CHAPTER 6

1018 Words
Rhianna's POV. Mga ilang linggo lang din ang lumipas ay pinauwi na ko ng sarili kong doctor. Wala naman daw magiging problema kung iinumin ko ang mga gamot na kailangan para sa sakit ko sa takdang oras. Sa loob din ng isang linggo na 'yon, hindi ko man lang nasilayan ang mukha ni Drew kahit isang boses. Napag-isip isip ko na may hangganan din pala talaga ang kayang gawin ng isang tao sa taong mahal niya. Plano ko na palayain na lang siya. Ilang beses ko ring tinanong sa isip ko kung kaya ko bang palayain siya, pero ang sagot lagi ng isip ko ay tama na. Sinubukan ko ring tanungin ang puso ko, pero lagi lang tugon nito ay pagod na ko. S'yempre masakit para sakin ang palayain ang isang taong ilang taon mong pilit na pinaglalaban, pero naisip kong tama na. Tama na naipakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Sapat na. Sapat na para saking isipin na minsan naging akin siya. Ayos na. Ayos na para sa akin na maging isa na lang siyang alaala. Isang magandang alaala na puno ng lesson. Kaya naman naisip ko na bago ko siya palayain, naisip ko na sana bago man lang kami magkahiwalay ay masayang alaala ang iiwan niya sa akin. Nandito ako ngayon sa sala at kasalukuyang hinihintay si Drew. May mahalagang bagay kasi akong sasabihin sa kanya. Si Yaya Rhian naman ay wala rito sa bahay dahil pinagbakasyon pala siya ni kuya Jared. Kaya mag-isa lang talaga ako ngayon dito. "Oh? Andito kana pala? Bakit hindi ka nagsabi?" Napatayo ako bigla mula sa pagkakahiga sa sofa ng sala nang marinig ko ang boses ni Drew. Lumingon ako sa direksyon niya at nakita ko si Drew kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita. Nakahawak siya ng mahigpit sa braso ni Drew habang nakayuko. Natuon ang atensyon ko sa babae ng iangat nito ang kanyang mukha at tumitig din sa akin. "Ikaw ba si Samantha?" Hindi ko magawang kontrolin ang mga salitang lumalabas sa bibig ko dahil pakiramda ko ay tinatalo ako ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Natigilan 'yong babae sa tanong ko. Kahit ako ngayon ay pilit na pinagmukhang maayos ang lagay sa kanilang harapan kahit kanina pa gustong lumabas ng luha sa mga mata ko. Dahan-dahan na tumango ang babae bilang tugon sa naging tanong ko kanina. Pilit akong ngumiti sa harapan nila para mapigilan ang nagbabadya kong luha. "Pasensiya kana at hindi ko sinabi sa 'yo na darating na ko, Drew. Hindi mo naman sinabi na dito pala kayo magkikita ni Samantha. Sana napagluto ko pa kayo. By the way, tumawag ang Kuya ko at pinapapunta ako sa company niya kaya aalis muna ko." Hindi ko mapigilan magsinungaling sa harapan nila dahil gustong-gusto ko ng umalis sa harapan nila. Hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdaman ko nang maisip na habang nasa hospital ako at nagpapagaling, sila naman ay nagpapakasaya na para bang hindi ako nag-eexist sa mundo. Gano'n pa man, napansin kong natigilan at parehong natahimik ang dalawang kaharap ko ngayon dahil sa sinabi ko. "Well..." Umiwas ng tingin sa akin si Drew. "Gano'n ba? Sayang naman at hindi man lang tayo makakapag-usap ng matagal." Nahihimigan ko ang lungkot sa tinig ni Samantha. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano. Napaka-angelic kasi ng mukha niya kaya masasabi kong mas bagay nga sila ni Drew. It's really hurts in my side, pero sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng saya. Siguro dahil sa ngayon ko lang napagtanto na lubha nga na nagmamahalan sina Drew at Mantha sa isa't isa. Nakakatuwang isipin, pero sa tingin ko, ako talaga ang kontrabida sa storyang ito. Ngumiti ako kay Samantha at Drew at saka nagpaalam sa kanilang dalawa na ako ay aalis na. Hindi ko na sila hinintay na sumagot at tumalikod na sa kanila. Narinig ko pang tinawag ako ni Drew, pero hindi na ko muling lumingon pa sa kanya dahil alam ko na kapag lumingon pa ko, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko at tuluyan na kong mapapaluha sa harapan nila. Magmumukha akong kawawa at talunan. I think this is over. A game over. Tuluyan na kong lumisan sa tahanan na hindi ko na siguro makikita pa. I get my car at nagbyahe sa kung saan man. Gusto kong makalayo... Gusto kong lumayo sa kanila. Malayong-malayo kung saan hindi ko na siya muling makikita pa. Habang nagmamaneho ay walang tigil sa pag-agos ng luha ko. Hindi ko alam kung saan ako ngayon pupunta. Basta nagmamaneho lang ako ng nagmamaneho. Hanggang sa pagliko ng aking sasakyan ay saktong pagdaan ng isang malaking track. Nagkasalubong ang aming sasakyan at dahil doon, naramdaman ko na lang na may tumutulong likido sa aking mukha hanggang sa unti-onting ng nagdilim ang aking paningin. * Andrew's POV. Hindi ko alam kung bakit I felt guilty nang umalis si Rhianna. Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na ito at pakiramdam ko ng tumalikod si Rhianna ay hindi ko na siya muling makikita pa. Habang naglalakad siya palayo, pakiramdam ko ay hindi na siya muling lalapit pa sa akin. "Drew, are you okay?" Nagbalik ang isip ko sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Samantha. "Of course, I'm okay. Come here and I will give my present to you." Umakyat ako sa second floor para kuhain ang regalo ko kay Samantha. Anniversary kasi namin ngayon. Nagtungo ako sa kuwarto namin ni Rhianna at kinuha sa ibabaw ng lamesa ang regalo ko kay Samantha. Pagkakuha ko rito, aksidente kong natabig ang picture frame ng kasal namin ni Rhianna. Nalaglag ito at nabasag. "s**t. Wala kana nga sa bahay, gumagawa ka pa rin ng paraan para asarin ako." Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa inis. Isa-isa kong pinulot ang mga bubog na gawa ng nabasag na picture frame at aksidente na namang nasugatan ang kanang daliri ko. Pinulot ko ang picture namin ni Rhianna at tiningnan ang picture naming dalawa. I really feel that something going to happen. Sana mali lang ang kutob ko. Sana walang masamang nangyari sa kanya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD