Chapter 8 : Crush
Bakit niya ko kinindatan! Parang may mali yata dapat mabuwiset ako sa kanya!!! Anu ba nangyayari sayo Jack? Wag mo sabihin bumibigay ka sa lalaking yun! Hindi ! Hindi Pwede!" sabi ni Jack sa sarili habang naglalakad pauwi kasabay sina Jill at Kim.
"Nandito na pala driver namin. Salamat sa inyo at Ingat din kayo sa paguwi! Bye! Bye! " paalam nito.
" Uy' bes kanina ka pa tahimik jan may problem ka ba??? untag ni Jill dito.
" Wag mo ko intindihin ayos lang ako!"
" Sure ka? Gusto mo punta na lang tayo sa coffee shop?" Tumango na lang siya at ngumiti.
Tamang tama dahil marami siya itatanung dito.
"Namiss ko dito sa coffee shop!" sabi niya
"Umorder naku bes java chip frappe inorder ko sayo!"
"Ganun ba salamat! May itatanung sana ako sayo bes"
"Ako muna may sasabihin din ako sayo!" "I'm sorry sa nangyari last week hindi ko naman sinasadya yun tsaka don't worry I'll keep it a secret with matching padlock pa."
"Anu ka ba wala na yun,tapos na yun! Nagusap na tayo di ba! Iniisip mo ba nagdamdam ako sayo?"
"Oo, akala ko kasi yun ang gumugulo sa isip mo kaya dinala kita dito."
"Order No.5" tawag ng crew sa order.
"Wait! lang bes kunin ko lang inorder ko!"
Pagkakuha sa order inabot niya ang frappe ni Jack. "Salamat!"
"Mabuti nakasmile ka na!" sabay higop nito sa caramel frappucino.
Jack : "Bes may itatanung sana ako sayo? Kapag ba pagbumilis ang t***k ng puso mo...
May sakit ka ba sa puso?"
"Anung connect nun sa sakit sa puso? Natural lang bumilis ang t***k ng puso natin lalo na't in love ka!
Teka! In love ka ba? Sino ba yan?"
"Baliw hindi ako in love,no!"
"Sus, indenial pa ang gaga!" Halata naman sa face mo kaya ayaw mo lang sabihin,hmmp!!!"
(Nagkatotoo na kaya ang sinabi sakin ni tito? Magiging truelalu girlalu na bessy ko?) tanung niya sa kanyang sarili.
"Pwede ko ba malaman panu mo nagustuhan si Marcus?"
"Si Fafa Marcus ba? Una ko siya nakita sa Gym binigay ko kay Sir De Guzman ung test papers natin. May practice ng basketball nun pagkabigay ko muntik naku tamaan ng bola sinangga niya ang bola tatama sa kin doon nagstart ang paghanga ko sknya every practice nila nanonood ako!"
"Ganun ba! mabuti hindi ka na niya ginugulo!"
"Hindi na bes salamat sayo kasi di na nila ginugulo! Teka! bakit natanung mo si Marcus sakin?" tinititigan siya nito ng masama.
"Baka matunaw ako nyan! Eh... kasi kanina kinindatan niya ko!" mahinang sabi nito.
"Ano!!! Tama ba dinig ko kinindatan ka ni Marcus?!"
"Hinaan mo ang boses mo nakatingin sila satin!"
"Bes, di mo ba alam si Marcus yun! Madaming nagkakacrush at nag papakita ng motibo para mapansin man lang tapos ikaw napansin ka niya napakaswerte mo!"sabay hampas sa lamesa.
"Lilinawin ko lang sayo bakla hindi ako interasado sa lalaking yun! Kinikilabutan pa nga ko? Anu ba nakain niya may paganun ganun pa siya,kaasar!!!"
"Alam mo bes may bansag naku sayo! Denial Queen kasi di ba obvious nagkakagusto ka na sa fafa Marco ko magkaribal na tayo sa pagibig sa kanya" habang nagkukunwaring nagiiyak sabay pahid ng pekeng luha.
"Huwag ka magalala bes kung yun ang pinoproblema mo! Sayong sayo na siya!"
"Imposible mangyari yan bes sa ugali ni Marco di yun papatol sa bakla! Hanggang crush lang ako sa kanya pero nung pinagtulungan nila ako nawala na din ang crush ko sa kanya! Takot ang nararamdaman ko!"
"Huwag ka magalala bes nandito ako handa kita protektahan sa kanila"
"Hindi yun ang inaalala ko! Natatakot ako na mapasama ka sa mga babae niya"
"Anung ibig mong sabihin?"
