Chapter 2

1763 Words
Chapter 2 : The First Meeting San Sebastian University  one of the exclusive and private school in the Philippines. Lahat ng students nakakapasok dito kundi mayayaman, middle class at mga scholars. Walang pinipili ang school na ito kahit anung gender mo tanggap nila kaya hindii sila strict pag dating sa damit na susuotin mo dito pero pag may important events at mga visitors from another school back to normal dapat kung si Juan ay si Juan at si Eva ay si Eva. Madalas dito kumukuha ng mga magagaling athletes na nilalaban sa sports tulad ng basketball, volleyball,taekwondo,chess at iba pa. Kahit sikat na ang school na to' meron pa din itong tinatago sa likod nito may mga fraternity at sorority. Kaya kung hindi ka magiging matapang tulad ni Jack baka isa ka na din sa naging member ng mga ito. Magkaklase sila Jack at Jill nasa third year high na sila or mga juniors. Isa sa mga tulong ni Jill sa kaibigan pag nakalimutan nitong may assignment pinapacopy niya ito. May sports din sila kinabibilangan si Jill sa volleyball at si Jack naman sa taekwondo. "Bes, ang aga natin,ha! mukhang ok ka na!" bungad ni Jack dito.  "Oo, malapit na magstart first subject natin nasagutan mo na ba ang assignment natin? "Naku! nakalimutan ko pacopy naman dali!" sabay hablot nito ng notebook. "Ikaw naman bes ang bata mo pa makakalimutin ka na. Bibilhan kita ng Memo Plus Gold  para hindi ka makalimot!" habang ginagaya ang linya ni Kuya Kim. "Salamat bes, oo nga pala anung oras ang laro ng basketball sa gym mamaya?"  4PM ang start" bulong nito. Sabay pasok ng kanilang guro. "Magandang Umaga Mam Lucia" pagbati ng mga student. First subject nila Filipino at isa sa pinaka weirdong teacher nila ito. Matalas ang paningin nito alam din kung nagcocopy ang mga estudyante at kapag nahuli niya ito 1 week hindi makakapasok sa subject niya at pagbalik mag didiscuss sa harap kung anu ang susunod ituturo kaya dapat updated ka kahit hindi ka pumasok sa subject niya.Pag hindi mo ito ginawa ipapaguidance niya agad ito.(So very weird nga mabuti at di ko naabutan ang ganyang teacher.) Natapos na ang last subject nila. "Jack, hali ka na punta na tayo sa gym mamaya kasi wala na tayo mauupuan." "Naku! nakalimutan ko cleaners pala ako ngayon.Mauna ka na habol ako ireserve mo na lang ako ng seat."  "Sure ba yan bes! Kinakabahan ako baka mamukhaan ako.  "May dala ka ba piluka?" tanung nito kay Jill. "Ichecheck ko wait! Oo meron mabuti hindi inayos ni mommy ang bag ko sige bes kita na lang tayo mamaya." Paalam nito at naglakad agad papunta sa Gym. Bago pumasok sa loob ng Gymnasium sinuot niya ang kanyang wig color Pink. Isa sa favorite niya gamitin pag namamasyal sa mall. "Naku magiistart na ang game nasan ka na bes? Puno na halos ang upuan mabuti mabait sila ngaun nareserve ko na ang isang seat para sayo" bulong nito habang palinga linga sa gate ng Gym. Lumabas na ang dalawang team ang Team A naka Red jersey at Team B naka Blue jersey. Nasa Team A si Marcus ang lalaking nagutos na bugbugin siya at dahil sa kanyang Wig hindi siya namukhaan. Magkahalong kaba at excitement na makita niya ito. Hindi maalis sa kanyang paningin ang paglalaro nito halos lahat ng tira nito pumapasok sa ring. Ang lakas ng sigaw ng cheering squads lalo ng tumira ng 3 points ito napasigaw din siya at pumalakpak. "I love you Marcus,Go Go Go...." sigaw din niya. Malapit na matapos ang game wala pa din ang kaibigan niya baka hindi na ito pupunta. "O' ba't malungkot ka akala mo hindi naku darating!" tapik nito sa balikat ni Jill. "Mabuti at dumating ka bes akala  hindi ka na pupunta."  "Sino ba diyan ung Marcus?" sabay nguso sa mga naglalaro. "Yung nakared na jersey number 8" sabay turo nito. "Ah! sya ba naeexcite naku makilala siya friend handa ka na ba?" biglang masahe nito sa balikat niya. "Naku bes kinakabahan ako balita ko halos lahat ng grupo nila member ng fraternity at alam ko hindi ka nila titigilan pag napaaway ka sa kanila" pagalala nito. "Alam mo ba kanina pa ko atat matapos ang laro nila na yan" ngiting sambit nito at makikita ang excitement sa mga mata. "Umatras na tayo hindi mo sila kaya friend alam ko malakas ka pero iba ka pa din sa mga yan." "Anu pinagkaiba ko sa kanila? Parehas lang naman kami tao,nagaaral sa school na'to ang kaibahan lang mayaman sila ako hindi yun ba gusto mo ipaintindi sakin?" inis na tumingin sa kanya. "Hindi yun alam ko na malakas ka ang dami mo na nakaaway kahit sino pero para sakin babae ka pa din hindi ko kaya masira ang mukha mo sa mga lalaki na yun" pagalala nito. "Huwag mo naku alalahanin kaya ko sila. Saglit lang mag ccr lang muna ako."at naglalakad papuntang comfort room. Napabuntong hininga na lang si Jill. Pag sinabi na ng kaibigan nito hindi talaga paaawat. Tapos na ang game nagsilabasan na mga estudyante. Nasa dulo si Jill dahil malayo ang pwesto niya kanina sa gate ng Gym. Mauuna na siya umalis at hintayin na lang sa labas si Jack. Malapit na si Jill sa gate ng may tumawag sa kanya. "Miss, saglit lang!" tawag ng lalaki. Hinatak siya nito at mahigpit na hawak ang kanya braso. "Sinasabi ko na nga ba, kahit magsuot ka pa ng Wig makikilala talaga kita, bakla ka!" galit na sabi nito. "Eh! ikaw pala yan Marcus, bitawan mo ko at aalis naku dito" sabi ni Jill. "Hanggang dito pa naman sinusundan mo ko!" "Wala ka na takas mas marami kami sa'yo at magisa ka lang. Wala ka din mahihingian ng tulong."  "Sorry sa mga nagawa ko sayo." "Dahil jan ako naman magbibigay sayo ng isang regalo na hinding hindi mo makakalimutan,hahaha!" Bigla niya ito sinuntok sa sikmura. Napangiwi si Jill sa sakit natanggal din ang kanyang wig. Lumabas ng cr si Jack. Natagalan siya sa paglabas ng masamang kalikasan, naparami siya ng kain nung lunch break. "O' ba't wala na tao nasan na si Jill?" tanung nito sa sarili. Pagliko may narinig siyang nagtatawanan. Nakita niya pinagsusuntok ang kaibigan niya. "Sige pa gawin mong punching bag yan' bossing" sabi nung una lalaki. "Pare,malapit ka na matalo sa pustahan natin sa pangatlong suntok ni boss bagsak na yan"sabi ng pangalawang lalaki. "Hoy! bakla galingan mo naman sayang ang pusta ko sa'yo" sabi naman pangatlong lalaki. Sinuntok ulit siya sa dibdib naman.Hatak na nito ang kwelyo at handang susuntukin na sa mukha.Nakita ni Jack yun kaya naging mabilis ang takbo niya at sinipa si Marcus sa dibdib nito at bumagsak sa sahig. Napatingin sila sa sumipa sa kanilang bossing, namukhaan nila ito. Siya din ung sumuntok sa kanila last week. Lalapitan na ni Jack si Marcus ng humarang ang tatlong lalaki. "Kayo na naman? Wala talaga kayo kadala-dala!" "Akala ko lalaki ang nagpatumba samin yun pala babae. Hindi namin matatanggap na isang babae lang kami mapapatumba!" galit na sabi nito. "Lumayas kayo sa harapan ko!" sigaw naman niya. "Dadaan ka muna samin bago kay bossing, di pa