" What happened Celine? What happened to my daughter? " mahina pero seryusong tanong ni Tito. Nakakanginig din dahil kita mo talaga sa mukha niya ang galit. Tahimik lang ako dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Ni isa sa amin ay walang nagsalita dahil sa takot na nararamdaman namin ngayon. Oo! Takot kami kay Reign. Pero mas takot kami sa ama niya! Kaya kung kinakailangan ayaw naming gumawa ng isang bagay na kinagagalit nito ay talagang pipilitin naming hindi magawa yun. Tulad sa ngayon sa hindi namin pagprotekta kay Reign. " Answer me Celine! Anong nangyari sa anak ko?! " malakas at galit na sigaw ni Tito na siyang kinasinghap naming lahat. " I-I-I don't know Tito. Hindi namin k-kasama si Ms. kanina d-dahil lahat kami ay b-binigyan niya ng mission. " nanginginig at nanatil

