
Dahil sa isang pakialamerong lalaki na nagreport sa strip club na pinagtatrabahuhan ni Dada ay nawalan siya ng isang sideline kaya hinahabol siya ngayon ng pinagkautangan na loan shark ng kanyang ama!
Wala tuloy siyang magawa kung hindi ang magtiyaga sa trabaho niya bilang clerk sa isang textile company. Matagal na siyang nagtatrabaho sa kumpanyang iyon pero hindi talaga sapat ang sahod niya para makabayad sa limang milyon na utang ng tatay niya.
Hanggang sa nakatanggap siya ng hindi inaasahang promotion sa trabaho. Magiging intern secretary siya ng Boss niya! Pero ang inaakala niya na promotion ay magiging mitsa pa yata para mawalan siya ng trabaho!
James Isaac Nicholas Montero is not the typical Boss she is expecting to work with! Maselan ito at palaging nakasigaw. Ni hindi nito kayang makipag usap sa kanya sa malapitan na hindi ito nakasuot ng face mask! Nagmistulang isang “germs” si Dada na hindi nito kayang lapitan! At nang minsang nagkamali siyang gamitin ang CR nito sa loob ng opisina ay nagalit ito at walang pagdadalawang isip na sinesante siya!
Mas lalo pang tumindi ang gigil ni Dada kay Jin Montero nang nalaman niya na ito ang lalaking nagreport sa strip club na pinapasukan niya!
Hindi na siya nakapag isip ng tama. Bago siya umalis sa kumpanya nito ay pinainom niya si Jin ng supplement para tumigas ang pagkalālāke nito. Bago man lang siya umalis ay makaganti siya sa mga ginawa nitong gulo sa buhay niya.
Pero tila yata sa halip na mailagay niya si Jin sa gulo ay ang puri, dangal at pagkatao niya ang nailagay sa kapahamakan dahil hindi siya nito hinayaan na makalabas sa opisina nito na hindi siya nito naaangkin!
Halos magdamag siyang hindi pinatulog ni Jin! Kinabukasan ay nagulat si Dada nang malaman niya na bayad na ang lahat ng pinagkakautangan ng tatay niya!
Pero hindi inaasahang trabaho ang naghihintay sa kanya bilang kapalit nito.
Si James Montero, ang tatay ni Jin at ang kasalukuyang chairman ng Montero Fabrics kung saan nagtatrabaho si Dada ay personal na pumunta sa inuupahan niyang apartment para sabihin sa kanya ang kapalit ng ginawa nitong pagbabayad sa mga utang ng tatay niya.
Magiging parte si Dada para maisakatuparan ang isang "therapy” na kailangan ng anak nitong si Jin. Doon lang nalaman ni Dada na may mysophobia pala si Jin. Literal na takot itong madumihan kaya hindi ito malapitan ng kahit na sino!
Pero paanong aaminin ni Dada na kaya lang siya nilapitan at inangkin ni Jin ay dahil sa supplement na pinainom niya dito? Makapangyarihan at kinatatakutan ang mga Montero kaya wala siyang choice kundi ang gawin ang trabaho niya!
Empleyado siya nito sa umaga at "therapist” naman sa gabi kaya inisip na lang ni Dada na isang overtime sa trabaho ang ginagawa niya! Is the desired overtime likely to yield positive results, especially in Jin's condition? Pero bakit tila yata kahit walang supplement ay nilalapitan na siya nito? At hindi lang basta nilalapitan. Inaangkin siya ni Jin na parang wala ng bukas na naghihintay para dito!

