ASIAA C22 STELLA POV “Pwede ba Eros, ‘wag muna natin silang pag-usapan.” Tumango siya sa akin habang hinawakan niya ang aking kamay, kaya agad kong kinuha sa kanya ang aking kamay. “Hawak lang naman!” sinamaan ko siya nang tingin habang ngumisi naman siya. nakakapikon talaga ang taong ‘to! “Akin na muna ‘yang phone ko.” Wika ko sa kanya habang nilapit sa kanya ang aking kamay. “Why?” “Tatawagan ko lang ang yaya ni James, papuntahin ko sila rito!” umigting naman ang kanyang panga kaya napatingin ako sa kanya. “Ginag*go mo ba ako?” asik niya sa akin. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Eros? ‘di ba gusto mong makita ang anak natin?” “Oo!” “Oh! Bakit ayaw mong tawagan ko ang yay-.” “’Wag mo akong utuin Stella!” sigaw niya sa akin. mabuti na lang at nandito na kami sa loob ng kanyang kotse

