Hindi ko alam pero nakononsenya rin naman ako kahit papaano na paghintyin si Arnold kahit pa nga sabihin na nasa loob naman siya ng sasakyan niya, kayalang kasi biglang dumating si Alex!
"H-Hi!" naka-ngiting bati agad sa akin ni Alex.
"Hello!" pigil konti ko namang balik ngiti.
"Napa-daan ka? Any flowers again sir?" magiliw niyang alok dito.
"Actually, i love the arrangement of that flowers." turo ni Alex sa bouquet of tulips na bigay sa kanya ni Arnold.
Hindi naman siya makahagulap ng tamang salita para sabihin na ang bulaklak na iyon ay sa kanya.
Nahalata rin naman iyon ni Alex.
"N-Not for sale right?!" sabay ngiti ni Alex sa kanya.
"I guess those tulips are for you?" sabay tila binabasa nito ang reaksyon niya.
"Yes." Matipid kong sagot sabay pilit ngiti ko sa kanya. Tutal may girlfriend din naman siya, eh ano ngayon kung isipin niya na may nagbibigay din sakin ng flowers.
"May bago akong ginawa na bouquet kani-kanina lang sir, why don't you check it at baka mas magustuhan mo, or should I say ng girlfriend niyo sir?"
(Oooopzz, hindi masyado halatang nagseselos!)
Nagulat na lang din siya ng marinig niya bigla ang malakas nitong pagtawa.
"Girlfriend huh?!" sabay tawang muli ni Alex.
"Bakit Sir? Girlfriendssss po ba dapat?"
Biro ni Chrysha kay Alex sabay emphasized ng "S" sa girlfriends.
"Those were for my mom." sabay ngiti muli nito sa kanya.
"Ah wow, buti naman at nagbibigay din po kau ng flowers sa mom niyo hindi lang sa girlfriend." balik tanong ba yan Chrysha o naninigurado ka pa na wala talagang girlfriend? haha!
"As you can say dahil palagi akong nandito, spoiled ang mom ko sa bulaklak." paliwanag naman ni Alex kay Chrysha.
"Y-You men sir, lahat ng flowers na binibili niyo dito para sa mom niyo?"
Hindi napigilan ni Chrysha ang bibig niya.
"Yes, parang ganun na nga. Actually, mahilig talaga s flowers ang mom ko. Palagi ko siyang binibigyan ng Bulaklak para kasi palagi ko rin siyang binibigyan ng sakit ng ulo." Pabulong na paliwanag niya sakin.
Ewan ko naman kung anong nangyare sa ngiti ko at parang aabot na sa bumbunan ko!
"Wow! This is beautiful!" Tukoy niya sa bouquet na ginawa ko kanina pero sabay tingin sakin pagkasabi niya ng beautiful! Oh diba? Assumera! haha!
"Thank you for all your efforts with all the flowers i sent to my mom. Sobrang magugustuhan niya talaga lahat."
Sa unang pagkakataon ay isinulat niya sa official receipt ang totoo niyang pangalan.
Alexnder John Pontanilla. Yaykzz! ang gwapo pati ng pangalan!!!!!
"First time to sir ah. Bkit hindi na po AIS?" curious kong tanong dahil palaging AIS ng inilalagay nito sa card.
"AIS is my Dad. Gamit niya yan palagi when she's courting my mom." Lalong lumaki ang ngiti ng loka!
"Wait, hindi ba magagalit ang boyfriend mo? you kept him waiting."
tukoy ni Alex kay Arnold.
"I'm sorry" Paghingi ni Alex ng paumanhin kay Chrysha.
"A-Haha! Hindi ko po siya boyfriend. Best friend ko siya actually, siya si Arnold"
"Pero gusto ka niya right?" wala sa loob na naitanong naman ni Alex.
"Nanliligaw---? if I may say. Pero kanina lang nalaman ko na gusto siya ng kaibigan ko.
Parang mas gusto ko na nga lang na maging kupido ako sa pagitan nila."
Medyo hesitant ko pang sagot.
Kanina lang pinapainggit niya yung bulaklak niya, anyare Chrysha? *laughs*
"Ganun ba? Gusto mo tulungan kita maging kupido nila? Para mas magkalapit tayo. I-I mean, sila! para mas magkalapit sila." Sabay nakakalokong ngiti ni Alex.
That very first eye to eye, totally melts her heart and makes her heart go crazy.
----
"He sent me a friend request in f*******:, and siyempre in-accept ko naman kaagad!"
Kwento niya kay Nika na abot-abot hanggang tenga niya ang ngiti niya. Truelalu ba yarn ha bestie?" taas kilay naman ni Nika na medyo may halong pagdududa sa kwento niya.
"Look!" sabay pakita ng screen ng cellphone niya sa kaibigan.
Halos mapabalikwas naman si Nika ng makita nitong totoo nga ang sinasabi ng kaibigan.
Nanlaki rin naman bigla ang mata nito.
"Bestie! Nabura mo ba yung mga post mo about sa kanya? D-diba na-mention mo na rin minsan tung AIS na codename niya?"
Agad na tanong ni Nika ky Chrysha.
"Shocksssss! Bestie! No!"
Gulat na gulat namang reaksyon ni Chrysha at nagmamadaling nag-scroll at delete ng mga post niya.
"Yarn kasi, excited much!" tawa lang naman ng tawa si Nika habang nakikita siyang kung todo aligaga sa pag delete ng post.
"Ka-chat ko pa naman siya bestie buti nasbi ko pala sayo, haist! nakita niya kaya iyon?"
Worried niyang tanong kay Nika.
"Siya lang ang makasagot ng tanong mo best!" tawa lang naman itong muli sa muka niyang hindi na maipinta.
*Message from Alex*
"Still there?"
"Naabala yata kita?"
"See you tomorrow at school.☺️"
Sunod-sunod na mensahe galing kay Alex.
"Sorry may binura lang ako" Nagmamadali naman niyang reply kay Alex.
(Message sent!)
"Shocks!" nanlaki muli ang mata ni Chrysha.
"Wrong sent. I mean may need lang akong linisin dito sa shop. See you tomorrow."
Kinakabahan pero puno ng saya, kaba at excitement ng mga oras na iyon ang puso niya.
“Sa wakas!” nasabi na lang niya habang ang higpit ng yakap sa leeg ng kaibigan.
‘’SUPER EXCITED TO SCHOOL TOMORROW!!!!!!!!!” Naisigaw na lang niya habang abot hanggang langit ang kanyang ngiti.