Chapter 3 : Side Story
Ang Exodus isa sa kilalang fraternity sa bansa. Isa sa mga nagtaguyod nito naging estudyante din sa SSU. Mula ng iniwan nito ang kapatiran ay marami umasam na pamunuan ito. Ang huling humawak sa posisyon nito ay walang iba kundi si Marcus Polinar. Sumali siya dito dahil gusto niya maging tanyag, malakas at magkaroon ng takot ang iba sa kanya. Isa sa rason kung bakit siya napabilang dito dahil sa masamang karanasan ng kanyang kabataan. Anaksa buho yan ang bansag sa kanya noon, dahil wala siya ama at wala din ang kanyang ina kapag kailangan niya ito. Lagi nasa trabaho at kung uuwi umaga na kaya nasanay siya na lang nagaasikaso sa kanyang sarili.Ang kwento ng kanyang ina noon, sa isang club naging customer nito ang kanyang ama. First time nito pumasok bilang waitress sa club nung makita siya ng kanyang amo kinausap siya nito galingan niya at bibigyan siya ng napakalaki pera ng mga customer. Lagpas ng isang buwan ang pananatili niya sa club na 'yon ng makilala nito ang kanyang ama. Love at first ng makita ito ng kanyang ina ganun din ang lalaki nagandahan sa kanya kaya di siya tumanggi sumama at dalhin sa motel.First time nito sumama at wala pa siya karanasan. Mabilis ang pangyayari sa kanila at ito din ang nakakuha ng virginity nito. Binayaran siya nito ng napakalaki pera worth 50k dahil nagustuhan nito ang serbisyo niya. Isang linggo lang sila nagkasama at nagmahalan pero tulad ng kanta ni Imelda Papin hindi na ito nagpakita sa kanya.Alam ng kanyang ina isa itong seaman nagbabakasyon sa bansa. Sobrang lungkot si Emmy at dinamdam mula ng mawala ang lalaki. Kahit sa maiksing panahon sila nagkasama ay minahal niya ito. Makalipas ang isang buwan naduduwal ito at nalamang buntis. Pumunta ito sa pier kung saan dumadaong ang barko sinakyan nito nagbakasakali na makakuha ng impormasyon.
Ang alam ng kanyang ina ang pangalan nito, Marcus Shin isang koreano ngunit nabigo siya dahil walang ganun pangalan ng seaman na nakasama nung nakaraang isang buwan. Ibig sabihin nito niloko siya ng lalaki kaya wala na siya alam sa kinaroroonan pa nito. Nung una gusto niya ipalaglag ang bata ngunit natakot pa din siya sa karma. Mabuti at mabait ang kanyang amo kahit nagalit ito sa kanyang kagagahan.Makalipas ng siyam na buwan nilabas niya ang isang maputi at malusog na batang lalaki kamukha nito ang ama. Ilang buwan lang nagpahinga ang kanyang ina at bumalik na ito sa club ngunit hindi sa dati sa iba na kung saan mas malaki ang kikitain. Dahil sa mga nangyari sa kanya naging manhid na ito kung sino2x lalaki ang kinakasama nito.Nung nasa elementarya siya nakilala nito si Ding sa bar, binata ito at handa siyang tanggapin kung ano ang nakaraan niya. Madaling napaibig nito ang kanyang ina at nagsama sa isang bubong. Dun niya nalaman napakabatugan nito halos ang kanyang ina nagtatrabaho.Ang lalaki naman ang nasa bahay kapag nasa bahay ang kanyang ina maamong tupa ito. Dahil sa uto-uto ang kanyang ina hindi nalaman nito na sinapit niya sa amahin. Kapag di siya sumusunod sa utos at nagkamali papaluin siya nito ng matigas na kahoy at laging kinukurot.Napansin ito ng kanyang ina mga pasa niya ngunit ang sabi ng amahin "matigas ang ulo ng anak mo lagi naglalaro sa labas laging banatan ang gusto sa mga kalaro."Di niya magawang magsumbong sa kanyang ina dahil pag ginawa niya 'yon papatayin daw sila nito.Sa school naman lagi siya niloloko at pinagtutulungan ng mga bata. Sa mga nangyari ay nagrebelde siya.Isang pangyayari bago umuwi sa bahay hinarangan siya ng lima mga estudyante nasa highschool mga ito base sa kasuotan. Walang sabi sabi sinuktok siya at pinagtutulungan. Ang bumubugbog sa kanya isa sa kuya ng nakaaway niya nung nkaraang linggo. Ito ang gumanti dahil sa ginawa niya sa kapatid nito.Halos lupaypay na siya di na makakilos akala niya katapusan niya pagdilat niya ang limang lalaki bagsak at nakita ang isang binatang lalaki lumapit at kinarga siya. Dinala sa malapit na hospital. Umiyak ito nagpasalamat sa lalaki.
"Ang tunay na lalaki hindi umiiyak" sabay hawak nito sa kanyang ulo.
"Gusto ko maging malakas katulad mo kuya" sabi niya dito.
"Pagtungtong mo ng highschool sa SSU ako nagaaral hanapin mo ko dun.Tuturuan kita kung paano lumakas bata" sabi ng binata.
Inalala niya ang sinabi nito kaya pagkagraduate niya ng elementarya. Sinabi niya sa kanyang ina na sa SSU siya magaaral ngunit hindi pumayag ang kanyang ina pagaralin siya sa isang private school dahil maliit lang kinikita niya. Bago siya nagtapos ng elementarya hiniwalayan ng kanyang ina ang amahin dahil nahuli sa akto may iba itong katalik at sa mismong kwarto pa nila dun din nalaman ng kanyang ina ang hirap na dinanas niya sa kamay nito. Humingi ng tawad ang kanyang ina at pinatawad niya din ito.Buo na ang pasya niya gagawa siya ng paraan para makapasok sa school na yun para makilala niya ang binatang tumulong sa kanya. Naging maayos na ang buhay nila magiina ngunit nagulat sila bumalik ang kanyang amahin na si Ding.
"Emmy, patawarin mo na ko at mahal na mahal kita" pagsusumamo nito.Nagmamakaawa ito balikan siya ngunit pinagtatabuyan dahil alan niyang nakainom ito. Dahil wala na sa katinuan binunot nito ang balisong nakalagay sa tagiliran."Bitawan mo yan hindi magandang biro yan" sabi ng kanyang ina. Sabay hawak sa braso ni Emmy at hinila ito.
"Lubayan mo na'ko Ding umalis kana!" galit na sabi nito.
"Kung di ka rin mapapasaakin papatayin na lang kita,hahaha!" baliw na sabi nito. Sasaksakin na ang ginang ng humarang si Marcus sa harap at ito ang nasaksak sa tiyan.
"Marcus!!!!!anak ko gumising ka huwag mo ko iiwan...." lumuluha sabi nito. Nabitawan na ni Ding ang balisong at dali-daling tumakas hinabol ito ng mga kapitbahay ngunit mabilis din ito nawala at hindi na ito nahabol. Tinulungan buhatin ng mga lalaking kapitbahay si marco kasama ang kanyang ina dinala sa hospital. Dinala agad ito sa operating room dahil marami nawalang dugo sa binatilyo. Lumabas ang isang doktor.
"Sino po ang kamaganak ng pasyente?"
"Ako po ang kanyang ina kamusta po ang anak ko" umiiyak na sabi nito.
"Mrs.Polinar kailangan po natin masalinan ng dugo ang anak ninyo marami nawalang dugo sa kanya.Blood type nya A+" sabi ng doktor.
*Naku type O po ako anung gagawin ko doc?" malungkot na sabi nito.
"Kailangan masalinan siya agad ng dugo sana makahanap na po kayo ngaun! Nagkakaubusan sa blood bank ang ganung type ng dugo kasi marami sa ating mga sundalo napalaban sa NFS ganun ang dugo nila kaya kahit kami nahihirapan makakuha ng dugo" paliwanag ng doktor sa kanya.
"Sige po doc maghahanap po ako kaagad" sabi ni Emmy.Tinawagan niya lahat ng kakilala niya ngunit wala siya nahanap kung meron naman takot sa karayom.Maghapon na siya naghahanap ngunit bigo pa din siya ayaw niya mawala ang kanyang anak ito na lamang ang kanyang lakas at dahilan kung bakit pa siya nabubuhay. Pupunta sana siya sa c.r ng hospital ng may nakabangga siya. Nakita niya matangkad na lalaki at nakilala niya ito.
"Marcus!!!!" gulat na sabi nito. "Emmy!!! It's that really you? What are you doing here?I came back to searching you but I don't have any idea where have you been? paliwanag nito. Galit siya dito ngunit hindi na siya nagdalawang isip na tanungin ang blood type nito at kapareho pala kay Marcus.Hindi nagatubiling hingan ito ng tulong na magdonate ng dugo. Pumayagang lalaki hindi dahil sa awa sa bibigyan ng dugo ngunit mahal niya pa din si Emmy. Sa dami ng babaeng dumaan sa kanya si Emmy pa din ang minahal niya ng totoo hanggang ngayon. Pagkatapos masalinan ng dugo si Marcus nagusap silang dalawa ng mga nangyari sa nakaraan. Sinabi nito na di nya sinasadyang iwan ito nung panahon magksama sila.
