bc

Lady Boss

book_age18+
215
FOLLOW
2.5K
READ
love-triangle
HE
mafia
heir/heiress
tragedy
mystery
like
intro-logo
Blurb

Piniling magpakalayo ni Reign sa magulo niyang mundo, at sa kanyang bagong mundong napuntahan muli niyang makikilala ang lalakeng sangkot ng kanyang nakaraan na katulad niya rin ay naghahanap din ito ng hustisya sa pagkawala ng kanyang asawa. Sa muli nilang paghaharap, makakamit kaya nila ang hustisya na matagal na nilang hinahangad o makakabuo sila ng panibagong pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Chapter1
Sa buhay hindi kailangan masipag ka lang! Kailangan mo ring maging matapang para lagpasan ang mga pagsubok na ibinigay ng maykapal sa atin. Kailangan mong maging matapang para harapin ang mga taong mapanghusga at mapanglait sa lipunan. Mga taong sakim sa kapangyarihan, at mga taong sinasabihan ka ng kung ano-ano dahil sa estado mo sa buhay. Kailangan mong maging matapang para labanan ang mga taong walang karapatan para saktan ka. Dahil hindi lahat ng oras ay pwede mo silang iwasan at takbuhan. Kailangan mong tapusin ang mga bagay-bagay na sumasagabal sayo para magawa mo ang gusto mong gawin sa buhay mo at makamit mo ang mga pangarap mo. SIMULA:  " Aalis kana anak? " tanong sa akin ni Nanay pagkalabas ko ng bahay. " Opo Nay. Malelate na po kasi ako. " " Hindi ka man lang ba kakain? " tanong pa nito sa akin. " Hindi na po Nay, kailangan ko na po kasing pumasok. " nakangiting sabi ko sa kanya. Lumapit ako at humalik sa pisngi niya, nagpaalam na rin ako na aalis na. Baka kasi mag-aalburuto na naman ang matandang yun kapag nalate ako. Pagdating ko sa pinagtratrabahuan ko, agad akong dumiretso sa may kusina at ipinatong nalang yung bag ko sa ibabaw ng mga pinalalagyan ng mga plato at baso. Wala rin naman silang makukuha dyna sa bag ko sakaling may magtangkang magnakaw dyan. " Himala at maaga ka ngayon. " mataray na sabi sa akin ni Boss pagpasok ko palang sa may kusina. " Magtaka kayo kung malate ako. " nakangising sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya at tiningnan ako ng masama. Sanay na ako sa ganyang ugali niya, at ganun rin siya sa akin, sanay na siya na lagi ko siyang binabara. Ewan ko ba sa matandang to, simula pa ng pumasok ako dito sa karinderya lagi niya nalang ako pinagkakadisketahan kahit wala naman akong ginawang mali sa kanya. " Umayos ka Reign, kung ayaw mong paalisin kita dito. " seryuso nitong sabi sa akin. Bigla namang lumambot yung mukha ko at maamong nakatingin sa kanya. " Hindi ka naman mabiro Boss. Pinapatawa nga lang kita dahil ayaw kung makita kang laging nakasimangot. Gusto ko kasi lagi kang happy para lalo kang gumanda. " nakangiting sabi ko sa kanya. Sandali lang ako nito tiningnan saka walang sabi-sabi na lumabas ng kusina. " Araay! " biglang sigaw ko ng batukan ako. Tiningnan ko naman ang may gawa non. " Ibang klase ka tagala Reign, naloko mo na naman si bruha- " agad ko namang tinakpan yung bibig niya dahil baka marinig pa niya kami. " Ang ingay mo! Mamaya marinig ka nyan masesante pa tayo. " bulong ko sa kanya. Inalis niya naman yung kamay ko na nakatakip sa bibig niya saka humarap sa akin. " Natakot ka pa? Ni hindi ka nga natakot na sagutin yun. " sabi nito. " Daldal mo. " sabi ko nalang at tumulong na sa kanila. Kumilos na kami at tumulong sa kanila sa pagprepare ng mga order. Hindi gaano kalaki ang karendirya ni Boss, pero marami naman ang kumakain dito dahil narin sa masarap na luto ng chef namin dito. Lalo na at malapit ang karendirya na ito sa may construction site, school at iba pang establishment. Kaya talagang araw-araw kaming busy dito dahil dito rin sila kumakain. Sa kusina ako nakaassign at sa labas naman ang kaibigan kung si Abby. Alam niyo kung ano ang trabaho ko sa kusina? Tagahugas ng pinggan, tagalinis ng sahig, at tumutulong din ako sa pagluluto minsan. Mahirap siya dahil sumasakit yung likod mo lalo na sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Pero kailangan mong tiisin dahil kailangan mo ng pera. " Hay! Thank you at out na rin. " sabi ni Abby habang isa-isang inaalis yung hairnet niya at apron habang nilalagay ito sa may bag niya. " Wala na bang bago sayo? Parang yung out nalang natin ang lagi mong binabantayan ha. " sabi ko sabay labas ng kusina at sumunod naman siya sa akin. " Tumahimik ka nga! Nakakapagod kaya yung trabaho ko. " reklamo nito. Napatigil naman ako sa paglakad at saka humarap sa kanya habang nakataas yung isang kilay ko. " Hiyang-hiya naman ako sayo, Besh? Yung trabaho ko tagahugas ng pinggan at tumutulong din sa kanila sa pagluluto. Idagdag mo pang kailangan kung linisin ang buong kusina baga tayo umalis. Samantalang ikaw nagseserve lang? " sarcastic na sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya at talagang napaisip pa siya. " Oo nga no! " nakangiti nitong sabi. Binatukan ko nga dahil parang nang-iinis e. " Bahala ka na nga dyan. " inis kung sabi at nagpatuloy na sa paglalakad. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin. Umalis na kami sa karendirya ni Boss pagkakuha ng sahod namin. Arawan kasi ang sahod namin dito at 250.00 pesos a day. Okay na rin yun, sapat na yun para makabili ako ng pagkain namin. At ang natira, ibinibigay ko kay Nanay para panggastos niya narin kapag may gusto siyang bilhin. " Reign, mukhang maaga pa naman. Anong gusto mong gawin natin? " tanong nito sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi niya. 5:30pm palang at wala naman akong gagawin sa bahay. At sanay narin sa akin si Nanay kapag ginagabi ako ng uwi. " Raket tayo. " nakangiting sabi ko sa kanya. " Sure. " agad nitong sang-ayon. Kami lang dalawa ni Nanay sa bahay. At si Abby naman siya yung panganay sa dalawa niyang kapatid. Kaya sa aming dalawa siya yung mas nangangailangan ng pera. Dahil yung Tatay niya maliit lang ang kita sa pagmamaneho ng jeep. Kaya kailangan niya ring magtrabaho para makatulong sa pamilya niya. Ako naman kailangan kung magtrabaho para may makain kami ni Nanay. Ayaw kung patrabahuin si Nanay dahil matanda na ito at baka hindi kayanin ng katawan niya. Kaya ako nalang yung nagtratrabaho. Tulad ng sabi ko kanina, naghanap nga kami ni Abby ng raket. Kung saan kami pumupunta para lang makaraket at makapera. Kaya lang wala kaming mahanap dahil hindi sila tumatanggap na paextra-extra lang. Gusto nila ay yung regular employee talaga. " Pano na yan Reign. Kanina pa tayo paikot-ikot dito pero wala parin tayong makahanap ng extrang trabaho. " reklamo nito at pasalampak na umupo sa may bench. Sa may park kasi kami napadpad matapos ang paglilibot namin kanina. " Hayaan muna, makakahanap din tayo. " Marami pa namang business dyan na nangangailang ng serbisyo. Kaya makakahanap din kami, sa hirap kasi ng buhay, kailangan din naming makahanap ng iba pang trabaho para dagdag income na rin. Dahil talagang hindi sapat yung kinikita mo sa maliit na sahod lang lalo na at marami kang bubuhayin. " Totoo ba yung sinasabi mo? " " Oo naman! Malaki daw ang premyo kapag nanalo ka don. " " Talaga! Sali tayo. " Nagkatinginan kami ni Abby ng marinig namin ang usapan ng dalawang lalake na yun. Saka sabay kaming napangiti na para bang pareho lang kami ng iniisip. Pareho kaming napatayo at sinundan yung dalawang lalake sa kung saan man sila magpunta. Gusto kasi namin malaman kung ano ang pinag-uusapan nila dahil malaki daw ang premyo kapag nanalo ka. Nang makarating kami sa pinuntahan nila, doon namin nalaman ang tinutukoy ng dalawa. " May fiesta ba dito? " " Abat! Malay ko? Magkasama tayong pumunta dito. " sabi ko sa kanya. Lumapit naman kami ng kunti sa may gitna kung saan may nagpeperform sa may stage. Mukhang napadpad kami sa ibang baranggay at mukhang may fiesta nga dito. Marami kasing nakalagay na bandiretas sa may taas at idagdag mo na sa rami ng tao. " Kung sino pa ang gustong sumali sa pacontest namin! Magparegister na kayo! Kahit anong klaseng talent pwede! At kapag nanalo kayo? 5,000.00 ang makukuha niyong premyo. " sabi nong MC.. Muli kaming nagkatinginan ni Abby sabay ngiti ng malaki saka naglakad para maparegister. Marami nga ang gustong sumali at talagang nagpakitang gilas pa. At talagang masasabi kung lahat talaga pursigido para makuha ang premyo. " Hindi kayo taga rito? " tanong sa amin nong taong naglilista. " Hindi po. Napadpad lang po kami dito para sumali sa pacontest niyo. Kailangan po kasi namin ng pera. " nakangiting sabi ko sa kanya. " So, anong talent niyo? " tanong pa nito. Matapos naming sabihin kung ano ang talent namin at ng makapasa kami. Umupo nalang kami ni Abby sa isang tabi at naghihintay na matawag yung number namin. Nagsisimula narin kasi ang pacontest nila. At talagang nagpapakitang gilas ang lahat ng contestant. " Reign, malapit na pala ang pasukan natin. Nakaipon kana ba para sa mga gastusin natin? " tanong nito. " Nakaipon ako, pero kunti lang. Sapat lang yung pera ko sa gastusin namin ni Nanay kapag wala na akong trabaho. " sabi ko sa kanya. " Pareho pala tayo. Kulang pa nga yun sa pambili ng gamot ng kapatid ko. " sabi nito na halata yung lunglot sa boses niya. May sakit kasi yung kapatid niya. Kaya talagang kulang yung sahod niya sa karendirya para pang bili ng pangangailangan nila lalo na at malapit ng pasukan namin. Walang problema sa pag-enroll dahil pareho kaming may scholarship sa school na pinapasukan namin. Ang talagang kailangan namin yung panggastos namin para ipangbili ng gamit. " Kaya dapat manalo tayo. " nakangiting sabi ko sa kanya. Nang matawag na yung number namin. Umakyat na kami sa may stage magkateam kasi kami kaya kailangan naming ipanalo ang contest na ito. " Lest start. " nakangiting sabi ko kay Abby. Tumango lang ito sa akin saka kami nagfucos ng iplay na yung music. Sumayaw lang naman kami ni Abby, yung sayaw na siguradong mapapabilib namin yung mga judges. Pareho kasi kami magaling sumayaw ni Abby. Kaya walang problema sa amin kung magkagrupo kaming sumali. Minsan narin naming pinapraktis ang sayaw na ito. Kaya talagang magkasundo kaming dalawa. Nang matapos kaming sumayaw, pareho kaming napangiti ng nagpalakpakan yung mga tao at yung mga judges. At ng matapos magperform lahat ng contestant, agad namang inanounce kung sino ang nanalo. And supposedly! Hindi kami ni Abby. Nanalo yung isang contestant na talagang kami ay napahanga dahil talaga namang maganda yung ginawa nila. Pero atleast naka second place kami ni Abby, kaya may maiiuwi rin kaming pera. 3,000.00 ang nakuha namin. Pinaghatian namin yun dalawa saka umuwi na may ngiti sa labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

The Masked Heart: Silver Lincoln

read
33.8K
bc

The Only Girl In Section Sea

read
9.8K
bc

SECRET UNTOLD SERIES 12: YO RINGFER

read
12.0K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.4K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
146.0K
bc

Dangerous Spy

read
322.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook