bc

Lust series 1: My Crazy Love (SPG)

book_age18+
242
FOLLOW
2.3K
READ
HE
age gap
heir/heiress
small town
disappearance
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Franco Del Torro sa kanyang kabataan, marami siyang naging kasintahan dahil sa kanyang panlabas na kaanyuan. Pero ang kanyang mga naging kasintahan ay nasilaw sa pera at mas pinili ang iba. Ang hindi nila alam ay isa siyang bilyonaryo na piniling maging simple lang sa paaralan. Sa paglipas ng panahon ay nailabas ang kanyang tunay na pagkatao, kaya mas dumami ang naghabol sa kanya, pero naging mailap na siya sa mga babae.Bumalik siya sa kanilang lugar para ayusin ang lumang bahay ng kanyang lolo at lola. Sa daan ay may nakita siyang babae na pumukaw sa kanyang pansin. Agad siyang bumaba sa sasakyan. Sinundan at hinanap niya ang dalaga sa palengke. Nang makasalubong na niya, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na halikan ang mapulang labi ng babae. Habang hinahalikan niya, naglagay siya ng tseke sa bulsa ng babae na may nakasulat na isang milyong piso na bayad sa paghalik sa dalaga.

Lumipas ang mga araw na hindi niya makalimutan ang matamis na labi ng dalaga, kaya inutusan niya ang kanyang mga tauhan na alamin ang buhay ng babaeng kanyang hinalikan. Hindi siya kontento sa nakalap na impormasyon nang kanyang mga tauhan, kaya napagpasyahan niya na siya na mismo ang tutuklas sa tunay na pagkatao ng babaeng hindi nagpatulog sa kanya. Para masiguradong hindi pera ang habol sa kanya ng babae, nagpanggap siyang may kulang sa pag-iisip. Paano na kung sa baliw niyang katauhan umibig ang dalaga at ang mahirap ay naibigay pa nito ang kanyang p********e?

"Sir Franco, mahal na mahal ko po si Pablo kahit na isip bata siya. Handa po ako na ako ang bubuhay sa aming pamilya, lalo na at buntis ako at siya ang ama.

-Mella Mendoza

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Disclaimer No part of this book may be reprinted, reproduced, or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording, or any information storage or retrieval system without the author's permission. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ____________________________ Franco's point of view Habang naglalaro kami ng aking mga kaibigan, nagpaalam na muna ako na mag-CR. Kasama ko ang aking kasintahan na ngayon ay nililibot ang bahay ni De Leon kasama ng kanyang mga kaibigan. Papasok na sana ako sa banyo nang marinig kong nag-uusap silang magkakaibigan. "Kate, kung ako sa iyo, sino ang mas pipiliin mo, ang kasintahan mo o si Jacob?" Tanong ng kaibigan niya, kaya hindi ko na itinuloy ang pagpasok sa banyo at nakinig na lang. "Franco is perfect, sweet at gwapo. And you know what, malaki ang sa kanya but Jacob is another thing. Jacob is kind and rich tignan mo naman ang bahay nila at ang buong hacienda. "Then?" "I will choose De Leon, nag-iisa siyang anak at gobernador pa ang Daddy niya, while Franco laging pa-sweet sa buhay. Yes, gwapo siya at magaling sa kama, pero hindi ko pa nakita ang bahay nila. He doesn't want me to go there, kaya hindi ko pa nakilala ang kanyang mga magulang. Kaya minsan na iisip ko na hindi talaga siya mayaman. Itong si Jacob, look how rich ang family niya." Kumuyom ang aking mga kamao sa aking narinig. Ulila na ako sa buhay. Kung hacienda lang pala ang gusto ng babaeng ito, kaya ko siyang bilhan ng kahit ilan. Nag-iisa akong tagapagmana ng Del Torro. Ang mga kayamanan ng mga magulang ko ay nasa kabilang probinsya. Makukuha ko lang ang mga ito kung tapos na ako sa aking pag-aaral para masigurado na hindi malulugi ang mga kompanyang pinaghirapan ng aking mga ninuno. "Pero wala naman ata siyang gusto sa iyo, Kate. Mas gusto pa niya ata yung anak ng katulong nila. Kanina nakita ko kung paano punasan ni Jacob ang pawis ni Solly." "Sinong hindi matutukso sa akin?" Tanong niya sa kanyang mga kaibigan at nagtawanan na sila. Lumayo na rin ako at hindi na nakapag-CR. Bumalik na ako sa mga kaibigan ko at tinapik ko ang balikat ni De Leon. "May sasabihin ako sa iyo." Bulong ko. "Hoy, ano'ng pinag-uusapan ninyo?" Tanong ni Salazar. "Wala, may sasabihin lang ako kay De Leon." "Ano pang magkakaibigan tayo kung isekreto mo?" Sabi pa ni Salazar at napahinga ako nang malalim. Sinabi ko sa kanila ang aking narinig at natawa si Salazar. "Gusto mo ako ang magbigay ng leksyon sa kanya?" Nakangising tanong niya. "Hoy, ano'ng gagawin mo?" Sabat ni Santiago. "She is hot at mas matanda siya sa atin ng ilang buwan, right?" Tanong ni Salazar at napatango ako. "Give me some money at sisilawin ko siya ng pera, kapag sinunggaban niya ay mapapahiya siya sa buong school." "How much?" Agad na tanong ko. "Isang daang libong piso." Sagot ni Salazar, kaya sinabi ko na bukas ko ibibigay. Maraming pera na cash sa bahay. Ito ang ginawa ng aking mga magulang habang hindi ko pa puwedeng galawin ang pera sa kumpanya. Sinigurado nila na may perang nakalaan sa akin na mabilis kong makuha kung kailangan ko. My parents both died in a car accident. Ang sabi ng mga pulis ay baka mga kalaban ng pamilya namin ang may gawa. Wala naman akong alam na kalaban ng mga magulang maliban sa mga gahaman nilang kasosyo. Kinabukasan, sinundo ko si Kate sa bahay nila gamit ang simple kong motor bike. Ang motor ay pag-aari ng aming katiwala sa bahay. Mas pinipili kong gamitin para hindi ako pagkaguluhanan sa school. May Hurley sa bahay at ilang magagarang sasakyan. Ang iba ay binili pa ni Papa sa ibang bansa. "Naku, Torro, umalis na si Kate; sinundo siya ni Salazar." Natigilan ako sa aking narinig at agad na tinawagan ko si Salazar, pero hindi niya sinagot. Umalis na lang ako at pumunta na sa aming paaralan. Pagdating ko ay saktong pababa na rin si Kate sa sasakyan ni Salazar. "Kate!" Malakas na ang tawag ko at lumapit sa kanya. Napatingin siya sa akin, pero hindi gaya ng dati na may kasamang lambing at ngiti. "Bakit kay Salazar ka sumakay? Alam mo naman na lagi kitang sinusundo?" Tanong ko na nang mahinahon pa rin. "Franco, break na tayo." Nakangising sabi niya. "What? Bakit anong nagawa ko?" "Kami na ni Salazar." Sagot niya na hinila ang kaibigan ko at yumakap pa siya agad dito. Umigting ang aking panga dahil pangiti-ngiti lang si Salazar. "Titikman ko lang ang bulong niya sa akin at tinapik ang aking balikat." "Why Kate?" Tanong ko kung nasasaktan siya dahil mahal ko talaga siya. Hindi ko akalain na makukuha agad siya ni Salazar. "Franco, gwapo ka, pero hindi ako mapapaligaya ng kagwapuhan mo kung hindi mo maibigay ang lahat ng gusto ko. Look, ang luma ng motor mo. Ni hindi mo pa ako maipasyal sa bahay mo at gee hindi mo pa ako binilhan ng regalo." "Every monthsary, binibigyan kita ng flowers." "Flowers? Noong una yes I am happy. Pero alam mo, ang bulaklak na ibinigay mo ay nalalanta. Si Salazar nga, nanliligaw pa lang, binigyan na niya ako ng gold necklace. Look, Franco. This one I can keep forever." Sabay pinakita ang kwintas.Kaya sinagot ko na siya." Sabi pa niya na humawak sa braso ni Salazar. Napahinga ako nang malalim. Bahala na si Salazar sa kanya. I don't care kung pagsawaan siya ni Salazar gaya ng mga ex ko. Mahilig naman sa tira-tira ang Salazar na ito. Pera ko rin naman ang pinambili ni Salazar ng kwintas na bigay sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, sabay nauna na akong lumakad. Pagpasok ko sa room ay tinapik ni Del Leon ang aking balikat. "Don't you love her?" Tanong sa akin ni Santiago na tumayo pa. "Umupo ka nga baka matumba ka pa." Sagot ko lang na hindi sinagot ang kanyang tanong. Sa aming apat, siya ang may pinakamahina na katawan. "Bakit mo pa kasi hindi sasabihin na mayaman ka? Look, si Salazar ang nakikinabang. Can't you see lahat ng ex mo halos naging kasintahan na niya? He is pretending to be so rich kahit na isang kapitan lang ang father niya na dumikit sa daddy ni Santiago." Ani De Leon, pero mahina lang dahil pumasok na ang dalawa. Kahit talaga kailan, mainit ang dugo ni De Leon kay Salazar. Umupo ang dalawa sa likuran, habang ang mga kaklase namin ay nagtataka kung bakit sila na ang magkasama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
103.4K
bc

The Forgotten Wife

read
43.5K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
48.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
323.0K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
40.2K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
30.5K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook