CHAPTER 16

1038 Words
ZOE Nang makauwi na ko sa bahay namin ni Jayden ay naabutan ko siyang nakaupo sa sala. Nakayuko siya at kahit na hindi siya nagsasalita at hindi ko nakikita ang mukha niya, parang nararamdaman ko na agad ang galit niya. Napailing ako ng aking ulo. Ngayon na alam kong may nagawa akong masama sa kanya, pakiramdam ko tuloy ay galit na siya sa akin ngayon. Iniangat ni Jayden ang mukha niya at nagsalubong ang mata naming dalawa. Gusto kong umiwas ng tingin sa kanya dahil baka makita niya agad sa mga mata ko na may ginawa akong mali, pero hindi ko magawang iiwas ang paningin ko. Parang nag-uutos ang bawat tingin niya sa akin at hindi ko ito kayang hindi sundin. "Babe, come here." Nakatitig pa rin sa akin si Jayden subalit mas tumalim na ang bawat titig niya sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko. Habang naglalakad ako papunta sa kanya ay mas lalo pang bumibilis ang t***k ng puso ko. Tinuro niya ang kanyang lap at wala akong ginawa kundi sundin ang kanyang utos. Umupo ako sa kanya. Naramdaman ko ang mukha niya na dumikit sa aking buhok at ang labi niya na dumikit sa aking batok. "Babe, are you still mad at me?" Naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko nang magsalita siya. Kahit kinakabahan pa rin ako ay nagawa ko pa ring sumagot sa kanya. "N-No. I can't stay mad at you for the long time. I told you that I love you, babe." Yumakap sa akin si Jayden at ang yakap niya ay parang med'yo mahigpit kumpara sa paraan niya ng pagyakap sa akin dati, pero hindi ko naman kayang kumawala sa kanya dahil baka magalit lang si Jayden sa akin. Bukod sa kaba na nararamdaman ko ngayon, parang kinakabahan din ako dahil sa takot. Hindi ko alam, pero parang natatakot din ako ngayon kay Jayden. Ito ang unang beses na naging ganito siya sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit natatakot ako sa ginagawa niya. Gustong lumabas ng luha ko, pero pinipigilan ko ito. "I love you too, babe. However, why didn't you return home yesterday? I've been waiting for you all the time and you didn't answer some of my calls. What did you do the whole time, babe?" Natahimik ako sa tanong ni Jayden. Biglang nagbalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ng Andrew na 'yon. Mas lalong bumibilis ang t***k ng puso sa tuwing naiisip ko ang mukha niya at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng maayos sa tuwing nangyayari 'yon. "Answer me, babe." Muling hinalikan ni Jayden ang batok ko, pero sa pagkakataon na 'to ay napatingkayad ako dahil bigla niya kong kinagat. Napilitan akong sagutin siya kahit na hindi pa rin ako handa. "I. . . I just wandering until I got tired outside. That's all." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Sinasabi mo ba sa akin na sa labas ka tumambay buong gabi? Gano'n ba, babe?" Mas lalo pang humigpit ang pagyakap niya sa bewang ko at halos hindi na ko makahinga ka dahan-dahan kong tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko kahit hanggang sa lumuwag lang ito, pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagyakap niya sa akin kaya hindi ko na napigilan mapaluha. "Babe, are you still mad at me? Why are you asking me such question? Do you not believe me? Do you think I'm lying?" "No, babe. You're just smell something different today." Natigilan ako sa sinabi niya at bumalik na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay parang pinagpapawisan na rin ako ng malapot. Hindi naman siguro dumikit ang amoy o pabango niya sa 'kin. . . "I-I'm hurting, babe. Let me go." Sinubukan kong iiba ang usapan at sabihin na lang sa kanya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Isa pa, nakakaramdam na rin ako ng pagkailang dahil sa ginagawa sa akin ni Jayden ngayon. Si Jayden ba talaga ang kasama ko ngayon? Para siyang ibang tao at nakakaramdam talaga ko ng takot sa kanya. Siguro ay dahil alam ko na may nagawa talaga kong kasalanan sa kanya. "Why? I just want to hug. Can't I? Can't I not touch you now, babe?" Muling hinalikan ni Jayden ang batok ko at sa pagkakataon na 'to ay gumalaw na rin ang kamay niya pataas ng aking katawan. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang kaya sinubukan ko ulit tanggalin ang kamay niya. "Babe, please. Not now-" Hindi ko natapos ang pagsasalita ko dahil bigla niya kong tinulak at napaupo ako sa sahig dahil sa ginawa niya. Pinunasan ko ang luha na patuloy na tumutulo sa magkabila kong pisngi habang tumatayo ako at pagkatapos ay muli akong tumingin sa direksiyon niya. Saka ko lang nakita ang galit niyang itsura habang nakatingin sa direksiyon ko. Sobrang sama ng tingin sa akin ni Jayden sa pagkakataon na 'to ay parang ibang tao talaga ang kausap at kaharap ko. This is the first time that I see him like this and I don't want to see him like this again. "Zoe! Why are you refusing my touch? Did you go to his arm so you don't need me now? Answer me, Zoe!" Napaatras na ko nang marinig ko na ang sigaw niya. Nanginginig na rin ang katawan ko sa takot, pero nilakasan ko pa rin ang loob ko para tumingin pa rin sa direksiyon ni Jayden. "B-Babe, naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi mo na ba ko kilala para sabihin mo sa akin 'yan? J-Jayden. . . ikaw na nakatayo at tinuturo ako ngayon, ikaw ba talaga 'yan? Jayden, I told you that I love you. Hindi mo ba pinaniniwalaan 'yon?" Patuloy pa rin sa pagbagsak ng mga luha ko at pakiramdam ko ay unti-onti na ring sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga nangyayari kaya napaupo ulit ako sa sahig habang hawak-hawak ang dibdib ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Huminga rin ako ng malalim, pero mas lalo lang sumasakit ang dibdib ko. Tumingin ako sa direksiyon ni Jayden na may luha pa rin sa akin mga mata at pagkatapos ay naramdaman kong unti-onti ring naging malabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan na kong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD