Kabanata 1
Amara
"Ivy, parang awa mo na. Kailan ka ng Agency natin ngayon. Naiintindihan ko naman na gusto mo ng tahimik na buhay, pero maaatim mo ba na malagay sa alanganin ang grupo na minsan mo nang pinamunuan?" Pangungulit na naman sa akin ni Khalil na siyang miyembro ng ahensiyang inalisan ko. Tangina, ano bang hindi malinaw sa mga salitang binitawan ko nang mag paalam ako sa kanila? Napakadelikado ng trabaho sa ahensiya. Misyon kapalit ng buhay. Kaya nga gusto ko nang umalis e. Malalagay sa alanganin ang mga kapatid ko lalo na sa nangyari noong nakaraang-nakaraang linggo. Dahil nga sa ako ang pinuno ng Thannos ay alam nilang hindi nila ako magagalaw basta-basta. Pinasok nila ang bahay na tanging mga kapatid ko lang ang naiwan dahil nga nasa misyon ako. Tangina at iyon ang isa sa pagkakamali ko. Inuna ko ang ibang tao kaysa sa kapakanan ng mga kapatid ko.
"Umalis ka na, khalil. Wala na tayong pag-uusapan pa. Alam niyo ang rason ko kung bakit ako umalis. Sapat na iyon. Ayaw kong madamay ang mga kapatid ko sa gulong dulot ng pesteng ahensiyang 'to. Patahimikin niyo na kami!" Kalmado ngunit seryoso kong sabi rito. Aaminin kong na g-guilty ako kahit papaano sa pang-iiwan na ginawa ko sa kanila. Pero mas habang buhay akong makokonsiyensya kung buhay ng mga kapatid ko ang malalagay sa alanganin. Sawa na rin ako sa ganitong buhay. Hindi maitatanggi na hinahanap parin ng aking sistema ang pagpatay at amoy ng dugo, ngunit ako nalang ang inaasahan ng mga kapatid ko. Paano nalang kung mapahamak ako, paano na ang mga kapatid ko?
"Alam ko naman iyon, Ivy. Pero you're our leader. Alam mong wala kaming ibang taong pinagkatiwalaan maliban saiyo. Walang kayang humigit sa lakas mo. At kapag bumalik ka, paniguradong babahag ulit ang buntot ng mga gunggong na iyon." Pakikiusap nito saakin ngunit alam kong kailangan kong mamili. Kapangyarihan kapalit ng buhay ng pamilya ko. At sa dalawang iyon, malinaw naman kung anong pipiliin ko.
"Pasensiya na, khalil. Ipinasa ko sa iyo ang posisyon sapagkat may tiwala ako saiyo na kaya mo. Malakas ka gaya ko, magtiwala ka sa sarili mo. Ilang taon kong tiniis na mas piliin ang pagliligtas ng maraming tao kapalit ng kaligtasan ng pamilya ko. Siguro naman sapat na ang kawang-gawang iyon." Malamig na sabi ko sa kaniya. Tumayo na rin ako upang pagbuksan siya ng pinto senyales na gusto ko na siyang umalis sapagkat wala naman nang pupuntahan ang diskusiyon na ito. Tumingin ito sa akin ng may pakikiusap ngunit iniwas ko lang ang paningin ko rito.
"Ivy, I'm giving you a time to think. I know it's not easy for you to decide because of your family. But, there's also a lot of people who needs you and our agency's help." Huling salitang binitawan nito bago lisanin ang condo unit ko.
Amara, you have to think. It's for your sibling's sake.
---
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Ininat inat akong bumangot sa higaan ko para maghanda ng aalmusalin ng mga kapatid ko. Simula ng klase nila ngayon. Ayaw ko namang malate sila kung sakali. Actually hindi naman na mga bata yung mga kapatid ko. Halos walong taon lang ang tanda ko sa kambal. Seventeen years old pa lang ang mga ito at wala pa sa tamang edad kaya ingat na ingat ako. Ni hindi nga nila alam ang naging trabaho ko e. Sa loob ng anim na taon, itinago ko sa kanila ang lahat.
