Ang laki ng ngiti ko matapos kung makahanap ng trabaho. At sa wakas natanggap din ako! Pagkaalis ko kasi don kanina agad akong humanap ng trabaho. Ang hirap kasi ng wala kang libangan, kaya mas mabuti ng may trabaho tayo sa halip na tumambay lang ako sa bahay. Natanggap kasi ako sa isang convience store, medyo malaki yung sahod at swack na swack pa sa oras ko. Sa gabi kasi ako inassign ng may ari dahil kahit papaano makapag-aral pa daw ako sa umaga. Kaya ang swerte ko dahil mabait yung owner. Bukas na din ako mag-uumpisa kaya uuwi muna ako ngayon para mahaba yung tulog ko. Naglalakad na ako papuntang sakayan ng biglang may tumatawag sa phone ko. Kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot agad. " Napatawag ka? " ' Gusto lang kitang iinformed na nandito ngayon ang mga tauhan niya. Kaya

