Zoe's POV.
Nang imulat ko ang aking mga mata, naabutan kong natutulog sa aking tabi si Jayden. Napangiti ako, pero hindi ko rin maiwasan na hindi mag-alala.
Nakatulog ba siya buong magdamag nang nakaupo lang habang nagbabantay sa akin?
Yumuko ako at hinalikan ko siya ng bahagya sa kanya ulo. Ngumiti ako nang makita ko siyang gumalaw at nag-angat ng kanyang ulo.
"Good morning." Umayos siya ng kanyang pagkakaupo at napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha nang makita na niya ko ng maayos.
"Babe, kumusta ka? Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?"
Sunod-sunod ang naging tanong sa akin ni Jayden, pero isang iling lang ang naging tugon ko sa kanya.
"Ayos na ko. Hindi na masakit mas'yado ang ulo ko."
"I think you need to drink your medicine again. Ayaw kong mangyari ulit ang nangyari sa 'yo kanina. Nag-aalala ako sa 'yo."
Bumalik sa isipan ko ang mga alaalang pumuslit sa isipan ko kanina. Mas'yadong balabo ang mga imahe na nakita ko kanina, pero malinaw ang mga boses na narinig ko.
Drew, sino siya?
"Babe? Are you listening to me? Are you sure that you're okay now?"
Bumalik ang tingin ko kay Jayden.
I decided long ago that I won't be bother about my past anymore. I don't care about the past as long as Jayden is with me. That's why even if I do remember some of my memory now, I should not think about that.
Lumapit ako kay Jayden at niyakap ko siya ng mahigpit.
"B-Babe? Ayos ka lang ba talaga?"
Tumango ako kahit alam kong hindi ako nakikita ni Jayden.
"I'm really fine. Thank you, babe. Wala naman masakit sa akin kaya p'wede ba tayong kumain sa labas ngayon?"
Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Jayden at tinitigan niya ko ng maigi.
"Hmm, is that really what you want?"
Tumango ako sa kanya at ngumiti ng malapad.
"It's been a long time since I ate Filipino foods. Pretty, please?"
Hindi sumagot agad si Jayden, pero pagkalipas ng ilang minuto ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Okay. Just make sure that you will not exhaust yourself too much."
Tumango ako kay Jayden.
"Thank you, babe."
*
Ako ang nagyaya kay Jayden na kumain kami sa labas, pero sa totoo lang ay wala akong idea kung ano ang masarap na pagkain ng mga Filipino.
It's not that I'm not Filipino myself, but since I lost my memories, Jayden and I immediately fly to Canada to treat my illness so I really don't have an idea regarding of what the Filipino food taste like.
Hinigop ko ang sabaw na tinatawag nilang nilagang baka habang ang mga mata ko ay tahimik na nakamasid kay Jayden na kanina pa tumitingin sa kanyang paligid habang kumakain.
"Babe, may problema ba? O may hinahanap ka bang tao?"
Bumalik ang paningin ni Jayden sa 'kin nang marinig niya ang boses ko. Umiling siya sa akin at ngumiti.
"Nothing. Babe, don't leave my side. Okay?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa naging sagot niya.
"Are you still thinking about that man?"
"I-I'm not. I'm just worried that-"
Bumuntong hininga ako ng malalim.
"I told you before that just forget about him. We talk about that, right?" Tinitigan ko si Jayden. I lost my apetite because of him.
"Babe, Jayden, may kailangan ba kong malaman tungkol sa lalakeng 'yon kaya iniisip mo siya lagi?"
Lumaki ang mata ni Jayden sa sinabi ko. Binitiwan niya ang dalawang hawak na kubyertos. Nagbago ang expression ng kanyang mukha.
"What are you talking about, Zoe? I thought you not going to think about that man?"
Hindi ko alam kung ano na ang mararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Naibagsak ko na rin ng malakas ang kubyertos na hawak ko.
"I really don't mind that man, but you keep thinking about him. Am I the one at fault here? Bakit ba sa tuwing aalis tayo simula nang mapadpad tayo dito sa Pilipinas ay biglang nag-iiba ang ugali mo?"
Tumahimik si Jayden sa sinabi ko. Yumuko siya at sa kalagitnaan ng pananahimik naming dalawa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya.
Bumuntong hininga ako ng malalim. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at pagkatapos ay tumingin siya sa 'kin.
"Go on and answer that call. Pupunta lang akong banyo."
Hindi ko na hinintay na sagutin niya ko. Tumayo ako at naglakad na patungo ng banyo.
I can't believe that we fought each other for the first time.
Tama ba ang naging desisyon namin na magtungo dito sa Pilipinas?
Pagkalabas ko sa restaurant na kinakainan namin ay naglakad ako sa isang hallway. Hindi ko kasi alam kung saan ba ang banyo ng building na ito.
Napahinto ako sa paglalakad nang may bigla na lang humawak sa braso ko. Hindi ako nakapagpumiglas nang takpan niya ng panyo ang ilong ko at unti-onting bumigat ang talukap ng aking mga mata.
Andrew's POV.
Hindi ko maiwasan mapangiti habang naglalakad ako sa hallway ng building na pinuntahan ko. Natutuwa ako dahil sinabi ni Rhianna ang buong pangalan niya ngayon at ang lalakeng kasama niya nang magkita kami.
Hindi na ko nahirapan hanapin ang kung nasaan sila. Zoe Fuentez pala ang gamit niyang pangalan ngayon. . .
Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Rhianna, pero nararamdaman ko na may mali sa nangyayari. Kailangan kong makausap si Rhianna nang mag-isa lang siya, pero hindi ko alam kung paano gagawin 'yon lalo na ngayon na parang hindi niya ko kilala.
Tumingin ako sa hawak kong panyo na nilagyan ko ng konting sleeping pills. Ito na lang ang natitira kong paraan para makausap ko si Rhianna kahit manganib pa ang buhay ko. Mag-iisip na lang ako ng paraan kung paano ko magagawa ang plano ko.
Inilibot ko ang paningin sa aking paligid. Pagkatapos kong magtrabaho ay dumiretso ako dito para pumunta sa rooftop ng building.
Naalala ko dati, dito ako hinihila ni Rhianna nang high school pa kami sa tuwing nakikita niya kong malungkot dahil kay Samantha.
Tumigil ako sa paglalakad nang maradaman ko ang pagpatak ng aking luha. Agad ko 'yong pinunasan dahil baka may makakita sa akin at mapagkamalan pa ko na nasisiraan na ko ng ulo.
Nakakatuwa ang sarili ko dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para makita ang laha ng bagay na ginawa ni Rhianna para maging masaya lang ako sa piling niya. Kung nakita ko kaya ng mas maaga ang halaga ni Rhianna, may pag-asa kaya na masaya na ang pamumuhay namin at nakabuo na kami ng sarili naming pamilya?
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Kahit saan banda ko tingnan, ako ang may kasalanan ng lahat.
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakd, pero agad din akong napahinto nang makita ko kung sino ang babae na nasa harapan ko at naglalakad hindi kalayuan sa akin.
Si Rhianna ba talaga ito?
Mukhang hindi pa rin pala ko iniwan ng langit.
Hinawakan ko ng mahigpit ang panyo na hawak ko at naglakad ako palapit sa kanya ng tahimik para hindi niya ko mapansin.
I don't know why she's here, but I will grab this opportunity to get her.
Nang tuluyan na kong makalapit sa kanya ay hinawakan ko ang kanyang braso. Pagkatapos, tinakpan ko ang kanyang ilong para hindi na siya magpumiglas pa.
Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita kong unti-onti na siyang nawalan ng malay.
I will make you mine again, Rhianna.