kami nakakahirit sayo" sabi ng lalaking may hikaw sa kaliwang tenga. "Ah! ganun ba o sige tara laban di ko kayo aatrasan!" Nakipaglaban si Jack sa tatlong kumag same scenario tumba ulit sila. Bumangon si Marcus at aaminin niyang napakalakas ng sipa sa kanya. Nung una hindi niya namukhaan ung sumipa sa kanya pero napatitig siya dito damit panlalaki ang suot nito pero napakaganda ng mukha. Tinapakan nito ang kanyang ego isang babae lang pala magpapabagsak sa kanya. Pagkatapos ng tatlo lalaking nakasalampak sa sahig lumapit na ito sa kanya.Sa sobrang tulala ni Marcus hin ldi niya namalayan nakalapit na si Jack at pinakawalan ng napalakas ng suntok sa mukha. Natumba ulit ito at lumapit sa kanya. "Ngayon nakaganti naku sa'yo para sabihin ko sa'yo hindi nakita ni Jill yang alaga mo kaya pag inulit mo pa to' hindi lang yan aabutin mo sakin, nagkakaintindihan ba tayo?" "May araw ka din sakin babae ka!" galit sa isip ni Marcus.Umalis na ito at nilapitan ni Jill.  "Bes, may mga gasgas ka sabi ko sayo wag muna sila awayin" "Okey lang yan malayo sa buto,ang mahalaga nakaganti naku sa lalaking kinalolokohan mo" "Sira ka talaga, halika ka na dalhin muna kita sa clinic after nun ililibre kita ng favorite ice cream mo" "Da best ka talaga, di mo nakakalimutan ang gusto ko" napayakap ito at sabay silang nagtawanan. Pumasok na sila sa loob ng cafe. "Mukhang mahal dito bes at ang ganda ng design at decorations ng cafe na 'to" "Bagong bukas sila ngayon kaya may promo buy 1 take 1 ang mgaice creams nila any flavor basta grande size oorderin natin. Ako na bahala umorder hanap ka na lang mauupuan natin". Tango naman nito. Humanap na siya ng mauupuan ang pwesto nila malapit sa gilid ng pinto. Gawa sa salamin ang buong paligid ng cafe kaya kita mo din ang labas. Nakapalumbaba lang siya habang nakatingin sa labas. Mga naglalakad na estudyante na nagtatawanan. Mga batang lalaki nagtatakbuhan.Mag-asawang may dalang grocery naglalakad papuntang kotse. At dalawang magsyota holding hands ito at naghahalikan habang naglalakad. "Masyadong PDA naman ung dalawang yun" sa isip ni Jack. "Uy, bes tulala ka jan heto na order natin!"untag nito. "Kagulat ka naman!" Inabot nito ang ice cream ni Jack. Rock road ang gusto nito at sa kanya cookies and cream."Wow! ang sarap naman nito. Thank you sa treat" ngingiti ngiti nito habang sumusubo." "Dahan dahan ka lang bes baka mabulunan ka, hehe" Hindi siya pinansin nito at kumain na rin. "Boss pinatawag nyo kami" sabi ng lalaking may hikaw sa tenga kasama ang dalawang kabaro nito. Nasa hideout sila ng kanilang group fraternity ang Exodus. "Alamin nyo ang buong pagkatao ng babae na yon!" utos nito. "Bakit boss, siya ba next target natin? Napakalakas ng babae na yun ayoko na siya kalabanin baka hindi na ko magkaroon ng maraming lahi" sabi ng pangalawang lalaki. "Gusto mo ba ako ang una sisira ng kaligayahan mo?" galit na sabi ni Marcus sabay hatak sa kwelyo nito. " Huwag boss! Takot ko lang sayo chill lang!" sabay bitaw sa kanya. "Anu ba ang gagawin namin boss? tanung ng pangatlong lalaki. "Alamin ninyo ang lahat ng galaw ng babae na yun sa loob ng campus para malaman ko anu ang kahinaan niya." "Masusunod bossing!" sagot ng tatlong lalaki at umalis na. "Hindi ako papayag na isang babae lang ang magpapatumba sa isang Marcus Polinar ang leader ng Exodus" nakakuyom ang isang kamao nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD