Amara
"Aling Martha, magkano ho isang kilong manok?" Tanong ko sa suki ko rito sa palengke. Balak ko kasing ipagluto ang kambal. Pihadong pagod at gutom iyon mamaya pag-uwi.
"One thirty lang, ne. Ano ilan ba?" Sumulyap ako sa wallet ko at kumuha ng pera roon.
"Isang kilo lang ho." Pagkaabot niya saakin ay lumabas na ako sa mataaong palengkeng iyon at sumakay sa big bike para umuwi.
Kailangan ko na palang maghanap ng trabaho. Pihadong higit kumulang Thirty Thousand nalang ang laman ng bangko ko. Bayaran pa ng tuition ng kambal. Saan naman kaya ako mag hahanap ng trabaho nito. Graduate ako ng kursong Business Management. Siguro naman tatanggapin ako kahit wala akong experience, ano? Hindi naman talaga ako kasi nagtrabaho sa labas ng ahensiya namin kaya wala akong kasanayan sa mga ganito.
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso akong kusina upang ilapag ang mga pinamili ko. May isa pa akong alam na maaaring pagkakitaan. Si Kiel Medival. Dali kong dinukot ang cellphone sa aking bulsa at dinial ang numero ni kiel. Pagkaraan ng tatlong ring ay sumagot na rin ito.
"Yow, amara, what's up?" Hikab pa na tanong nito. Pambihira! Alas diyes na ng umaga, tulog pa rin ito.
"May slot pa ba para sa drag racing mamayang gabi?" Diretsahang tanong ko rito. Bigla naman itong natahimik. Problema nito?
"Oy! Pakigalaw ng baso kung buhay ka pa." Muntanga kasi, hindi nagsasalita.
"Amara? Sigurado ka ba? Akala ko ba hindi ka na tutungtong ng Underground?" Pang-uusisa nito.
"Wala e, umalis nako sa ahensiya. Kailangan ko ng pera." sabi ko pa. Tumikhim ito bago nagsalita.
"O sige, mamaya. Dating oras parin, sa dating lugar. Sagot ko na sasakyan mo." Ani nito na ikinangiti ko. Ayun o! May pakinabang din talaga 'tong mga 'to e.
"Okay, mamaya. Palinis mo na yung sasakyan ha? Sige." pagkasabi ay binaba ko na ang tawag. Nakangiti akong nagtungo sa sala namin. Pagkaupo ay tinext ko ang isa ko pang kaibigan na si Mika.
From: 0927×××××××
To: 0926×××××××
'Miks, sali ako sa drag racing mamaya. Underground. Dating oras.'
Pagkasend ko nito ay iniwan ko na ang cellphone sa lamesa at nagtungo ng kusina para simulan ang pagluluto.
Nagsimula akong hiwain lahat ng rekado na kakailanganin ko saka ko hinugasan ang hiwa nang manok. Pagkatapos ay nag simula na akong igisa ang mga ito. Pagkaluto ay pinatay ko muna ang kalan at tangke saka umakyat sa kuwarto.
Sumalampak ako ng higa sa kama saka inabot ang laptop ko na nakapatong sa side table ko. Pagkabukas ko nito ay nakita kong may email na ipinadala saakin ang dati kong ahensiya. Depungal, hindi ba talaga nila ako titigilan? Hindi na ako nag-abalang buksan ito at basahin dahil alam ko naman na kung para saan ito. Ano ba talagang problema nila? Pormal naman akong nagpaalam sa kanila. Bakit hindi nila ako maintindihan ngayon?
Binuksan ko ang ilang social media accounts ko na ilang buwan ko na ring hindi nabubuksan dahil sa sunod-sunod na misyon. Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang mga bagay na inagaw sa akin ng ahensiya na iyan. Hindi ko manlang naranasan ang buhay ng isang teen ager dahil sa kagagahan ko. 'Yan, ganti pa more.
Una kong tinungo ang messenger ko upang alamin kung may mensahe ba akong natanggap galing sa kung sinong poncio pilato.
Unang nakaagaw ng pansin ko ang isang mensahe galing sa hindi ko kilalang tao.
