27

1951 Words
'Please... Usap tayo' Kanina pa ako hindi mapakali. No'ng sinabi ni Romana na umalis ang Kuya nito, doon na ako nakaramdam ng takot. Galit ba siya? Malamang! Galit iyon! Paanong hindi, nakita nito ang girlfriend na hinahalikan ng kung sinong gagong yon sa mismong leeg. Kaya naman pala masakit ang leeg ko noon, nakaalalay lang ang likod ng sofa habang tinutulak niya ang ulo ko. Mabuti hindi nabali. Sinubukan ko itong tawagan kaya lang naka-off ang cellphone at siguradong hindi na nito nabasa ang itinext ko. Malamang wala na rin itong pakialam at ayaw na lang makinig. Bumuntong hininga ako at pumikit saka tumingala habang nakaupo sa veranda. Huminga ako nang malalim habang iniisip kung kanino galing iyon. Napapaisip pa ako kung sino iyon, hindi ko maalala ang mukha ng lalaking yon. Sa dalawang beses na nagbar ako, hindi pa kahit na kailan ko nakatagpo iyon. Tumayo ako nang nakaramdam ng hapdi sa balat pagkatapos nang mahabang pagkakabilad sa ilalim ng araw. Naligo ako, hinabilinan ng pagkain si Romana at umalis ng condo ni Kuya Rameil. Hahanapin ko. At baka pwede pa naming pag-usapan. Hindi ko naman sinadya iyon ah. Saksi ang Diyos kung gaano kalinis ang konsensya ko. Wala akong kasalanan... at dapat kung ipaintindi iyon kay Kuya Rameil. Sumisilip ako sa bawat madaanan. Nagbabakasakali. Sinubukan ko ring tawagan ito at tulad no’ng una hindi man lang makontak. Kinakabahan na ako ng sobra-sobra. Hindi ako mapakali. Naiiyak na ako. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Kaya nagulat ako noong tinapik ni Ate Grace iyong balikat ko. “Okay ka lang?” Sarkastikong tanong nito. Sumimangot ako na tinawanan lang nito. Mas lalo akong nainis. “Mukhang hindi ka okay... may problema ano?” Umiling ako at sinilip ang cellphone bago naupo sa bench na nandoon. Sumabay din sa akin si Ate Grace habang nakahilig ang braso nito sa amba ng upuan. “Baka matulungan kita,” pangungulit pa nito. Umiling ako, desidido na wag ipaalam sa kanya ang nangyayari. Lalo naman at pag tungkol kay Kuya Rameil. Alam ko naman na matutuwa pa ito. Halatang may gusto pa rin ito sa boyfriend ko. Kaya alam ko rin kung kailan dapat magsasalita. “Okay, fine! Nakita ko pa naman ang boyfriend mo.” Ngisi nito. Napaangat ang ulo ko at mabilis na bumaling sa kanya. Tawang-tawa naman siyang nakataas ang kilay sa akin. “Nandiyan o,” turo nito sa katapat na restaurant. Umawang lang ang labi ko lalo na roon sa pagtayo niya’t pag-alis sa tabi ko. Ayaw ko sanang maniwala, kaya lang gusto ko ring malaman kung totoo ba iyon. Tumayo ako at naglakad. Nanginginig na nga ang mga binti ko sa paglalakad mula pa kanina. Siguro mukha akong pagod. Pero kasi... gusto kong makausap si Kuya Rameil. Sa lahat ng mga ginawa ni Ate Grace, ito lang ang masasabi kong tama. Totoo nga. Nandoon si Kuya Rameil. Nasa isang tabi. Kumakain at parang malalim ang iniisip. Naiiyak ako habang nakatitig sa kanya. Seryoso. Mukhang kumakalma naman na. Kaya lang nag-aalangan pa akong lapitan ito ngayon. Nakaawang na ang labi ko at hahakbang na sana kung hindi ko lang nakita si Ate Gelda na naglalakad palapit rito. Ngumingiti pa habang seryoso naman si Kuya Rameil. Mas lalo akong nag-alangan. Pakiramdam ko makakaistorbo ko. Kahit na hindi naman siguro. Kailangan naming mag-usap. Oo kailangan iyon. “Ma’am?” Untag sa akin ng dumaang waiter. Napakurap ako at mabilis na lumingon dito. “We have 1 free table here,” turo nito sa isang tabi. Tumango ako. At naupo roon. Inabutan naman ako nito ng menu. Pumili ako ng isa at lumingon kay Kuya Rameil na seryoso. Kunot ang noo habang nagkukwento panigurado si Ate Gelda. Kailan pa kaya nagkita ang dalawang ‘to? Ewan... Maghihintay ako ng pagkakataon. Oo ganon ang gagawin ko. Ilang minuto pa lang na kinakain ko ang inorder ay lumingon