Chapter 7 : New Classmate
3rd.Person POV
Masarap na hapunan ang pinagsaluhan namin pagkatapos siya ang pinaghugas ko ng plato. Wala lang trip ko lang kasi gusto ko unahan siya kumuha ng cake. Pumunta agad ako sa ref pagtingin ko nakabukas na at mautak talaga maliit na lang natira inunahan na nila ako...Tsk tsk tsk... Kinain ko na lang habang nanonood ng balita TV Patrol.Napasulyap ako sa kanya ayun naghuhugas with matching kumakanta pa in fairness maganda ang boses nya....Tama nga sila nagdadalaga na siya...
Naalala ko first time niya magkaroon ng menstruation period ang lakas niyang umiiyak akala niya may sumaksak sa pwet nya hahahaha....
Kung sino sino tinawagan namin sa telepono wala sumasagot at mga kapitbahay mabuti nakita ko si Aling Nena nagwawalis sa labas. Tinignan niya ito at inutusan ako bumili ng napkin naisip ko may mens na pala siya...Inalalayan niya ito sa cr ang tagal nila sa loob tapos lumabas na sila. Sinabihan kami na alalayan siya tapos hanggang 3 to 5 days ang mens niya. Sa tagal na panahon na magkakasama kami hindi ko inisip na soft side din siya madalas aso't pusa kami nyan lalo na sa t-shirt pagbibili kami sa SM parehas kami ng gusto. Naaalala ko din ung narinig ko kanina. Ang hindi nila alam kanina pa ko dumating at pinakinggan usapan nila. Kung ako ang nasa kalagayan ni Jill parehas din kami ng reaction. Hindi naman mapagkakaila maganda talaga siya. Kami kasi Idol nyan kaya ganyan din ang naging kilos at pananalita niya.Inubos ko na ang cake para mahabol sa hugasin niya.
"Isabay mo na 'to" lapag ko ng platito. Ayun hindi ako pinansin kanta pa din ng kanta favorite niya ung pelikulang "Princess Diaries" ang bidang babae si Anne Hathway. Ang mahalaga naniniwala pa din kami magiging tunay na babae ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Kamusta bes may masakit pa din ba sayo??" tanung ni Jack kay Jill.
"Di ba obvious hindi pa din ako makaupo ng maayos masakit pa din legs ko! Grabe naman kasi ang training natin sakit sa katawan." himas nito sa balakang.
"Sa una lang yan kasi di ka sanay paglipas ng isang buwan parang wala na yan sakit mo!" "Sana nga!"
"Maganda umaga,Mam Lucia!" sabay bati ng mga estudyante.
"Maganda umaga mga bata! Ngayon may bagong kayo classmate! Sige pumasok ka na iha".
Pumasok ang bago naming classmate nakayuko ito mukhang nahihiya nakalugay ang buhok at nakasalamin. "Sige na magpakilala ka sa kanila" "Ayyy Akkko nga...pala si si si Kimberly Duran nice to meet you!" nauutal na sabi nito.
"Sige Ms.Duran umupo ka na maghanap ka ng gusto mo upuan" sabi ni Mam. Naghahanap siya ng upuan ng marinig niya bulungan ng kanyang bagong classmate.
"Ang chaka naman niya" sabi ni Gretchen isa sa mga feelingerang nagmamaganda.
"Wala talaga tatalo sa beauty mo greta" sabi ni Ivory kapit-tukong kaibigan nito.
"Dito ka na lang maupo sa tabi ko may bakante pa" alok ni Jack sa kanya. "Thank you!" tugon nito.
Nagtawanan ang ibang classmate namin dahil hindi lang sa mataba ito makapal din ang salamin at namumula din ang mukha nito sa dami ng acne sa mukha.
"Tumahimik! Ilabas nyo ang takdang aralin ninyo!" sigaw ni Mam Lucia.
"Mabuti di mo nakalimutan ang assignment natin." lingon ni Jill Kay Jack.
"Oo naman nagresearch pa ko niyan!" sabay lingon kay Kim.
"
Hello! Kimberly! Ako nga pala sa Jackilyn tawagin mo nlng ako Jack" sabay lahad ng kamay nito.
"Same to you, Kim na lang itawag mo sakin" sabay abot ng kamay nito at nagshakehands.
"Siya nga pala bestfriend ko si Jill" pakilala nito.
"Hello din sayo ang ganda mo naman"
"Talaga! Thank you!" sabay hawak sa long hair nito.
Pigil ang tawa ni Jack baka marinig siya ng kanyang guro at pinandilatan naman siya ni Jill.
"Mabuti hindi ka nabibigatan sa salamin mo?" tanung ni Jack sa kanya.
"Hindi naman sanayan lang kailangan kasi mataas na grado na gamitin ko."
Nahinto ang usapan nila nung nagsimula na klase nila.
"Sa susunod na buwan magkakaroon tayo pagsasadula sa nobela ni Gat Jose Rizal ang Noli Me Tangere kaya magbubunutan tayo sinu sino ang magiging tauhan sa kwento."
Naghiyawan ang iba namin classmate may natuwa meron naman nalungkot dahil ayaw nila.
"Ito ang magiging project ninyo sakin para 2nd.grading period. Ang di mabubunot sila ang gagawa ng props basta lahat dapat magpartipate sa project na ito!"
Naggupit si mam ng papel at sinulat lahat ng pangalan namin at nirolyo. Naguumpisa na siya bumunot. "Kung sino mabunot ko yun ang gagampanan ninyo kahit lalaki o babae mapuntang role sa inyo"
"Ang gaganap bilang Basilio ay si Juancho." Siya ang vice president namin sa classroom.
"Ang susunod si Dona Victorina ay si Ivory." Siya naman ung julalay ni gretchen.
"Ang gaganap bilang Elias ay ikaw Romeo." Siya naman ang Escort namin hawig nito si Jimin ng BTS.
"Ang gaganap na Sisa ay si Gretchen" nalungkot ang gaga gusto nya kasi Maria Clara eh! magaslaw naman kumilos.
"Sunod naman kay Padre Damaso ay si Julius." Siya ang class president.
"Bes ang dami ng characters na tinawag di pa tayo tinatawag no!" bulong ni Jill Kay Jack.
"Ganun talaga baka ikaw pa ang Maria Clara hehehe..." tugon naman ni Jack.
"Ikaw naman Kimberly ang gaganap bilang Pilosopo Tasyo" At huli ang 2 pangunahing tauhan ang gaganap bilang Maria Clara ay si....Jullian."
"OMG totoo po ba yan Mam?" tanung nito. Pinakita ng guro nkalagay pangalan nito.
"Ang bida na gaganap bilang si Ibarra ay walang iba kundi si Jackilyn"
"Anu ba yan pinakamahirap na character napunta sakin goodluck talaga"
"Sa mga hindi nabunot kayo ang gagawa ng props ninyo!Inuulit ko dito nakasalalay ang grades ninyo sa katapusan ng augusto ang umpisa ng pagsasadula ninyo. Lahat ng hawak ko 3rd.year yan ang project ko at may magiging judge sa role play ninyo kaya galingan ninyo! Sa bawat section may pipiliin ang mga judge sino pinakamagaling umarte siya ang pipiliin para maging member sa drama club" ani ng guro.
Natuwa ang ibang classmates nila kaya hindi lang nakasalalay sa grades ito kundi sa buong school(nasa isip ni Jack). "Kinakabahan ako bes !" sabay hawak ko sa aking dibdib. "Bakit naman?"
"Hindi ko alam kung kaya ko umarteng bilang si Maria Clara isa pa mahinhin na babae yun!"
"Dapat nga ako ang kabahan eh! Kasi mas maraming lines si Ibarra at lalaki role ko"sabi ni Jack.
"Good luck satin!" sabi ni Kim.
Pagkatapos ni Mam Lucia sumunod naman ang tatlong subject nila.
Sabay silang tatlo kumain sa canteen. Masaya ang araw ni Kim dahil may bago na siyang mga kaibigan.
"Oo nga pala bakit ka pala nagtransfer dito, Kim?" tanung ni Jill.
"Lumipat kami ng bahay tapos ito ang pinakamalapit na school na pwede ko pasukan." paliwanag nito.
"Ganun ba! Masaya naman dito except lang sa mga yun" nguso ni Jill sa pwesto nila Gretchen.
"Oo nga nararamdaman ko nga di nila ako gusto dahil ba sa mataba at pangit ako" sabi ni Kim.
"Ano ka ba Kim! Walang ginawa ang diyos na pangit.Lahat tayo magaganda from different ways pero di natin pwede iplease ang iba na gustuhin din tayo" sabi ni Jill.
"Tama si Jill kaya wag ka mawalan ng self confidence bata ka pa naman.I'm think magdiet ka lang at mawala yang sa mukha mo marami manliligaw sayo" sabi ni Jack.
"Salamat sa inyo kahit ngayon ko lang kayo nakilala ang gaan gaan ng loob ko sa inyo" tearyeyed na sabi nito.
"Wala yun aware ka ba sa nakikita mo sa paligid?" sabi ni Jill.
"Mabuti allowed dito yan!" sabay turo niya sakin at sa iba pa.
"Oo pwede gawin ng mga students dito kahit anung gusto nila pero kpag may bisita from different schools or may social events kailangan back to normal."
Kim : "Ah! ganun ba ibig sabihin kayo din?" tanung nito.
Jack : "Oo naman! No choice kami!"
Sa labas may taong nakatanaw sa kanila; kanina pa nito inobserbahan lahat ng kilos nila.
"Bossing kanina ka pa jan nakatingin baka matunaw yan!" tapik ni Roger sa kanya. Sabay niya binaling ang tingin kay Roger. Tinignan niya ito ng masama.
"Ke aga aga highblood ka na naman boss! Balita ko kasali sila sa role play ng Noli Me Tangere kay Mam Lucia."
"Ah! Ganun ba sa katapusan naman yun diba sabay sabay din tayo nun!"
"Oo bossing galingan natin hehe..." kantiyaw ni Roger.
Kasali din sila sa boring na role play. Si Ibarra ang character nabunot sa kanya. Pumasok siya sa loob ng canteen sumunod si roger. Bumili sila ng 2 spaghetti at 2 pepsi. Umupo sila sa tapat nila Jack at pinagtitinginan sila ng mga estudyante sa loob.
"Ang gwapo talaga ni Marco" kilig na sabi ni Ivory.
"Don't worry sis sakin din babagsak yan hahaha!" sabi ni Gretchen sabay tawa nila.
Ang iba naman ilag sa kanila. Mga babae naman parang pinipilit sa kilig kulang na lang ay maihi sa mga panty nila. Habang kumakain sumusulyap si Marco sa pwesto ng tatlo lalo na't katapat niya ang pwesto ni Jack. Napansin naman nito ni Jack na tinitignan siya ng lalaki kaya hindi na lang niya pinansin ang presensya nito dahil may nararamdaman siyang pagkailang dito.
"Uy' bes bigla ka yata tumahimik?" Parehas kasi sila ni Kim nakatalikod kaya di nila nakikita sila Marco.
"Tumingin ka sa likod mo!" Pagtingin nito sa likod mukha ni Marcus ang nakita niya umiinom ng pepsi.Biglang itong humarap kay Jack.
"Kanina pa siya jan? Ba't di mo sinabi sakin wait lang magfoundation lang ako" sabay kuha nito at lagay ng foundation sa mukha kinuha din ang lipsgloss.
"Maganda na ba ko?" sabay puppy eyes nito.
"Oo maganda ka na! Sino ba pinapagandahan mo?" tanung ni Kim.
"Heto siya no!" sabay tingin sa likod at biglang nadismaya wala na sa pwesto nito ang lalaki.
"Sayang naman nagpaganda pa naman ako!" simangot nito.
"Tapos na ba kayo kumain? Kunin ko na ang paper plate niyo." sabay ligpit nito at dinala sa basurahan sa labas. Pagbalik sa loob ng canteen dahil sa nakayuko siya hindi nya namalayan may nabunggo siya.
"Sorry di ko sinasadya!" sabay tingin nito sa lalaki. Natulala siya sa gwapong mukha nito para sa kanya ngayon lang siya nakakita ng perfect face at devilish eyes na bumagay sa mukha nito.
"Hoy! taba umalis ka sa dadaanan ko! Binangga mo na nga ko natulala ka pa masyado bang gwapo ang nakikita mo" sabay lapit ng mukha nito.
Napaatras si Kim at nagmadaling bumalik sa lamesa nila Jack.
"Napano ka?" tanung ni Jill. "Wala may nabangga lang ako" sabi ni Kim.
Tumingin si Jack sa pinto ng canteen. Si Marcus nakatingin sa kanya habang nakapamulsa ito. Sabay kindat sa kanya bago lumabas ng canteen.