Chapter 12

1552 Words
Chapter 12 : Intramurals Jill POV Dumating na din pinakahihintay namin ang Intrams. Dito gaganapin ang event dahil isa sa pinakamalaking university ang school namin. Unang araw uumpisahan ang sports at matatapos hanggang bukas. Pagpasok pa lang ng gate dami agad na mga estudyante aligaga sa pagbuhat ng mga gamit para sa mga booths nila, ung iba nagmamadaling tumakbo at isa sa mga player ng basketball bumanga sa akin mabuti pasensyoso ako. Nasalubong ko si Ate Racks isa sa mga kagroup ko sa volleyball at hinahanap naku para sa warm up namin para sa competition. "Ikaw na lang hinihintay namin" bungad ni Diego isa sa mga alipores ni Marcus at teammate ko din siya para volleyball male division. Nagumpisa na warm up namin after nun diresto na kami sa Gymnasium. Six schools ang maglalaban ngayong taon para sa volleyball. Ang aming school ang unang lalaban para sa unang match. Tumingin ako sa audience hinahanap ko si bessy malamang di na darating para manood dahil may practice pa ito para mamaya sa laban niya ng taekwondo. Malapit na magumpisa ang laro namin. Napasinghap ako may kumalabit sakin paglingon ko si bessy. Niyakap ko siya at teary eyed ako sa pagaakalang hindi na siya darating. "Uy' bes napano ka! Ang aga naman ng kadramahan yan sige ka matatalo kayo niyan" biro niya sakin. "Akala ko kasi di ka manonood! Thank you nakaabot ka! This year kami ulit mananalo." habang pinapahid ko ung luha ko. "Oo na sige dun lang pwesto namin support kami mga classmate mo." turo niya sa pwesto nila. Nilingon ko sinabi niya nakita ko mga classmates namin may hawak na tarpaulin. GO GO GO WE CAN DO IT JUNIORS!!! "Anung oras laro mo mamaya?" tanung ko sa kanya. "Bukas pa kami kaya ikaw naman magchecheer para sakin. Nalate lang kami kasi ginawa ko ung tarpaulin at hinagilap ko sila nakalimutan nila ngayon ang laro mo." nagpaalam na ito at naglakad papunta sa pwesto ng mga classmates namin. "Huwag kayo magalala kami ang mananalo." pahabol ko sabi. Sumenyas na si Ate Racks at tumakbo naku pabalik sa teammates ko. Nagumpisa na ang laban namin ang lakas ng cheer nila kaya ginanahan kami sa paglalaro. Naging mabilis ang laro at kami ang naging winner. Ako ang nagpanalo samin muntikan na kami matalo dahil ang kalaban namin 1 point lamang ngunit alam ko samin ang championship. Naghiyawan kami at lumapit mga classmates ko. Ang saya saya dahil 1st. game plang kami agad ang panalo. Next game ang Basketball. "Hindi ka ba manonood mamaya sa game ni Marcus?" tanung ko kay Jack. "Hahabol na lang ako ireserve mo ko ng seats ulit kasi pupunta ako ng Drama Club para magjoin sa Film Showing natin." "Wow mabuti nagbago ang isip mo!" "Sayang kasi nandun kayo nila Kim at support ang mga teachers natin." "Sige balik ka agad ha!" Lumakad na ito at umalis. "Ang galing galing nyo Jill!" ani ni Kim sabay abot ng bottled water sakin. "Syempre naman kami pa ba!" sabi ko habang umiinom ng tubig. "Bakit nagmamadaling umalis si Jack?" baling nito sakin. "Hahabol daw siya sa registration para sa Film Showing natin. Last day na kasi ngayon." paliwanag ko. "Mabuti naman makakasama natin siya. Ang alam ko magbubunutan ulit kung anung role mapupunta sayo." "Hay naku ayoko na Maria Clara ang hirap gampanan hehe..." "Bagay naman sayo ang galing mo kaya umacting. Alam ko makakasama din natin sina Gretchen at Juancho." "Ganun ba sige magbibihis muna ko wait mo ko sa upuan natin. I-reserve mo na ng 2 seats para samin ni Jack." Tumango lang ito at pumunta naku sa comfort room. Pagkalabas ko nakita ko na ibang players ng basketball from other schools nagpractice na sila. Sa bandang kaliwa ang team naman ni Marcus. Mukhang may hinahanap sa audience at napatingin sa direksyon namin sumenyas si Kim at binalik ulit ang tingin sa kagrupo nito. "Bakit nakasimangot si Fafa Marcus?" tanung ko kay Kim. "Hinahanap niya si Jack!" sabi nito. "Eh! bakit nakasimangot ka? Hmm.. I smell fishy here..." "Wala naman ako naamoy na mabaho!" palinga linga nito. "Gaga! Iba ibig kong sabihin? Di ba friends naman na tayo so dapat wala tayo secrets gets mo?" "Kung anu man ang iniisip mo hindi ganun yun. Naiinis lang ako sa kanya lagi niya ako niloloko tapos ang hilig magutos." inis nitong sabi at tinuon ang pagsusulat sa hawak nitong notebook. Nagumpisa na ang laro. Ang school na maglalaban Xavier University vs. San Sebastian University. Infairness mga fafabols ang mga player at matatang kad. Pero sa galing kay Marcus pa din ako at sa mga kateam niya. Sa first game tabla ang score nila. Pagdating ng second game mainit na ang laban. Mas lamang na ang Xavier's yan tawag sa mga students nila. Medyo pagod na din ang team lalo na si Marcus. Siya na halos ang gumagawa ng puntos at todo blocked ang ginagawa sa kanya para di sya makashoot. Seryoso ang panonood ko ng mapansin ko si Jack tumabi ng upo sakin. "O bakit ang tagal mo dumating?" tanung ko sa kanya. "Sorry natagalan ako may ginawa lang ko sensya na. Kamusta ang laro lamang ang kabilang school." tingin nito sa score board. Pumito ang referee. Sumigaw ito. "Offensive foul Red No.8" Naghiyawan ang mga students ng Xavier's at nalungkot ang ibang mga students at nagchecheer sa school namin. Pangapat na foul na ito ni Marcus. Sobrang ang pagblocked sa kanya. Kitang kita mo sa mukha niya ang pagod. Ang team captain nila nagkainjury nung first game pa lang. Siya muna ang binantayan ng mga players ng Xavier's bago si Marcus. Ngayon isang foul na lang at may chance na matalo sila. 76 vs. 60 ang score lamang ang kalaban. Humingi ng timeout ang grupo nila. Para makapagplano ang next na gagawin. "Sana makahabol sila" baling sakin ni Jack. Tumingon ito sa pwesto nila Marcus at sumigaw ng "kayang kaya nyo yan Marcus!!!" Napalingon ito kay Jack at nakita ko nakangiti ito.Tinuloy na ulit ang laro. Todo sigaw ang cheering squad sa pangunguna ni Gretchen. Nakahabol ng puntos ang SCU basketball teams at sila na ngayon ang lamang dahil sa 3 point shots na ginawa ni Marcus. Natapos ang game at sila ang nanalo. Tuwang tuwa kami dahil nanalo ulit sila. Yumakap ang mga kateam ni Marcus sa kanya. Lalapit sana kaming tatlo para i congratulate sila ngunit napanganga kami sa ginawa ni Greta hinalikan sa pisngi si Marcus. Naghiyawan ang nasa paligid namin. Tinignan ko ang katabi ko natulala sa nakita parang maiiyak. "Bes magccr muna ko kita na lang tayo sa canteen!" sabi nito at nagmamadali umalis. Nagulat ako sa reaksyon ng best friend ko. Hindi kya nagkakagusto na siya kay Marcus? Kung ganun may chance na maging babaeng babae ulit siya? Ang daming tanung pumasok sa isipan ko na biglang nagsalita si Kim. "Naiinis ako sa babae na yan ang lakas ng loob humalik kay Marcus." "Natutuwa ako sa reaction mo parang possessive gf ang peg mo hehehe..." tudyo ko dito. Bigla itong natahimik sa sinabi ko. "Bakit nawawala na naman si Jack? Nakita niya ba?" tanung nito sakin at tinanguan ko na lang. "Pumunta siya comfort room halika ka na punta na tayo sa canteen dun na lang natin siya hintayin." sabi ko. Paalis na kami ng tawagin kami ni Marcus. "Sandali lang nasan si Jack? Nakita ko siya kanina kasama nyo nanonood." "Diba busy ka naman sa babae mo bakit mo pa siya hinahanap?" taas kilay kong sabi sa kanya. "May mali ba ako nagawa? Hindi kaya... Oh no! Nakita niya ba ginawa ni Gretchen sakin. Siya mismo nagkiss sakin at hindi ako. Kailangan ko siya makita I want to explain" sabi nito. "Anu ka ba niya boyfriend? Huwag ka magalala sa bestfriend ko hindi yun magkakagusto sayo.Busy tao kasi siya. Minamanage niya ang time niya para mas marami pa siya nagagawa." Tinalikuran ko na ito at naunang naglakad paalis. "Kim, sana masabi mo sa kanya na hindi ko yun ginusto pasabi na lang." sabi ni Marcus "Anu pa nga ba magagawa ko pero next time iwasan mo na din maging clingy sa mga babae para di ka ma misinterpret." payo ni Kim. Tinawag na ang lalaki ng kateam nito at si Kim sumunod na sakin. "Jill hintayin mo ko" habol nito sakin. Jack POV Bakit ba ko umiyak? Tama ba yung inasal ko? Daig ko pa magreact sa gf ni Marcus... Nasa isip ni Jack habang nakatingin ito sa salamin ng cr at namumula ang mata. Naghilamos ito ng mukha at nagpolbo para hindi mahalata na affected siya sa nakita niya. Nagtungo na ito sa canteen at umorder ng food para sa lunch. Hawak na niya ang order niya at tinawag siya ni Jill. "Bakit ang tagal mo bes wag mong sabihin nagLBM ka?" Natawa ako sa sinabi niya napalakas yata. Ang dami tuloy tumingin sa pwesto namin. "Ang lakas ng boses mo tignan mo nakatingin sila satin!"sabay lingon nito sa paligid. Napatingin din ako kay Kim daming kinakain hinding hindi mo sya pwede istorbuhin magwawala yan. Kumakain na kami nang biglang naghiyawan ang tao sa canteen pagtingin ko grupo nila Marcus. Dumaan siya sa pwesto namin at nakatingin samin. Bigla ako yumuko at tinuon ang pansin sa kinakain ko. Binilisan ko kumain at ganun din sila at sabay sabay na kami lumabas ng canteen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD