ASIAA C21 STELLA POV “Dalhin mo ako sa anak natin!” “E-Eros! Paano kita dalhin sa kanya kung ganyan ang itsura mo?” natahimik siya habang nakatitig lang sa akin. hindi ko alam kong ano ang nangyari sa kanya at bakit siya naging ganyan. “Samahan mo ako.” “S-saan?” “’Wag kang tanong nang tanong! basta samahan mo na lang ako at ‘wag na ‘wag kang gumawa nang ikagagalit ko Stella, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” hindi ko mapigilang makaramdam nang takot kay Eros dahil sa ikinikilos niya. “Bilisan mo na!” Agad akong tumayo at sumunod sa kanya. kinapa ko naman ang aking baril sa aking shoulder bag, dahil sa oras na gumawa siya nang masama ay malalabanan ko siya. Nang buksan niya ang pinto ay namilog ang aking mga mata habang nakatingin sa mga bodyguard ko na nakahiga sa sa

