CHAPTER 13

1197 Words
Zoe's POV. Ilang beses naming sinubukan itulak ang pinto palabas, pero hindi pa rin ito bumubukas. Pareho na kaming pinagpapawisan at parehong paos na rin ang aming boses dahil sa kakasigaw, pero walang pumupunta sa kinalalagyan namin para palabasin kami. "Magpahinga na muna tayo, Rhia. Baka kung ano pang mangyari sa 'yo kapag napagod ka." Natigilan ako sa sinabi niya. Lumingon ako sa kanya na magkasalubong ang dalawang kilay ko. "Paano mo nasabi na masama sa akin ang mapagod?" Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata, pero hindi siya nag-iwas ng tingin sa akin at sa halip ay tinitigan niya ko pabalik. Nakipaglaban siya ng titigan sa 'kin. "Because I know that you have a heart disease. Nalaman ko lang ang tungkol doon nang sabihin sa akin ng Kuya mo ang tungkol sa sakit mo nang malaman nila na nawawala ka." Mas lalo akong napakunot-noo dahil sa sinabi niya. Habang tumatagal ay mas lalo akong naguguluhan sa pinapahiwatig niya. "What do you mean? Kuya? Sinong Kuya ang sinasabi mo? You know, what? Huwag kana lang magsalita kung puro kasinungalingan lang din naman ang sasabihin mo sa 'kin habang nakakulong tayo sa lugar na 'to." Tinitigan ko siya ng masama bago pinagpatuloy ang pananalita ko. "It's your fault in the first place kung bakit tayo nandito. Sana lang inisip mo kung tama ba ang ginagawa mo dahil nakakaperwis'yo ka ng tao. Tsk." Bumuntong hininga ako ng malalim para sana pakalmahin saglit ang sarili ko. Sa tingin ko ay wala ng tao na makakarinig sa amin ngayon dahil mukhang anong oras na. Kaya naglakad na lang ako palayo sa kanya at umupo sa sahig nang makaramdam ako ng pangangalay dahil sa kakatayo kanina pa. Katulad ng inaasahan ko, sumunod siya at tumabi pa sa akin. "Rhia, alam kong parang kasinungalingan lang para sa 'yo ngayon ang mga pinagsasabi ko. Kaya lang ay sana bigyan mo ko ng pagkakataon para patunayan sa 'yo ang lahat ng salita ko." Yumuko siya at mahinang sinuntok ang sahig ng inuupuan niya. Pagkatapos ay muli siyang nagsalita. "Simula nang araw na nalaman kong mahal pala talaga kita, Rhia. 'Yon din ang araw na pinangako ko sa sarili ko na hahanapin kita at ibabalik sa mga bisig ko kahit na ngayon na nakalimutan mo na ang lahat ng pagmamahal mo sa 'kin." Hindi ako sumagot sa kanya kaya nabalot ng katahimikan ang buong paligid namin. Lumipas ang ilang minuto, pero nanatili pa ring tahimik ang katabi ko. Wala pa rin akong intensyon na sagutin siya dahil biglang nagbago ang pakiramdam ko. Parang may nararamdaman na naman akong sikip sa dibdib kahit na wala naman akong dapat ikalungkot sa mga oras na 'to. Siguro, ito marahil ang nagiging sanhi sa tuwing pinipilit kong alalahanin sa alaala ko ang mga bagay na sinabi ng lalakeng kausap ko. Sino nga ba ko? Napapahinto akong mag-isip sa tuwing naaalala ko ang tungkol kay Jayden. Si Jayden ang taong mahal ko kaya siya lang dapat ang pagkatiwalaan ko. Kahit na minsan ay parang may pagdududa na rin sa nararamdaman ko sa kanya. "Can you let me help you to remember every little things about your past?" Lumingon ako sa kanya at sa pagkakataon na ito ay muling nagkasalubong ang aming mga mata. There is always something in his eyes na parang may iba pa siyang gustong sabihin sa akin, pero hindi magawang mabigkas ng kanyang bibig. "I-I can't." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing tumatanggi ako sa taong ito. I don't know why. "Pero, p'wede bang huwag mo kong pagtabuyan sa tuwing lalapit ako sa 'yo?" Bumuntong hininga ako ng malalim. There is no point to ignore him and say no to him. I think he will never stop to keep walking near me. "Tss. Do what you want." He sigh in relief because of what I said. "But, always remember that Jayden is my only fiancee and that will never change." Lumingon ako sa kanya at natigilan ako nang bigla na lang niya kong yakapin ng mahigpit. Hindi ko malaman kung anong magiging reaksyon ko sa ginawa niya. Hindi rin ako makakilos dahil sa bigla. "Salamat. Salamat pa rin dahil kahit papaano ay pinagbigyan mo ko sa kahilingan ko." Bumulong siya malapit sa tainga ko at pakiramdam ko ay may kuryente na namang dumaloy sa aking sistema. Pinikit ko ang aking mga mata at nakita ko ang imahe ni Jayden sa aking isipan. Naalala ko bigla ang lahat ng naitulong niya sa 'kin nang mga panahon na may sakit pa ko. He never left me until now. "Let me go." Huminga pa ko ng malalim bago ko nagawang ipunin ang mga katagang 'yon sa kanya. Pero, ni hindi man lang siya gumalaw. "I said, let me go or you want to-" Hindi ko naituloy ang pananalita ko dahil mabilis na niya kong pinakawalan. "Okay. I will let go. I will not touch you, but please don't change your decision before." Tumango na lang ako sa kanya bago ako huminga ng malalim. Kanina kasi ay hindi rin ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit niya sa 'kin. "P'wede mo bang pakinggan ngayon ang lahat ng ikukuwento ko?" Umayos siya ng upo. Pareho na kaming nakaharap ngayon sa mga malalaking karton na nakita ko nang magising ako kanina. "I don't have a choice, but to hear you talking." Mahina siyang natawa sa sinabi ko. "Like I told you before, kilala ko ang pamilya mo. Nang mawala ka ay mas lalong nagalit sa 'kin ang kuya mo. Tinanggal niyang partnership company ng pamilya mo sa pamilya ko at dahil din sa nangyari ay nagalit din sa 'kin ang pamilya ko. Tinanggal nila ko sa company nila at hinayaan nila kong mabuhay mag-isa." Huminto siya saglit sa pagsasalita. Akala ko nga ay tapos na siyang magkuwento dahil ilang minuto siyang tumahimik. Lumingon ako sa kanya at bahagya akong nabigla dahil nakita ko siyang nakangiti at tila may inaalala. "That time, sinisi kita. Lalo na nang iwanan din ako ng babaeng minahal ko at pinaglaban ko kahit sa 'yo mismo. Kaya lang, habang tumatagal ay mas nangungulila ako sa 'yo kaysa sa dati kong buhay. Mas nanaig ang kagustuhan kong hanapin kita, Rhia." Nakangiti pa rin siya, pero may tumulong isang butil ng luha sa kanyang mata. Hindi na naman ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung anong itutugon ko sa kanya. Umiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kaming nakaupo lang at nag-uusap. Pagkatapos ay kapwa kami tumahimik. Ngayon ko lang napansin na mas lalo pa lang dumilim sa loob ng kuwarto na kinalalagyan namin. Niyapos ko ang sarili ko dahil nakaramdam ako ng takot dahil sa dilim. Mukhang napansin din agad ng katabi ko ang takot na nararamdaman ko ngayon. Mas dumikit siya sa akin at muli niya kong niyakap. "I thought you're not going to touch me anymore." Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Let me hug you to make you feel ease until the door is open." Gusto ko pa sanang makipagtalo ulit sa kanya, pero hindi ko na ginawa. Nakaramdam din ako ng sekyuridad habang yakap niya ko ngayon dahil sa hindi ko malamang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD