DAVINA
Maagang maaga akong nagising ngayong araw. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako kagabi matapos ang nangyaring raid sa strip club na pinapasukan ko sa Temptation Tower.
Pagkatapos kong umuwi ay agad na nag-send ng notice ang manager na wala na munang papasok sa club dahil under investigation pa ang may-ari. Magsasabi na lang daw ulit sila kung kailan pwede na kaming bumalik. Ang sabi naman ng ibang dancer na kasama ko doon ay ‘wag na raw kaming umasa dahil siguradong taon ang aabutin ng investigation!
Sa totoo lang ay kagabi ko pa iniisip kung paano na akong makakapag patuloy sa pagbabayad sa utang ni Papa. Sa fifty thousand kada buwan na binabayaran ko sa loan shark ay halos 80 percent doon ay galing sa kinikita ko sa club. Ang natitirang 20 percent ay galing sa sahod ko bilang clerk sa Montero Corporation. Kahit na sabihin pa na office girl ako sa umaga ay hindi naman sapat ang sahod ko para makabayad sa utang ni Papa.
Sa totoo lang ay mas malaki pa ang bayad sa akin sa club kahit na part-time lang at ilang oras lang ang trabaho ko doon. Sa opisina ay walong oras akong nagtatrabaho at minsan ay may overtime pa pero kahit yata magkandakuba ako sa pagtatrabaho sa office ay hindi ako kikita ng sapat para ma-afford ang mga monthly bills at ang binabayaran kong utang ni Papa.
“Kung hindi dahil sa lalaking nagsumbong ay hindi naman ipapasara ang club! Kung bakit naman kasi naligaw pa doon ang lalaking yon! Ano bang problema niya? Nakakairita!”
Umagang-umaga pa lang ay sirang-sira na ang araw ko. Parang hindi ko pa yata kayang magtrabaho ngayong araw dahil siguradong hindi ako makakapag concentrate sa trabaho.
Saan ko naman kukunin ngayon ang forty thousand kada buwan na kinikita ko sa club? Wala pang thirty thousand ang sinasahod ko sa opisina at sapat lang ang natitira para sa pambayad ko sa rent dito sa apartment, kuryente at tubig, pagkain, pamasahe at kung ano-ano pang bills na kailangan kong bayaran kada buwan!
“Ano ba namang kamalasan ang tumama sayo, Dada?”
Frustrated na frustrated ako. Alas sais pa lang ng umaga pero sa halip na nagluluto na ako at naghahanda sa pagpasok sa opisina ay heto ako at nag iisip kung anong part-time ang kailangan kong pasukan para kumita ng katulad sa kinikita ko sa club!
Tama nga siguro ang officemate kong si Portia! Twenty five pa lang ako pero daig ko pa ang senior citizen sa dami ng pinagdaanan sa buhay!
Magtitimpla sana ako ng kape pero walang tubig ang water dispenser. Pati tubig ay nakalimutan ko pang bumili kaya mariing napapikit ako at saka nagpasyang tumawid sa kabilang bahay para manghingi ng tubig sa kapitbahay kong si Onyx.
Habang naglalakad palabas sa bahay ay naalala ko na naman ang ginawa niyang pagpunta sa club kagabi!
“Humanda ka sa akin ngayon, Onyx! Akala mo ay habangbuhay mong maitatago ang pagiging babaero mo ha?! Kaya siguro nagkaanak sa pagka binata ay dahil laman ng mga club!”
Pagbukas ko pa lang sa pinto ay bumungad na sa akin ang likuran ni Onyx. As usual ay ganitong oras siyang naglilinis ng motor na gamit niya sa pagpasok sa opisina. Pareho kami ng kumpanya na pinapasukan ni Onyx pero mas mataas ang posisyon niya dahil isa siya sa mga accountant sa Montero Corporation.
“Hoy! Onyx Cordova!”
Habang naglalakad ako palapit sa apartment niya ay tinatawag ko na siya. Maliliit lang ang pagitan ng mga apartment dito. Hindi naman kasi kalakihan ang rent pero maayos at malinis naman kaya nga halos limang taon na akong nangungupahan dito. Mas nauna lang ako ng halos isang taon kay Onyx at ako rin ang tumulong sa kanya na makapasok sa Montero Corporation.
Sa halos apat na taon naming magkakilala at magkaibigan ay hindi ko pa kahit kailan nakita ang pamilya niya. Wala rin siyang nababanggit tungkol sa nanay ng anak niya pero sigurado ako na hindi pa siya kasal dahil single pa ang status niya sa resume!
“Onyx! Hoy!”
Nakalapit na ako sa pinto ng apartment niya ay saka lang niya ako nilingon. May suot pala na earpods sa tenga kaya hindi ako narinig!
“Dada? Anong ginagawa mo dito?” kunot noong tanong niya. Agad na tinaas ko ang tasa ng kape na hawak ko.
“Pahingi ng mainit na tubig. Hindi ako nakabili ng tubig,” sagot ko. Tumango lang siya at saka sumenyas na pumasok na lang ako sa loob ng bahay at saka ipinagpatuloy ang paglilinis ng motor.
Mabilis na pumasok ako sa loob. Mukhang tulog pa ang anak niya dahil sobrang aga pa. Kumuha lang ako ng mainit na tubig sa dispenser bago lumabas. Pero bago ako tuluyang bumalik sa apartment ko ay inusisa ko muna siya kung nasaan siya kagabi!
“Hoy!” Tawag ko. Wala na siyang suot na earpods at mukhang tapos na sa paglilinis ng motor. Lumingon siya sa akin.