na rito si Kuya Rameil. Halata ang gulat sa mukha at para naman akong naiiyak habang nakatitig lang sa kanya. Tumayo ito. Kinabahan ako kaya ganoon din ang ginawa ko. Hindi pwede! Mag-uusap pa kami. I swear! Di ko alam ang nangyari noon sa Bar at hindi na talaga mauulit. Nagsituluan ang mga luha ko. Namamalat ang lalamunan. Bubuka at titikom ang bibig. Gusto kong magsalita kaso nagdadalawang isip ako. Naglakad na ito, mabilis. Natataranta namang pinunasan ko ang luha at umalis sa upuan para sundan ito kung sakali mang aalis dito. Kaya lang... tumigil ito sa tapat ko. “What are you doing here?” Nagtatakang tanong nito sa malumanay na boses. Napahikbi ako at kinalma ang sariling wag na muling umiyak. “H-hinanap kita,” “You should have not...” buntong hininga nito. Nanginig ang mga kamay ko sa kaba. Dapat ba? Bakit ang lamig? Bakit parang ayaw nitong hanapin ko siya? “Ohh? Kelsey?” Nabaling ang mga mata ko kay Ate Gelda na lumapit at tumabi kay Kuya Rameil. Mas matangkad lang ito ng kaonti sa akin at mas elegante. Malayo ako. “Gelda,” tawag nito sa katabi. “Inistalk ka ba ng batang ‘to?” Baling nito kay Kuya Rameil dahilan kung bakit napasinghap ako. “H-hindi—“ “Parang nga... diba crush mo ito simula pa noon?” Ismid nito. “Gelda! You got it wrong,” saway ni Kuya Rameil. Lumunok ako at nainis. Dapat kakausapin ko pa si Kuya Rameil pero bakit marami ang asungot ngayon? “Bakit? Totoo naman ah! Crush ka niyan! Bata pa lang crush ka na niyan!” Pang-aasar pa nito. “Gelda, get out of here. Mag-uusap lang kami.” “What?” Di makapaniwalang nagpabaling-baling ang mga mata nito sa’ming dalawa. “She’s my girlfriend... and we should talk.” Mahinang sabi nito. Ngumiwi ito at nagpabalik-baling pang muli ang mga mata bago tumayo nang maayos at nagmartsa pabalik doon sa mesang pinanggalingan at umalis ng resto. “Bakit ka lumabas?” Tanong nito. Huminga ako nang malalim at totoong nangangatog ang mga tuhod ko habang umuupo. Sumunod ito. Nakatitig sa akin. “H-hinanap kita,” sabi ko. Bumuntong hininga ito at lumingon sa labas. “Nagpapalamig lang ako Kelsey... I got mad. And very angry.” Sabi nito sa malumanay na boses. Bumuntong hininga ako at saka kinalma ang sarili. Nagpapalamig lang naman daw. Mag-uusap ba kami? Aayusin ba namin ang problema. “I swear, Kuya Rameil... hindi iyon sadya. Hindi ko kilala ang lalaking yon.” Sabi ko rito. Tumitig itong lalo sa akin. Para bang binabasa niya iyong nasa isipan ko kahit na ang totoo puro kaba lang naman ang nasa itsura ko. “That will be last time you bar hopping, Kelsey. Kung gusto mo, sasamahan kita.” Sabi nito. Bumuntong hininga pa bago inabot ang batok ko at hinalikan iyong labi ko. Kaya hindi ko na napigilan at talagang umiyak ako roon. Tumayo rin siya at niyakap ako ng mahigpit. “Let’s go home... let’s make up things.” Make up things. Ibig sabihin. “T-teka lang,” kabadong sabi ko habang nararamdaman ang daliri niyang humahaplos sa likod ko. Minamasahe ako ngayon at mukhang iba ang gusto nitong gawin. Oo alam ko. At ramdam ko sa tuwing umaabot ang kamay nito sa pang-upo ko at dumudulas papasok sa magkahugpong hita. Mamasahain hanggang sa umabot sa singit. Inabot iyong pinakalooban... kinakanti, tinutukso. Pumikit na lang ako nang mariin habang pinakikiramdaman ang sala. Siniguro kong tulog si Romana bago ako pumasok sa kwarto ni Kuya Rameil. Dahil alam ko namang... aabot kami sa ganito. Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos. Ipinagluto ko sina Romana at Kuya Rameil. Maaga rin ako sa school at nakapaghanda na rin para sa mga quizzes mamaya. “Uuwi ka ba kaagad?” Tanong ni Nadia habang pareho kaming humihigop ng straw ng chuckie habang nakatitig sa open field. Break time at pareho ng busog kaya ito na naman ang nilalantakan ngayon. “Shift ko mamaya sa part time, baka gabihin.” Sabi ko kaagad dahil naiisip ko iyong bar. Mag-aaya na naman sigurado. Tumunog iyong cellphone ko at nakitang message request iyon na hinayaan ko na lang dahil tumunog din ang bell ng next period. Kailangan ko pang mag-aral at saka dapat maaga rin ako mamaya. Tumayo ako at nag-ayos. Sumama rin si Nadia at sinamahan ako sa pagrerecap ng mga lessons na mabuti at mabilis nitong natutunan. Matalino naman talaga ito kaya lang mabilis mawala ang pokus. Alas singko nang natapos ang shift ko kaya agad akong sumakay ng jeep at nadatnan si Romana sa bahay na nagpapahinga sa sala. Masama raw kasi ang pakiramdam kaya hindi pumasok. At mabuti naman maganang kumain kaya kahit papa’no panatag akong gagaling siya kaagad. “Anong gusto mong kainin, Romana? Gusto mo ng may sabaw?” Tanong ko rito habang nagsusuot ng apron. Tumango ito at balot na balot pa rin. Hindi pa siguro magaling. Ewan. At ang malala kaming dalawa lang ngayong gabi. Wala si Kuya Rameil dahil may trabaho at siguro aabutin na naman ng ilang araw. Lagi kasing nakatuka sa flight kaya naiintindihan ko. Pinainom ko kaagad si Romana ng gamot pagkatapos na kumain. Sinamahan ko muna ito sa sariling silid at tinanong kung kailangan pa nito ng tulong. Alas nuebe nang nakatulog ito kaya tumayo ako at bumalik sa sala para manood habang naghihintay na makaramdam ng antok. Tinawagan ko rin si Kuya Rameil at kinumusta na mabilis lang naman kasi para siyang nagmamadali. Ngumuso ako at umayos ng upo habang nagbobrowse sa cellphone. Big na namang nagpop ang message request sa hindi ko kilalang tao. At dahil nakahidden ang message sa settings ay hindi na ko sigurado kung para sa alin iyon. Sanay akong nakakatanggap ng ganoon kaya di na bago. Alas onse nang sa wakas ay nakaramdam na ako ng antok kaya tumayo ako at pumasok ng silid. Maaga rin akong nagising kinabukasan at sinilip si Romana na mahimbing pa rin ang tulog. Baka magpapahinga pa rin at bukas na papasok. Ipinagluto ko na lang ito at para sa mamayang kakainin nito. Saka ako nag-ayos at nag-iwan na lang ng sulat bago umalis. Ganoon pa rin naman ang buhay, kailangang mag-aral at magreview. Dahil di ko alam kung kailan biglang magbibigay pagsusulit ang mga prof. Nagkakaroon lang ako ng pahinga pag nasa trabaho. At maliban doon ay wala na. Tumawag si Kuya Rameil kaya sinagot ko at nag-usap lang kami sandali dahil para na naman itong nagmamadali. Hectic siguro. Ewan ko ba. Alas singko natapos na ako at pagkarating sa bahay ay muling nagluto. Nadatnan ko pa si Romana na naglilinis ng sink kaya sinabihan kong magpahinga muna dahil baka mabinat. Maaga itong natulog. Sinabi nitong papasok na raw siya bukas. Maaga rin akong tumambay sa kama habang tinitingna ang mga bago sa social media at muling lumabas iyong message request. Napakunot na ang noo ko sa kakulitan at napilitang buksan iyon na siyang nagpatahip ng malakas sa dibdib ko. Napaupo ako habang mabilis na iniiscroll ang mga kuha at si Kuya Rameil iyon! May kasamang isang babae. Nag-uusap sa magkabilaang upuan. Yong sumunod nakauniporme ang babaeng mukhang highschool. At kitang nagkakatuwaan pa sa tapat ng isang school. Yong pangatlo at pang-apat parehong kuha sa waiting area ng airport. Sumikip na nang sobra-sobra ang dibdib ko. Bakit iba ang pakiramdam ko? Bakit parang... Nanginginig pa ang daliri ko nang pinindot ang play button ng natatanging video at halos gumunaw ang mundo ko. Napaiyak na ako ng tuluyang habang paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko iyong pag-uusap nila. B-bakit? Mahilig ba sa bata si Kuya Rameil? Bakit ganoon? “O siya, sige na... umalis ka na! Gusto mo lang makascore eh!” Tawa noong highschool habang tinutulak ang braso ni Kuya Rameil na natawa lang din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD