Chapter 9 : Role Playing
Jill's POV
Kinakabahan ako.... ngayon na maguumpisa ang acting namin para sa project kay Mam Lucia ~
Ang play ng Noli Me Tangere. Nandito kami ngayon sa auditorium kasi mas malawak ito kesa sa room namin tapos ang dami mga estudyante sumisilip. Ang ibang classmates ko busy sa paglalagay ng mga props at iba naman nagbibihis ng costume at nagrerehearsed ng lines nila.
"Hi! Jill nasan si Jack?" tanung sakin ni Kim Taba. Napangisi ako sa itsura niya magaling ang nagmake up sa kanya para magkaroon ng konting wrinkles sa mukha. White long sleeves at khaki pants suot niya at may nakapalibot na asul na scarf. Nakadagdag pa ang tungkod niya sa pagganap bilang Pilosopong Tasyo hehehe....
"Kanina ko pa nga hinahanap ang babaita na yun! Sa totoo lang kinakabahan ako kasi alam mo na pinakamagandang character sa nobela ni Jose Rizal si Maria Clara" sabay pamaymay ko.
"Nakakatuwa ka naman kuhang kuha mo na ang galaw ng isang dalagang pilipina!" papuri nito sakin.
"Salamat!"
"Oops! Mabuti nakaabot ako! Hindi pa ba naguumpisa?" tanung ni Jack samin habang hinihingal ito.
Napatingin ako sa kanya nakasuot siya ng black americana with necktie at black pants.Sakto lang buhok niya siguro nilagyan ng hair wax at ginamitan din ng spray net para magkaroon ng style ng buhok niya.
Nakasombrero din siya na bumagay sa look niya mukhang naging matipunong lalaki si beshy.
"At sino ka naman ginoo?" kunwaring tawag ko sa kanya.
"Crisostomo Ibarra at your Service,Madam!"sabi nito sabay yukod ng ulo nito at hinila ang kaliwang kamay ko para ilapit sa kanyang labi.Nakatingin sa aming pwesto ang mga classmates namin. Akala ko hahalikan niya kamay ko pero hinawakan niya lang ng mahigpit.
"Akala mo naman totohanin ko, no!" sabay bitaw sa kamay ko.
"Malapit na ang play natin kaya dapat galingan natin para sa grades!haha!" tawa nito habang tinaas ang kanang kamay. Kung makikita nyo lang itsura nya para siyang nababaliw pero ganyan talaga sya excited para sa grades.
"Bessy! Bakit ngayon ka lang dumating akala ko ba magpapractice pa tayo?"tanung ko sa kanya.
"Sorry, may nangyari lang." sabi nito.
"III - Rizal, maghanda na kayo pagkatapos ng 10 minuto maguupisa na kayo sa inyong play!!!"sigaw ni Mam Lucia.
Dumating ang magiging judge namin. Ang una si Sir De Guzman -P.E teacher sumunod si Sir Mallari - Aralin Panlipunan teacher at ang panghuli si Kuya MJ ang president ng student council. Naku! good luck samin ni bessy judge pala kuya niya malapit na maguumpisa.Ngayong araw nirequest talaga ni Mam Lucia isang subject lang sa araw na to para makapili sila ng gaganap sa mismong event.
Saktong 8am nagumpisa ang role play namin. Lahat kami pumunta sa gitna at pumila sabay sabay yumuko ng ulo sa harap ng audience. Lord please help me wag kabahan at magkamali. Amen sabi ko sa sarili.
Nagumpisa na ang play bawat isa todo effort at memorize ang kanilang monologue.
"Ako nga pala si Juan Crisostomo Ibarra Y Magsalin. Masaya akong nakita ko kayo ngunit ako'y mas masaya dahil ako'y nakabalik sa aking inang bayan.Nang matapos ang pitong taong pagaaral ko sa Europa; huwag sana kayo magkamali nakalimutan ko na ang bayan na ito."
"Umuwi ako para malaman ang pagkamatay ng aking ama.
Nalaman ko kay Tinyente Guevara kinahantungan ng aking Ama."
"Nakulong siya dahil tinulungan niya ang musmos mula sa malupit na kolektor.Walang Awa!!!Mga Kastila!!!" mga lines ni beshy sa totoo lang ang galing niya ang mga judge at si Mam Lucia nakatutok sa kanya iba talaga pag bida ang role mo inaaabangan.