'Ross Del Valler send you a Message Request.'
Dala ng kuryosidad ay binuksan ko ito. Binasa ko ang mensahe na nakapaloob dito.
'You should pay, mi amore.'
Agad napakunot ang aking noo sa nabasa. I should pay? Bakit? Nagkautang ba ako nang hindi ko nalalaman? Bangag yata 'to e. Baka prank lang. Mga tarantado pa naman ang mga tao sa panahon ngayon. Inignora ko na lamang ang chat na ito at binasa ang iba pang chat saakin. Iyong iba ay mga kaibigan ko noong college na nangungumusta. Hindi ko rin nireplyan ang mga ito. Mas mabuti na ito. Iba ang mundong ginagalawan ko sa kanila.
Nilapag ko ang laptop ko sa isang gilid upang damputin ang libro sa tabi ko ng biglang tumunog ito tanda ng may nofication ako. Ipinatong ko itong muli sa hita ko at tinignan kung ano ito.
'Ross Del Valler sends you a Friend Request'
Aba't speed itong prankster na 'to a? Pinidot ko ang profile nito. Plain black lang ang profile picture nito at wala manlang ka post post at basic information. Sabagay, hindi rin naman ako pala gamit ng socmed kaya inaccept ko nalang ito.
Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong umilaw
Hush, hush, dar—*
Sinagot ko ito nang hindi tinitignan ang caller.
"Who's this." Malamig na tanong ko rito ng sumalubong saakin ang tahimik na linya. Inayos ko ang pagkakalagay ko ng kumot sa katawan ko.
"Ivy." Unang salitang binitawan niya pero alam ko na agad kung anong pakay.
"How many times do I have to tell you to stop pestering me?" Diretsong tanong ko rito. Tinignan ko ang caller pero hindi naman nakaregister sa akin ang number. Seems like they knew that I'll not pick up their call if I know that it was from them.
"Ivy, help us. Mr. Chan knew that it was our agency who keeps on delaying their drug transactions. Blue is on a mission right know." Agad akong napapikit sa ibinalita ni Spade. Ano ba 'tong katangahang ginawa nila. Mr. Chan is a Big time Drug lord. Hawak niya ang malalaking tao sa buong Asya. Alam na alam ko kung gaano siya katuso dahil minsan ko na siyang nakaharap. Ito rin ang hinihinala kong may kinalaman sa mission na trinabaho ng magulang ko kung saan sila namatay. Marami itong galamay kaya napaka imposible na mabura ito ng ahensiya ng basta-basta nalang unless, of course, kung mas makapangyarihan ka sa kaniya.
"Paano ba kasi niya nalaman? I told you before to be careful lalo na't pag may kinalaman sa sindikato niya ang ta-trabahuin niyo." Sermon ko rito. Napahawak ako sa sentido ko dahil biglang sumakit ito.
Sinabi ko na kasi sa'yo, Amara, na huwag ka nang makisali sa gulo ng ahensiya mo dati. Kaya ka nga umalis dahil sawa ka na sa buhay na 'yon diba?
Pero, hindi ko naman sila puwedeng pabayaan. Mahalaga rin naman sa akin ang mga tao sa ahensiya roon. They were once my family.
"Spade, you know what will happen to the twins if I'll help you. Kaya nga ako umalis sa serbisyo." Pagapapaintindi ko rito. At saka wala naman na ako sa serbisyo. Hindi ako puwedeng mag imbestiga. Hindi sagot ng ahensiya kung may mangyari.
"I know, but Ivy, please. Nagkakagulo na sa ahensiya natin. Walang gustong mag take ng position mo due to the danger." Pakikiusap nito saakin. Nakaramdam naman ako ng awa dahil sa sinabi nito. I admit. Most of the time, I'm heartless. But it doesn't mean I'm evil, okay? I maybe distant and cold sometimes but I care. I really do.
"Okay. I'll help you. But it doesn't mean that I'll join again the agency. I'll just back you up guys." Wala sa loob kong sabi rito na siyang ikinagalak niya.
Sana naman hindi ko pagsisihan 'to.