CHAPTER 15

1057 Words
Andrew's POV. Nagising ako na katabi ko pa rin si Rhianna. Nakasuot na siya ng damit ngayon at hindi na gaanong madalim kaya naisip ko na sumapit na siguro ang umaga. Sumilay ang ngiti sa aking labi. Natutuwa ako dahil sa nangyari sa amin ni Rhianna. Alam kong mas'yadong masama ang umasa ng malaki, pero hindi pa rin bumababa ang pag-asa ko na konting panahon na lang ay maaalala na rin ako ni Rhianna. Nakaunan siya sa bisig ko. Niyakap ko siya, pero hindi pa rin bumubukas ang kanyang mga mata. Kaya naman sinarado ko na lang ulit ang aking mata at muling natulog. Nagising ako nang maramdaman ko ang paggalaw ni Rhianna sa tabi ko. Ngumiti ako nang makita kong gising na siya at nakaupo na sa tabi ko. Yakap niya ang kanyang sarili habang nakatingin sa kung saan. "Good morning, Rhianna. Ayos lang ba ang katawan mo?" Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya kahit na sa ibang direksyon siya nakatingin. Bigla siyang lumingon sa 'kin at nawala ang ngiti sa labi ko nang tingnan niya ko ng masama. "Lumayo ka sa 'kin." Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa kanyang sinabi. "Bakit naman? Akala ko ay ayos na tayo?" Mas lalong sumama ang tingin niya sa 'kin kaya bahagya akong napaatras. Ito na rin yata ang unang beses na tinitigan ako ni Rhianna ng ganito. "Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo sa 'kin? Sinabi ko na sa 'yo na may fiancee na ko." "Pero ako ang-" Tumigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo. Pinagpag ni Rhianna ang nadumihan niyang damit at muli siyang lumingon sa 'kin. Magkasalubong pa rin ang dalawang kilay niya at ang sama pa rin ng titig niya sa 'kin. "Paano mo mapapatunayan na ako nga ang babaeng nagngangalang Rhianna? Dahil ba kamukha ko siya? Dahil ba nalaman mong may amnesia ako? Gaano kalakas ang ebidensiya mo na ako nga si Rhianna?" Natahimik ako sa sinabi niya. Kahit gaano kalaki nararamdaman kong pagmamahal sa babaeng kaharap ko ngayon, marahil ay hindi pa rin niya ito matatanggap bilang ebidensiya. Tinitigan ko siya na may kalungkutan sa aking mga mata. Marahil ay hindi pa rin sapat ang nangyari sa amin ng isang gabi para maipaalala ko sa puso niya na ako ang tunay na mahal niya. "Hindi mo pa rin ba nararamdaman ang pagmamahal mo sa 'kin hanggang ngayon? Rhianna, aaminin kong wala akong matibay na ebidensiya para masabi na ikaw nga ang babaeng hinahanap ko, pero batid ko sa sarili ko na ikaw ang babae na hinahanap ko. Ikaw si Rhianna at hindi ako titigil hangga't hindi bumabalik sa akin ang babaeng minahal ko." Nag-iba ang paraan ng pagtitig niya sa 'kin, pero iba ang sinasabi ng kanyang mata sa sinasasabi ng kanyang bibig. "Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo na hindi ako si Rhianna. Alam mo? Dapat nang una pa lang ay hindi na kita kinausap, hindi na kita pinayagan na makalapit sa 'kin kasi alam mo? Kailan mo ba matatanggap na si Jayden ang mahal ko at hindi ikaw?" Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng isang malamig na tubig at hindi ko malaman ang salita na isasagot ko sa kanya. Natigil ang pag-uusap naming dalawa nang bigla na lang bumukas ang pinto ng stock room. Pumasok sa loob ang isang service master na maglilinis sa loob. Huminto ito sa paglalakad nang makita niya kaming dalawa. "Huwag na huwag kana ulit magpapakita sa 'kin, pakiusap." Hindi na ko nakasagot sa kanya dahil dire-diretso na siyang lumabas ng stock room. Naiwan akong tahimik at hindi nakapagsalita. Ito na siguro ang ganti sa 'kin ng tadhana dahil sa pananakit ko kay Rhianna noon. Zoe's POV. Dire-diretso akong lumabas ng stock room. Pagkalabas ko ay saka ko lang nalaman na nasa iisang building pala kami naroroon kung saan kami kumain ni Jayden. Madiin kong pinupunasan ang bibig ko habang naglalakad ako at bumuhos ang aking luha nang maalala ko ang nangyari sa amin ng lalakeng 'yon. Hindi ko akalin na nagawa ko ang bagay na 'yon sa loob lamang ng isang gabi. Pakiramdam ko ay napakadumi ko nang babae. Halos matalisod na ko habang naglalakad at nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung paano ko pa magagawang harapin si Jayden. Pagkalabas ko ng building ay umupo muna ako sa nakita kong waiting shed. Sobrang sikat na ng araw, pero hindi ko alam kung anong oras na. Binuksan ko ang aking cellphone at nabigla ako sa aking nakita. 200 miscalled, 200 message at ang lahat ng 'yon ay galing lang kay Jayden. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, pero hindi ko rin maiwasan mag-alala para sa kanya. Hindi maganda ang huli naming pagkikita at baka iniisip na niya na iniwan ko na siya. Tumunog ulit ang cellphone ko at tumatawag na naman si Jayden. This time, sinagod ko na ang tawag niya kahit nanginginig pa rin ang aking kamay dahil hindi ko alam kung paano ko pa siya kakausapin ngayon. Sa tingin ko nga ay wala na kong karapatan para mahalin pa siya. "Hello?" Kahit nangangatal ang aking bibig ay nagawa ko pa ring magsalita sa kabilang linya. "Zoe? Ikaw na ba 'yan? Salamat naman at sumagot ka sa 'kin. Pakiusap, balikan muna ko. Hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko." Natahimik ako at hindi agad ako nakasagot sa kanya. Sobrang lungkot ng boses niya at halatang kagagaling lang niya sa iyak dahil humihikbi pa siya sa kabilang linya. "Zoe?" Bumalik sa realidad ang isipan ko nang muli siyang nagsalita. Huminga ako ng malalim at inipon ko ang lahat ng aking tapang para makapagsalita ulit sa kanya. "Babe, don't worry. I will not going to leave you. I will going home now. Wait me there, okay?" Ilang minuto ako naghintay bago ako nakarinig ng sagot mula sa kabilang linya. "Okay. I love you, Babe." "I- I love you too." Inunahan ko na siyang tapusin ang aming tawag. Bumuntong hininga ulit ako ng malalim pagkababa ko ng aking cellphone. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan at puso ko at nagawa kong ibigay ang sarili ko kay Andrew, pero itatama ko ang pagkakamali ko. Ipapakita ko kay Jayden na siya lang ang mahal ko at hindi ko na hahayaan si Andrew na guluhin niya pa ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD