bc

Mga Pangako kay Akasya

book_age18+
61
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
drama
mystery
loser
campus
city
illness
like
intro-logo
Blurb

At his bestfriend’s funeral, Sebastian, a womanizing musician with highly pessimistic vision of life meets Asha, a very opinionated and hopeless romantic woman. Sebastian, who claims that marriage is just legal papers and documents that will only cause complications and problems as people’s feelings change, strongly contradicts Asha’s belief in its importance as a vow and as a promise that will reach heaven. Their sudden debate caused them to be sincerely curious about each other.

As their curiosities grow, and so their feelings for one another. But will those emotions be strong enough to overcome their differences? Will their romance yield fruit even though they have contradictory views and perspectives about things in life? Or else everything will inevitably lead to their tragedy...

chap-preview
Free preview
Prologue
"Why.. are we.. having.. this date ba?" Sa pautal-utal na katanungan kong narinig ay bahagya kong idinilat ang aking mga mata at unti-unti kong naaninag ang babaeng naka-upo sa ‘king tabi. At kahit na gilid lang ng kanyang mukha ang aking nakikita, bahagyang naka-yuko, at ang mga mata ay nakabaling sa iba ang tingin ay agad ko pa rin siyang nakilala. "S-Si A-sha. Si Asha." Bulong ko sa hangin. llang taon na kasi ang nakalipas nang huli akong magising sa imahe ng kanyang mukha, sa mapupungay niyang mga mata, at sa ngiti niyang kasingkahulugan ng isang magandang umaga. May mga pagkakataon nga na magigising ako sa kanyang mga gigil:mga kagat sa ‘king pisngi at braso. At may mga madaling araw naman na akala ko ay binabangungot ako dahil hindi ako makahinga. Iyon pala ay pinipisil niya ang aking ilong habang nakasimangot, 'di raw kasi siya makatulog nang maayos dahil sa lakas ng aking hilik. "Uy.. Why are we having this date ba?" Mas lumakas ang mahinhin niyang tinig kaya buo ko nang binuksan ang aking mga mata, at mapait na napangiti sa hangin. Dahil ngayon, ay klaro ko nang nasisilayan na si Asha nga ang nagsasalita. At wala ako sa ‘king higaan. Kami ay nasa isang lubhang pamilyar na eksena mula sa aking alaala, naka-upo sa labas ng isang sikat na mall dito sa Maynila. Sa aming harapan ay ang paborito kong bilihan ng siopao, at sa aming likuran naman ay ang mga taong pauwi na at papunta sa sakayan ng jeep, ilang metro mula sa aming kina-uupuan. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga ingay sa paligid nang gabing iyon: ang mga pagkalampag ng dispatcher ng jeep habang nagtatawag ng pasahero, ang mga huni ng iba't ibang sasakyan, at ang mga kwentuhan at tawanan ng mga taong dumaraan. Samut-saring ingay na walang binatbat at tila background music lamang ng himig ng mabilis na pintig ng aming mga puso habang panakaw na sumusulyap sa isa’t isa. Dito kami nagsimula. At ang malambing at pautal-utal niyang pagkakasabi sa kanyang tanong ang nagbigay ng kasagutan sa kung ano ba talaga ang mayroon sa ‘ming dalawa. why.. are we.. having.. this date ba? why.. are we.. having.. this date ba? Talagang nakatanim sa 'king gunita ang tinig niya na ito. Kahit ilang taon na nga ang nakalipas ay tila naririnig ko pa rin ang mga salitang ‘to na paulit-ulit at dahan-dahang bumubulong sa tuwing siya ay aking na-aalala. Kuhang-kuha ang mga detalye, tanginang alaala 'to. Napa-mura ako nang malakas sa isip, at habang maiging pinagmamasdan ang bawat pulgada ng kanyang mukha ay mas lalong pumait ang ngiti sa ‘king labi. Nagsimula kasing humukay pailalim ang tumatangis kong alaala. Ngunit— Agad na nagising ang aking kamalayan nang makaramdam ng marahan na paghatak sa manggas ng aking damit. "Ba't ‘di ka sumasagot?" Mahinhing tanong ni Asha, ang mga mata niya ay saglit kong nasulyapang nakatitig bago mabilis na ibaling sa malayo ang tingin. Nanatiling nakababa pa ang aking mga labi nang maigi ko siyang titigan. Dalawa o tatlong segundo ko siyang pinagmasdan lamang bago siya muling nagsalita. "Kung ayaw mong sagutin, okay lang. It’s not a big deal naman." Nang marinig ko ang sunod niyang sinabi ay agad akong nakaramdam ng pagtataka. Kilalang-kilala ko kasi si Asha, at alam kong ang kanyang tono ay may halong pagtatampo at pagkainis. "Ba't parang iba…" Naguguluhan kong tanong sa isip ngunit hindi ko namalayan na isinatinig pala ito ng aking bibig. "Nananaginip ka ba o pinagti-trip-an mo 'ko? Just forget the question. Tara na, uwi na tayo." Sabay irap at pag-ayos ng kanyang upo para ma-isuot na ang bag na katabi. At habang inihahanda niya ang kanyang sarili sa pag-alis ay nanatili naman akong tuliro. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang nangyayari. Totoo ba ito o sadyang makatotohanan lang itong huling panaginip. Siguro panaginip lang 'to with a twist, pabiro kong sabi sa sarili. Siguro nadala lang ako ng mga paborito kong pelikula kaya ngayon ay pinaglalaruan ako ng aking gunita, ibinalik sa nakaraan para muling masulyapan ang pinakamamahal kong alaala. Ang pagtataka ko tuloy ay napalitan ng pagkasabik, ngunit, nang pagmasdan ko siya muli ay mabilis din akong binalot ng matinding kalungkutan. "Tara..." Marahan niyang pag-aya bago tuluyang tumalikod at magsimulang maglakad palayo.  At kasabay ng kanyang mga hakbang ay ang salit-salitang pagpatak ng mga luha sa magkabila kong mga mata. Dahil... Alam ko kung saan ito patungo. Ba't ako naririto? Usisa ko sa isip habang pinagmamasdan ang unti-unti niyang paglayo. Ba't nga ba ako naririto sa tanging magandang alaala naming natitira. Ang alaalang iningatan kong huwag madukot ng lungkot at paghihinagpis na nabuo dahil sa sinapit naming dalawa. Sa aming simula. Ang unang maghapong pinalipas naming magkasama. Ang maghapon na puno ng kulitan at tawanan. Ang 'di malilimutang mga asaran. Ang dahan-dahan kong paggabay sa kanyang ulo para isandal sa aking braso. Ang unang tapik sa kanyang noo. Ang mga mata niyang naghahatid ng ngiti sa ‘king mga labi. At higit sa lahat, ang boses niya, ...ang boses niya na gusto ko lagi marinig. Ang may pagka-conyo niyang paraan ng pagsasalita. Kung papaano niya pinaghahalo ang tagalog at ingles na parang batang naglalambing. Ang malamig na tinig na nagbibigay ng init at humehele sa akin hanggang sa ako ay makahimbing. Ngayon— Ngayon ay muli kong narinig. Ang 'di maipaliwanag na saya kong naramdaman tuloy noong una naming paglabas ay naging magkahalong pait at tamis dahil, ...alam ko kung paano ito magtatapos. Ang sinimulan namin sa pag aakalang mananatili kaming para sa isa't isa. Ang mga pangarap. Ang mga pangako. Ngayong naririto ako ulit, naging delubyo ang laman ng aking puso at isipan. Dahil, kung ibinalik ako sa pagkakataong ito, ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang dapat kong maramdaman?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook