Pagkaalis nina Mama ay agad kung hinarap ang mga kasama ko sa kwarto at seryuso silang tiningnan. " Kamusta ang mga natitirang bayan? " tanong ko sa mga ito. " Napasok na nila ang dalawang bayan Reign bago pa naming natulongan ang mga tauhan ni De Guzman. " Iwan ko pero, parang bigla akong naestatwa ng marinig ko ang apelyido na yun. Matagal ko din pala siyang hindi nakikita. Kamusta na kaya siya? Muli na naman bang nadagdagan ang galit niya sa akin? Aminin ko man o hindi, namimiss ko din ang lalakeng yun. " Ang natitirang bayan nalang ay ang San Antonio, Nicolas at ang Damian. " " Huwag niyo ng galawin ang Damian, may nagmamay-ari na sa bayan na yun. " sabi ko sa mga ito. " Pero Reign . " Sinamaan ko ng tingin si Sage dahilan para matahimik ito. " Did you know Kristel Cane Sandov

