CHAPTER 7

1054 Words
Andrew POV. Dumaan na ang umaga, pero hindi pa rin umuuwi ang hayop na 'yon. Nasaan na ba siya? Huwag niyang sabihin na tuluyan na siyang umalis nang hindi man lang nagsasabi sa akin? I called her phone so many times, pero walang sumasagot. This can't be! Hindi siya aalis dahil hindi pa napupunta sa kamay ko ang company ni Dad. Tama. Ito ang dahilan kung bakit kahit gaano ko man kainis at kinasusuklaman ang babaeng 'yon ay hindi ko siya p'wedeng paalisin sa pamamahay na 'to. Hindi pa p'wede hangga't wala pa ang kayamanan ko sa 'kin, pero sa tingin ko ay hindi naman siya aalis ng walang dala na gamit? Nasaan na nga ba kasi ang babaeng 'yon? Lagot siya sa 'kin sa pag-uwi niya rito dahil inabot na siya ng umaga. Lumingon ako sa kinalalagyan ng cellphone ko nang bigla itong sunod-sunod na tumunog. I get my phone and check my message box. Sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa aking nabasa. 1 message from my love, Samantha Good morning, hubby! How's your day? Nagalit ba si Rhia kahapon? I love you. Mhuwaah! Si Samantha talaga ang babaeng pinakagusto ko sa buong mundo. Kahit kasi napakakomplikado ng sitwasyon naming dalawa, inintindi niya pa rin ang sitwasyon na mayroon ako. I tap my cellphone at nag-reply kay Samantha. Message sent to my love, Samantha Good morning too, my wifey! My day is always alright because of you. Don't worry, hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Rhia. Tsaka alam naman niya na ikaw ang lagi kong kasama. I love you more! Mhuwaah! Mhuwaah! Pagkatapos kong mag-reply kay Samantha ay ginawa ko na ang morning routine ko. Then, after that, narinig kong may nag-doorbell kaya naman agad akong nagtungo sa gate para tingnan kung sino ang dumating. At first, I thought it was Rhianna, pero hindi pala. It's Jared. That bastard! "What are you doing here?" Inis ko siyang binalingan ng tingin. Hindi kaya nagsumbong na naman ang babaeng 'yon dito? Kung oo, mas lalo siyang malalagot sa 'kin! "I'm just checking my sister. Baka mamaya ay mabalitaan ko na naman na nasa hospital siya dahil sa 'yo." Tinitigan niya ko ng masama, pero nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. "Oh? Kasalanan ko na pala ngayon kung bakit nasa hospital siya? Hindi ba siya ang dapat sisihin dahil sarili niya ang pinapabayaan niya?" Pinili kong umakto ng normal sa harapan niya kahit nararamdaman ko na may mali sa nangyayari. For the first time, Rhianna lied to me? Everyone always blame me, but as if I care. Sa totoo lang, ako pa nga ang dapat kaawaan dahil katulad ni Rhianna, nagmamahal lang din ako. Kaya lang, bakit ba kami laging pinaglalayo ni Samantha? Isa pa, kasalanan ko ba kung hindi ko talaga kayang mahalin ang babaeng 'yon na wala ng ibang ginawa kundi ang ipagsiksikan ang sarili niya sa akin? "Well, kahit saan mong banda tingnan, you are her husband and it's your responsibility to take care of her. Nasaan na ba siya?" Napailing at napa-smirk na lang ako sa sinabi niya. "She's not here. Umalis siya kahapon pa at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ba siya nagtungo sa 'yo? O baka naman... may kasama na naman siyang lalake at lumandi na naman?" Lalong sumama ang timpla ng mukha ni Jared sa sinabi ko. "G*go! Sa inyong dalawa, ikaw ang mas malandi dahil may asawa ka na, nakukuha mo pang makipaghalikan sa iba! Hindi ko lang alam baka sa harapan pa ni Rhia!" Halos mabasag na ang ear drums ko dahil sa sigaw niya. Nag-iba na rin ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. "Huwag na huwag mong idadamay ang pagsasama namin ni Samantha! Dahil simula pa ng una at hindi pa kami kinakasal ni Rhianna, nagmamahalan na kami ni Samantha." Sinalubong ko ang nagliliyab niyang galit. "Heh. I have nothing to say. Aalis ako ngayon at kapag hindi pa rin tumawag sa 'kin si Rhia sa loob ng isang linggo at mabalitaan ko lang na may nangyaring masama sa kanya, humanda ka sa 'kin. Sisiguraduhin kong magiging mesirable ang buhay mo." Pagkatapos niya kong pagbantaan ay umalis na rin siya kaagad. Tsk! Pareho silang dalawa ng babaeng 'yon! Wala na silang ibang ginawa kundi ang sirain ang buhay ko. Kundi guluhin at um-extra sa pagmamahalan namin ni Samantha. Pagkaalis ni Jared ay agad akong pumasok sa loob ng bahay para muling tawagan ang hayop na 'yon, pero naitapon ko na ang cellphone ko nang wala man lang sumagot sa kabilang linya. Damn her! Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? Dahil sa nangyari, lumabas ako ng bahay at pumunta sa mga lugar na maaari niyang puntahan. This time, I really need to find her. Someone's POV. I don't know what to do right now. Nakasaga ako ng babae and right now, nasa critical condition siya. Pinagpapawisan na ko ng malapot at kinakabahan. Hindi rin ako mapakali at palakad-lakad dito sa kinalalagyan ko ngayon. Nasa emergency room 'yong babae at wala pa kong alam tungkol sa kung ano ng lagay niya ngayon. May mga nurse na lumalabas-pasok sa emergency room, pero wala ni isang salita ang lumalabas sa kanilang bibig para sabihin sa akin kung ano na ba ang lagay ng babae na lalo ko lang ikinakaba. Sa kakalakad ay napagod ako at umupo na lang. Muling nagbalik sa aking isipan ang napakaamong mukha ng babae. I think nakita ko na siya dati, pero hindi ko alam kung saan lugar at kailan. Maya-maya ay lumabas ang doktor sa emergency room at nagtungo sa direksyon ko. Napatayo ako sa aking upuan at seryoso ang mukha na humarap sa paparating na doktor. "Ikaw ba ang kamag-anak ng pasiyente?" tanong nito sa 'kin. Agad naman akong tumango sa kanya kahit ang totoo ay hindi ko kilala 'yong babae. "Nasa ligtas na siyang kalagayan ngunit mas'yadong naapektuhan ang kanyang ulo dahil sa lakas ng pagkakatama nito sa naganap na aksidente kaya naman nagkaroon siya ng amnesia. It means, nabura ang lahat ng alaala niya." Natigilan ako sa binalita ng doktor. Nabura ang lahat ng alaala niya? Pero, ni hindi ko alam ang pangalan niya. Paano ko malalaman kung sino ang pamilya niya? Lalo akong nainis sa sarili dahil sa naisip ko. Anong katangahan ang ginawa ko sa babaeng ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD