Pagkaalis nila Sir ay umalis na rin kami ni Abby para puntahan yung mga magulang niya. Pagdating namin sa hospital agad naman namin tinanong kung anong room yung papa ni Abby saka namin ito pinuntahan. Pero mukhang hindi na yata namin kailangan pang maghanap, dahil sa labas ng pinto ay napansin kuna ang isa sa mga tumulong kina Abby. Ang isa ko pang kaibigan. Kaya agad kung tinawag si Abby papalapit sa akin. " Dito na yung room nila, mauna kana munang pumasok sa loob. " " Susunod ka ha. " tumango naman ako at mahina siyang itinulak papasok sa loob ng room. Pagkapasok nito ay hinarap ko naman ang taong nakasandal lang sa gilid ng pinto at nakatingin lang sa amin. " Akala ko umalis kana. " pagsisimula ko at sumandal din sa tabi niya. " Hindi ako pwedeng umalis Ms. Kailangan ko silang ba