Unang lines pa lang palakpak sa paligid namin ang naririnig ko.
Natapos ang ilang kabanata kami naman ni beshy ang naguusap at Nakaupo kami sa upuan.
"Mahal, sigurado ka bang sa pananatili mo sa Europa ay wala kang nakitang babae mas hihigit pa sa akin?
sabay ngiti ko kay beshy(Ibarra) seryoso talaga ang bruha samantalang ako nervous talaga sa pagiging mapinong dalaga.
"Ganun din ako! Hindi kita nalimot ni minsan. Akin pa ngang itinabi ang sulat na ibinigay mo sa akin bago ka umalis!"
sabi ko at pinakita ko sa kanya ang props namin loveletter patunay na itinago ko pa.Ang iba naman kinilig sa usapan namin ni Jack este Ibarra pala ngayon.
Mabilis ang pangyayari sina Kim(Mang Tasyo) Juancho(Basilio) at Leo(Crispin) naman ang susunod.
Nagtungo sa simbahan si Mang Tasyo. Nakita niya ang dalawang sakristan.
"Sasama ba kayo sa akin? Ipaghahanda kayo ng masarap na hapunan ng inyong ina." ani ni Mang Tasyo sa dalawa.
"Ayaw kami paalisin ng sakristan mayor. Pagkatapos daw po ng ikawalo at saka kami makakauwi. Hinihintay rin po namin ang sahod upang may magasta ang aking ina."
Pumunta ang dalawang magkapatid sa kampanaryo upang patunugin ang kampana para sa mga kaluluwa.
Nagbilin si Mang Tasyo sa kanila.
"Magiingat kayo! Huwag kayo lalapit sa kampana kapag kumikidlat!"
Kahit aligaga kami sa ginagawa namin todo effort kami sa play na ito.
"Ikaw na next wag mo naman masyadong galingan pag arte mo." sabi ni Ivory.
"Ewan ko ba bakit yung role pa ito (Sisa) napunta sakin ang ganda ko tapos mukhang masisira image ko dito! Hmmp!" inis na sabi ni Gretchen.
"Ano ka ba ngayon lang naman ito... sige good luck!!!"
"Kailangan ko na umuwi ng bahay hinihintay naku ng aking mga anak."
"Anu ho! yun san nyo ko dadalhin? Wala po ako alam!! Di ko po alam!!
Wala po sila kasalanan!! San nyo po ko dadalhin!! Maawa kayo sa akin!!"
"Bitawan nyo po ko!! Parang awa nyo na po!! Maawa po kayo sa akin!!
Inosente mga anak ko!! nababaliw na acting ni greta.Nakatayo ito at bilang umupo na ito.
"Si Basilio? Si Crispin? Magnanakaw!! Di sila magnanakaw!! Basilio! Crispin! Mga anak ko!! Mga anak ko ano mga nangyari sa inyo!" hawak nito isang kapirasong damit na may bahid ng dugo.Tumayo ulit ito.
"Nakita nyo ba si Basilio? Si Crispin nakita mo? Kilala mo siya?
Mahal na Mahal ko sila!!! Basilio!! Crispin!! mga anak ko!!"sigaw nito sa harap ng audience.
Pagkatapos si Juancho naman bilang Basilio ang sumunod sa eksena kung saan niyakap siya ni Greta(Sisa) at bumagsak ito.
"Ina...Ina... aking ina sinisinta idilat mo ang iyong mga mata...aking inang minamahal wag mo akong pabayaan. Ako'y iyong babantayan kahit wala ka na. Ina...Ina..." sigaw niyang sabi at umiiiyak para gisingin ang ina nito.
Sa eksena na ito marami umiyak lalo na si beshy. Malamang naalala niya ang kanyang mommy na hindi man lang niya nakilala. Tumingin ako sa pwesto ng mga judge umiiyak din si Mam Lucia at si Kuya MJ naman naging malungkot sa eksena.
Sa mga sunod na kabanata si Julius (president) bilang Padre Damaso.
