“Nagbar,”
Mas lalong nalukot ang mukha nito pagkatapos ko itong sagutin. Totoo naman, ah? Nagpaalam ako.
“We should go home, Kelsey.”
Napaawang ang labi ko sa biglang pagbago ng mood nito. Klaro iyong hindi pagkakagusto sa sinagot ko. Isang lunok ang ginawa ko bago sumunod sa kanyang naglalakad paalis at pauwi.
Kinakabahan na ako sa totoo lang, na hindi naman dapat kasi wala naman akong ginawang mali. Di naman ako nagloko at lalong hindi naman ako nagkalat doon.
Tahimik itong nagdadrive, samantalang hindi naman ako mapakali. Naglilikot ang isipan ko sa nangyayari.
“Let’s get inside,” monotone ang boses nito habang inuutusan akong umakyat na itaas.
At habang tumatagal, mas lalong lumalakas ang t***k ng puso ko. Hindi ko yata mapapakalma iyon hanggang sa makausap ito.
“Kuy—“
“We’ll just talk, Romana.”
Lumunok ako at napatitig kay Romana na nagtataka sa nangyayari sa Kuya nito. Kasi ang totoo, ramdam ko iyong galit nito.
Galit ba siya dahil nagbabar ako? O galit ito kasi hindi ko nasabi nang maayos? Ewan,
“Nakailang bar kayo?”
Agad na tanong nito pagkatapos na maupo sa kama. Kagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatayo sa likod ng pintuan at nakatitig dito na kunot ang noo habang nakatitig sa akin.
“N-nakadalawa lang,” iling ko rito.
Tumango ito at yumuko muli sa hawak na cellphone. Ipinakita nito ang sa akin ang laman noon. At nakitang ako iyon, nasa gitna ng dance floor kasama ang mga babaeng kaibigan. Klarong nagsasayaw kami roon kahit na isang pirasong picture lang iyon.
“This will be the last time, Kelsey. I am not tolerating this...” iling nito.
Menimorya ko iyong pangalan ng may-ari ng account na iyon. Hindi pamilyar. Parang Dummy pa nga yata... may isa ba akong kaaway para guluhin ako ng ganito?
Hindi ko maalala,
“O kung gusto mong magbar, sasamahan kita. Ayaw ko nang naggagala kang mag-isa. At kahit sabihin pang mga kaibigan mo iyan.”
Tumango ako. Ngumuso at saka huminga nang malalim bago lumapit sa kanya.
Tumingala ito nang bahagya at tumitig sa akin hanggang sa naramdaman ko ang braso nitong pumulupot sa bewang ko dahilan kung bakit nabuwal ako roon at niyakap din ito nang mahigpit.
“You got me scared,” bulong pa nito pagkatapos na lumanghap ng hangin.
Naiintindihan ko at hindi na mauulit pa iyan. Huli na talaga. Di na pwedeng magpauto pa ako kay Nadia, dahil siguradong mapapagalitan na ako nang totoo sa susunod.
Nagtataka ang mga mata ni Romana habang nakasunod sa’min. Tumigil lang iyon nang napansin nitong bumalik na kami sa dating gawi. Tinulungan pa nga ako ni Kuya Rameil sa niluluto. Pagkatapos nagpaturo rin ako dito ng ilang case doon sa studies ko. Na mabuti na lang maalam ito at napaintindi kaagad sa akin.
“Huli na iyon, Baby. Please?”
Ngumuso ako at tumango. Hindi naman ako makulit ah?
Kaya noong Lunes ipinaliwanag ko kay Nadia ang dahilan kung bakit hindi na ako makakasama sa mga lakad nitong party. Ayaw ko lang na mag-away pa kami ni Kuya Rameil. Na maliit na bagay lang naman at pwedeng pag-usapan at iwasan.
“Okay, I understand.” Pilyang ngisi nito.
Umiling naman ako at tinuro sa kanya ang huling lesson kanina. Mabuti at nakikinig naman. Hindi na ako mahihirapan pang turuan ito sa susunod na exam.
Dalawang buwan na ang lumipas at mukhang banayad ang takbo ng buhay ko. Maliban na lang talaga sa pagiging pakialamera ni Ate Grace. Di ko alam kung anong inggit iyang nararamdaman niya at laging ako ang pinakikialaman. Na alam kong habang tumatagal ay mas lalong lumalalim.
“Hindi na yata madalas dumadaan iyang boyfriend mo rito?” Ismid nito habang pareho naming pinupunasan ang glass wall.
“Busy lang po sa work, Ate.” Iling ko rito.
Oo nga’t hindi madalas mapadaan si Kuya Rameil dito, syempre may trabaho iyong tao... at di naman ibig sabihin no’n na parang pumupusyaw ang relasyon naming magboyfriend... ang di nito alam madalas pa rin naman kami nagkikita sa Unit. Sadyang hindi lang nagkakatagpo ang schedule.
