako sa kanya at wala akong naggawa kundi sundin ang sabi niya. Matapos kumain at uminom ng gamot ay hinayaan na ako ni Dan na magpahinga habang siya naman ay niligpit at nilinis ang pinagkainan. ANG SAKIT. Iyon lang ang nararamdaman ko ngayon at hiihiling na mawala na. Isang beses lang ako nagmahal at ito pa an