"Balita ko marami siyang dinadate na babae kumbaga papalit palit ng babae kumbaga isang Casanova."
"Huwag mo na isipin yun hindi ako masisilo sa bitag niya"
"Sana na nga! Halika ka na umuwi na tayo! Makulimlim na sa labas mukhang uulan!"
Inubos na nila ang kanilang inumin at umalis na. Biglang bumuhos ang ulan napakalakas ng patak nito.
Tumakbo sila sa waiting shed malapit sa nakasaradong talyer sa kanto.
"Nakalimutan ko magdala ng payong ang taas ng araw kanina tapos biglaan namang umulan."
Biglang umubo si Jack. Napalingon si Jill sa kanya.
"Okey ka lang ba bes? Magpatila muna tayo ulan bago umuwi!"
"Sobrang lakas naman may bagyo yata!? Di na kasi ako nakakapanood ng balita."
Nakita ni Jill giniginaw si Jack yakap yakap ang sarili. Ayaw naman niyang magkasakit ang kaibigan niya.
Hinubad niya ang kanyang uniform para ipatong sa katawan nito. Napalingon ito sa kanya.
"Anu gagawin mo? Maghuhubad ka? Huwag mong gawin yan!"
"Gaga! Nakadoble naman ako ng t-shirt. Ayoko magkasakit ang bff ko! Pinatong na niyang ang uniform kay Jack.
"Salamat bes!"
"Very welcome! Baka sabihin ni Tito Mike pinapabayaan kita magkasakit!"
"Alam mo bes kung naging lalaki ka malamang madaming babae magkakagusto sayo!" habang nakatitig sa kanya.
"Naku! Di yan mangyayari over my dead body.Panu mo naman nasabi yan,aber?" nakapameywang ito.
"Kasi si sweet ka at maalaga kaya hangga't magkasama pa tayo susulitin ko na to. Wala naku ibang bestfriend na katulad mo!"
"Ganun din naman ako bes hanggang sa magkaroon na tayo ng mga jowa di pa din tau magkakalayo!"
"Imposible yan! Panu kung dalhin ka ng jowa mo sa malayong lugar hahabulin pa kita?"
"Anu ginagawa nito?"sabay pakita ng cellphone skanya. Sabay tawa nila. Naghintay sila ng isang oras bago humina ang ulan.
"Tumila na ang ulan! Halika na umuwi na tayo." sabay hatak nito sa kamay ni Jill. Habang naglalakad pauwi nasabi ni Jill ito sa kanyang sarili.
"Sana di matapos ang panahon na magkasama pa tayo alam ko darating ang araw na maghihiwalay din tayo ng landas. Masaya ako ikaw ang bff ko nagkaroon ako ng kapatid at mabuting kaibigan sa katauhan mo.
Huwag sana dumating ang araw na magbago ka! Sapat na sakin ganyan ka pero kung sakaling dumating yun ayoko na makitang nasasaktan ka." malalim na iniisip ni Jill.
"Uy' bes natulala ka jan nandito na tayo sa gate namin" sabi ni Jack. Sa sobang isip niya di na namalayan nakarating na sila kina Jack. Inabot nito ang kanyang uniform.
"Salamat sa uniform mo ingat ka sa paguwi mo!" kumaway na ito at pumasok sa loob ng gate. Nakauwi na siya sa kanilang bahay.
"Ginabi ka na anak" sabi ng mommy ni Jill.
"Parehas kami walang payong ni Jack kaya nagpatila muna kami. Hinatid ko na siya sa bahay nila"
Paakyat na ito ng hagdan ng magsalita ang kanyang mommy.
"Next 2 months uuwi si Daddy makakasama natin siya magcelebrate Christmas at New Year!"
masayang sabi nito.
"Ganun po ba so back to normal na naman tayo mommy!" tanung niya.
"Oo anak ako na bahala sa mga gamit mo once umuwi ang daddy mo!"
"Sige po aakyat naku!"
"Maghahanda naku ng dinner natin bumaba ka agad!" pahabol na sabi nito.
"Uuwi si Daddy ibig sabihin kailangan ko magpanggap na lalaking lalaki sa kanya! Magagawa ko ba yun???Biglang sumakit ang ulo ko malayo pa naman ang 2 months pero feeling ko malapit na yun. Laging surprised paguuwi yun walang pasabi." nalilitong nasa isip ni Jill.
Magagawa ba ni Jill na magpakalalaki sa kanyang Daddy kapag umuwi na eto...
Medyo naguguluhan si Jack sa kanyang nararamdaman...
Si Marcus... Anu ba talaga ang hidden agenda niya???