"Patuloy kayo naguusap!mga estupido ambisyosa!! Patuloy kayo umaaklas sa aming mga prayle sa aming mga Kastila. Kayo! Kayong lahat unti unti na kayo mawawala!! At ikaw! Ikaw na walang modong sakristan! Dapat sayo bigyan Ng isang leksyon! Halika dito! Di kita titigilan...Lumayas ka dito! Lumayas ka...dahil sa kagagawan niyo sa ating gobyerno sa pagsulat ng dula,nobela, at kasinungalingan."
"Kung kami ay inyong susundin sigurado ako mapupunta kayo sa langit makikita nyo ang panginoon natin kung kami ay inyong susundin! Entiendes!! Claro!!"
Magaling si Julius madami natakot sa awra niya perfect antagonist ngunit kabaligtaran kasi sobrang bait nito kaya pinili namin siyang president sa aming room. Pagkatapos si Ivory naman sumunod at bagay na bagay sa kanya ang kanyang role.
"Ang dami naman tao,Tiburcio bilisan mo nga jan! O,Ikaw! Ikaw mga hampaslupang indio!(sabay duro nito sa harap). Di ba kayo magbibigay galang sa akin. Ako ba'y hindi ninyo nakikilala? Ako'y isang mayaman,
matalino at makapangayrihan at magandang babae dumadaloy sa aking ugat ang dugong Kastila. Kailanman hindi ako makikipagugnayan sa Indiong katulad ninyo." galit na sinabi nito.Infairness magaling ang bruha kahit na alam natin napipilitan sa kanyang role.
Dumaan ang maraming kabanata at ngayon ako ang huling magsasalita.
"Ako si Maria Clara.Ang nagiisang anak ni Kapitan Tiyago.Kasintahan ko si G.Ibarra.Siya ay may malasakit sa bayan ngunit napagbintangan naman ng kasalanang hindi naman niya ginawa."
"O' Mahal ko! Labis ako natatakot at nababahala sa iyo.Nagdulot ito ng panghihina na aking katawan kaya nagkasakit ako."
"Linares? At...At ano ito? Ano itong nababalitaan kong nais akong ipakasal sa iyo na hindi ko naman mahal? Hindi maaari! At wala akong balak magpakasal sa kahit na kanino kung Hindi si Ibarra ito!"
"A-ano ito?? Patay na ang mahal ko? Bakit??Paano?? Baliwala ang pagpapakasal ko kung wala ka na...
Ayoko nang magpakasal! Mas gugustuhin ko pa ang mamatay kung wala ka rin pala.Hindi kita malilimut,
Mahal ko! Siguro'y nga'y mananatili ka na lang ala-ala sa akin mga ala-alang ikaw pa rin at ikaw lang ang mamahalin ko,Ibarra."
"Paalam mahal ko,Ako si Maria Clara simbolo ng dalagang Pilipina,larawan ni Leonora Rivera na ipinagkasundo sa lalaking hindi niya naman mahal" sabay yuko ko sa harap ng audience.
Napakalakas na palakpakan ang narinig ko.Lumapit ang mga kasama ko sa role playing at sabay sabay kami yumuko. Mabuti nawala ang kaba ko at masayang ako maayos ko nailahad lahat ng lines ko.
Nakita ko si Kuya MJ nakathumbs up samin ni Jack. Ganun din sila
Sir Mallari,Sir De Guzman at Mam Lucia nakangiti at pumapalakpak sa aming performance.
"Ang galing galing mo bakla!"sabi ni Jack habang hawak niya dalawang kamay ko.
"Ikaw din kaya! Kaw ang bida dito,no! Proud na proud ang kuya mo sayo..." sabi ko.
"Halina na kayo...magbihis na tayo susunod na ang kabilang section" tawag ni Kim sa amin.
Pumasok na kami sa dressing room. Nakasabay namin ang susunod na magrole playing at nagpalit agad ako ng damit sobrang init sa katawan ng costume ko.Paglabas ko nakita ko si Marco kinakausap si Jack.
Hindi ko narinig usapan nila maingay sa dressing room.
"Oy! bes nandito ka lang pala, mukhang may naamoy ako dito ha!" singit ko sa usapan nila at sabay silang tumingin sakin.
"Sige magbibihis naku sana manood din kayo samin." paanyaya nito at umalis para magpalit ng costume.
"Ikaw ha anu yun?" tanung ko saknya.
