Zoe's POV.
Naramdaman ko ang pangangalay ng katawan ko nang imulat ko ang aking mga mata. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid habang sinusubukan kong alalahanin ang nangyari bago ako mapunta sa lugar na 'to. Puno ng malalaking karton ang buong paligid at med'yo madilim rin dahil wala akong nakikitang ano mang bintana na maaaring lusutan ng araw mula sa labas.
Sa palagay ko ay nasa stock room ako ngayon mula sa kung saan man.
Ang huli kong naaalala ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ni Jayden sa isang restaurant na kinakainan namin. Pagkatapos ay lumabas ako sandali para pumunta sa comfort room at may bigla na lang naglagay ng panyo sa may bandang ilong ko na naging dahilan para mawalan ako ng malay.
Napatakip ako sa sarili kong bibig dahil sa naalala. Kung gano'n ay may dumukot sa akin na kung sino?
Nakaramdam ako ng pangamba para sa sarili ko. Med'yo masuwerte pa rin ako dahil hindi ako iniwang nakatali ng kung sino man ang dumukot sa akin.
Tumayo ako, pero hindi pa rin mapigilan sa panginginig ang dalawang paa at kamay ko dahil sa pangamba.
Kailangan kong makatakas dito!
Una kong kinapa ang suot kong damit para hanapin kung nasa akin pa ang cellphone ko. Thankfully, hindi ito nakuha ng kung sino man ang kumuha sa 'kin.
Sinubukan kong tawagan si Jayden, pero nakagat ko ang aking ibabang labi dahil walang signal. Tsk.
Dahil madilim ang paligid ay hindi ko makita kung nasaan ang pintuan ng kuwarto. Nilakasan ko na lang ang loob ko para kapain ang bawat direksyon na madadaanan ko.
Wala akong idea kung ano oras na at ilang oras akong nakatulog, pero sigurado ako na kanina pa ko hinahanap ni Jayden. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko.
Lumipas ang ilang minuto at nakapa ko rin sa wakas ang doorknob ng pinto na hinahanap ko kanina pa. Pipihitin ko na sana ito nang makaramdam ako ng malalim na hininga mula sa tainga ko. Bumalik ang panginginig ng buong katawan ko.
"Rhia, huwag ka munang umalis."
Hindi ako lumingon sa likod ko, pero nagkaroon ako agad ng idea kung sino ang taong dumukot sa 'kin ngayon. Naalala ko ang boses ng tao na nasa likod sa taong nakilala namin ni Jayden sa Enchanted Kingdom.
Huminga ako ng malalim para panatilihing kalmado ang sarili ko at para maiwasan kong ilabas ang matinding galit na nararamdaman ko sa kanya.
"Mister, I told you before that my name is not Rhia or Rhianna. Please, let me go."
May nais pa sana akong sabihin sa kanya, pero bigla akong nakarinig ng mahinang pag-iyak. Natahimik ako at tila bigla naglaho ang lahat ng salita na gusto ko sanang sabihin sa kanya. Bakit ba siya umiiyak?
"Can you please hear me first before you go?"
Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit parang mas'yado siyang nasasaktan ngayon base pa lang sa tono ng pananalita niya. Kaya wala sa sarili na lang akong bumitaw sa doorknob na hawak-hawak ko.
"Okay. Make it fast." Tumitibok ng malakas ang puso ko sa tuwing nararamdaman ko ang kanyang hininga na dumadampi sa aking batok.
"I don't know what happened to you after a lot of years, I don't know why you forgot me, but I am your true husband. You are Rhianna Marquez- Gonzales. Kung hindi ka naniniwala sa 'kin, p'wede kong sabihin sa 'yo kung sino ang pamilya mo." Huminga siya ng malalim bago muling pinagpatuloy ang pananalita niya.
"We know each other since we are a child. I know there are a lot of times that I hurt your feelings, that I hurt you physically, but since the day that you suddenly gone, I finally realize your worth. Please, give a chance to prove myself. Please, let me see the Rhinna I know again. The Rhianna who never stop to care and love me."
He suddenly start to move his two arms into my waist.
Mula sa likod ay niyakap niya ko ng mahigpit. Isang yakap na parang may sariling salita at damdamin.
Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi niya at kung bakit parang ang dami niyang kasinungalingan na gustong ipaniwala sa akin, pero kahit na hindi ko siya maintindihan ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong mapaluha sa hindi malamang kadahilanan. Parang may malakas na puwersa na humihila sa akin at hindi ko magawang tanggalin ang dalawang kamay niya na nakayakap sa akin ngayon.
Higit sa lahat, parang may kung anong emosyon na kumokontrol sa buong pagkatao ko ngayon.
Naguguluhan pa rin ako at dahil doon ay tinakpan ko ang aking dalawang tainga at sunod-sunod ang naging pag-iling ko.
"Tumahimik ka. Huwag mong lasunin ang utak ko. Hindi ako kailanman maniniwala sa 'yo. May fiancee na ko at hindi ikaw 'yon."
"Please, pakinggan mo ko. Ako ang totoong nagmamay-ari sa 'yo."
"No. Shut up!" Sinimulan kong tanggalin ang kamay niya na nakayakap sa 'kin.
Parang habang tumatagal kasi na yakap niya ko ay bumibigat din ang kalooban ko at hindi ko maiwasang pigilin ang mga luha na kumakawala sa aking mata.
"Alam kong sinaktan kita noon, Rhianna. Alam ko 'yon, pero ikaw na lang ang mayroon ako. Pakiusap..."
Bigla kong naramdaman ang pagtulo ng isang tubig sa aking batok na marahil mula sa kanyang mga mata. Kasunod nito ay naramdaman ko naman ang labi niya na marahang dumampi sa batok ko.
Hindi ako nakagalaw dahil parang may bigla na lang kuryente na dumaloy sa aking balat.
"I'm sorry, but I don't really remember you. I have an amnesia, but I'm pretty sure that I am not your wife. You just mistook me of her. I'm really sorry. Please, let me go."
Unti-onting lumuwag ang pagkakayakap niya sa 'kin hanggang sa hindi ko na naramdaman ang kamay niyang nakayakap lang sa akin kanina.
"You have an amnesia?"
Tumango ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kung nakikita niya ba ko.
Nakarinig ulit ako ng isang malalim na buntong hininga mula sa kanya.
"So, that is the reason. Gusto kong ipaalala sa 'yo ang lahat, pero hindi mo na ko hinahayaan na guluhin ulit ang buhay mo. Tell me what to do, Rhianna?" Nakarinig ulit ako ng mahinang paghikbi.
Nilakasan ko ang loob ko at lumingon ako sa kanya. Sa paglingon ko ay nagkasalubong ang aming mga mata. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nang makita ko ang itsura niya. Napakalungkot ng kanyang mata at basa ang magkabilang pisngi niya dahil sa kakaiyak. Muntikan ko na ngang makalimutan na lalake pala ang kaharap ko ngayon.
Nakalimutan ko na naman ang salita na nais kong sabihin sa kanya.
"You can go now, Rhianna. But never turn back your eyes while I'm proving myself to you." Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko.
Hindi ako nakapagsalita sa ginawa niya. Tumalikod na lang ulit ako at pinihit na ang doorknob ng pinto, pero bumalik ang kaba sa dibdib ko nang hindi ko ito mabuksan.
"Bakit ayaw? Ikaw ba ang nag-lock nito?"
"Hindi ako. Hindi ko naman pagmamay-ari ang kuwarto na 'to para i-lock 'yan dahil makukulong din ako dito."
"Then why are we-"
"I think, the staff accidentally lock us here."