May nagsumbong na isa sa kasama niyang seaman sa pamilya niya sa States. Nagalit ito dahil nakipagrelasyon siya sa isang pilipina. Dun din niya nalaman na ipapakasal siya sa anak ng kaibigan ng daddy niya arranged marriage kaya walang paalam siyang umalis.Kahit malayo nagpupunta pa din ito sa pilipinas para hanapin si Emmy ngunit di niya pa din ito makita. Humingi din ito ng tawad. Nandito siya sa hospital dahil may dinalaw siya kaibigan naaksidente isa sa kasama niya dati sa barko.Niyakap siya nito at si Emmy naman nagkwento dito ang pinagbigyan niya ng dugo walang iba kundi anak nila. Nagulat ang lalaki di niya inaasahang may anak sila at lalaki pa. Tuwang tuwa ito sa nangyari at sabay silang pumunta sa kwarto ni Marco.
"Marcus,anak kamusta na pakiramdam mo may masakit pa din ba sa'yo?"
"Okey naku Ma! Sino pala yang kasama mo? sabay tingin sa tabi ng kanyang ina.
"Anak wag ka sana mabibigla siya ang papa mo!" sabay iyak na nito.
Nagulat si Marcus dahil ang nagdonate sa kanyang dugo walang iba kundi ang kanyang Ama nangiwan sa kanila. Galit ang nanaiig sa kanyang puso. Nagkwento ito kung ano ang tunay na dahilan kung bakit iniwan ang kanyang ina.
"Marcus, son I'm so sorry for what I'm done to your mom last 12 years.I can believe that I have a son like you.I begging you son please forgive me!" umiiyak na sabi nito.Umiiyak na din siya dahil matagal na niya din inasam magkaroon ng isang ama ngunit ng magkaisip siya di na niya 'to hinanap tapos ngayon babalik 'to sa buhay nila magiina. Hindi malaman ang gagawin ng yakapin siya nito. Di niya magawang tanggalin dahil naghihina pa siya. At aaminin niya masaya din siya nakilala ito.Nakalabas na ng hospital si Marcus, lahat ng hospital bills ang kanyang ama nagbayad. Kumain muna sila sa isang restaurant para mkapagbonding. Sa una mailap pa din ang dalawa sa isa't isa ngunit pareho sila ng gusto ang buttered shrimps. Natuwaang kanyang ina dahil nagkasundo din ang mag-ama. Kahit masaya sila meron pa din lungkot para kay Marcus dahil ang kanyang ina magiging kabit lamang ng kanyang ama dahil kasal pa din ito sa unang asawa.Nung una nagalit siya pero iniisip nya na lang ang kaligayahan ng kanyang ina. Bumawi din ang kanyang ama sa kanya at dahil dito nakapasok siya sa San Sebastian University na isa pinakaaasam niya. Pansamantalang bumalik sa States ang kanyang ama. Maayos na ang kanilang buhay nakakulong na si Ding. Ang kanyang ina di na muli pumasok sa club at nagnegosyo na lang sa tulong ng kanyang ama.
Samantalang siya ayun pa din riot at katapangan ang pinairal niya at nakilala na niya ang kanyang inaasam ngunit yun din pala ang huling taon nito makikita dahil graduating na'to dun niya nalaman na itong ang leader ng Exodus isang fraternity lahat ng magagaling sa pakikipaglaban ay nandito. Sumali siya dito kahit mahirap ang test 100x papaluin ng malaking kahoy. Pakakainin ng sili 50 pcs at tatatakan ng simbolo ng Exodus letrang E sa kanang braso malapit sa bakuna.Tiniis lahat ni marcus ang test ng huli kailangan may mapatumba niya sa mga 10 kasapi nito. Akala niya madali ngunit nahirapan siya sobrang lakas ng nakalaban niya at napagtagumpay niya ito. Ilang buwan na lang at aalis na ang founder nila kaya nagbotohan sila ng bagong pinuno. Si Fred ang matalik na kaibigan ng founder siya na ang bago namumuno sa kanilang samahan. Sa ilang buwan na natitira nagsanay si Marcus at ang kanyang mentor. Pagkatapos ng graduation umalis na ito at hindi na nila ulit nagpakita. Pagkatapos ni Fred ang pumalit sa kanya si Niccolo sumunod naman na taon si Hubert ngunit dahil malaking pinasala nito kaya nacomatose ito. Bumoto ulit sila at si Marcus ang napili. Kaya simula na siya ang namumuno dami na takot sa kanya. Halos lahat ng ibang fraternities at sororities ang nakakilala sa kanya. Araw araw siya nagsasanay at namamahala sa kanilang samahan.Isa pa din naman siya normal na estudyante sa kanila school. Maraming takot sa kanya ngunit hindi niya matanggap na ganun ganun lang siya pababagsakin ng isang babae.