“Ano?” tanong niya. Nalukot ang ilong ko. Kapag kausap ko si Onyx ay feeling ko ay ako na ang pinaka madaldal na tao sa buong mundo. Isang tanong, isang sagot lang kasi siya na para bang hindi libre ang magsalita dito sa mundo!
“Saan ka galing kagabi?” Hindi ko na napigilang usisa.
“Sa labas,” matipid na sagot niya lang. Napangiwi ako.
“Alam kong lumabas ka pero saan ka nga eksaktong pumunta?” usisa ko. Kuntodo taas na ang kilay ko.
Meron namang yaya ang anak niya pero kapag dumating siya sa hapon ay umuuwi na ito. Kapag nag oovertime si Onyx at nasa bahay na ako ay sa akin muna iniiwan ng yaya nito ang anak niya habang wala pa si Onyx. Baka kagabi ay pinag overtime ni Onyx ang yaya ng anak niya para makapunta siya sa club!
“Dyan lang,” sagot niya kaya tuluyang umawang na ang bibig ko habang nakatingin sa kanya. Sa tagal naming magkakilala at magkaibigan ay nauubusan pa ako ng pasensya sa kanya.
Kaya siguro walang nagiging girlfriend dahil hindi man lang marunong makipag usap ng maayos!
Nanliit ang mga mata ko at hindi na nagdalawang isip na sitahin siya. “May nakakita sayo sa club kagabi!” Bulalas ko. Mula sa ginagawa niyang pagpupunas sa motor ay nilingon niya ako kaya muling natitigan ko ang mukha niya.
Aminado ako na gwapo si Onyx. Moreno, matangkad, maganda ang katawan, mabango, matalino at higit sa lahat ay responsable dahil mag-isa niyang itinataguyod ang anak niya.
Natatandaan ko pa noong bagong lipat siya dito sa apartment. Sobrang baby pa ang anak niya at halatang wala siyang alam sa pag-aalaga ng bata. Kahit bumabagyo ay lumalabas siya para maghanap ng trabaho kaya naawa ako at tinulungan na siya sa paghahanap dahil mukhang hindi niya rin kabisado itong Manila.
“Sino?” tanong niya.
“Ha? Bakit kailangan mo pang malaman kung sinong nakakita sayo? Basta!” agad na bulalas ko. “Anong ginagawa mo sa club, ha? Kaya siguro hindi ka nanliligaw dahil gusto mo yung f**k and leave–”
“Daddy!”
Napatigil ako sa ginagawang pag kompronta kay Onyx nang lumabas ang anak niya. Hawak-hawak pa nito ang feeding bottle na mukhang ubos na ang laman. Nang makita niya ako ay tumingin lang siya sa akin bago naglakad palapit sa daddy niya.
“Good morning, Kenzo! Ang aga mong nagising!” Bulalas ko kahit na in-snob niya lang ako! Kapag talaga wala siya sa mood ay wala rin siyang balak na mamansin ng kahit na sino!
“I want more milk,” kunot noong ungot niya kay Onyx na agad namang sinunod ng ama! Nang dumaan silang dalawa sa gilid ko ay napalingon lang saglit si Onyx sa akin.
“Uwi na,” pasimpleng pagtataboy niya pa sa akin kaya muntik ko nang ibuhos sa ulo niya itong kape na tinimpla ko!
“Uwi na, Dada!” Segunda naman ng anak niyang si Kenzo kaya napamaang ako. Halos maduling ako sa kakairap sa likuran nilang mag-ama bago bumalik sa apartment ko.
“Dapat lang talaga na sa club na lang siya pumunta dahil hindi siya makakahanap ng babaeng makakapag tiyaga sa pagiging moody nilang mag-ama!” Nakairap na bulalas ko.
“Dada! Ang tagal mo! Kanina pa kita hinihintay!”
Nang pumasok ako sa opisina ay agad na nilapitan ako ng officemate kong si Portia. Halatang excited siya sa ibabalita niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“Bakit? Ano ba yon, Portia? May ni-rush ka na naman bang report?” Kunot noong usisa ko.
“Gaga, hindi!” Bulalas niya. Kunot noong tiningnan ko siya na agad na lumapit sa akin para bumulong.
“Single ka pa ‘di ba?” tanong niya. Tumango agad ako. Halos lahat ng officemate ko dito sa department namin ay puro may asawa na at ang iba naman ay may mga anak sa pagkadalaga kagaya nitong si Portia.
“Virgin ka pa ‘di ba?” bulong niya. Kumunot ang noo ko pero tumango na rin.
“Oo naman–”
“Perfect!” Bulalas niya kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. “Pasado ka sa hinahanap na secretary ng anak ni Sir James!”
Napasinghap ako. Nag-iisa lang ang anak ni Sir James Montero. Noong isang buwan ay narinig ko ang balita na uuwi raw dito sa Pilipinas ang nag-iisang tagapagmana ng Montero Corporation. Hindi ako makapaniwala na posible na mapili ako na maging secretary nito.
“Promotion ang kapalit?” tanong ko. Sunod-sunod na tumango si Portia. Namilog ang mga mata ko.
“Congratulations na agad, Dada! Siguradong tataas na ang sahod mo dahil magiging executive secretary ka na!” Bulalas niya. Parang gusto ko tuloy na lumuhod at magpasalamat sa Diyos dahil sa biglaang blessings na binigay niya sa akin.
Totoo nga siguro ang kasabihan na kapag may nawala ay may darating na kapalit! At ito na yon! Mas maganda ang kapalit ng nawala kong trabaho sa club!