"Binati nya lang tayo maganda ang performance natin"
"Sigurado ka parang iba nakikita ko!" usisa ko saknya.
"Hay, naku bakla tigil-tigilan mo nga ko kung anu man nasa isip mo" sabi niya habang tinatanggal ang black coat nito.
"Sorry na bes di na kita kukulitin!"
Sabay na kami lumabas at umupo sa upuan katabi mga classmate namin.
Nagumpisa na ang role playing ng III-Bonifacio ang section nla Marcus.
Magaling din ang performance nila Lalo na si Marcus todo bigay ang acting. Pansin ko habang sinasabi niya ang lines niya para kay Maria Clara sa pwesto namin siya tumitingin. Napatingin ako sa katabi ko.Titig na titig kay Marco at namumula ang mukha. Iba ang nakikita ko parang silang dalawa ang naguusap sa stage. Binalik ko na lang ang tingin ko sa stage baka makita niya tinitignan ko din siya. Natapos na din sila Marco at may susunod tatlo pang section.
"Maraming salamat at naipamalas ninyo ang inyong galing sa pag-arte. Maglunch muna kayo pagkatapos bumalik kayo at sasabihin ko sino ang nanalo sa role playing." Kumain muna kami sa canteen tapos nagchikahan sino mananalo at mapapasama sa film showing sa susunod na buwan.
"O' bakit ka umiiyak, Kim?" tanung ni Jack dito.
"Natouched ako sa nobela ng ating pambansang bayani tapos maayos natin nagampanan ang mga tauhan. Lalo na ang theme song na nkakaiyak feeling ko parang iniwan ako ng boyfriend ko! huhuhu!"
"Nagkaboyfriend ka na ba,Kim?" tanung ko sa kanya habang nakataas ang dalawang kilay ko.
"Wala pa naman... bawal pa... magtatapos muna ako ng pagaaral" paliwanag nito.
"I'm think tears of joy lang yan lahat naman tayo'y magaling. Sana manalo tayo kahit wala na mapili satin sa film showing ang mahalaga mataas ang marka natin." sabi ni Jack.
Natapos na ang isang oras na break at bumalik na kami sa auditorium.
"Kumpleto na ba ang lahat ng section? III - Rizal,III - Bonifacio,III - Mabini,
III - Aguinaldo at III - Lapu2x." tawag ni mam sa lahat ng section.
"Okey ang nakakuha ng pinakamataas na total score ng 99.9 percent ang nanalo....(suspend background)
Ang III - Rizal."masayang sambit nito.
Naghiyawan kaming lahat na magkaklase. Nagyakapan at nagtatatalon sa kasiyahan sila Jack at Kim. Niyakap naman ako ni Julius. "Congrats satin!" sabi nito.
"Congrats din pres. mataas ang grades natin nito!" sabi ko sa kanya.
Sinabi ni mam ang 2nd.place sila Marco sumunod naman ang ibang section.
"Lahat kayo magagaling halos itulak kabigin.Ngayon ang napili namin ang mga estudyante umaangat sa pag-arte. Pumunta sa harapan lahat ng tatawagin ko. Mula sa III - Rizal si Julius bilang Padre Damaso,Juancho bilang Basilio,Romeo bilang Elias (naghiyawan ang mga girls),Ivory bilang Dona Victorina(nagpapaypay habang naglalakad),Gretchen bilang Sisa(kumakaway at naghiyawan ang mga boys),Kimberly bilang Mang Anastacio(patakbong pumunta sa harap umaalog tuloy bilbil nito),
Ang dalagang Pilipina si Maria Clara si Jill(tuwang lapit ko sa harap) at ang panghuli ang dalawang Ibarra sina Jack at Marco(sabay lakad ng dalawa)"
Marami pa sinabi si Mam Lucia mga napili nito mga magagaling sa pag-arte.Binigyan kami ng Cert.of Appreciation lahat at kinuhaan kami ng picture.Pagkatapos pumunta kami sa room at unexpected may nakahandang foods pinaluto sa canteen ni Mam Lucia para samin with banner Congratulations!
"O' ba't hindi pa kayo kumakain mga bata?" tanung nito samin.
Hindi namin namalayan nasa likod pala namin ito.
"Maraming Salamat po!!!!" sabi namin sa aming guro. Nagcelebrate kami ng aming pagkapanalo.