“Bantayan mo iyan, baka may iba nang nilalandi.” Tawa pa nito.
Nang nawala ito at sumimangot lang ako at niligpit ang mga gamit panglinis. Ayaw ko na lang patulan ang isang ‘yon. Masyado itong makulit... at pinipilit na may iba si Kuya Rameil.
Naku, kahit ilang araw pa kaming hindi magkita... alam kong hindi magloloko ang isang yon. At wag lang sana.
“Happy Birthday, Ram...” bulong ko rito pagkatapos na iabot ang ihihipan nitong cake. Pagkatapos noon ay nang tumalikod si Romana ay hinalikan ko ito sa labi.
“Best gift ever,” tawang bulong nito.
Ngumuso ako at inayos ang mga inihanda. Ilang minuto lang ay dumating na ang mga bisita nito. Mayorya ay mga katrabaho lang nito na agad kaming ipinakilala.
Pulang-pula nga ako habang tinutukso kami roon. Ewan ba, makukulit.
Pagkatapos may inuman ding nangyari. Sampung bote ang nandoon, pinaghalong hard liquor at wine. Nakontento lang si Romana sa wine samantalang humingi naman ako ng isang basong hard kay Kuya Rameil na tumitig pa sa akin. Puno nang pagdududa ang mga mata.
“Not too much, Baby.”
Tumango ako at dinahan-dahan ang kakaonting bigay nito. Tinulungan ko rin ito sa pag-aasikaso ng mga bagong dating na bisita. Alas dose nang medyo nakakaramdam na ako ng relaks. Umuuwi na ang ilan, lima ang naiwan na kainuman ni Kuya Rameil sa sala. Inaya pa ako noong isa ngunit alam ko iyong titig ni Kuya Rameil na para akong winawarningan.
Ngumuso ako ngunit inabot ko iyong naubos na inumin at humingi pa ng isa.
“This will be the last,” sabi nito, parang nag-aalangan pa sa nilalagay na inumin.
Tawang-tawa naman ang mga kaibigan nito na tinapik pa ang balikat niya.
Umalis din ako at tumambay sa kusina, nilinis ko ang ibang mga gamit hanggang sa nagdesisyon na maupo na lang doon at tumunganga habang umiinom. Hihintayin ko pa kasing matapos ang mga ‘to dahil maglilinis pa ako ng kalat. At saka, baka kailangan ako ni Kuya Rameil mamaya.
“Oh? Why are you here? Doon ka, sa sala, binibida ka na naman ng boyfriend mo!” Tawang lasing na sabi ni Ate Kathia, na isa pala sa mga stewardess na katrabaho ni Kuya Rameil. Mabait saka maganda at matangkad.
Umiling ako rito ngunit hinigit na ako nito palabas. Babalik na sana ako sa kusina pagkatapos nitong bitawan ang braso ko kaso lumingon si Kuya Rameil at hinila ako sa tabi nito.
“Oo na, Ram! Ikaw na ang may magandang girlfriend.”
Para akong nauupos na bahagyang nagtago sa likod ni Kuya Rameil na alam kong medyo lasing na ng mga panahon na yon.
“I know,” mayabang na sabi nito bago lumingon sa akin.
Nag-init tuloy ang pisngi ko, lalo na at tinukso pa ito lalo. Masaya nga kaming nag-uusap at dahil minsan ay sinasali rin nila ako. May pagkakataong ako ang nagtatanong lalo na kapag may koneksyon sa trabaho ng mga ‘to. Na masayang marinig. Dahil kahit ilang buwan pa lang akong nag-aaral ay marami na akong natutunan, lalo na rito.
“Antok na ako,” sabi bigla ni Ate Kathia na humiga kaagad sa sofa.
Halatang inaantok na rin ang lahat. Ako lang itong nasa matino pang pag-iisip pagkatapos na dumikwat ng ilang shots. Si Kuya Rameil mukhang napagod na rin pero halatang nasa huwisyo pa. Pagod siguro mula pa kanina kaya nagmukhang lasing.
Nang napansin kong humihiga na sa sala ang ilan ay tumayo na ako at nagligpit. Binalikan ko rin kaagad si Kuya Rameil na naalimpungatan at napatitig sa mga kasama.
Tumitig din ako roon. Umuwi na ang dalawa kanina. At may naiwan pang tatlo. Dalawang babae at isang lalaki.
“Doon ako,” tukoy nito sa silid ko.
Nagpipigil naman ako ng sarili na magsalita. Tinulungan ko rin si Kuya Rameil na akayin ang dalawang babae hanggang sa silid. Naiwan ang isang kinumutan sa sofa. Pumasok muna ako sa silid habang nasa sariling silid naman si Kuya Rameil at kumuha ng pamalit.
Isasara ko na sana ang pintuan ng bathroom kung hindi lang pinigilan ni Kuya Rameil. Na nakangisi at kagat ang pang-ibabang labi. Mukhang nasa katinuan.
“I forgot to unwrap my present,”
Syet na malagkit! Akala ko naman pagod ‘to?! Bakit minadaling araw kami sa bathroom? Nanginginig na nga ang mga binti ko habang nag-aabot ng pamalit. Swabeng nagbibihis naman si Kuya Rameil at tinulungan akong magbihis pagkatapos.
“Happy Birthday to me,” tawang bulong nito.
Siniko ko nga dahil baka may tao sa labas at marinig kami. Nakakahiya. Bakit naman kasi triple ang gana nito ngayon? Hindi ko maintindihan. Nakatatlo pa nga ito na na hindi naman madalas mangyari rito.
“Let’s sleep,” bulong nito at niyakap ako sa likod.
Umiling nga ako at natulog nang matiwasay. Mahimbing iyon... at kabaliktaran ng nangyari kinabukasan.
Alas otso na ako nagising, kaya nagulat ako at nagmamadaling naupo. Hindi ko naramdaman si Kuya Rameil mula sa likod ngunit ang magisnan itong nakakunot ang noo at nakaupo sa gilid ng aking higaan... ay siyang sibol ng sobrang kaba.
Maliban doon, kita iyong lalong paglalim ng gitla ng noo nito. Namumula ang taenga habang nakatutok ang mga mata sa hawak na cellphone.
Nagtataka naman ako at dahan-dahang sumilip. Madilim iyon, video ng mga boses, madilim talaga na hindi ko maintindihan. Maya’t maya ay medyo luminaw at nagulat akong nakita ang sarili na nandoon. Pikit na pikit ang mga mata... at hindi lang iyon. Hindi ako nag-iisa.
“H-ha?”
Baka edit?
“Ikaw yan?” Bulong nito.
Awang pa rin ang labi ko sa pagkakagulat. Tinitigan ko pa rin ang video’ng hindi na tumigil.
K-kaya ba... masakit ang leeg ko noon? Dahil.. ah! s**t! Bakit may ganyan? Imposibleng magagawa ko iyan! At sino ang lalaking yan?! Hindi ko kilala! Bakit pinapapak niya ang leeg ko’t tapat ng aking dibdib?
“I-imposible,” nagtatakang sabi ko rito.
Lumundo ang kama at tumayo si Kuya Rameil na nakababa ang mga mata habang nakatitig sa akin. Malalim iyon. Galit. At mukhang sasabog.
“I know that was you, Kelsey! Kilala kita,” kabadong sabi nito.
Lumunok ako at inalala ang nangyari. Lasing ako noon, at wala akong maalala habang natutulog. Ngunit imposible namang nangyayari iyon nang hindi ko nararamdaman!
“I-imposible,” umiling-iling pa ako habang nakayuko.
“P-paanong imposible, Kelsey? Maliwanag na ikaw yon!”
Nalaglag ang mga luha ko habang iniunti-unti ang mga alaala nang pagkawala ng ulirat ko ng gabing yon. Nakatulog ako... hindi ko alam kung gaano kahaba. At sino naman ang lalaking yon?! Imposible talaga... napakaimposible.
“Ba’t ka natahimik?” Malumanay na tanong nito.
Kaya lang, alam ko, kung gaano ito kagalit dahil sa nakita. Samantalang napipilan ako at nakayuko lang doon. Hindi ko ito masagot nang maayos dahil hindi ko naman maalala. Wala akong maalala. At ang naramdaman ko lang noon ay ang masakit na leeg. Kaya napahawak ako rito na mas lalong ikinagalit ni Kuya Rameil.
“Okay, let’s just talk when our minds are clear.” iling nito bago naglakad palayo.
Suminghap ako at natuyo ang luha bago nagkukumahog na hinabol pa ito kaso nakalabas na at naiwan na lang sa ere ang kamay kong hihila sana sa kanya. Hindi ko naman magawa itong sundan pa sa labas... dahil ang totoo, nanghihina ako sa pagtataka at hiya.
Wala akong maalala, at sino nga ba ang lalaking yon? Bakit may gano’n? Sinamantala ba ako ng gabing yon? Ang hindi ko maintindihan at bakit wala akong maalala?
Inalala ko ang mga panahong nalasing ako, at hanggang ngayon klaro sa alaala ko ang mga ginawa ko noon. Kahit ang kagabi. Kaya naiimposiblehan ako sa nangyari noon sa bar.
At galit si Kuya Rameil... at wala akong maipaliwanag na matino dahil kahit ako ay walang maalala.
“Ate,” tawag ni Romana pagkalabas ko at balak sanang kausapin si Kuya Rameil. Nakauwi na rin siguro ang mga bisita dahil wala na akong makita pang ebidensya na nandoon pa rin ang mga yon.
“Umalis si Kuya,” sabi nito. Na parang nagpapaalam lang samantalang kumabog ng mabilis at masakit iyong puso ko.