Nag simula ito sa mga magulang namin. Dating hacker ang mga ito ng ahensiya na pinang-galingan niya. Namatay ang mga ito habang nasa misyon sila at hindi na sila nabigyan ng tsansa ng mga kapatid niya na makita muli ang mga ito kahit sa huling pagkakataon dahil hindi na nakita ang mga katawan nito na hula nila ay nalusaw na kasama ang bodega nang sumabog ito. Ito ang dahilan kaya naingganiyo siyang sumali sa mga ito. Upang ipaghiganti at hanapin kung sino ang mga walang awang pumatay sa kaniyang mga magulang.
Hindi man siya naging hacker dahil hindi ito kaya ng kaniyang utak ay naging isa naman siyang magaling na agent gamit ang itinuro ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Aaminin niyang kahit may alam na siya sa pakikipaglaban ay mahirap talaga lalo na kapag nag-uumpisa. Minsan isang gabi ay umuwi siyang duguan. Mabuti na lamang at tulog na ang mga kapatid niya.
Masasabi niya na pinaghirapan niya kung ano man ang narating niya, ang maging pinuno ng Thannos at dahil sa pagpupursige niya, nakilala siya bilang si Ivy. Ang kinatatakutang Agent. Walang habas itong pumapatay ng kriminal at malalaking sindikato sa pinaka brutal na paraang maiisip mo.
"Ate, alis na kami ni kuya." Napalingon ako sa mga kapatid ko ng mag paalam ang mga ito. Nilapitan ko ang mga ito upang ibigay ang baon nila na hinanda ko rin kanina.
"Oh, mag-aral kayo ng maigi ha? Walang magbubulakbol. Yari kayo sakin. Cayden bantayan mo 'tong kambal mo! Sumbong mo sakin kapag lumandi." Tatawa-tawang bilin ko sa mga ito. Agad naman akong sinimangutan ni Cayla sabay hampas sa braso ng kapatid na nang-aasar na naman.
"Ate, 'yan si kuya cayden kursunada iyong pinsan ng kaklase namin. Kala mo riyan!" Pagsusumbong pa nito saakin. Tinignan ko naman ang kapatid kong lalaki saka tinaasan ng kilay. Aba'y hindi pa nga nakapagtatapos, humaharot na. Kapatid ko nga.
"Hindi naman, siya nga itong lumalapit sa akin. Tinatanggap ko lang ang biyaya." Aba't! Agad ko itong nilapitan at ikinulong ang ulo sa mga braso ko saka ko kinutusan ng paulit-ulit.
"Hoy, cayden! Wala kapang disi-otso babaero ka na? Tandaan mong may kapatid kang babae ha!" Pangangaral ko rito. Sinamaan naman ako nito ng tingin dahil sa nagusot ko ang kaniyang uniporme habang si cayla ay tumatawa sa gilid.
"Sus, asa namang may lalapit diyan. Pangit pangit niyan e!" Sabi nito saka nilapitan si cayla para pasimpleng pingutin na siyang ikinaasar nito.
"Sus, muntikan ka ngang maguidance kasi sinapak mo yung may crush sakin! Sige sabihin mong hindi!" Pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa nalaman ko.
"Hoy cayden, graduating ka na! Mag c-college na kayo next school year, umayos ka!" Loko-loko talaga itong lalaking 'to! Napakamot lang ito ng batok saka sinamaan ng tingin ang kambal nito. Tumungin ako sa relo na suot ko at nakitang Thirty minutes nalang bago magsimula ang klase nila.
"Sige na umalis na kayo, male-late kayo niyan. Mag-aral ng mabuti ha!" Hinatid ko ang dalawa sa gate namin. Kiniss nila ako sa pisngi bago nagpaalam na aalis.