Chapter 11 : Love letter
Jack's POV
Nagising ako sa tunog ng cp ko pagtingin ko si Jill pala ang nagtxt sakin. Gandang bungad na text niya sakin.
K=A=I=B=I=G=A=N
K=asama mo.
A=ko
I=n
B=ad times &
I=n
G=ood times
A=sahan mong ako'y
N=asa Likod mo lang for life!
Pass mo sa lahat ng 'KAIBIGAN' mo,
Pwede rin sakin kung kaibigan ang Turing mo sakin,
Kaya ko Pinasa Sayo kase good friend ka for me !!!
kapag 5 pataas ang nabalik sayo - it Means mabuti Kang kaibigan. Go!:) i will wait for your response...
Si bessy talaga araw araw my morning quotes. Sinend ko ulit ung text niya sakin. Lumipas ang ilang buwan 2 weeks na lang at sportsfest na naman. Excited nku kya puspusan ang training ko sa taekwondo at si bessy naman sa volleyball. Si Kim naman sumali sa booth clubs bawat section may nakatalagang activity depende sa available slots. Katatapos ko lang magtraining sa taekwondo club at pupunta sa canteen na may nakasalubong ako si Marcus.
"Hi! Kamusta mukhang busy ka!" bati niya.
"Ayos naman eto katatapos lang training ikaw san punta mo?"
"Pupunta ako sa drama club hinahanap kasi ako ni Mam Lucia. By the way my free time ka ba mamaya?" Free time? Yayain niya ba ko ng DATE? Naku! Jack manahimik ka wag ka assuming." Gusto ko sanang sabihin eto na lang nasabi ko. "Ah! eh... wala nman bakit?"
"Yayain sana kita manood ng practice namin sa basketball mamayang 4pm. Ang makakalaban namin mga seniors isama mo din si tabs at si bakla!"
"Sige pupunta kami!" Akala ko iba na. Makapunta na nga sa canteen. Nagutom ako sa training ko kanina puro lalaki pa naman kalaban mo.
"O bes bakit ang tagal mo naman dumating tignan mo dami dala ni Kim na foods muntik ka na di tirahan." Nagsusungit naman si bakla habang ang isa walang tigil sa pagsubo. Nakakatuwa silang tignan.
"Anu ngingiti ngiti mo jan!" sabay taas ng kilay pa ni bakla. "Ang aga aga highblood ka naman.Alam ko na para mawala yang inis mo mamaya manonod tayo ng basketball may practice sila Marcus!"
"Talaga! Bessy sige maaga ako magpapaalam sa practice ko. Kailangan nandun ako para icheer si Fafa Marcus! Sige na kumain ka na mukha ka ng namamayat sa training mo!" sabay kuha ng plato at nilagyan ako ng pagkain. Kumain na kami after nun pumunta na silang dalawa sa kanilang gagawin.
Ako naman pumunta sa locker room at nagpahinga muna. Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang ilang notes ko baka may assignment na naman at makalimutan ko sagutan.Pagkuha ko may nahulog na puting sobre.Dinampot ko ito at binuksan love letter pero kanino galing. Umupo ako sa mahabang bangko at binasa ito
Dear Beautiful,
I still remember the day when we started chatting, a Sunday it was or to be specific it was on 7th Sept,at 8:30pm. When I had mustered up the courage to drop a message in your locker.You see, a boy like me needs to possess strong nerves in order to approach a princess of a girl that you are. We have been chatting for the last time and I have lost track of the countless nights that I have spent dreaming of you; like a fairy you enter into the theme of my dream and with your splendid moves you dissolve the sepia of my mundanity in your arcade of colours; I cannot help but look at you with my eyes wide open while you keep on dancing around me in circles,painting the sky in your favourite shade of blue and shrouding the roses in my hue of love.
I wish I could have you by my side to fill up the vacant lots of my heart,to find happiness in your eyes rather than looking for it in those sentences that I have read time again just to trick my senses into discovering your love for me in them. I don't know whether you would welcome my proposal or not but I can assure you that I'll be somewhere around you,waiting for you to turn back and nod your head in acceptance of my "I love you."
Your lovingly,
Anonymous Guy
Sinong Anonymous Guy??? Hindi ko akalain may magbibigay sakin ng loveletter sa palagay ko lalaki ito.
Pero bakit niya ko sinulatan? Base sa sulat at petsa nasa bahay ako nila Kim nung Birthday Party ng mommy niya. Hindi kaya si Marcus ito??? Pero imposible dahil hindi naman siya nanliligaw at nagpapa ramdam. Huwag ka umasa Jack hindi siya yan dahil magkakagusto ba siya sa babaeng mas lalaki pa sa kanya na kayang makipagbugbugan sa mga lalaki kahit siya napatumba mo di ba. Biglang sumakit ang ulo ko sa kaiisip kung sino nagsulat nito. Inipit ko na lang sa notebook ko at pumunta muna ko sa library para makapagbasa muna ng ibang books.
May tumapik sakin yung S.A pala nakatulog ako sa library. Nagsorry ako at binalik na ang librong hiniram ko. Mabuti wala yung librarian siya ang bantay malamang magkakarecord ako nito sa guidance. Pagtingin ko ng relos ko 10 mins na lang at alas kwatro na. Nagmadali naku lumabas ng library at nagtungo sa Gym. Pagpasok ko daming students. Halos puno na wala na yata ako maupuan mabuti nakita ko si Jill kumakaway sakin. Lumapit agad ako sa kanila.
"Saan ka ba galing, Bes?" "Sorry nakatulog ako naguumpisa na ba?
"Hindi pa warm up pa yang ginagawa nila." sabi naman ni Kim.
Pumito na ang referee ibig sabihin maguumpisa na. Pumunta sa gitna ang dalawang kuponan.
Ang team captain ng senior at team captain ng junior naman ang nagharap. Hinagis na ng referee ang bola at nakuha ng team captain ng junior. Naging mabilis ang laro nila. Nasa team captain pa din nila Marcus ang bola gusto nito itira na ngunit may tatlong player humaharang sa pagshoot sakto sumenyas si Marcus at pinasa nito sa kanya ang bola. Walang bantay sa kanya kaya naishoot niya agad ng 3 point shot. Naghiyawan ang buong gym lalo na katabi ko nagwawala, tumayo at sumisigaw ng cheer kay Marcus. Masaya kami dahil lamang ang juniors kahit sabihin natin na practice ito sinseryoso talaga nila ang paglalaro. Naging mainit ang labanan nila una nkabawi sa lamang ang seniors pero nagshoot ulit ng 3 point shot at rebound si Marcus. Last 2 mins na at 2 points lamang score nila Marcus sa mga seniors. Kaya todo bantay sila ngayon kay Marcus apat laban sa isa yan naging pagblocked ng seniors kay Marcus para hindi ito makatira. Sobrang gitgit sa kanya nakuha ng isa ang bola at pinasa sa kasama nitong nag shoot din ng 3 points. Ngaun ang seniors ang lamang sa laro. Ilang minuto na lang binilisan nila ang pagpasa at ishoshoot sana ni Marcus ang bola ngunit tinumba siya ng kalaban niya kaya nahatulan itong offensive foul. Kaya nagshot ulit siya ng 2 free throws at pumasok lahat. Sila ulit ang lamang. 1 minute na lang naging masigasig ang seniors sa pagbabantay sa kanya ishoshoot na niya sana ulit ngunit nahampas ng kalaban ng malakas ang bola at tumalsik sa pwesto namin. OMG! tatamaan si beshy hinarang ko ang sarili ko. Tumama ang bola sa mukha ko. Napahiga ako at bigla nagblack out ang paningin ko. Narinig ko pa tinatawag ako ni beshy ngunit nawalan naku ng malay. Paggising ko nakita ko puting silid at maliwanag na ilaw. Napalingon ako sa kaliwa ko si beshy nakatulog sa pagbantay sakin. Tinapik ko ito at ginising.
"Bes ok ka na ba? Masakit pa ba ulo mo o ang mukha mo. Dumugo ang ilong mo kanina nagworry talaga ako sayo,huhuhu..." maiiyak iiyak ito.
"Okey lang ako salamat sa paghatid mo sakin sa clinic."
"Hindi ka dapat nagpasalamat sakin kay Marcus. Siya bumuhat sayo para dalhin agad sa clinic. Kung alam mo lang itsura niya kanina alalang alala siya sayo." Biglang namula ang mukha ko si Marcus naghatid sakin dito. Naku! nakakahiya baka sobrang bigat ko at nakaya niya ko buhatin.
"Nasan na siya ngaun?" tanung ko." Ayun inaway ang naghagis ng bola sa'yo."
"Si Kim nasaan na? Umuwi na ba siya?"
"Alam ko sinundan niya si Marcus kasi galit na galit yun hindi naman kita pwedeng iwan dito. Ako dapat ang tatamaan bakit hinarangan mo? Bruha ka talaga tignan mo ang laki ng bulak sa ilong mo."
"Okey na pakiramdam ko pwera lang sa ilong ko napirat yata baka lalo pumango pa ko nito katulad kay Allan K." hawak sa ilong ko.
"Naku nandamay ka pa ng tv host baka puntahan tayo dito nun alam mo naman mga bakla malakas ang instinct." Napalingon kami ng bumukas ang pinto. Pumasok si Ms. Jane ang clinic nurse namin sa school.
"Kamusta na pakiramdam mo,Jack!" "Okey na po ko Ms. Jane.Salamat po sa paggamot sakin."
"Anu ka ba trabaho namin 'to. Ikaw pala ang sinasabi sakin ni Marcus..."
"Po??? May sinabi po ba siya tungkol sakin..."
"Ah..eh..huwag mo ng intindihin ang sinabi ko umuwi na kayo pag pumunta siya dito sa sasabihin ko umuwi ka na. Ingat kayo!!" Umuwi na kami ni beshy at sinamahan ako ihatid sa bahay."
"Kaya mo pa ba maglakad?" "Parang nahihilo ako bes dapat pala di muna tayo umuwi akala ko okey na ko!" Huminto ito sa paglakad at umupo sa harap ko.
"Sumakay ka na sa likod ko di ba nakaraan nakaya mo ko. Ngayon ako naman huwag ka na mahiya."
No choice naku kumapit ako sa likod niya at nakapatong ang ulo ko balikat niya. Hawak niya dalawang hita ko.Nakapiggyback ako. Nawala ang hilo ko pero bakit ganun ang sarap ng pabango ni beshy pero hindi naman sweet or flowery scent ang amoy.
"Bes anu pabango mo?" "Inaamoy mo ba ko kaloka ka talaga! Kaya pala medyo nakikiliti ako.Favorite perfume ko to Acqua de Gio."
"Ganun ba ang sarap ng amoy bes hindi nakakasawa." Natigilan ako sa sinabi ko. Anu ba nangyayari sakin pati bff ko pinagnanasaan ko.Umayos ka Jack lalaki ang tipo niyan! Bigla ito tumigil sa paglakad.
"Nandito na tayo!" Bumaba naku baka sabihin ni Papa napilayan ako. Papasok naku hatakin niya kamay ko pinihit paharap at bigla ako niyakap. Nagtaka ako kung bakit?
"Anu nangyayari sayo bakla? Bakit bigla ka nangyayakap baka sabihin ng kapitbahay eh! inaakit kita."
"Halong saya at pagalala ko sayo bes. Kanina pa kita gustong yakapin kaso pumasok agad si Ms.Jane. Sorry nabigla yata kita." sabay kalas nito.
"Huwag ka na magalala sakin magtetext ako bukas kapag kaya ko na pumasok. Umuwi ka na baka hinahanap ka na ni Tita!" pag tap ko sa balikat niya. Nagpaalam na ito sakin at naglakad ng malayo. Pumasok na din ako sa loob ng bahay. Bumungad agad si papa sakin at as usual puro kuda si Papa pero sa huli nagalala pa din siya sakin magiingat palagi. Umakyat naku sa kwarto ko at nagpalit ng damit pantulog. Bigla may kumatok sa kwarto ko. Pumasok si Kuya MJ anu kaya nakain nito.
"Nagsorry sakin si Greg. Hindi niya sinasadya ang pagtama sayo! Okey na ba pakiramdam mo?"
"Okey naku kuya hinatid ako ni Jill dito sa bahay. Huwag mo ng intindihin yun kuya aksidente lang yun. Alam mo ba kuya sino nanalo sa practice nila?"
"Juniors daw hindi na sila nakahabol sa puntos isa lamang ng kalaban."
"Ganun ba mabuti nanalo pa rin sila." "Sinabi sakin ni greg dinala ka sa clinic nung lalaking junior na nakalaban nila Marcus yata ang pangalan? Binuhat ka daw?" tumingin sakin na nakakaloko. Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Kuya naman wag mo sana lagyan ng malisya yon. Hindi ko talaga alam na binuhat niya ko kung hindi pa sinabi ni Jill sakin."
"Malaki ka na nga kahit si Papa hindi ka na kaya,hahahaha!!! Matulog ka na dear sister este brod pala."
Humiga naku at kinumutan ni kuya. Binantayan niya ko hanggang sa makita niya tulog naku. Ang hindi niya alam nakapikit lang mata ko pero hindi pa din ako makatulog. Naramdaman ko hinalikan niya ko sa noo at sinara ang pinto ng aking kwarto.