Andrew's POV.
"Hey, you better not mess around. Don't suddenly hug someone's property. She's my fiancee and you better not forget it." Tinitigan ako ng masama ng lalake bago nila ko tuluyang iniwan.
Naiwan akong gulat at hindi makapaniwala dahil sa nangyari.
No! This can't be! Alam kong si Rhianna ang nakita ko at hindi ako kailanman nagkamali. The way she talk, she act and look at me... sigurado akong siya talaga si Rhianna.
"Po? I'm sorry, but Rhianna is not my name. I'm Zoe Fuentez and soon to be Zoe Fuentez-Error."
How come na naging Zoe Fuentez ang pangalan niya? Is this some kind of joke para makapaghiganti siya sa akin? Ito ba ang dahilan kung bakit nawala siya mahigit walong taon na ang nakakalipas?
Gano'n pa man, kailangan kong ipaalam ang bagay na ito sa pamilya niya. Sa tingin ko kasi ay nararapat lang na malaman ng pamilya niya ang tungkol dito.
Kaya lang...
Maniniwala kaya sila sa sasabihin ko? Simula kasi nang mangyari ang araw na 'yon, naputol na ang koneksyon ko sa pamilya ni Rhianna. Pati na rin sa pamilya ko. At sa ngayon, hindi ako sigurado kung paano ko pa sila makakausap ulit.
Gano'n pa man, susubukan ko pa rin silang kausapin.
Lumabas ako ng Enchanted Kingdom at tumawag ng taxi para pumunta sa company ni Jared. Lumipas ang kalahating oras at nakarating na rin ako sa company nang malalim ang naging pag-iisip ko.
Gustuhin ko man hilahin si Rhianna palayo sa lalakeng 'yon ay hindi pa p'wede sa ngayon. Baka magkagulo lang sa Enchanted Kingdom kung pagpipilitan ko ang gusto ko.
Pumasok ako sa loob ng company at hindi pa ko nakakagawa ng ilang hakbang ay hinarang na agad ako ng dalawang babae na nakatayo sa front desk.
"Yes. May appointment po ba kayo?"
Iniling ko ang aking ulo sa kanilang dalawa.
"Nandito ba si Mr. Jared Marquez? Pakisabi na nandito si Andrew Gonzales at may mahalagang bagay akong kailangan na sabihin sa kanya."
"Sorry, Sir. Kaya lang hindi po kami p'wedeng tumawag sa kanya lalo na kung wala naman pala kayong appoinment sa kanya."
Nakaramdam ako ng pagkainis sa sinabi ng babae.
"Please, importante talaga ang sasabihin ko."
Kulang na lang ay lumuhod ako para lang magmakaawa sa kanya.
"Sorry talaga, Sir. Hindi talaga p'wede. Guard!"
I greeted my teeth in annoyance. "Tsk. Fine. No need for the guard. Aalis na ko."
Inis akong lumabas ng Gonzales company habang nakakuyom ang dalawang kamao ko.
Kung gano'n ay wala rin pala kong mapapala rito.
Umuwi ako ng bahay na hinihingal pa sa pagod. Pagkaupo ko sa sofa ay ipinatong ko agad ang ulo ko sa sofa at tumingala ako sa kisame. Nang maalala ko ang nangyari kanina ay tumulo na agad ang luha ko. Hindi ko lubos akalain na buhay pa talaga si Rhianna, pero may isang lalake siyang kasama.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya simula nang mawala siya, pero ngayon na nakita ko na siya ay hindi ko hahayaan na mawala ulit siya sa akin.
I love her, I lost her and now, I will do anything just to win her back again.
You need to wait me, Rhianna.
Zoe's POV.
Walang nagsasalita sa aming dalawa ng katabi ko. Sa buong biyahe ay tahimik lang siyang nagmamaneho habang ang isa niyang kamay ay hawak-hawak ang kamay ko.
"Babe?"
"Hmm?"
"Are you still thinking about the guy that we've met on Enchanted Kingdom?"
Napabuntong hininga ako ng malalim nang wala akong makuhang sagot sa kanya. Nanatili sa daan ang paningin ni Jayden. Hinawakan ko ng mahigpit pabalik ang kamay niya.
"Don't worry about that, babe. I really don't know him and if ever that I saw him again, I promise that I will avoid him. Babe, I love you and I don't want you to feel sad because of that man."
Hindi pa rin siya sumagot sa akin, pero pagkalipas ng ilang minuto ay kumurba na rin ang ngiti sa kanyang labi.
Mabuti naman at ayos na siya.
"I love you too, babe."
Bumalik sa normal ang atmosphere sa loob ng sasakyan.
Sa totoo lang, may konting parte sa pagkatao ko ang pilit bumabalik sa pangyayari kanina. Tsak pakiramdam ko ay nakita ko na ang lalakeng 'yon dati, pero hindi ko maalala kung saan.
Pagkauwi namin ni Jayden sa amin bahay ay dumiretso kami sa sala at doon pansamantalang naupo at nagpahinga. Iniwan ako ni Jayden at nagpunta siya sa kusina. Naisipan niyang magluto ng pagkain kahit na kakakain lang namin sa labas kanina. Hindi ko tuloy maiwasan mapasimangot at makaramdam ng lungkot.
Ganito lagi si Jayden sa tuwing may gumugulo sa isipan niya. Hindi nawawala ang pag-aalala niya kahit na sinasabi kong ayos lang ako.
"Siguro nga ay nabahala siya dahil sa lalakeng nakita namin kanina..." Bumuntong hininga ako ng malalim.
Ayaw kong mag-alala pa si Jayden. I know how much he loves me. How much he cares for me. I guess, I must do something for him.
Pagkatapos kong magpahinga sa sala ng ilang minuto ay naisipan kong puntahan si Jayden sa kusina.
Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako napaisip sa lalakeng nakausap namin kanina. Lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang alaala ko.
Pagkapunta ko sa kusina ay naabutan ko si Jayden na nagluluto habang nakasuot ng apron. Hindi ko mapigilan na lumabas ang ngiti sa aking labi dahil biglang lumundag ang puso ko sa saya nang makita ko siya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa kanyang likod. Pinatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Natigil siya sa paghiwa ng sibuyas.
"Babe, are you okay? I love you, you know?"
Sinadya kong gawin malungkot ang tono ng boses ko para makapaglambing sa kanya. Gusto ko kasi ang nagiging reaksyon niya sa tuwing nakikita niya kong malungkot.
"I-I'm fine. I'm just afraid na baka bigla kang mawala sa akin balang araw."
Napangiti na naman ako dahil sa sinabi niya. He never failed to make me smile.
"Do you still thinking about the man before? Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo. Whoever come in my life, hindi na magbabago ang nararamdaman ko sa 'yo."
May gusto pa sana akong sabihin kay Jayden, pero bigla akong nakaramdam ng lungkot pagkatapos kong sabihin ang mga katagang 'yon sa kanya.
"Babe, are you okay?"
Humarap sa akin si Jayden pagkatapos kong kumalas sa pagkakayakap sa kanya dahil bigla na namang sumakit ang ulo ko.
Napahawahak ako sa aking ulo nang may ilang alaala na tila bumabalik sa aking isipan. Putol-putol na alaala na hindi ko maintindihan.
'Drew, can you cook a food for me?'
'Why do I bother? You are just my wife on the paper.'
'Drew...'
"Zoe! Why are you crying? What's going on?"
Hindi ko kayang sagutin si Jayden dahil nakaramdam ako ng panghihina sa mga naalala ko hanggang sa hindi ko namalayan na unti-onti na rin akong nawalan ng malay.